COURTNEY ANNIKA..."Akin na nga yan! At salamat sa paghatid," nakangising sabi n'ya rito sabay hablot ng mga hawak nito na damit n'ya ngunit mabilis ang mga kamay ng lalaki na itinago sa likod ang mga hawak.She is Courtney Annika, matapang at palaban at hindi n'ya hahayaan na makita ng lalaki na nasa harapan n'ya na mahina s'ya at apektado sa nangyari sa kanila kaya matamis ang ngiti na nakapaskil sa kan'yang labi ngunit sa loob-loob n'ya ay kanina pa s'ya hiyang-hiya."Hmmmm! Hindi mo ba ako iimbitahan sa bahay mo? I hasn't eat, Pumpkin at malamig dito sa labas..., baka naman," pilyong sabi nito at kinindatan pa s'ya habang matamis ang ngiti na nakapaskil sa labi nito.Kahit sinong babae ay madadala sa charm ng lalaking kaharap n'ya ngayon. Simpatiko ang dating nito at napakagwapo. Idagdag mo pa ang pagiging charming ng lalaki na ang hirap tanggihan. Kaya siguro nadala s'ya nito kagabi sa bahay nito dahil sa ugali na ipinakita nito sa kan'ya.At ang nakakatawa ay wala s'yang nararam
COURTNEY ANNIKA...Pumasok s'ya sa trabaho kinabukasan na parang lutang. Hindi mawala-wala sa kan'yang isip ang nangyari kagabi sa kanila ni Chuck.At oo, naalala n'ya na ang pangalan nito ay Chuck dahil ilang ulit nitong pinakilala ang sarili sa kan'ya kagabi. Alas singko na ito ng umaga umalis sa kan'yang bahay at wala din s'yang nagawa dahil kahit anong taboy n'ya rito ay hindi din ito nakikinig sa kan'ya.Chuck is charming at mabulaklak ang bibig. A dangerous characteristic of a man pero hindi naman s'ya nakaramdam ng panganib sa kataohan nito.Oh baka magaling lang itong magtago ng totoong ugali. Naisip n'ya din na baka tanga lang talaga s'ya at inuuna ang karupokan kaysa pagkilatis sa lalaki. Aaminin n'ya na nagkaroon s'ya ng kaunting nararamdaman dito kahit sa maikling panahon lamang na nagkakilala sila."Earth to my besty, hello!" napaigtad s'ya ng marinig ang boses ni Niana. Nasa harapan n'ya na pala ang kaibigan at nakapamewang habang nakataas ang mga kilay na nakatingin sa
COURTNEY ANNIKA...Pabagsak s'yang naupo sa kan'yang upoan ng mawala sa kan'yang harapan si Bambie at Niana. Hindi talaga s'ya tinantanan ng dalawa hangga't hindi n'ya sinasabi sa mga ito kung sino ang nagpadala sa kan'ya ng mga bulaklak.At wala s'yang nagawa kundi ang umamin sa mga ito na si Chuck ang nagpadala ng mga bulaklak sa kan'ya. Para namang hihimatayin sa kilig ang dalawa ng kumpirmahin n'ya na tama ang hinala ni Niana sa tao na s'yang nagbigay ng mga bulaklak sa kan'ya.At s'ya din ay hindi pa rin maka move on sa ginawa ni Chuck sa kan'ya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap s'ya ng mga bulaklak mula sa isang lalaki at inaamin n'ya na kinilig s'ya sa ginawa ng binata. Hindi n'ya alam kung ano ang trip nito sa buhay at sa kan'ya. Ngunit kahit ganon ay pinasaya s'ya ng binata sa mga simpling bagay na ginagawa nito.Hindi n'ya sinagot ang message nito kanina dahil nahihiya s'ya sa dalawang marites na panay ang tukso sa kan'ya. Kaya naman ngayon na wala na ang dal
COURTNEY ANNIKA...Para na s'yang maiihi ng mga oras na iyon. Mag aalas singko na and she is looking forward to Chuck picking her kahit pa sinabi n'ya na sa sarili n'ya kanina na hindi s'ya sasama dito.Kamuntik n'ya ng masabunotan ang kan'yang sarili dahil sa karupokan ngunit hindi n'ya din naman masisisi ito. Kahit sinong babae ay madadala sa karisma ng isang Melcu Chuck.Maliban sa karisma nito ay mayroon pa sa katangian ng lalaki na ang hirap tanggihan. Ang mga mata nito na kapag nakatingin sa kan'ya ay para s'yang hinihigop ng buo at madalas ay nawawala s'ya sa kan'yang sarili at hindi makapag-isip ng maayos."Bahala na!" sumusukong sabi n'ya. Kung tutuusin ay pwede s'yang makipaglaro dahil ipapakasal nga lang s'ya ng kan'yang ama sa lalaki na hindi n'ya naman mahal at manloloko pa.Oras na para ang sarili n'ya namang kaligayahan ang kan'yang iisipin. Tama na muna sa pagiging isang mabait at sunod-sunoran na anak sa kan'yang ama na wala namang pakialam sa kan'ya. Mas matimbang pa
COURTNEY ANNIKA...Lulan sila ng sasakyan ng binata ngunit ang kan'yang mukha ay nag-iinit pa rin dahil sa nangyari kanina sa kanilang dalawa ni Chuck sa opisina. At kahit magpahanggang ngayon ay ngising-ngisi pa rin ang lalaki habang nagmamaneho ng kotse."Stop smiling! It's creepy," singhal n'ya rito. Bahagya s'ya nitong nilingon at kinindatan na ikinakabog ng malakas ng kan'yang puso. Kailan n'ya ba makakausap ng matino ang lalaking kasama n'yaAt paano ba magalit ng tuloyan sa ganitong klase ng lalaki. Ni hindi nga ito apektado sa mga singhal n'ya rito. Balewala kay Chuck ang galit na nakikita nito sa kan'yang mukha."Bakit naman? May masama ba sa pagngiti? Eh sa naalala ko lang ang amoy ng toothpaste na gamit mo, Pumpkin. Colgate optic white! Hmmmm! What a coincidence, pareho tayo ng gamit na toothpaste," pambubuska nito sa kan'ya. Matalim n'ya itong tinapunan ng tingin ngunit imbes na tumigil ito sa kapilyuhan ay mas lalo pang lumapad ang ngisi na ibinigay nito sa kan'ya."Argg
COURTNEY ANNIKA...Hindi pa rin s'ya maka move on sa ganda ng paligid. Nakatayo lang s'ya sa gitna ng malaking solar habang inilibot ang kan'yang tingin sa buong paligid. Nang bumaba sila ng sasakyan ni Chuckie ay hindi na s'ya nakahuma at nakatayo lamang habang lumuluwa ang mga mata sa ganda ng buong lugar."Do you like my place, Pumpkin?" narinig n'yang tanong ni Chuck mula sa kan'yang likuran. Nilingon n'ya ito at muntik pa s'yang mabuwal ng muntik ng magdikit ang kanilang mga labi dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga pisngi."Y-Yeah! I-I'ts beautiful," nauutal na sagot n'ya sa binata at mabilis na umatras para lumayo kay Chuck. Sa tuwing nadidikit ang kanilang mga katawan ay nakaramdam agad s'ya ng kakaibang init na bigla-bigla na lamang lumulukob sa kan'yang buong pagkatao."I'm glad you like my place. Let's go inside para makapagluto na ako. Baka nagugutom ka na," aya nito sa kan'ya. Tipid s'yang tumango sa lalaki at hindi na nag protesta pa ng hawakan nito ang kan'yang kamay
COURTNEY ANNIKA...Ilang beses na ba s'yang napalunok ng laway? Hindi n'ya na mabilang at ramdam na ramdam n'ya na nanunuyo na ang kan'yang lalamunan dahil pakiramdam n'ya ay naubos n'ya na yata lunok ang kan'yang laway sa kakatingin kay Chuck na dinaig pa ang isang professional chef kung gumalaw habang nagluluto."Staring is rude, Pumpkin pero dahil Pumpkin kita ay pagbibigyan kita sa mga patingin-tingin mo sa akin," narinig n'yang sabi ng binata sa kan'ya na ikinagising ng kan'yang diwa. Nang tingnan n'ya ito sa mukha ay makalaglag panty na kindat ang ibinigay nito sa kan'ya.Wala sa sarili na pinagdikit n'ya ang kan'yang mga hita dahil pakiramdam n'ya ay may kuryente na bigla na lamang dumaan sa gitna ng kan'yang mga hita."Shit! Umayos ka Courtney!" lihim na kastigo n'ya sa kan'yang sarili. "What? Nakatingin ako sa pagluluto mo at hindi sayo, huwag kang assuming," singhal n'ya rito at inirapan pa ang lalaki para pagtakpan ang kan'yang pagkapahiya."Really? Sa niluluto ko ba talag
COURTNEY ANNIKA...Mariin n'yang ipinikit ang mga mata habang ninanamnam ang init ng labi ni Chuck sa kan'yang labi. Pakiramdam n'ya ay nasasanay na s'ya sa pagiging touchy ni Chuck at mabilis na lang kung bumigay s'ya sa binata."Gusto ko man na ikaw ang kakainin ko, Pumpkin but I'm worried na baka gutom ka na. You've been working the whole day and I don't have the heart to starve my Pumpkin kaya kakain muna tayo, hmmmm!" nagising lang s'ya ng marinig ang malambing na boses ni Chuck. Hindi na pala magkalapat ang kanilang mga labi at hindi n'ya man lang namalayan ito. Masyado s'yang lunod na lunod sa ginagawa ni Chuck sa kan'ya. Dahil sa isiping iyon ay biglang nag-init ang kan'yang pisngi at alam n'ya na sa mga oras na iyon ay pulang-pula na s'ya."Pretty," pabulong na sabi ni Chuck habang pinapadaanan ng mga daliri nito ang bawat sulok ng kan'yang pisngi."C-Chuck!" nauutal na tawag n'ya sa pangalan ng lalaki. Isang makapigil hininga na ngiti ang ibinigay nito sa kan'ya na s'yang d