AUDREY PRISCILLA... "I thought may aasahan ako sayo, Preccy. Bumalik na lang tayo sa Europe, masaya naman tayo ni Andrei doon eh. Wala naman tayong problema at hindi kayo nalalayo sa akin," si Anthony sa kan'ya. Mababanaag ang sakit sa mga mata nito habang nagsasalita. Nakaramdam s'ya ng awa sa lalaki ngunit wala na s'yang magagawa dahil tanging pagkakaibigan lamang ang tingin n'ya rito and nothing else. "I'm sorry Anthony pero hindi ba noon pa man ay sinabi ko na sayo na tanging pagkakaibigan lamang ang maibibigay ko sayo!" s'ya rito. Mas lalong mababanaag ang sakit sa mga mata ng kaibigan ngunit mas mainam na ang ganito para hindi na ito umasa pa at makahanap na rin ng tamang babae na para dito. "I'm so stupid, yeah! Umasa ako na mamahalin mo rin. Minahal ko kayong dalawa ni Andrei at itinuring ko na parang tunay ko na anak ang bata pero hindi pa rin pala iyon sapat para mahalin ko, Preccy," puno ng hinanakit na sumbat nito sa kan'ya. Alam n'ya naman iyon na ginawa ni Anthony ang
AUDREY PRISCILLA..."Hmmmmm!" ungol n'ya at dahan-dahan na nagmulat ng kan'yang mga mata. Nasilaw s'ya sa liwanag mula sa ilaw kaya naipikit n'ya ulit ang kan'yang mga mata at hinintay muna na masanay ang kan'yang mga mata sa liwanag bago binuksan ulit.Nagsalubong ang kan'yang mga kilay ng makita na hindi pamilyar sa kan'ya ang silid na kinaroroonan ngunit ng maalala ang nangyari sa parking lot ng mall na pinuntahan n'ya ay nagliwanag ang kan'yang isip sa lahat ng nangyari.Akmang tatayo s'ya mula sa pagkakaupo sa upoan ngunit hindi s'ya makatayo at doon n'ya lang napansin ang pagkakagapos ng kan'yang mga kamay."N-Nasaan ako?" nauutal na tanong n'ya sa sarili at pilit na hinahatak ang kamay na nakagapos sa upoan at nagbabasakali ma maalis ito ngunit mahigpit ang pagkakagapos sa kan'ya kaya hindi n'ya maalis ang tali sa mga kamay.Nang subukan n'yang tumayo ulit ay doon n'ya lang napansin na pati pala ang kan'yang paa ay nakagapos din."Tres!" mahina ang boses na tawag n'ya sa asawa
AUDREY PRISCILLA... "Pakawalan mo ako Anthony dahil kapag natunton ako ni Tres ay sinisigurado ko sayo na hindi ka bubuhayin ng asawa ko!" matapang na banta n'ya sa binata. "Hmmmm! We'll see kung kaya n'ya ako, Preccy. We'll see... At dahil hindi pa naman dumating ang pagkakataon na iyon at sigurado naman ako na hindi ka n'ya matutonton dito ay magpakasaya muna ako kasama ka! Hmmmmm!" "Hindi ka magtatagumpay, Anthony! Sinasabi ko sayo..., hindi ka magtatagumpay dahil sa mga oras na ito ay sigurado ako na hinahanap na ako ng asawa ko!" puno ng kasiguradohan na sabi n'ya sa lalaki. Malakas naman itong tumawa ng marinig ang kan'yang sinabi. "Maybe tama ka! Sa mga oras na ito ay sigurado ako na hinahanap ka na ng asawa mo pero ang tanong? Kaya n'ya kayang makita ka o matunton dito? Alam mo ba kung nasaan tayo?" nang-uuyam na sagot ng lalaki sa kan'ya. Nakaramdam s'ya ng panghihina ng marinig ang sinabi ni Anthony ngunit hindi n'ya ito ipinakita sa lalaki bagkus ay matapang n'yang si
AUDREY PRISCILLA..."Hindi ba kayo mga ina? Wala ba kayong mga anak? Kailangan ako ng anak ko, maaawa kayo sa akin!" pakiusap n'ya sa mga ito ngunit tanging pag-iling lamang ang ginawa ng dalawang babae na nag-aasikaso sa kan'ya.Walang pumansin sa kan'ya at binalewala ang kan'yang mga sinabi. Tahimik at parehong walang imik na inalis ng dalawang babae nag tali sa kan'yang kamay at paa.Nakaramdam s'ya ng ginhawa ng maalis ang tali ngunit saglit lang iyon dahil pagkatapos ng mga ito na maalis ang tali sa kan'yang kamay ay hinatak s'ya ng dalawa patungo sa banyo."Bitawan n'yo ako!" pagpupumiglas n'ya ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng dalawang babae sa January braso."Huwag na po kayong magpumilit na makatakas, senyorita at masasaktan lang po kayo. Kung ako sa inyo ay susunod na lang po ako sa gusto ni senyorito Anthony," sabi ng isang babae sa kan'ya.At dahil malakas ang mga ito kung kaya ay wala s'yang nagawa kundi ang magpaubaya na lamang sa dalawa.Pati sa pagpapaligo sa kan'ya
"She's here!" hindi pa s'ya nakabawi ay narinig n'ya na ang boses ni Anthony. At nang ilibot n'ya ang kan'yang tingin sa loob ng silid na iyon ay nakita n'ya ang isang pigura ng tao na pamilyar sa kan'ya.Natulos s'ya sa kan'yang kinatatayuan at hindi agad nakahuma. Tumayo naman si Anthony at lumapit sa kan'ya sabay hawak sa kan'yang siko."You look gorgeous, Preccy," papuri sa kan'ya ng lalaki ngunit wala doon ang kan'yang atensyon kundi sa isang tao na nasa loob."Let's get inside!" dagdag pa ni Anthony ng hindi s'ya gumalaw. Nahimasmasan naman s'ya at ipinilig ang kan'yang ulo sabay ngiti sa lalaki."Now you are smiling! I know na matutuwa ka kapag nakita mo s'ya kaya dinala ko s'ya dito," masayang sabi ni Anthony sabay turo sa lalaki na nakaupo sa loob at naghihintay sa kan'ya."Papa!" tawag n'ya rito. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ng matanda at ibinuka nito ang mga braso para sa kan'ya."Surprise!" natatawang sabi nito habang nakabuka ang mga braso. Dali-dali naman s
AUDREY PRISCILLA...."Mana ka sa ina mo, Preccy! Wala kayong ipinagkaiba. Kayang magpakatanga sa isang El Frio kahit ilang beses ng niloko!" nagimbal s'ya sa kan'yang narinig mula sa matanda lalo na ng banggitin nito ang tungkol sa kan'yang ina na hindi n'ya nakilala simula pa ng magkaisip s'ya."W-What did you say? M-Mana ako sa mama ko? D-Do you know my mom?" nanginginig ang labi na tanong n'ya sa matanda. Nag-iwas ito ng tingin sa kan'ya na parang ngayon lang nahimasmasan sa sinabi nito."Papa, answer me! Kilala mo ba ang nanay ko? All this time ay kilala mo ako kung ganon at hindi aksidente ang pagkikita natin? Kilala mo ang mga magulang ko? Sumagot ka!" naiiyak na tanong n'ya sa matanda ng hindi ito sumagot sa kan'ya. Nagbuga muna ito ng hangin bago humarap ulit sa kan'ya at sa pagkakataong ito ay malamig na ang emosyon na nasa mukha nito."You need to marry Anthony, right away and that's an order from me!" matigas ang boses na utos nito sa kan'ya. Nagulat s'ya sa kan'yang narin
AUDREY PRISCILLA..."Too late for that Preccy! I already started a few years ago. Mahirap lang kalabanin ang lintik na mga El Frio na yon pero pasasaan ba at mapapabagsak ko din sila. By the way, you did a great job for taking over Tres's company. You empress me, honey but you disappoint me too dahil ang bilis mong nauto ulit ng lalaking iyon.""W-What did you do?" pabulong na tanong n'ya sa ama-amahan dahil parang hindi kakayanin ng kan'yang utak ang mga nalaman mula rito. Mahina itong natawa at kita ang tagumpay sa mga mata ng matanda."I played with your husband! I played everything for my revenge and for my entertainment. I played the entire family of El Frio but only your husband is ang mahina sa lahat. Pero satisfying naman ang ginawa ko dahil katulad ng ina mo na nabaliw sa ama ng asawa mo noon, ay nagawa ko ding baliwin ang anak ng hayop na Joshua El Frio na yon! Pero hindi pa ako tapos sa kanila dahil hangga't buhay pa ang taong iyon ay hindi ako matatahimik. Kung hindi ko s
AUDREY PRISCILLA..."You are not my father! Hindi tayo magkadugo at ginamit mo lang ako para sa paghihiganti mo. At ang tinatawag mo na mga mamamatay tao ay sila lang naman ang mga tao na may puso at busilak ang kalooban na kinupkop ako mula sa pagpalaboy-laboy sa kalye, pinatuloy sa bahay nila, pinakain at itinuring na parti ng pamilya nila kaya wala kang karapatan na tawagin silang mamamatay tao dahil kung mayroon man dito na mamamatay tao ay ikaw yon at hindi sila!" galit na sigaw n'ya pabalik sa matanda. Akmang sasaktan s'ya nito muli ngunit mabilis na pumagitna si Anthony para pigilan ito sa muling pagsampal sa kan'ya."Wala kang utang na loob! Kahit ano pa ang pagtutol na gawin mo ay susundin mo pa rin ako dahil iyon ang nararapat. Para sa ina mo ay gagawin mo ang iniutos ko sayo, Prescilla!" nangangalaiti sa galit na sigaw nito sa kan'ya. Kung wala lang si Anthony na umaawat sa galit ng kan'yang ama-amahan ay baka ilang beses na s'yang nasampal nito dahil sa sobrang galit.Ngun
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi