COURTNEY ANNIKA..."Niana anong ibig sabihin nito?" singhal na tanong n'ya sa kaibigan ng makalapit ito sa kan'ya. Akala n'ya ay isang biro lang ang lahat ngunit hindi eh. Totoong si Niana ang kaharap n'ya ngayon at kausap."What do you think Courtney? Hindi pa ba malinaw sayo ang lahat o talagang tanga ka lang talaga para hindi mo pa rin makuha ang ibig sabihin ng lahat?" nang-uuyam na sagot ng kaibigan sa kan'ya. Tinapunan s'ya nito nakakadiri na tingin mula ulo hanggang paa na animo'y may isa s'yang nakakahawang sakit."Kaibigan kita Niana! Bakit mo nagawa sa akin to?" sumbat n'ya sa dating kaibigan ngunit malakas lamang itong tumawa sa kan'yang sinabi. Ilang segundo din itong tumatawa at parang tuwang-tuwa bago tumigil at nanlilisik ang mga mata na hinarap s'ya.Hindi ganito ang kaibigan n'ya na si Niana na nakasama n'ya ng ilang taon. Simula noong elementarya pa lamang sila ay magkaibigan na sila. S'ya lang ang tanging nakikipagkaibigan dito sa kanilang klase at lahat ay umiiwas
MELCU CHUCK...Nakapasok na sila sa lugar kung saan dinala ng mga kalalakihan si Courtney. At dinig na dinig n'ya mula sa earpiece na gamit ng asawa ang lahat ng nangyayari dito. Hindi n'ya mapigilan ang pag-igting ng kan'yang mga panga at pagkuyom ng mga kamao habang nakikinig sa pananakit ng dalawang babae sa kan'yang asawa.Kanina pa s'ya nagmamadali at panay ang ungot sa mga kasama n'ya na lumusob na sila dahil kanina n'ya pa naririnig na nasasaktan si Courtney at pinagtulongan ng dalawang magkakapatid.At bilang asawa nito ay masakit sa kan'ya ang malaman at marinig na sinasaktan ng ibang tao ang kan'yang pinakamamahal na babae. Kuyom ang kan'yang mga kamao at igting ang mga panga na inihanda n'ya ang kan'yang baril. Kanina pa s'ya kating-kati na pumasok para s'ya mismo ang bumali sa leeg ng mga hayop na babae na nanakit sa kan'yang asawa. Ang lakas ng loob ng mga ito na saktan si Courtney dahil hindi ito makapanlaban.Kasama n'ya ang kan'yang mga pinsan na sina Briggs, Henry at
MELCU CHUCK... Pumasok sila sa loob at nakita nila na napakaraming mga armadong kalalakihan ang nasa loob ng abandonadong pyer. Lahat ay may mga hawak na matataas na kalibre ng armas kaya naging maingat silang lahat na hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Iniiwasan ng lahat ang makabulabog ng kahit ano dahil hindi pa dumadating ang hinihintay nila. Narating nila ang looban at wala pa ring kaalam-alam ang mga tao na naroon na may nakapasok na sa balwarte ng mga ito. "Pumpkin are you ok?" mahinang tanong n'ya sa asawa sa suot na device. Kanina n'ya pa gustong takbuhin ang kinaroroonan nito para saklolohan ang asawa sa pananakit dito ng magkapatid. Naaawa na s'ya kay Courtney ngunit alam n'ya na matapang ang kan'yang asawa at malalagpasan nito ang lahat. At sinisigurado n'ya rin dito na nasa likod lang s'ya ng babae para alalayan ito. "I-I'm fine hubby," mahina ang boses na sagot nito. Alam n'ya na hindi ito ok dahil kanina n'ya pa naririnig ang paulit-ulit na pananakit dito ni
MELCU CHUCK... Kausap n'ya ang asawa at aaminin n'ya na napanatag ang loob n'ya ng malaman na ayos lang ito kahit na sinaktan ng dalawang babae. "Let's go!" aya ni Carter sa kanila ng makita na nakapasok na sa loob ang hinihintay nila. Nagsihanda silang lahat at sunod-sunod na tinakbo ang pagitan ng kinaroroonan nila at ng bukana ng naturang pyer. Wala pa sa mga taohan ng mga ito ang nakakita sa kanila kaya wala pang putokan na maririnig sa lugar. Hindi na s'ya naghintay pa ng utos mula sa mga ito kung ano ang kan'yang kailangan na gawin. Naghanap s'ya ng pwedeng daanan para makapasok sa loob at agad naman s'yang nakakita ng maliit na lagusan. Maingat at walang ingay ang kan'yang mga galaw. Aaminin n'ya na nakaramdam s'ya ng takot at kaba ngunit kapag naiisip n'ya si Courtney na s'yang kan'yang ililigtas ay nabubuhayan s'ya ng loob at naging matapang sa pagharap sa panganib na nakaabang. Walang katao-tao sa lugar na pinasukan n'ya kaya malaya s'ya sa kan'yang mga galaw. Hinanap
COURTNEY ANNIKA... Nakaramdam na s'ya ng hapdi at pamamaga sa kan'yang mukha dahil sa paulit-ulit na pananampal sa kan'ya ng magkapatid. Hindi n'ya inaasahan ang mga natuklasan n'ya kay Niana at kay Garnett. Sino ang mag-aakala na magkapatid pala ang mga ito. Hindi n'ya alam kung paano naging magkapatid ang dalawa kahit na nabanggit na kanina ng mga ito na magkapatid sa ina ang relasyon ng dalawa ngunit hindi pa rin malinaw kung sino ang ina na tinutukoy ng mga ito. Kung ang kan'yang step-mom o may iba pang ina ang mga ito. Ang kan'yang mga iniisip ay agad na naudlot ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Niana kasunod si Garnett ngunit may isa pang kasama ang mga ito na ikinasalubong ng kan'yang kilay. Hindi n'ya kilala ang naturang tao at ngayon n'ya lang ito nakita. "Well.. well..well..! Finally we meet," natatawang sabi nito sa kan'ya habang papalapit sa kan'yang kinaroroonan. "Sino ka?" matapang na tanong n'ya rito. "Hmmmm! Hindi mo ako kilala?" "Kung kilala kita, ma
COURTNEY ANNIKA... Nanginginig na s'ya sa takot ng marinig ang sunod-sunod na putok ng baril. Mariin n'yang ipinikit ang kan'yang mga mata dahil hindi n'ya kayang tingnan ang nangyayari sa kan'yang harapan. Natatakot din s'ya sa kan'yang makita lalo na at naiisip n'ya ang kan'yang kapatid na s'yang kaharap ng tatlong babae kanina at dalawa sa mga ito ay may hawak na baril. Hindi n'ya inaasahan na mauuwi sa ganito kagulo ang lahat. Kung alam n'ya lang na magiging ganito ang kahihinatnan ng kanilang buhay ay sana nagpakalayo-layo na lang s'ya para wala ng madadamay sa galit ng mga ito sa kan'ya. Marami na ang nasaktan at hindi n'ya na kakayanin pa kung may susunod pang masasaktan ng dahil sa kan'ya. Tumutulo ang kan'yang luha habang mariin na nakapikit ang kan'yang mga mata. Wala man lang s'yang may nagawa para tulongan ang kan'yang kapatid. Wala s'yang silbi sa buhay na kahit ang sarili n'ya ay hindi n'ya kayang protektahan. "Courtney!" natigil s'ya sa kan'yang mga iniisip ng mar
ADRIAN KYLE..."We the jury, in the case of Ms. Glaze Roxas versus Dr. Rey Ocampo find the defendant NOT GUILTY of the charges of rape and abuse," pagbasa nito na s'yang ikinasimula ng ingay sa buong court room. Nakita n'ya kung paano humagolhol ang mga magulang ng biktima and it pain him big-time pero wala s'yang magagawa dahil sa kakulangan ng mga ebedensya na e prinesenta ng abogado ng mga ito na magdidiin sa akusado sa kaso."Thank you for your service today. Court is adjourned!" pagtatapos n'ya sa kaso at agad na tumayo at tumalikod. Sa bawat kaso na napag desisyonan n'ya ay iba't-ibang kwento ang nasa likod nito. He is a judge, he always fair to everyone pero hindi n'ya rin pwedeng baliktarin ang kan'yang hatol lalo na kung walang sapat na ebedensya ang mga complainant.Pumasok s'ya sa loob at sinalubong agad s'ya ng kan'yang dalawang bodyguard."Sir," panabay na bati ng dalawa sa kan'ya na tinanguan n'ya lamang. Hindi mawala sa kan'yang isip ang iyak ng mga magulang ng biktima
NALIE ATHALIA...Para s'yang nabingi ng marinig ang hatol ng naturang hukom sa kaso ng kan'yang pasyente na hawak-hawak ngayon.Ini refer sa kan'ya ang isang dalagita na nasiraan ng bait at ipinasok ng mga magulang sa isang mental institution ngunit imbes na gumaling ito ay mas lalo lang na natrauma ang bata at mas lumala ang sakit dahil sa ginawang pang momolestya ng doctor na may hawak rito.Lumapit sa kan'ya ang mga magulang ng dalagita at nagmamakaawa na kung pwede ay matulongan n'ya ang mga ito para masampahan ng kaso ang naturang doctor. Mahirap at walang pera para ipambayad sa abogado ang mga magulang ni Glaze Roxas ngunit hangad ng mga ito na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa nag-iisang anak.Ginawa n'ya ang lahat para makahanap ng mga ebedensya na magdidiin kay doctor Ocampo ngunit nabalewa ang lahat dahil sa hatol ng hukom sa kaso ng dalagita.Malinaw ang ginawang panggagahasa nito sa bata ngunit nahatulan pa rin ito ng not guilty ng judge na s'yang nakatalaga sa kaso n