TYRONE DAVIS...Tatlong araw ang nakalipas ay nagpaalam s'ya sa kasintahan na aalis sila ng ama nito."Baka anong gawin ni nono sayo Tyrone," puno ng pag-alala na sabi nito sa kan'ya. Hinapit n'ya ito sa bewang at siniil ng halik. Kumalas din agad s'ya dito at sinapo ang mukha ng kasintahan."Nag ooverthink ka masyado asawa ko, nakalimutan mo ba na kasama ko si dad? At nararamdaman ko na walang gagawin ang nono mo sa akin kaya relax ka lang, ok?" alo n'ya rito ngunit kita pa rin sa mukha ng kasintahan ang labis na pag-alala."Galit s'ya sayo kaya hindi mo makuha sa akin ang mag-alala. Hindi mo kilala si nono, mas masahol pa s'ya sa tigre na nanglalapa ng kalaban," sagot nito sa kan'ya. Marahas s'yang bumuntong hininga at pinakatitigan ito."Alam ko yang nasa isip mo sweetheart at ngayon pa lang sinasabi ko na sayo. Alisin mo yan dahil walang maidudulot na mabuti yan sayo. Walang mangyayari sa akin at kasama ko si daddy sa pagpunta ko sa lolo mo," mahabang sabi n'ya kay Lavinia.Bumusa
TYRONE DAVIS...Matapos ang pag-uusap nila ng lolo ni Lavinia ay nagpasya s'yang dumiretso sa Morocco ngunit hindi s'ya pinayagang mag-isa ng kan'yang byenan.Sumama ito sa kan'ya at nagpadala pa ng mga taohan ang lolo ni Lavinia para sa kanilang dalawa.Hindi n'ya alam kung anong mararamdaman sa ngayon dahil sa lahat ng nalaman. Masakit para sa kan'ya kung totoo man ang lahat ng sinabi ng lolo ni Lavinia.Humingi ito ng tawad at nagbabasakali itong totoong anak nga s'ya ng sinasabi nitong si Susan na anak ng matanda, ngunit para sa kan'ya ay ang mommy Angeline n'ya lang ang nag-iisa n'yang ina.Ayaw n'ya ring maging nanay si Susan dahil kapag nagkataon ay magiging buong magpinsan silang dalawa ni Lavinia at iyan ang ayaw n'yang mangyari. Ok na sa kan'ya na second cousin sila atleast medyo malayong kamag-anak na at pwede nang magsama bilang mag-asawa."Tyrone kumalma ka! Huwag kang magpadalos-dalos sa desisyon mo," bilin sa kan'ya ng byenan."I will try dad, thank you!" sagot n'ya rit
TYRONE DAVIS...."I will kill you both! Ako mismo ang papatay sa inyo!" malamig na turan n'ya habang nakatingin pa rin sa monitor ng computer.Alam n'ya na kung saan dinala ni Silvano ang ama. Sa mga pinag-uusapan ng mga ito sigurado s'yang nasa Pilipinas ang destinasyon ng mga ito.Hayop ang matandang iyon, hindi pa nakuntento sa kung ano ang meron s'ya at pati na ang yaman ng kan'yang ama ay gusto pang kamkamin."Napakasama mo! Napakasama mo!" pagsusumigaw n'ya at akmang susuntukin ang monitor ngunit nahawakan ng kapatid ang mga kamay n'ya."Don't ruin it! Wala na tayong ebedensya kapag sinira mo yan. E reserve mo yang kamao mo sa mga mukha nila kuya," awat ng kapatid sa kan'ya.Nataohan naman s'ya at napag isip-isip n'ya rin na tama ito kaya kinalma n'ya ang sarili."Let's go!" aya n'ya sa mga kasama. Kailangan na makabalik agad sila ng Pilipinas ngayon din. Babawiin n'ya ang kan'yang ama kahit na magkamatayan pa sila ng Silvano na yon."Kuya akin na lang tong mouse mo na kulay gi
TYRONE DAVIS....Kasama ang mga tanders ay umalis sila para lusubin ang kota ni Silvano at bawiin ang kan'yang ama.Nauna na sa lugar ang mga assassin para magmanman at masiguro na makakapasok sila sa kota ni Silvano."Tito Red pwede bang putulin mo ang koneksyon o e block mo si Lavinia sa sytem," pakiusap n'ya sa tito Red n'ya."And why would I do that Ponce?" nakataas ang kilay na tanong nito." Dahil alam kong sa mga oras na ito ay nakasubaybay na s'ya sa atin. Ayaw kong makita n'ya ang nangyayari dahil baka mag-alala iyon ng sobra at kung ano pa ang mangyari sa kanila ng anak namin," paliwanag n'ya rito.Tumango naman ito bilang tugon at agad na pinutol ang linya na naka konekta kay Lavinia.Maya-maya pa ay sunod-sunod na tumunog ang cellphone ng tito Red n'ya at nang silipin nito ay napailing na lamang ito habang nakatingin sa screen at kibit-balikat na tumingin sa kan'ya."Should I answer her?" tanong nito."Yes please, ikaw na ang bahala magpaliwanag sa kan'ya tito, just don't t
TYRONE DAVIS..."Terrence hold on," isang malakas na boses ang pumukaw sa kan'yang pag-iisip at nang tingnan n'ya ito sa baba ay nakita n'ya si Pharaoh Santorini na humahangos na pumasok. "D-Daddy," mahinang tawag n'ya ng makita ang ama. Sinalubong ito ni Tiago but Pharaoh Santorini can fight better than the stupid Tiago.Walang kahirap-hirap na nahawakan ng kan'yang ama ang leeg ng binata3 DECADES AGO..."Dad can I play outside?" pa cute na tanong ng isang batang lalaki sa ama nito. Nakaupo ang ama sa kitchen counter habang nagkakape.May hawak na bola ang bata at nakatingala ito sa ama at naghihintay ng sagot. Bumaba ang ama sa upoan at lumuhod sa harapan ng anak para magpantay sila."I bet you can't Terrence!" sagot nito sa anak. Laglag ang balikat ng batang lalaki ng marinig ang sagot ng ama. Marahas namang bumuga ng hangin ang lalaki at hinawakan ang bata sa magkabilang balikat."Terrence look! We are doing this for your own good son. For your safety. You are born to be a king
TYRONE DAVIS...."Dahil hindi mo s'ya totoong ama!" malakas na sigaw ng isang boses na lumapit sa kanila. Lumingon silang lahat rito para lang parehong magulat ng makilala ang may-ari ng boses."M-Mommy? B-Buhay ka?""A- Angeline?" panabay na tawag ni Pharaoh at papa Ricardo n'ya sa pangalan ng kan'yang ina.Naglakad ito palapit sa kan'ya habang hilam sa luha ang mga mata. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at hindi nakahuma.Buong buhay n'ya ay ang pinaniniwalaan n'ya na patay na ang kan'yang mommy, pero nandito ito ngayon sa kan'yang harapan.Buhay na buhay. Lumipas man ang ilang dekada ay hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. Ang mukha nito na parang pinagbiyak silang dalawa na bunga.Silang dalawa ang magkamukha ng ina at wala s'yang namana sa kan'yang ama kung sa mukha ang pagbabasehan."Terrence put your sword down anak. Hindi mo dapat tinatrato ng ganon si Pharaoh. Dapat ay nagpapasalamat ka pa sa kan'ya dahil buhay ka at hindi mo dapat s'ya kinamumuhian," umiiyak na sabi ng i
TYRONE DAVIS..."D-Dad," nahihiyang tawag n'ya kay Pharaoh. Nakaramdam s'ya ng hiya dahil buong buhay n'ya ay kinamumuhian n'ya ito.Wala naman pala itong kasalanan bagkus ay iniligtas pa s'ya nito laban kay Silvano."Come closer Terrence," utos nito sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumapit dito at hindi pa s'ya tuloyang nakalapit ay hinatak na s'ya ni Pharaoh at niyakap ng mahigpit.Gumanti s'ya ng yakap sa lalaki at biglang naglaho na parang bula ang lahat ng galit n'ya sa dibdib ng maramdaman ang mainit na yakap ng kinilalang ama."You are still my son Terrence, walang nagbago d'yan, ikaw ang kinikilalang kuya ng mga anak ko at kilala ka nila dahil hindi ko itinago sa kanila ang lahat. Alam ng mga kapatid mo ang nangyari at ang kaugnayan natin ngunit hindi iyan naging problema sa kanila para tawagin kang kuya at ituring na isang tunay na kapatid," mahabang sabi ni Pharaoh habang tinatapik nito ang kan'yang likod.Namasa ang kan'yang mga mata sa narinig mula sa lalaki. Nakaramdam s'ya n
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Pabalik-balik s'ya sa paglalakad sa loob ng kwarto. Hindi s'ya mapakali ng hindi nalalaman ang sitwasyon ni Tyrone. Pinutol ng ninong Red n'ya ang kan'yang connection at alam n'ya kung bakit.Alam n'ya din na inutos ito ng kasintahan para hindi s'ya mag-alala sa sitwasyon nito.Ngunit mas lalo pang lumala ito dahil hindi s'ya mapakali sa kakaisip kay Tyrone. Ilang oras na ang nakalipas at wala pa ring balita sa mga ito.Tinatawagan n'ya rin ang mga kaibigan ngunit walang kahit na isa ang sumasagot sa tawag n'ya.Para na s'yang mababaliw at nakaramdam na rin s'ya ng pananakit ng ulo dahil sa sobrang pag-iisip sa kalagayan ng binata.Iba din ang kaba na kan'yang nararamdaman ngayon. Hindi s'ya panatag na wala sa tabi o likod ni Tyrone, pakiramdam n'ya na anytime ay may mangyayaring masama sa binata.Dalawang oras na mahigit ng nawala ang kan'yang connection sa mga ito dahil sa pagputol ng kan'yang ninong Red at sa loob ng dalawang oras ay wala s'yang natangg