CHARLES MALCOLM... Inayos n'ya ang pagkakalapag sa babae sa bungangin at agad na lumuhod sa tabi nito at nag-angat ng tingin para silipin ang mukha ng babae. Ngunit para s'yang binuhosan ng isang drum ng malamig na tubig ng bumulaga sa kan'yang paningin ang hitsura ng babaeng iniligtas n'ya na kahit puno ng dumi at may mga galos ang mukha nito ay hindi ito naging hadlang para hindi n'ya ito makilala. "D-Dee!" nanginginig ang kan'yang labi na tinawag ito. Hindi s'ya makapaniwala at sobra s'yang nagulat ng makilala ito. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at nakatingin lamang sa mukha ng dalaga na walang malay at maputla. "D-Dee! G-Gumising ka! Huwag mo akong takutin ng ganito, please. Wake up! Sabi mo sa akin ay hihintayin mo ako ! I'm here! Nandito na ako kaya gumising ka!" nauutal at pumiyok ang kan'yang boses na kinausap ito ngunit wala s'yang nakuhang tugon. Doon na s'ya mas lalong nataranta at mabilis na umuklo para ilagay ang tainga sa dibdib ng dalaga. He can her heartbeat
CHARLES MALCOLM... Hindi n'ya alam kung saan n'ya dadalhin ang dalaga noong una ngunit ng maalala n'ya na mayroon pala s'yang beach house sa norte na bahagi ng syudad ay doon n'ya naisipan na dalhin si Dee para gamutin. Hindi n'ya alam pero may kung ano sa kan'ya na ayaw n'yang dalhin sa hospital ang babae. Pakiramdam n'ya ay may panganib na nakaabang sa kanila kung sa hospital n'ya dadalhin ang babae. Malayo ang beach house n'ya sa kabihasnan at s'ya lang ang tanging naroon kaya sigurado s'ya na ligtas sila kung mayroon mang mga tao na naghahanap sa kanila. Malakas ang kan'yang kutob na hindi pa natatapos ang gulong pinasok nila kaya mas maigi nang nag-iingat kaysa makampanti at magiging huli na ang lahat. Hindi na nagsasalita ang dalaga sa kan'yang likuran at mukhang nakatulog ito kaya hindi n'ya na lang din kinausap pa para makapagpahinga ito. Mabuti na lang at speedboat ang kanilang sinakyan. Mabilis ito at mainam sa ganitong sitwasyon. Pinaghandaan nga ng babae ang ganiton
CHARLES MALCOLM... Pinagpawisan s'ya pagkatapos n'yang magamot si Dee. Mabuti na lang at kumpleto ang kan'yang gamit dahil kung hindi ay baka wala s'yang ibang choice kundi ang dalhin sa hospital ang dalaga. Mahimbing pa rin itong natutulog at mas nadagdagan iyon dahil sa binigay n'ya na gamot dito kanina na pampakalma at pampatulog. Gusto n'yang makapaghinga ito ng maayos para hindi nito maramdaman ang sakit dulot ng mga sugat. Pagkatapos n'yang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Dee ay lumabas muna s'ya at umakyat sa taas. Sinilip n'ya muna ang buong bahay at sinigurado na ligtas silang dalawa. Inactivate n'ya din ang kan'yang mga alarm para kapag may naligaw sa lugar n'ya ay malalaman n'ya agad. Mainam ng nag-iingat kaysa mahuli pa ang lahat. Matapos n'yang magawa ang pakay sa taas ay bumalik na s'ya sa basement para bantayan si Dee. At ng pumasok s'ya sa loob ng silid na kinaroroonan nito ay mahimbing pa rin itong natutulog. Lumapit s'ya sa kama at naupo sa bakanteng up
CHARLES MALCOLM... Hindi s'ya nakahuma sa tanong ni Dee at nakatingin lamang ito. Itinaas ng dalaga ang kamay ito at gamit ang palad ay hinaplos nito ang kan'yang pisngi habang mariin na pinakatitigan ang kan'yang mukha. "My name is Abrielle Dee Lopez, Charles. Alam ko na matagal mo ng inaalam ang buong pangalan ko pero hindi kita binigyan ng pagkakataon na malaman iyon dahil gusto ko na ako mismo ang magpakilala ng sarili ko sayo," mahina ang boses na pagpapakilala ng babae sa kan'ya. "A-Abrielle Dee Lopez?" pag-uulit na sambit n'ya sa buong pangalan ng babae. Napakagandang bigkasin ng buong pangalan nito na hindi n'ya pa napigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kan'yang labi habang sinasambit ng paulit-ulit ang buong pangalan ni Dee. "Yup! That's my real and complete name. I was born in Columbia but raised by my grandmother in Madrid. Wala na akong mga magulang, they both passed away, I mean— pinatay sila pareho when I was young kaya sa lola ako lumaki," kwento ng dal
CHARLES MALCOLM... "Fvck!" lihim na mura n'ya at parang problemado na inihilamos ang palad sa kan'yang mukha. "Charles Malcolm Donnovan-Carson!" nataohan s'ya at nagbalik sa kan'yang sarili ng marinig ang pagsambit ng kan'yang abuela sa buong pangalan n'ya. "I'm sorry lola, hindi kasi kita marinig ng maayos. Putol-putol po ang signal dito dahil nasa malayong lugar ako for work. Tatawag na lang po ako sa inyo kapag may magandang signal na. Enjoy po kayo d'yan sa bahay ko, lola at matatagalan pala ako ng uwi d'yan. Bye lola! I love you so much!" mahabang sabi n'ya at agad na pinatay ang tawag. Hindi n'ya na hinintay pa na makasagot ang kan'yang abuela dahil alam n'ya naman kung ano ang susunod na sasabihin nito sa kan'ya at hindi s'ya interesado dito. Ayaw n'yang marinig lahat ng sasabihin nito at masaya na s'ya dito na kasama si Dee. Mapapatawad naman s'ya siguro ng kan'yang abuela at maintindihan kung bakit umiiwas s'ya rito. Ilang minuto pa s'yang nanatili na nakatulala habang
CHARLES MALCOLM... "Are you ok?" tanong n'ya kay Dee ng makita na nag-iba ang hitsura nito ng makita ang pangalan ng tumatawag. "I'm fine Charles, don't mind me. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo," biglang nagbago ang hitsura nito ng sagutin s'ya. Hinawakan din s'ya nito sa kamay at inakay patungo sa kusina. Nagpatianod lang s'ya rito ngunit nakikiramdam s'ya sa galaw ni Dee. Mukhang may malalim itong iniisip kahit pinipilit nito na pagtakpan sa pamamagitan ng pag-ngiti sa kan'ya. "Where's the food handsome?" tanong ng dalaga sa kan'ya. "In the fridge. Let me take and make it hot para makakain na tayo," tugon n'ya. Kinalas naman ng babae ang kamay nito na nakahawak sa kan'ya para magawa n'ya ang kan'yang gagawin. Nginitian n'ya muna ito at hinalikan sa sintido bago iniwan para tungohin ang refrigerator. Binuksan n'ya ito at kinuha ang ulam na niluto n'ya kagabi. May kanin din s'yang sinaing kagabi at nasa refrigerator din ito kasama ng ulam. Inilabas n'ya ang mga pagkain at
CHARLES MALCOLM... Ilang araw na silang nasa beach house na dalawa ni Dee at sa loob ng mga araw na iyon ay wala silang ginawa na dalawa kundi ang maglambingan. Iniwasan n'ya muna ang magtanong sa babae tungkol sa mga bagay na gusto n'yang malaman at hinayaan na muna ang mga sarili nila na mag-enjoy. Madali lang din na naka recover si Dee pati na ang mga sunog sa katawan nito. Mabuti na lang talaga at kumpleto s'ya sa mga gamit sa panggagamot. Walang naging problema ang paggamot n'ya rito. Sa ilang araw na pananatili nila sa lugar ay wala din s'yang napansin na panganib kaya ngayong araw ay ipinasya n'yang mag picnic sa tabing dagat. Maaga s'yang nagising kanina at nanghuli ng mga isda sa dagat habang tulog pa ang dalaga. Oo at nakakatulog na si Dee ng mahimbing sa gabi. Magkatabi silang dalawa sa higaan at masasabi n'ya sa bawat gabi na nagdaan ay mahimbing at payapa ang naging tulog nito. Bagay na madalas ay pinapasalamatan ng babae sa kan'ya sa tuwing magigising ito. Masaya
CHARLES MALCOLM... "Anong gagawin natin sa labas?" kunot ang noo na tanong ni Dee sa kan'ya ng yayain n'ya ito sa labas at utosan na bumangon. Ilang minuto din silang naglambingan sa kama at muntik n'ya pa ngang makalimutan ang kan'yang pakay kung bakit s'ya pumunta sa kwarto nila. "Let's swim! Maganda ang araw ngayon at swak para mag swimming," sagot n'ya rito. Namilog naman ang mga mata nito ng marinig ang kan'yang sinabi. "Talaga?" "Yup! May mga lamang-dagat din akong nahuli kanina, iihawin natin yon para may pagkain tayo," dagdag n'ya pa. "Nag fishing ka?" tanong nito na nakataas ang isang kilay. "Yup! Kaninang madaling araw—," "Nang hindi mo ako ginising at sinama?" putol nito sa kan'yang gustong sabihin habang masama ang tingin na ipinukol sa kan'ya. Napakamot s'ya sa kan'yang batok na nagpaliwanag dito hoping na makikinig at maniniwala ito sa kan'ya. "I don't have the heart to call you Dee. Sobrang himbing ng tulog mo kanina kaya hinayaan na kita na makapagpahinga ng