TYRONE DAVIS...."I will kill you both! Ako mismo ang papatay sa inyo!" malamig na turan n'ya habang nakatingin pa rin sa monitor ng computer.Alam n'ya na kung saan dinala ni Silvano ang ama. Sa mga pinag-uusapan ng mga ito sigurado s'yang nasa Pilipinas ang destinasyon ng mga ito.Hayop ang matandang iyon, hindi pa nakuntento sa kung ano ang meron s'ya at pati na ang yaman ng kan'yang ama ay gusto pang kamkamin."Napakasama mo! Napakasama mo!" pagsusumigaw n'ya at akmang susuntukin ang monitor ngunit nahawakan ng kapatid ang mga kamay n'ya."Don't ruin it! Wala na tayong ebedensya kapag sinira mo yan. E reserve mo yang kamao mo sa mga mukha nila kuya," awat ng kapatid sa kan'ya.Nataohan naman s'ya at napag isip-isip n'ya rin na tama ito kaya kinalma n'ya ang sarili."Let's go!" aya n'ya sa mga kasama. Kailangan na makabalik agad sila ng Pilipinas ngayon din. Babawiin n'ya ang kan'yang ama kahit na magkamatayan pa sila ng Silvano na yon."Kuya akin na lang tong mouse mo na kulay gi
TYRONE DAVIS....Kasama ang mga tanders ay umalis sila para lusubin ang kota ni Silvano at bawiin ang kan'yang ama.Nauna na sa lugar ang mga assassin para magmanman at masiguro na makakapasok sila sa kota ni Silvano."Tito Red pwede bang putulin mo ang koneksyon o e block mo si Lavinia sa sytem," pakiusap n'ya sa tito Red n'ya."And why would I do that Ponce?" nakataas ang kilay na tanong nito." Dahil alam kong sa mga oras na ito ay nakasubaybay na s'ya sa atin. Ayaw kong makita n'ya ang nangyayari dahil baka mag-alala iyon ng sobra at kung ano pa ang mangyari sa kanila ng anak namin," paliwanag n'ya rito.Tumango naman ito bilang tugon at agad na pinutol ang linya na naka konekta kay Lavinia.Maya-maya pa ay sunod-sunod na tumunog ang cellphone ng tito Red n'ya at nang silipin nito ay napailing na lamang ito habang nakatingin sa screen at kibit-balikat na tumingin sa kan'ya."Should I answer her?" tanong nito."Yes please, ikaw na ang bahala magpaliwanag sa kan'ya tito, just don't t
TYRONE DAVIS..."Terrence hold on," isang malakas na boses ang pumukaw sa kan'yang pag-iisip at nang tingnan n'ya ito sa baba ay nakita n'ya si Pharaoh Santorini na humahangos na pumasok. "D-Daddy," mahinang tawag n'ya ng makita ang ama. Sinalubong ito ni Tiago but Pharaoh Santorini can fight better than the stupid Tiago.Walang kahirap-hirap na nahawakan ng kan'yang ama ang leeg ng binata3 DECADES AGO..."Dad can I play outside?" pa cute na tanong ng isang batang lalaki sa ama nito. Nakaupo ang ama sa kitchen counter habang nagkakape.May hawak na bola ang bata at nakatingala ito sa ama at naghihintay ng sagot. Bumaba ang ama sa upoan at lumuhod sa harapan ng anak para magpantay sila."I bet you can't Terrence!" sagot nito sa anak. Laglag ang balikat ng batang lalaki ng marinig ang sagot ng ama. Marahas namang bumuga ng hangin ang lalaki at hinawakan ang bata sa magkabilang balikat."Terrence look! We are doing this for your own good son. For your safety. You are born to be a king
TYRONE DAVIS...."Dahil hindi mo s'ya totoong ama!" malakas na sigaw ng isang boses na lumapit sa kanila. Lumingon silang lahat rito para lang parehong magulat ng makilala ang may-ari ng boses."M-Mommy? B-Buhay ka?""A- Angeline?" panabay na tawag ni Pharaoh at papa Ricardo n'ya sa pangalan ng kan'yang ina.Naglakad ito palapit sa kan'ya habang hilam sa luha ang mga mata. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at hindi nakahuma.Buong buhay n'ya ay ang pinaniniwalaan n'ya na patay na ang kan'yang mommy, pero nandito ito ngayon sa kan'yang harapan.Buhay na buhay. Lumipas man ang ilang dekada ay hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. Ang mukha nito na parang pinagbiyak silang dalawa na bunga.Silang dalawa ang magkamukha ng ina at wala s'yang namana sa kan'yang ama kung sa mukha ang pagbabasehan."Terrence put your sword down anak. Hindi mo dapat tinatrato ng ganon si Pharaoh. Dapat ay nagpapasalamat ka pa sa kan'ya dahil buhay ka at hindi mo dapat s'ya kinamumuhian," umiiyak na sabi ng i
TYRONE DAVIS..."D-Dad," nahihiyang tawag n'ya kay Pharaoh. Nakaramdam s'ya ng hiya dahil buong buhay n'ya ay kinamumuhian n'ya ito.Wala naman pala itong kasalanan bagkus ay iniligtas pa s'ya nito laban kay Silvano."Come closer Terrence," utos nito sa kan'ya. Dahan-dahan s'yang lumapit dito at hindi pa s'ya tuloyang nakalapit ay hinatak na s'ya ni Pharaoh at niyakap ng mahigpit.Gumanti s'ya ng yakap sa lalaki at biglang naglaho na parang bula ang lahat ng galit n'ya sa dibdib ng maramdaman ang mainit na yakap ng kinilalang ama."You are still my son Terrence, walang nagbago d'yan, ikaw ang kinikilalang kuya ng mga anak ko at kilala ka nila dahil hindi ko itinago sa kanila ang lahat. Alam ng mga kapatid mo ang nangyari at ang kaugnayan natin ngunit hindi iyan naging problema sa kanila para tawagin kang kuya at ituring na isang tunay na kapatid," mahabang sabi ni Pharaoh habang tinatapik nito ang kan'yang likod.Namasa ang kan'yang mga mata sa narinig mula sa lalaki. Nakaramdam s'ya n
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Pabalik-balik s'ya sa paglalakad sa loob ng kwarto. Hindi s'ya mapakali ng hindi nalalaman ang sitwasyon ni Tyrone. Pinutol ng ninong Red n'ya ang kan'yang connection at alam n'ya kung bakit.Alam n'ya din na inutos ito ng kasintahan para hindi s'ya mag-alala sa sitwasyon nito.Ngunit mas lalo pang lumala ito dahil hindi s'ya mapakali sa kakaisip kay Tyrone. Ilang oras na ang nakalipas at wala pa ring balita sa mga ito.Tinatawagan n'ya rin ang mga kaibigan ngunit walang kahit na isa ang sumasagot sa tawag n'ya.Para na s'yang mababaliw at nakaramdam na rin s'ya ng pananakit ng ulo dahil sa sobrang pag-iisip sa kalagayan ng binata.Iba din ang kaba na kan'yang nararamdaman ngayon. Hindi s'ya panatag na wala sa tabi o likod ni Tyrone, pakiramdam n'ya na anytime ay may mangyayaring masama sa binata.Dalawang oras na mahigit ng nawala ang kan'yang connection sa mga ito dahil sa pagputol ng kan'yang ninong Red at sa loob ng dalawang oras ay wala s'yang natangg
Nagkagulo sa labas ng operating room dahil sa biglang pagpangisay ni Gwendolyn.May dugo din na lumabas sa ilong ng dalaga na ikinagitla ng lahat. Agad na kumilos ang mga tao sa labas at inalalayan ito.Tamang-tama naman na bumukas ang pintoan ng operating room at lumabas si Michelle para sana manghingi ng dugo sa mga magulang ni Tyrone.Ngunit nagitla ito ng makita ang sitwasyon ni Lavinia sa labas ng operating room."Putang'ina! Bakit n'yo kasi hinayaan na pumunta yan dito. Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na huwag n'yo munang ipaalam sa kan'ya ang nangyari dahil delikado sa kalagayan n'ya!" hysterical na pagsisigaw nito sa mga tao sa labas."Ninang we can't do anything about it. Tulongan mo na lang kami," si Trina na s'yang may hawak kay Gwen. Parang nataohan naman si Michelle at mabilis na sinigawan ang iba pang mga tao sa loob."Get ready the operating room for the two of them!" sigaw nito at agad na inutosan ang mga kalalakihan na ipasok si Gwen sa loob.Hindi naging maganda ang
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...6 YEARS LATER...."Time of death, 3:55 pm....!" ring...ring..ring...! Napabalikwas s'ya ng bangon ng malakas na tumunog ang kan'yang alarm clock.Nasapo n'ya ang kan'yang noo at nagsimula ng manubig ang kan'yang mga mata ng maalala ang panaginip.Tatlong taon na s'yang dinadalaw ng parehong panaginip at sa loob ng tatlong taon na yan ay hindi n'ya pa rin maiwasan ang hindi maiyak sa tuwing napapanaginipan n'ya ang parteng iyon ng kan'yang buhay.Matapos ang trahedyang nangyari sa hospital at inoperahan s'ya ay tatlong taon s'yang na comatose. Nakaratay s'ya sa hospital ng tatlong taon at walang malay habang ipinagbubuntis ang anak nila ni Tyrone.Pag gising n'ya ay mag tatatlong taon na ang kanilang anak ni Tyrone ngunit wala na ang lalaki. Nang araw na inoperahan sila pareho ay hindi ito naka survive at binawian ng buhay.Masakit sa kan'ya ng malaman ang lahat pagkagising. Parang gugustohin n'ya na lang na tuloyan ng hindi magising para makasama ang lalak