MELCU CHUCK... Naunang lumabas si Dr. Evans kasama ang doctor ni Courtney na nahuli ng mga ito. Naiwan silang tatlo ni Dr. Lewis at Dr. Ferrari sa loob. "Don't worry Mr. Carson, the medicine is on its way. At dito na muna kami para personal na samahan ka at kami mismo ang magbibigay ng gamot sa asawa mo," sabi ni Dr. Lewis sa kan'ya sabay tapik sa kan'yang balikat. "Mukhang may nagtatangka sa buhay ng asawa mo," puna ni Dr. Ferrari. Naalala n'ya ang sinabi ni Henry sa kan'ya na hindi lang mga ordinaryong doctor ang mga ito. "Yes, there is! Actually naging ganito s'ya dahil sa mga taong iyon," sagot n'ya sa mga ito at isinalaysay ang lahat ng sinapit ni Courtney simula ng maaksidente ito. "At mukhang nalaman na ng nga nagtatangka sa buhay n'ya na buhay s'ya kaya pinapatahimik s'ya ulit ng mga ito," sabat ni Dr. Ferrari ng matapos s'yang magkwento. Nagtagis ang kan'yang mga bagang sa kan'yang narinig. Talagang hindi titigil ang mga demonyong iyon hangga't hindi napatahimik si Court
MELCU CHUCK... The medicine arrives at agad na nagsagawa ng test ang dalawang doctor kasama na si Carter para masiguro na safe para kay Courtney ang gamot na ituturok dito. Awang-awa na s'ya sa kan'yang asawa dahil sa hirap at sakit na dinanas nito. Lihim s'yang nagdadasal na sana ay matapos na ang lahat ng ito at magising na si Courtney. Gustong-gusto n'ya ng bumawi rito at gustong-gusto n'ya na din na makasama ang asawa. Kailangan nilang dalawa ni Pia ang mommy nito. Ayaw n'ya ding biguin ang kanilang anak sa inaasam nito na kumpletong pamilya. Nangako din s'ya kay Pia na magigising at makakasama pa nilang ulit si Courtney. "Everything is clear, we can give her the medicine through drip," narinig n'yang sabi ni Dr. Lewis. Hindi s'ya pinalabas ng mga ito at ayaw n'ya rin na lumabas dahil gusto n'yang makita ang ginagawa ng mga ito sa kan'yang asawa. "Good! Zobel, you hold this! sabat naman ni Dr. Lewis at may ibinigay na bagay kay Carter na hindi n'ya din alam kung ano ang tawag
MELCU CHUCK... Isang linggo na pagkatapos mabigyan ng gamot laban sa induced coma drug si Courtney. At wala pa ring senyales na magigising na ang asawa ngunit hindi s'ya nawawalan ng pag-asa. Hindi din s'ya napapagod na bantayan ito at mananatili sa tabi nito. Si Pia ay nanatili sa bahay ng mga Zobel at mahigpit n'yang pinabulaanan si Carter na huwag ilabas ang bata. Araw-araw n'ya din itong tinatawagan para hindi ito malulungkot at madalas ay ipinapaliwanag n'ya sa anak ang kanilang sitwasyon para hindi ito magtaka na hindi n'ya na ito pinapahintulotan na pumunta sa hospital o lalabas ng bahay. Matalino si Pia at sa murang edad nito ay naintindihan ng kan'yang anak ang nangyayari sa paligid lalo na sa pamilya nila. May mga taohan si Henry na inilagay sa labas ng bahay ng mga Zobel para magbantay kay Pia. Mabuti na ang makasigurado at hindi na s'ya papayag na may mangyaring masama sa kan'yang anak dahil baka pati ito ay gagamitin ng mga taong iyon laban sa kanila ni Courtney. Hi
MELCU CHUCK... Dahil sa gulat ay hindi agad s'ya nakahuma at nakatingin lamang kay Courtney na dilat na dilat ang mga mata. Hindi ito makakapagsalita dahil may tubo na nakalagay sa bibig nito kaya hanggang pagtingin lamang sa kan'ya ang magagawa ng asawa. "Excuse me, Mr. Carson, susuriin ko lang ang asawa mo," nahimasmasan lang s'ya ng marinig ang boses ni Dr. Evans at agad s'yang hinawi para suriin si Courtney. "P-Pumpkin," halos pabulong na pagtawag n'ya sa pangalan nito habang nanginginig ang kan'yang katawan dahil sa pinaghalong emosyon. Nakita n'ya na sinipat ni Dr. Evans ang mga mata ng asawa gamit ang isang torch light na maliit. "Hey, Mrs Carson, do you hear me? Blink your eyes twice if you hear my voice," si Dr. Evans sa kan'yang asawa. Halos hindi na s'ya humihinga habang naghihintay na mag response si Courtney sa sinabi ng doctor at ganon na lang ang kan'yang tuwa ng makita n'yang sinunod ni Courtney ang sinabi ni Dr. Evans. "Oh Jesus, thank you!" paulit-ulit na pasasa
MELCU CHUCK... Naging tuloy-tuloy at maayos ang recovery ni Courtney. Ilang araw na simula ng magising ito at ngayong araw ay nakatakda na itong ilipat sa private room na kinuha ng pamilya para sa asawa. Nagkausap na din sila ni Carter na huwag munang sabihin kay Courtney ang tungkol sa pagiging magkapatid ng mga ito at ang tungkol sa totoong pagkatao ng babae. Dahan-dahanin lang muna nila ang lahat para hindi magulo ang isip ni Courtney na makakaapekto sa tuloyan na paggaling ng asawa. Si Pia naman ay excited ng makita ang mommy nito ngunit inabesohan n'ya ito na baka sa susunod na araw n'ya na papayagan na pumunta ito sa hospital. Gusto n'ya munang sabihin kay Courtney ang tungkol sa anak nila.para hindi ito magulat kapag nakita ang bata. Kumukuha lang s'ya ng magandang pagkakataon para masabi ang lahat sa asawa. Hindi n'ya din binuksan ang tungkol sa aksidente na nangyari dito at kapag nararamdaman n'ya na magtatanong ito ay agad n'yang iniiwas ang kanilang usapan. Gusto n'ya
MELCU CHUCK... "Why? Bakit ka nagso-sorry sa akin, Pumpkin? May nangyari ba?" "I..., I-I lost our child!" Pumiyok ang boses na sagot nito sa kan'ya. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma ngunit ng mahimasmasan ay agad n'ya ding inalo ang asawa. Kung ganon, bago ito maaksidente ay alam na ni Courtney na buntis ito at iniisip ng asawa na nawala ang kanilang anak dahil sa aksidente. "Hey look at me, wife! You need to rest your mind, body and everything first para mabilis kang maka recover. We don't need to talk about all this today. What matters is your health, Pumpkin," alo n'ya rito. Gusto n'yang papuntahin bukas si Pia para surpresahin ito. Titiisin n'ya na muna at huwag munang sabihin dito na buhay ang anak nila. Oras na siguro na ipakilala n'ya si Pia sa asawa. Ayaw n'yang dadalhin nito sa dibdib ang pang-uusig ng kunsensya sa pag-aakala na nawala nito ang kanilang anak. "H-Hindi ka galit?" nauutal na tanong nito sa kan'ya. Hinaplos n'ya ang buhok ng asawa at ginawaran ito ng
MELCU CHUCK...Kinabukasan ay maaga s'yang nagising at agad na pinaliguan si Courtney dahil katulad n'ya ay maaga din itong nagising. Pwede na itong maligo at alam n'ya na miss na miss na ng asawa ang tubig. Apat na taon na puro sponge bath lang ang ginagawa dito at ni hindi nga nito alam na nililinisan ito ng katawan ng mga nurses na nakatalaga dito.Inalayayan n'ya ito na makabangon at gamit ang high-tech na wheelchair ay madali n'yang nadala sa banyo si Courtney na walang kahirap-hirap."I'll bathe you, Pumpkin," malambing na sabi n'ya rito ng makapasok sila sa banyo. Naupo s'ya sa harapan ni Courtney at tinulongan ito na hubarin ang suot na hospital gown. Nag-iwas ito ng tingin sa kan'ya na ikinapagtaka n'ya ngunit ng makita ang pamumula ng pisngi nito ay unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kan'yang labi."Wala ka ng dapat na ikahiya, Pumpkin. Remember, I am your husband at nakita ko na lahat yan,hmmmm!" "K-Kahit na! M-Matagal na hindi tayo nagsama," nahihiyang sagot nito n
MELCU CHUCK... "Mama! Gising ka na po? Daddy gising na talaga si mama? Totoo na po na dilat mga mata n'ya? You are not pranking me, right?" inosenteng tanong ni Pia sa kan'ya. Nakaramdam s'ya ng awa sa kan'yang anak dahil lumaki ito na walang ina. Nakikita n'ya din na sa murang edad ay masyado ng independent ang anak sa mga bagay na kaya nito. Kaya nga hindi s'ya nahihirapan noong iniwan ito ni Carter sa kan'ya dahil hindi na ganon ka alagain si Pia. At nakikita n'ya din na may maayos na disiplina ang kanilang anak ni Courtney kahit wala ang mga magulang nito sa tabi. Isa sa mga bagay na gusto n'yang pasalamatan kay Carter. Kahit may pagkamaloko ito ngunit napalaki nito at naalagaan ng maayos ang pamangkin. Utang n'ya ang buhay ng kan'yang mag-ina kay Carter. Kung hindi ito dumating sa lugar kung saan nangyari ang aksidente ay baka kung hindi n'ya na nakita pa kan'yang mag-ina. Hindi sana s'ya nakaranas ng pakiramdam na magkaroon ng kan'yang sariling pamilya katulad ng kan'yang m