LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH..."Hey its you, Tyrone with no family name," pasuray-pasuray na bati n'ya rito. Namumungay din ang kan'yang mga mata na nakatingin sa lalaki."Are you drunk?" tanong nito sa kan'ya"Nope! Kaunti lang, pampatulog!" nakangising sabi n'ya. Tinaasan naman s'ya nito ng kilay na parang hindi naniniwala sa kan'yang sinabi.She dismissed him at nagsimula ng humakbang ulit habang pasuray-pasuray ngunit nagulat s'ya ng bigla na lamang s'ya nitong buhatin at naglakad patungo sa second floor."Put me down idiot!" singhal n'ya rito ngunit parang wala itong narinig at nagpatuloy lang sa paglalakad habang buhat-buhat s'ya. Wala na s'yang nagawa kundi ang magpaubaya na lang dito at ipinikit ang kan'yang mga mata."Is this your room?" narinig n'yang tanong ng binata kaya dahan-dahan n'yang iminulat ang mga mata."I think so," hindi siguradong sagot n'ya rito. Gamit ang isang kamay ay binuksan nito ang kan'yang kwarto at ipinasok s'ya sa loob.Naglakad ito patungo sa kama at
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Bumalik s'ya sa Manila matapos makausap ang lalaki. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na may anak itong babae. Palaisipan sa kan'ya kung ano ang nangyari at kung paano na si Tyrone ang pumatay sa anak nito. Hindi na s'ya nito kinausap matapos mabanggit ang tungkol sa anak na babae.Parang pinagsisihan nitong nasabi sa kan'ya ang sekreto na matagal ng panahon na tinatago sa lahat.Hindi muna s'ya lumabas pagdating n'ya sa kan'yang condo. Parang ayaw mag sink in sa utak n'ya ang lahat ng nalaman ngayong araw.Gusto n'yang magpahinga ngunit mailap sa kan'ya ang antok. Kahit anong gawin n'ya ay hindi s'ya makakatulog.Nang mga sumunod na mga araw ay naging busy s'ya sa mga misyon na ibinigay ng ninang Flami nila sa kan'ya. Panatag naman ang kan'yang loob na ligtas si Tyrone dahil alam n'yang nasa hacienda lang ito.Umalis s'ya para pumunta sa Brazil dahil sa isang modelling at isang misyon na din. Yes, isa s'yang modelo at ginagamit n'ya ito para sa mga misyon
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Lumayo s'ya ng kaunti sa lalaki pero nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi.Nang-aakit na sinalubong n'ya ang mga mata nitong nag-aapoy sa pagnanasa."I wanted to play Mr. Nagazaki, " malanding sabi n'ya rito. Mas lalo pang nag-apoy ang mga mata ng matanda ng bahagya n'yang ibinaba ang strap ng kan'yang damit. Halos lumuwa na ang mata nito na nakatingin sa punong dibdib n'ya."Catch me papasang," utos n'ya rito at sumenyas na habulin s'ya. Umigting ang mga panga nito at kita n'ya ang pagtagis ng mga bagang ng hapon na parang nagtitimpi lamang.Hindi ito nagpakapagod sa gusto at paanyaya n'ya rito. Agad na nilingon ang mga taohan at inutosan ang dalawang lalaki na habulin s'ya. Agad n'yang inihanda ang sarili sa pagsugod ng dalawa.Lumapit ito sa kan'ya at ng akmang hahawakan s'ya ay mabilis na lumipad sa ere ang kan'yang paa at tumama sa leeg ng isang lalaki. Nakita n'ya ang pagkagulat ng yakuza pati na rin ang baklang manager sa kan'yang ginawa.B
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Naging masaya ang pagsasama nila ni Tyrone. Patuloy pa rin s'yang lihim na nagbabantay dito at hindi ito hinahayaan na mag-isa.Kahit nasa malayo s'ya ay nakabantay pa ri s'ya sa binata at palaging sinisigurado na ligtas ito sa kung ano mang kapahamakan.Hindi alintana ang ilang beses ng natanggap na pagbabanta sa buhay n'ya ng kung sino. Sa condo na s'ya ng binata umuuwi at nagsasama sila na parang mag-asawa na. Kasal na lang ang kulang ngunit alam n'yang malabo pa itong mangyari sa ngayon.She's happy, kahit sa ganitong paraan lang masaya na s'ya basta magkasama lang silang dalawa ni Tyrone. Sobrang saya n'ya— na nakalimutan n'ya ng magkadugo pala silang dalawa.Hindi pa s'ya nakapag-isip ng maayos kung ano ang tamang gawin sa isyu nila for being a blood related.Basta ang alam n'ya lang ay mahal na mahal n'ya si Tyrone at pareho silangmasaya na dalawa sa kung ano man ang mayroon sila ngayon.Kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan ang binata. Sa nakalip
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Parang sinaksak ng paulit-ulit ng isang matalim na punyal ang kanyang puso dahil sa narinig mula kay Dominique."P-Paano mo naman nasabi na si Bianca ang babaeng iyon Dom? Baka nagkamali ka lang?" tanong n'ya rito ngunit umiling lamang ito bilang pagtanggi.Kita sa mga mata ng dalaga ang awa para sa kan'ya. Nanikip ang kan'yang dibdib at parang sasabog ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit. Sobrang bigat pala sa pakiramdam at masakit din ang kan'yang lalamunan dahil sa pagpigil na huwag maiyak."Si ate Bianca ang bukambibig ni kuya Tyrone ate. Galit s'ya dahil si kuya Treavor ang gusto nito. Mula sa bar hanggang dito ay puro Bianca ang lumalabas sa bibig n'ya. Nararamdaman ko din ang sakit habang sinasambit n'ya ang pangalan nito. He was hurt ate, at alam kong masakit din para sayo na malaman na ang matalik mong kaibigan ang gusto ng lalaking mahal mo. Pareho lang kayong masasaktan ate Gwen," naiiyak na sabi ni Dominique sa kan'ya habang mahigpit na
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Life being with Tyrone Davis Ponce is one of her unforgettable memories in her entire life.He is perfect for her. Simula ng maging opisyal silang mag jowa ay ibinigay at ipinakita sa kan'ya ng lalaki ang pagmamahal na inaasam n'ya mula rito.Sobrang saya n'ya ng sabihin nito ang tatlong kataga na matagal n'ya ng hinihintay. Pinanindigan nito ang pangako at ang pagkakataon na hiningi nito sa kan'ya para maipakita ang nararamdaman nito at kung gaano s'ya nito kamahal.And because of that she forgot everything. Nakalimutan n'ya na— na baka isang araw ay may makatuklas sa lihim n'ya sa binata. She was supposed to tell him the truth but ended up keeping her mouth shut and just enjoying whatever they have. She love being with Tyrone at natatakot s'ya na baka kamuhian s'ya nito kapag nilaman nito ang itinatago n'ya mula rito.Kampante s'yang maitatago n'ya rito ang totoong pagkatao n'ya but not until Bianca come to Tyrone's house and confront her regarding the
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH..."Totoo ba? Totoo ba ang lahat ng narinig ko?" boses ni Tyrone ang nagpatigil sa kanila ni Bianca.Parang binuhusan s'ya ng isang drum ng malamig na tubig ng makita ang binata. Kita din ang gulat sa mukha ni Bianca ng marinig ang boses ni Tyrone."T-Tyrone," nauutal na tawag n'ya rito. Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin. Nakita n'ya ang sakit at galit sa mukha ng kasintahan. Naglakad ito palapit sa kanila ngunit hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.Nanunuot sa kan'yang kaibutoran ang tingin nito at parang hinahalukay ang kan'yang t'yan sa sobrang kaba."Totoo ba?" pag-uulit ng tanong nito. Ilang beses s'yang napalunok ng laway at hindi makasagot sa tanong ni Tyrone. Tanging pagkiskis lamang ng kan'yang daliri sa kan'yang palad ang nagawa n'ya.Lumapit si Bianca sa kan'ya at hinawakan s'ya sa balikat."Gwendolyn tell him everything, huwag mo ng dagdagan pa ang mga itinatago mo kay Tyrone. Kung gusto mong maging magaan ang buhay mo Gwen, reveal the real you
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH..."Ang babaw ng rason mo Lavinia. Hindi ako bobo para hahayaan lang ang mga taong iyon na patayin ako. Kaya kong hulihin ang mga tao sa likod ng mga pagbabanta sa akin. Hindi mo na kailangan pang magpanggap. Sabihin mo nga sa akin Lavinia, minahal mo ba talaga ako?" puno ng hinanakit na tanong nito.Hindi n'ya alam pero kusang tumaas ang kan'yang kamay at sinampal si Tyrone. Nakita n'ya ang gulat sa mukha ng lalaki.Hilam ang mga mata sa luha na dinuro n'ya ito habang umiiyak. Nasasaktan s'ya sa pagtanong nito kung minahal n'ya ba talaga ito? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa n'ya para mapatunayan dito ma mahal n'ya ito?Was she is not enough for him para kwestyonin nito ang nararamdaman n'ya para rito."Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko ng dahil sa lintik na pagmamahal ko sayo Ponce. Wala kang karapatan na pagdudahan ako kung alam mo sa sarili mo kung gaano kita kamahal. Hindi pa ba sapat Tyrone? Hindi pa ba sapat na itinaya ko ang buhay ko para say