CHARLES MALCOLM... Pakiramdam n'ya ay pinaglalaruan sila ng kumuha kay Tanya dahil pagkatapos silang tawagan ay hindi pa rin nila ito mahagilap kung saan. Ngayon lang nila naramdaman na tatlo ni Henry at Briggs na parang mga wala silang silbi dahil ang asawa pa mismo ng kan'yang pinsan ang hindi nila mahanap-hanap samantala ang ibang tao na pinapahanap sa kanila ay madali lang naman nila makita. Mukhang matagal ng pinagplanohan ang pagkuha sa asawa ni Briggs at ang kan'yang hinala ay isang magaling at professional na kidnaper ang nasa likod ng lahat. Ang ipinagtataka n'ya lang ay kung bakit hindi pa ito tumawag kay Briggs para manghingi ng ransom money kung ang pakay nito ay pera. Ang ibig sabihin na may ibang pakay ang taong ito at hindi ito interesado sa pera ni Briggs. At biglang pumasok sa isip n'ya ang mga taong pinakulong nila dahil sa ginawa ng mga ito kay Tanya at sa pamilya nito. Baka ang pamilya ng mga taong pinakulong nila ang may gawa at ang pakay ay paghihiganti at h
CHARLES MALCOLM..."Handsome! Hey! Are you ok? Galit ka ba na basta na lang ako pumasok sa bahay mo?" nahimasmasan lang s'ya ng marinig ang boses ni Dee na nagsalita.Hindi s'ya galit kundi nagulat na makita n'ya ito sa loob ng kan'yang bahay."Paano ka nakapasok dito?" hindi nakatiis na tanong n'ya rito."You left your door open. Akala ko nga nandito ka sa loob kaya pumasok na ako dahil ilang beses akong nag door bell pero walang sumasagot. I'm sorry, hindi ko dapat ginawa to at hindi ako dapat basta-basta na pumasok dito na walang tao," paghingi nito ng paumanhin.Nagsalubong ang kan'yang kilay ng marinig ang sinabi nito. Alam n'ya na naka lock ang bahay n'ya kanina ng umalis s'ya at hindi s'ya pwedeng magkamali.At kahit pa makalimutan n'ya na bukas ang pinto ay magkukusang magsarado ito at mag lock. May sariling security system ang kan'yang bahay kaya malabo ang sinasabi ni Dee na bukas ang kan'yang bahay.At isa pa ay mag-aalarm ang kan'yang cellphone kapag naiwan na bukas ang k
CHARLES MALCOLM... Umuklo s'ya para tingnan ang bagay na kumikinang sa sahig ng shower room. Pinulot n'ya ito at pinakatitigan habang salubong ang kan'yang kilay. It's a gold pendant ngunit katulad sa tattoo ni Dee ay parang pamilyar din sa kan'ya ang pendant na nakita at sigurado s'ya na pag-aari ito ng babae. Wala s'yang ganitong pendant at si Dee lang ang ang tanging tao na gumamit ng banyo n'ya kaya sigurado s'ya na sa babae ang napulot na pendant. Katulad ng tattoo nito ay kakaiba din ang pendant na nakita. Hindi n'ya maipaliwanag ang kan'yang nararamdaman ngunit may mga nakikita s'ya sa kan'yang balintataw na katulad sa tattoo ni Dee ngunit hindi n'ya lang maalala kung saan at kung kailan n'ya ito nakita. Hindi n'ya na napansin kung gaano na s'ya katagal na nakatulala habang nakatingin sa hawak na pendant. Naalimpungatan lang s'ya at nagbalik sa kan'yang sarili ng marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo at pumasok si Dee. Binuksan nito ang glass door ng banyo at parang bale
CHARLES MALCOLM... Nang makita n'ya ang mga litrato na ipinadala ng nag-inform kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito ay doon at nakumbinsi s'ya na totoo ang lahat. Hindi n'ya pa matukoy kung ano ang pakay ng nagbigay alam kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito ngunit hindi na muna nila ito iisipin. Uunahin na muna nila ang pagligtas kay Tanya. Mukhang maayos naman ang intensyon ng nagpadala ng tip kay Briggs. Ngunit kahit ganon pa man ay kailangan pa rin nilang mag-ingat. Maaaring mabuti at maaari ding masama ang pakay ng nagbigay alam kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito. Naging busy na sila at hindi na nga s'ya nakauwi sa kan'yang bahay. Hindi n'ya na din nabalikan si Dee at alam n'ya na umuwi na din ito. Babawi na lang s'ya dito kapag naayos na nila ang lahat ng problema ni Briggs. Makakapaghintay ang sa kan'ya ngunit ang kay Briggs ay hindi dahil buntis ang asawa nito at kita sa mga litrato na ipinadala sa pinsan na malaki na ang umbok ng t'y
CHARLES MALCOLM... Narating nila ang lugar na sinasabi ng informant ni Briggs. At lahat sila ay nagulat ng makita ang naturang lugar. Hindi ito karaniwang lugar lamang ng isang mayaman na tao. Isa itong fortress at ang buong lugar ay fully secured at hindi madaling mapasok. May mga sensor ang buong paligid at kaunting galaw lang ng mga tao na hindi kabilang sa lugar na ito ay mag-aalarm agad ang buong lugar para e-alert ang mga tao sa loob. Ngunit dahil sa tumulong kay Briggs ay malaya silang nakapasok sa loob dahil dinis-alarm nito ang sensor at alarm system ng buong fortress para hindi magambala ang mga tao sa loob at hindi malaman ng mga ito na may nakapasok na mga kalaban. "Briggs wait!" narinig n'yang tawag ni Henry sa kanilang pinsan. Nang tapunan n'ya ito ng tingin ay nakita n'ya na tumakbo ito papasok ng mag-isa. "Damn! Atat na atat ang gago! Hindi na makapaghintay," mura n'ya at mabilis na gulamaw para sundan si Briggs. Hindi n'ya ito pwedeng pabayaan dahil ugali na yata
CHARLES MALCOLM... Nawala ang putokan sa bahaging iyon at nagkaroon s'ya ng pagkakataon para hanapin ang dalawa. Kanina n'ya pa tinatawag ang mga ito ngunit wala s'yang sagot na narinig bagkus ay mga putok ang naging sagot sa kan'ya. Ginalugad n'ya ang buong lugar at bumulaga sa kan'yang paningin ang mga patay na katawan ng mga tao na nagkalat. Ang iba ay napaka brutal ng pagkakapatay at hindi s'ya sigurado kung si Briggs ang may gawa ng lahat ng ito. Sa pagkakakilala n'ya sa pinsan ay hindi naman ito ganito ka brutal kung pumatay ng tao. Madalas pa nga ay iniiwan nitong buhay ang mga nakakalaban at hinuhuli sa tamang paraan at hindi sa brutal na pamamaraan. Nagpatuloy s'ya sa paghalughog sa lugar at mas lalong tumindi ang amoy ng gas na ikinamura n'ya. Akmang liliko na s'ya sa isang malaking tangke ng gas ng biglang sumulpot ang dalawang lalaki at parehong nakaumang ang mga baril na hawak sa kan'ya. "Well...well... Carson's legacy, hmmmm! One for all, all for one, huh! Pero sye
CHARLES MALCOLM... Halos tumilapon ang kan'yang kaluluwa sa kung saan ng makita ang malaking apoy kaya naman ay mabilis n'yang tinakbo ang kinaroroonan ni Briggs at Tanya. Nakita n'ya ang dalawa na parang hirap na hirap sa paglalakad at alam n'ya kung bakit. Nawala na ang bisa ng pain reliever sa katawan ni Briggs at hindi pa dapat ito sumabak sa pakikipaglaban dahil hindi pa ito masyadong magaling mula sa pagkakabaril nito noong nakaraan. Ayaw pa sana itong payagan ng doctor ngunit dahil mapilit si Briggs na iligtas ang asawa nito ay idinaan lamang nito sa pain reliever ang lahat para lang makapunta dito at mailigtas ang asawang buntis. Naintindihan n'ya naman ang sitwasyon ni Briggs at kahit s'ya siguro ay ganito din ang gagawin. Biglang sumagi sa kan'yang isip si Dee habang tumatakbo. Hindi n'ya man lang alintana ang mga pagsabog na sunod-sunod na maririnig sa lugar na iyon habang tumatakbo s'ya patungo sa kinaroroonan ni Briggs at Tanya. Nahirapan s'ya sa pagsuong dahil sa a
CHARLES MALCOLM... Inayos n'ya ang pagkakalapag sa babae sa bungangin at agad na lumuhod sa tabi nito at nag-angat ng tingin para silipin ang mukha ng babae. Ngunit para s'yang binuhosan ng isang drum ng malamig na tubig ng bumulaga sa kan'yang paningin ang hitsura ng babaeng iniligtas n'ya na kahit puno ng dumi at may mga galos ang mukha nito ay hindi ito naging hadlang para hindi n'ya ito makilala. "D-Dee!" nanginginig ang kan'yang labi na tinawag ito. Hindi s'ya makapaniwala at sobra s'yang nagulat ng makilala ito. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at nakatingin lamang sa mukha ng dalaga na walang malay at maputla. "D-Dee! G-Gumising ka! Huwag mo akong takutin ng ganito, please. Wake up! Sabi mo sa akin ay hihintayin mo ako ! I'm here! Nandito na ako kaya gumising ka!" nauutal at pumiyok ang kan'yang boses na kinausap ito ngunit wala s'yang nakuhang tugon. Doon na s'ya mas lalong nataranta at mabilis na umuklo para ilagay ang tainga sa dibdib ng dalaga. He can her heartbeat