CHARLES MALCOLM... Nang makita n'ya ang mga litrato na ipinadala ng nag-inform kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito ay doon at nakumbinsi s'ya na totoo ang lahat. Hindi n'ya pa matukoy kung ano ang pakay ng nagbigay alam kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito ngunit hindi na muna nila ito iisipin. Uunahin na muna nila ang pagligtas kay Tanya. Mukhang maayos naman ang intensyon ng nagpadala ng tip kay Briggs. Ngunit kahit ganon pa man ay kailangan pa rin nilang mag-ingat. Maaaring mabuti at maaari ding masama ang pakay ng nagbigay alam kay Briggs tungkol sa kinaroroonan ng asawa nito. Naging busy na sila at hindi na nga s'ya nakauwi sa kan'yang bahay. Hindi n'ya na din nabalikan si Dee at alam n'ya na umuwi na din ito. Babawi na lang s'ya dito kapag naayos na nila ang lahat ng problema ni Briggs. Makakapaghintay ang sa kan'ya ngunit ang kay Briggs ay hindi dahil buntis ang asawa nito at kita sa mga litrato na ipinadala sa pinsan na malaki na ang umbok ng t'y
CHARLES MALCOLM... Narating nila ang lugar na sinasabi ng informant ni Briggs. At lahat sila ay nagulat ng makita ang naturang lugar. Hindi ito karaniwang lugar lamang ng isang mayaman na tao. Isa itong fortress at ang buong lugar ay fully secured at hindi madaling mapasok. May mga sensor ang buong paligid at kaunting galaw lang ng mga tao na hindi kabilang sa lugar na ito ay mag-aalarm agad ang buong lugar para e-alert ang mga tao sa loob. Ngunit dahil sa tumulong kay Briggs ay malaya silang nakapasok sa loob dahil dinis-alarm nito ang sensor at alarm system ng buong fortress para hindi magambala ang mga tao sa loob at hindi malaman ng mga ito na may nakapasok na mga kalaban. "Briggs wait!" narinig n'yang tawag ni Henry sa kanilang pinsan. Nang tapunan n'ya ito ng tingin ay nakita n'ya na tumakbo ito papasok ng mag-isa. "Damn! Atat na atat ang gago! Hindi na makapaghintay," mura n'ya at mabilis na gulamaw para sundan si Briggs. Hindi n'ya ito pwedeng pabayaan dahil ugali na yata
CHARLES MALCOLM... Nawala ang putokan sa bahaging iyon at nagkaroon s'ya ng pagkakataon para hanapin ang dalawa. Kanina n'ya pa tinatawag ang mga ito ngunit wala s'yang sagot na narinig bagkus ay mga putok ang naging sagot sa kan'ya. Ginalugad n'ya ang buong lugar at bumulaga sa kan'yang paningin ang mga patay na katawan ng mga tao na nagkalat. Ang iba ay napaka brutal ng pagkakapatay at hindi s'ya sigurado kung si Briggs ang may gawa ng lahat ng ito. Sa pagkakakilala n'ya sa pinsan ay hindi naman ito ganito ka brutal kung pumatay ng tao. Madalas pa nga ay iniiwan nitong buhay ang mga nakakalaban at hinuhuli sa tamang paraan at hindi sa brutal na pamamaraan. Nagpatuloy s'ya sa paghalughog sa lugar at mas lalong tumindi ang amoy ng gas na ikinamura n'ya. Akmang liliko na s'ya sa isang malaking tangke ng gas ng biglang sumulpot ang dalawang lalaki at parehong nakaumang ang mga baril na hawak sa kan'ya. "Well...well... Carson's legacy, hmmmm! One for all, all for one, huh! Pero sye
CHARLES MALCOLM... Halos tumilapon ang kan'yang kaluluwa sa kung saan ng makita ang malaking apoy kaya naman ay mabilis n'yang tinakbo ang kinaroroonan ni Briggs at Tanya. Nakita n'ya ang dalawa na parang hirap na hirap sa paglalakad at alam n'ya kung bakit. Nawala na ang bisa ng pain reliever sa katawan ni Briggs at hindi pa dapat ito sumabak sa pakikipaglaban dahil hindi pa ito masyadong magaling mula sa pagkakabaril nito noong nakaraan. Ayaw pa sana itong payagan ng doctor ngunit dahil mapilit si Briggs na iligtas ang asawa nito ay idinaan lamang nito sa pain reliever ang lahat para lang makapunta dito at mailigtas ang asawang buntis. Naintindihan n'ya naman ang sitwasyon ni Briggs at kahit s'ya siguro ay ganito din ang gagawin. Biglang sumagi sa kan'yang isip si Dee habang tumatakbo. Hindi n'ya man lang alintana ang mga pagsabog na sunod-sunod na maririnig sa lugar na iyon habang tumatakbo s'ya patungo sa kinaroroonan ni Briggs at Tanya. Nahirapan s'ya sa pagsuong dahil sa a
CHARLES MALCOLM... Inayos n'ya ang pagkakalapag sa babae sa bungangin at agad na lumuhod sa tabi nito at nag-angat ng tingin para silipin ang mukha ng babae. Ngunit para s'yang binuhosan ng isang drum ng malamig na tubig ng bumulaga sa kan'yang paningin ang hitsura ng babaeng iniligtas n'ya na kahit puno ng dumi at may mga galos ang mukha nito ay hindi ito naging hadlang para hindi n'ya ito makilala. "D-Dee!" nanginginig ang kan'yang labi na tinawag ito. Hindi s'ya makapaniwala at sobra s'yang nagulat ng makilala ito. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at nakatingin lamang sa mukha ng dalaga na walang malay at maputla. "D-Dee! G-Gumising ka! Huwag mo akong takutin ng ganito, please. Wake up! Sabi mo sa akin ay hihintayin mo ako ! I'm here! Nandito na ako kaya gumising ka!" nauutal at pumiyok ang kan'yang boses na kinausap ito ngunit wala s'yang nakuhang tugon. Doon na s'ya mas lalong nataranta at mabilis na umuklo para ilagay ang tainga sa dibdib ng dalaga. He can her heartbeat
CHARLES MALCOLM... Hindi n'ya alam kung saan n'ya dadalhin ang dalaga noong una ngunit ng maalala n'ya na mayroon pala s'yang beach house sa norte na bahagi ng syudad ay doon n'ya naisipan na dalhin si Dee para gamutin. Hindi n'ya alam pero may kung ano sa kan'ya na ayaw n'yang dalhin sa hospital ang babae. Pakiramdam n'ya ay may panganib na nakaabang sa kanila kung sa hospital n'ya dadalhin ang babae. Malayo ang beach house n'ya sa kabihasnan at s'ya lang ang tanging naroon kaya sigurado s'ya na ligtas sila kung mayroon mang mga tao na naghahanap sa kanila. Malakas ang kan'yang kutob na hindi pa natatapos ang gulong pinasok nila kaya mas maigi nang nag-iingat kaysa makampanti at magiging huli na ang lahat. Hindi na nagsasalita ang dalaga sa kan'yang likuran at mukhang nakatulog ito kaya hindi n'ya na lang din kinausap pa para makapagpahinga ito. Mabuti na lang at speedboat ang kanilang sinakyan. Mabilis ito at mainam sa ganitong sitwasyon. Pinaghandaan nga ng babae ang ganiton
CHARLES MALCOLM... Pinagpawisan s'ya pagkatapos n'yang magamot si Dee. Mabuti na lang at kumpleto ang kan'yang gamit dahil kung hindi ay baka wala s'yang ibang choice kundi ang dalhin sa hospital ang dalaga. Mahimbing pa rin itong natutulog at mas nadagdagan iyon dahil sa binigay n'ya na gamot dito kanina na pampakalma at pampatulog. Gusto n'yang makapaghinga ito ng maayos para hindi nito maramdaman ang sakit dulot ng mga sugat. Pagkatapos n'yang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Dee ay lumabas muna s'ya at umakyat sa taas. Sinilip n'ya muna ang buong bahay at sinigurado na ligtas silang dalawa. Inactivate n'ya din ang kan'yang mga alarm para kapag may naligaw sa lugar n'ya ay malalaman n'ya agad. Mainam ng nag-iingat kaysa mahuli pa ang lahat. Matapos n'yang magawa ang pakay sa taas ay bumalik na s'ya sa basement para bantayan si Dee. At ng pumasok s'ya sa loob ng silid na kinaroroonan nito ay mahimbing pa rin itong natutulog. Lumapit s'ya sa kama at naupo sa bakanteng up
CHARLES MALCOLM... Hindi s'ya nakahuma sa tanong ni Dee at nakatingin lamang ito. Itinaas ng dalaga ang kamay ito at gamit ang palad ay hinaplos nito ang kan'yang pisngi habang mariin na pinakatitigan ang kan'yang mukha. "My name is Abrielle Dee Lopez, Charles. Alam ko na matagal mo ng inaalam ang buong pangalan ko pero hindi kita binigyan ng pagkakataon na malaman iyon dahil gusto ko na ako mismo ang magpakilala ng sarili ko sayo," mahina ang boses na pagpapakilala ng babae sa kan'ya. "A-Abrielle Dee Lopez?" pag-uulit na sambit n'ya sa buong pangalan ng babae. Napakagandang bigkasin ng buong pangalan nito na hindi n'ya pa napigilan ang pagsilay ng isang matamis na ngiti sa kan'yang labi habang sinasambit ng paulit-ulit ang buong pangalan ni Dee. "Yup! That's my real and complete name. I was born in Columbia but raised by my grandmother in Madrid. Wala na akong mga magulang, they both passed away, I meanā pinatay sila pareho when I was young kaya sa lola ako lumaki," kwento ng dal