MELCU CHUCK..."What the hell are you talking, Zobel? Mas mahalaga pa ba sayo ang pupuntahan mo sa London kaysa anak mo?" inis na sita n'ya kay Carter ng tawagan n'ya ulit ito. Hindi s'ya makapagmura kanina ng tumawag ito dahil nasa harapan n'ya si Pia at ayaw n'yang makarinig ito ng hindi dapat marinig.Pinaliguan n'ya muna ang bata at pinatulog. Nasa balkonahe s'ya ng kan'yang kwarto at mula roon ay natatanaw n'ya ang bata na mahimbing na natutulog sa kama nila ni Courtney."I'm sorry Carson, I didn't mean to leave Pia pero sobrang mahalaga ang pupuntahan ko at hindi ko s'ya pwedeng isama," mapakumbaba na sagot ng lalaki na ikinatagis ng kan'yang bagang."Fvck you! Alam mo Zobel baka pagsisihan mo yan sa huli. Your daughter should be the most important than anything else! At nasaan pala si Niana? Bakit hindi n'ya maalagaan ang anak n'yo?" galit na singhal n'ya rito. Wala na s'yang pakialam kung nagiging tunog pakialamero na s'ya sa pagiging magulang ng mga ito kay Pia."She's with m
MELCU CHUCK... Nakatulog s'ya habang yakap-yakap si Pia. Simula ng mawala si Courtney ay ngayon na lang ulit s'ya nakatulog ng mahimbing at payapa. May ngiti sa labi na iminulat n'ya ang kan'yang mga mata at mas lalong lumapad ang kan'yang ngiti ng bumungad sa kan'ya ang maamo at cute na mukha ng batang katabi. "Good morning, mi prinsesa," pabulong na sabi n'ya rito at maingat na ginawaran ito ng halik sa noo at nagpasyang bumangon. Alas singko pa lang ng umaga at balak n'yang mag work out saglit at magluluto ng breakfast nila ni Pia bago ito gisingin. May pasok ito ngayon at kailangan n'ya itong ihatid sa child care center. Maingat at dahan-dahan n'yang inalis ang braso na nakapulopot sa maliit na katawan nito ngunit ng maramdaman ni Pia ang kan'yang paggalaw ay agad na itinaas nito ang braso at nangunyapit sa kan'yang batok na parang ayaw s'yang paalisin. "D-Don't go daddy," paos ang boses na sabi ng bata. Nanigas ang kan'yang katawan ng marinig ang itinawag nito sa kan'ya. N
MELCU CHUCK... "Finish your food princess, please," nakangiting pakiusap n'ya rito ng makita na may natira pang pagkain sa plato ng bata. "I will po! I love to stay here na po kasi masarap ang food," bibong sagot nito sa kan'ya na mahina n'yang ikinatawa "You can stay here as long as you want, mi prinsesa." "Wow! It's an honor po," sagot nito sa kan'ya at sinundan ng bungisngis. Nakakahawa ang tawa nito na hindi n'ya napigilan ang matawa na rin sa kabibohan nito. Habang kumakain pa si Pia ay kinuha n'ya ang mga baonan nito para lagyan ng pagkain. Habang inilabas ang mga baonan ng bata ay mahina s'yang natawa dahil talagang pinagplanuhan ni Carter ang pag-iwan kay Pia sa bahay n'ya. Kumpleto ang gamit na iniwan nito sa kan'ya pati na rin ang mga damit ni Pia. Nasa bag na iniwan nito sa school ang mga gamit ng bata at ibinigay sa kan'ya ng teacher nito kahapon noong sinundo n'ya ito. "What are you doing, me amego," tanong ng bata sa kan'ya ng makita na nilalagyan n'ya ng pagkai
MELCU CHUCK... Mabilis na lumipas ang mga araw at isang linggo ng nasa pangangalaga n'ya si Pia. Walang balita kay Carter at hindi n'ya din ma kontak ang lalaki kaya wala s'yang nagawa kundi ang alagaan at bantayan ang anak nito. Wala namang problema sa kan'ya dahil hindi naman ganon ka alagain si Pia at napakabait at masunurin nito sa lahat ng kan'yang mga sinasabi dito. Minsan ay may pagka pilya ito ngunit hindi naman ganon ka sakit sa ulo para sa kan'ya. Sa loob ng isang linggo na magkasama sila ay mas lalong napalapit sa bata ang kan'yang loob at alam n'ya na mahihirapan s'ya kapag kinuha na ito ni Carter. Sa kan'ya na rin nakikipag-usap ang mga teacher nito sa child care center at s'ya ang nakalagay sa guardian ng bata. Hindi n'ya alam kung nito lang yan ng s'ya na ang sumusundo kay Pia dahil minsan kung makipag-usap sa kan'ya ang mga teacher nito ay parang matagal ng alam ng mga ito na s'ya ang guardian ni Pia. Mas lalo lang umasa ang kan'yang puso na sana ay totoong anak n
MELCU CHUCK... Dumating ang araw ng family day ni Pia. Maaga pa lang ay gising na silang dalawa at kita n'ya ang excitement sa mga mata ng bata habang nag-aagahan sila. "Me amego, since papa Carter is not here, can I call you daddy? Kasi baka tuksuhin ako ng mga friends ko na wala akong daddy, amego lang," pakiusap nito sa kan'ya at biglang nalungkot ang mukha. Nagtagis ang kan'yang bagang at naikuyom ang kamao na nasa ilalim ng mesa ng marinig ang sinabi ni Pia at lalo na ng makita ang biglang paglungkot ng mga mata nito habang nakikiusap sa kan'ya. "Damn you Carter Zobel!" lihim na mura n'ya sa ama ni Pia. Hindi n'ya napigilan ang magalit sa lalaki dahil sa pagbabalewala nito sa bata. Nagpakawala s'ya ng hangin at inayos ang kan'yang sarili. Inabot n'ya ang munting kamay ng bata, ginagap iyon at binigyan ito ng isang ngiti na puno ng assurance para iparating dito na nasa tabi lang s'ya nito at hindi n'ya ito pababayaan. "You can call me whatever you want princess and calling me
MELCU CHUCK... Natapos ang family day ng school ni Pia ngunit s'ya ay parang nakalutang pa rin. Ang kan'yang buong atensyon ay nasa sinabi ng bata na pangalan ng ina nito kanina. Kung ang pagpapakilala nito sa mga tao na s'ya ang ama ay hindi pa s'ya gaanong nagulat dahil napag-usapan nila ito bago pa sila umalis ng bahay ngunit ang banggitin nito ang buong pangalan ni Courtney maliban sa apelyedo na Zobel ay nagpawindang sa kan'yang buong pagkatao. Hindi n'ya alam akung pinaglalaruan lamang s'ya o baka gawa-gawa lang ni Pia ang lahat. Marahas s'yang nagbuga ng hangin at sinilip ang bata sa likuran na mahimbing na natutulog. Pagkasakay nito sa sasakyan kanina ay agad itong nakatulog dala na rin siguro ng pagod sa mga activities na sinalihan nito kanina sa school. Kahit anong gawin n'ya ay hindi talaga s'ya mapakali sa sinabing pangalan ng ina nito kanina. Hindi s'ya pwedeng magkamali at mas lalong hindi s'ya naniniwala na guni-guni n'ya lang ang lahat. Malinaw na sinabi ni Pia ang
MELCU CHUCK... Hindi s'ya mapakali habang hinihintay si Peter sa kan'yang opisina. Tinawagan s'ya ng pinsan kanina na nasa mga kamay na nito ang resulta ng DNA at papunta ito ngayon sa kan'yang opisina para ibigay sa kan'ya ng personal ang result. Kanina pa s'ya dasal ng dasal sa itaas na kung ano man ang magiging resulta sana ay bigyan lang s'ya ng lakas ng loob na matanggap ito. Pero sa kaibutoran ng kan'yang puso ay umaasa pa rin s'ya na sana ay positive lang ang resulta ng DNA test ni Pia. Alam n'ya na hindi n'ya dapat ginawa ang bagay na ito na walang paalam kay Carter ngunit hindi n'ya na mahintay pa ang lalaking iyon at ni hindi n'ya nga mahagilap kung nasaan ito ngayon. Ilang ulit n'ya na ring tinawagan ang numero nito ngunit hindi ito ma kontak. At kapag napatunayan n'ya na anak n'ya si Pia ay hinding-hindi na s'ya papayag pa na kukunin nito ang bata. Sa kan'ya si Pia kahit anong mangyari at gagawin n'ya ang lahat na hindi na makukuha pa ni Carter ang bata. Nagpakawala s
MELCU CHUCK... "Fvck! She is really my daughter?" paulit-ulit na sabi n'ya at hindi pa rin maka move-on sa kan'yang nalaman. "Parang sirang plaka ka Chuck! Kanina mo pa paulit-ulit na sinasabi yan! Oo nga, anak mo si Pia. Kung sabagay, I understand na kapag ama ka na ay ganito talaga ang magiging reaction mo kapag nalaman mo na may anak ka pala na hindi mo alam. Pero maiba ako Chuck, bakit hindi mo alam na may anak ka?" tanong ng pinsan sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin bago sinagot si Peter. "I don't know Peter, pero iisang babae lang ang alam ko na ina ng anak ko and that is my wife," sagot n'ya sa pinsan. "Hindi kaya isa sa mga babae mo noon ang ina ni Pia? Hindi naman buntis ang asawa mo ng mawala s'ya hindi ba?" "No! It can't be the other woman dahil simula ng dumating si Courtney sa buhay ko ay wala na akong ibang babae. Ilang buwan na kaming nagsama ni Courtney bago s'ya nawala and we're active kaya hindi malabo na nagdadalang-tao na s'ya ng maaksidente," sagot n'ya rito