MELCU CHUCK... Pabagsak s'yang naupo sa sofa pagdating n'ya sa kan'yang bahay. Pagod ang kan'yang katawan sa pagtatrabaho at pagod naman ang kan'yang isip sa kakaisip kay Pia. Kahit anong gawin n'ya ay hindi talaga nawawala sa kan'yang isip ang bata. Kanina ay parang gusto n'ya na lamang itong iuwi kung hindi lang s'ya nag-aalala na baka magalit si Carter sa kan'ya at si Niana. Tama nga s'ya sa kan'yang hinala kanina. Carter and Niana are Pia's parents at nakaramdam s'ya ng kaunting inggit sa mga ito for having Niana as their daughter. Malapit ang loob n'ya sa bata at kakaiba ang kan'yang nararamdaman na saya sa tuwing kasama n'ya ito lalo na kapag maglalambing ito sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin at kinalma ang kan'yang sarili. Kailangan na mawala ang nararamdaman n'ya sa bata dahil mahihirapan lang s'ya kapag itinuloy n'ya ito. Masasaktan lang din s'ya sa huli at ayaw n'yang mangyari iyon sa kan'ya. Kotang-kota na s'ya sa sakit sa pagkawala ng pinakamahalagang tao sa kan'yang
MELCU CHUCK... Nagtagis ang kan'yang bagang habang nagmamaneho patungo sa child care center na pinag-iwanan ni Carter kay Pia. Naiinis s'ya hindi dahil inutosan s'ya nito na sunduin ang anak nito. Naiinis s'ya dahil ayos lang sa tukmol na lalaking iyon na iwan ang anak sa ibang tao. Kung s'ya siguro yan kahit isama n'ya pa araw-araw sa mga meetings n'ya si Pia ay ayos lang sa kan'ya. Mas panatag ang kan'yang loob kung s'ya ang kasama ng anak. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ayos lang sa mga ito na pinapaalagaan ang anak sa ibang tao at ano ang ginagawa ni Niana na hindi nito maatupag ang anak. Nagpakawala s'ya ng marahas at ipinilig ang kan'yang ulo. Ang dami n'ya ng iniisip dumagdag pa itong mag-asawa na ito. Sa kabilang banda ay nakaramdam naman s'ya ng kasiyahan na pinaubaya sa kan'ya ni Carter ang anak nito. Magkakaroon na naman s'ya ng oras na makita at makasama si Pia. Kaya hindi na s'ya umangal pa ng utosan s'ya ni Carter kanina dahil sa kan'yang loob ay miss na miss n
MELCU CHUCK... "How's your day mi prinsesa?" malambing na tanong n'ya rito at sinilip ito saglit sa salamin. Nasa likod ito nakaupo at ng silipin n'ya ay kampanti ito sa kinauupoan at kumikislap ang mga mata na ikinangiti n'ya. "You sound like my dad, me amego!" sagot nito sabay hagikhik na parang kinikilig. "Hmmm! Really? So, your papa Carter also asked you about your day every time he picked you at school?" nakangiting tanong n'ya rito. "Hmmmm! Kind of but you asked differently! You sound like a dad to me," bibong sagot ni Pia na mas lalong ikilapad ng kan'yang ngiti. "I take that as a compliment! By the way, since your papa is not here yet, would you mind if I bring you to my house? Tatawagan ko na lang ang papa mo mamaya to pick you sa bahay ko," paalam n'ya kay Pia. Sa edad nito ay nakitaan n'ya ang bata ng katalinuhan at alam n'ya na maintindihan agad nito ang kan'yang sinasabi. "That sounds good!" parang matanda na sagot nito sa kan'ya na mahina n'yang ikinatawa. Gus
MELCU CHUCK... "What do you want for dinner mi prinsesa?" nakangiting tanong n'ya kay Pia. Nakaupo ito sa mataas na upoan sa kitchen counter paharap sa kung saan ang kan'yang induction cooker naroon. At s'ya naman ay nasa likod ng kitchen counter at nakaharap sa bata. "Are you gonna coke for me?" puno ng kislap ang mga mata na tanong nito sa kan'ya. Sumilay ang isang malapad na ngiti sa kan'yang labi ng marinig ang tanong nito. "Yup! What is your favorite food? Tell me and I will cook for you," masayang tanong n'ya rito. Nagliwanag ang mukha ni Pia at nakakatuwang tingnan ang reaction nito. "Oh my heart go shalala-lala me amego!" kinikilig na sagot nito sa kan'ya na malakas n'yang ikinatawa lalo na ng marinig ang kataga na ginamit nito. "Ikaw talaga! Saan ka ba natuto ng mga gan'yan?" "Kay papa Carter at kay yaya Dolor po!" bibong sagot nito na ikinailing n'ya. Nakitaan n'ya ng pagka pilyo si Carter at dito siguro namana ni Pia ang ugali nito. "And how about your mom?" wala sa
MELCU CHUCK..."Wow! It's almost done, me amego and it smells yummy," tuwang-tuwa na sabi ni Pia at inamoy pa nito ang usok na lumalabas sa hinahalo n'ya sa pan."This is my queen's favorite," sagot n'ya kay Pia. Ang paboritong ulam ni Courtney ang niluto n'ya para ulam nilang dalawa ni Pia."Ohhhh! I'm sure this one tastes good, me amego," kumikislap ang mga mata na sabi nito sa kan'ya. Napadila pa ito sa labi na mahina n'yang ikinatawa."Yes it is mi prinsesa! Masarap talaga to dahil tayong dalawa ang nagluto," nakangiting sagot n'ya sa bata."Do you think the three of us are bagay? Because you have a queen then you call me, princess so that means you are our king? We are a royal family," biglang sabi nito at napapalakpak pa na ikinatawa n'ya din. Nakaramdam s'ya ng saya sa kan'yang puso sa sinabi ni Pia."You know what! I'll be more happy kung magiging magkapamilya tayong tatlo. I am your dad, and my queen is your mom and you are our princess!" "Then be it!" nakataas ang kilay n
MELCU CHUCK..."What the hell are you talking, Zobel? Mas mahalaga pa ba sayo ang pupuntahan mo sa London kaysa anak mo?" inis na sita n'ya kay Carter ng tawagan n'ya ulit ito. Hindi s'ya makapagmura kanina ng tumawag ito dahil nasa harapan n'ya si Pia at ayaw n'yang makarinig ito ng hindi dapat marinig.Pinaliguan n'ya muna ang bata at pinatulog. Nasa balkonahe s'ya ng kan'yang kwarto at mula roon ay natatanaw n'ya ang bata na mahimbing na natutulog sa kama nila ni Courtney."I'm sorry Carson, I didn't mean to leave Pia pero sobrang mahalaga ang pupuntahan ko at hindi ko s'ya pwedeng isama," mapakumbaba na sagot ng lalaki na ikinatagis ng kan'yang bagang."Fvck you! Alam mo Zobel baka pagsisihan mo yan sa huli. Your daughter should be the most important than anything else! At nasaan pala si Niana? Bakit hindi n'ya maalagaan ang anak n'yo?" galit na singhal n'ya rito. Wala na s'yang pakialam kung nagiging tunog pakialamero na s'ya sa pagiging magulang ng mga ito kay Pia."She's with m
MELCU CHUCK... Nakatulog s'ya habang yakap-yakap si Pia. Simula ng mawala si Courtney ay ngayon na lang ulit s'ya nakatulog ng mahimbing at payapa. May ngiti sa labi na iminulat n'ya ang kan'yang mga mata at mas lalong lumapad ang kan'yang ngiti ng bumungad sa kan'ya ang maamo at cute na mukha ng batang katabi. "Good morning, mi prinsesa," pabulong na sabi n'ya rito at maingat na ginawaran ito ng halik sa noo at nagpasyang bumangon. Alas singko pa lang ng umaga at balak n'yang mag work out saglit at magluluto ng breakfast nila ni Pia bago ito gisingin. May pasok ito ngayon at kailangan n'ya itong ihatid sa child care center. Maingat at dahan-dahan n'yang inalis ang braso na nakapulopot sa maliit na katawan nito ngunit ng maramdaman ni Pia ang kan'yang paggalaw ay agad na itinaas nito ang braso at nangunyapit sa kan'yang batok na parang ayaw s'yang paalisin. "D-Don't go daddy," paos ang boses na sabi ng bata. Nanigas ang kan'yang katawan ng marinig ang itinawag nito sa kan'ya. N
MELCU CHUCK... "Finish your food princess, please," nakangiting pakiusap n'ya rito ng makita na may natira pang pagkain sa plato ng bata. "I will po! I love to stay here na po kasi masarap ang food," bibong sagot nito sa kan'ya na mahina n'yang ikinatawa "You can stay here as long as you want, mi prinsesa." "Wow! It's an honor po," sagot nito sa kan'ya at sinundan ng bungisngis. Nakakahawa ang tawa nito na hindi n'ya napigilan ang matawa na rin sa kabibohan nito. Habang kumakain pa si Pia ay kinuha n'ya ang mga baonan nito para lagyan ng pagkain. Habang inilabas ang mga baonan ng bata ay mahina s'yang natawa dahil talagang pinagplanuhan ni Carter ang pag-iwan kay Pia sa bahay n'ya. Kumpleto ang gamit na iniwan nito sa kan'ya pati na rin ang mga damit ni Pia. Nasa bag na iniwan nito sa school ang mga gamit ng bata at ibinigay sa kan'ya ng teacher nito kahapon noong sinundo n'ya ito. "What are you doing, me amego," tanong ng bata sa kan'ya ng makita na nilalagyan n'ya ng pagkai