LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Parang sinaksak ng paulit-ulit ng isang matalim na punyal ang kanyang puso dahil sa narinig mula kay Dominique."P-Paano mo naman nasabi na si Bianca ang babaeng iyon Dom? Baka nagkamali ka lang?" tanong n'ya rito ngunit umiling lamang ito bilang pagtanggi.Kita sa mga mata ng dalaga ang awa para sa kan'ya. Nanikip ang kan'yang dibdib at parang sasabog ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit. Sobrang bigat pala sa pakiramdam at masakit din ang kan'yang lalamunan dahil sa pagpigil na huwag maiyak."Si ate Bianca ang bukambibig ni kuya Tyrone ate. Galit s'ya dahil si kuya Treavor ang gusto nito. Mula sa bar hanggang dito ay puro Bianca ang lumalabas sa bibig n'ya. Nararamdaman ko din ang sakit habang sinasambit n'ya ang pangalan nito. He was hurt ate, at alam kong masakit din para sayo na malaman na ang matalik mong kaibigan ang gusto ng lalaking mahal mo. Pareho lang kayong masasaktan ate Gwen," naiiyak na sabi ni Dominique sa kan'ya habang mahigpit na
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Life being with Tyrone Davis Ponce is one of her unforgettable memories in her entire life.He is perfect for her. Simula ng maging opisyal silang mag jowa ay ibinigay at ipinakita sa kan'ya ng lalaki ang pagmamahal na inaasam n'ya mula rito.Sobrang saya n'ya ng sabihin nito ang tatlong kataga na matagal n'ya ng hinihintay. Pinanindigan nito ang pangako at ang pagkakataon na hiningi nito sa kan'ya para maipakita ang nararamdaman nito at kung gaano s'ya nito kamahal.And because of that she forgot everything. Nakalimutan n'ya na— na baka isang araw ay may makatuklas sa lihim n'ya sa binata. She was supposed to tell him the truth but ended up keeping her mouth shut and just enjoying whatever they have. She love being with Tyrone at natatakot s'ya na baka kamuhian s'ya nito kapag nilaman nito ang itinatago n'ya mula rito.Kampante s'yang maitatago n'ya rito ang totoong pagkatao n'ya but not until Bianca come to Tyrone's house and confront her regarding the
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH..."Totoo ba? Totoo ba ang lahat ng narinig ko?" boses ni Tyrone ang nagpatigil sa kanila ni Bianca.Parang binuhusan s'ya ng isang drum ng malamig na tubig ng makita ang binata. Kita din ang gulat sa mukha ni Bianca ng marinig ang boses ni Tyrone."T-Tyrone," nauutal na tawag n'ya rito. Hindi n'ya alam kung ano ang gagawin. Nakita n'ya ang sakit at galit sa mukha ng kasintahan. Naglakad ito palapit sa kanila ngunit hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.Nanunuot sa kan'yang kaibutoran ang tingin nito at parang hinahalukay ang kan'yang t'yan sa sobrang kaba."Totoo ba?" pag-uulit ng tanong nito. Ilang beses s'yang napalunok ng laway at hindi makasagot sa tanong ni Tyrone. Tanging pagkiskis lamang ng kan'yang daliri sa kan'yang palad ang nagawa n'ya.Lumapit si Bianca sa kan'ya at hinawakan s'ya sa balikat."Gwendolyn tell him everything, huwag mo ng dagdagan pa ang mga itinatago mo kay Tyrone. Kung gusto mong maging magaan ang buhay mo Gwen, reveal the real you
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH..."Ang babaw ng rason mo Lavinia. Hindi ako bobo para hahayaan lang ang mga taong iyon na patayin ako. Kaya kong hulihin ang mga tao sa likod ng mga pagbabanta sa akin. Hindi mo na kailangan pang magpanggap. Sabihin mo nga sa akin Lavinia, minahal mo ba talaga ako?" puno ng hinanakit na tanong nito.Hindi n'ya alam pero kusang tumaas ang kan'yang kamay at sinampal si Tyrone. Nakita n'ya ang gulat sa mukha ng lalaki.Hilam ang mga mata sa luha na dinuro n'ya ito habang umiiyak. Nasasaktan s'ya sa pagtanong nito kung minahal n'ya ba talaga ito? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa n'ya para mapatunayan dito ma mahal n'ya ito?Was she is not enough for him para kwestyonin nito ang nararamdaman n'ya para rito."Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko ng dahil sa lintik na pagmamahal ko sayo Ponce. Wala kang karapatan na pagdudahan ako kung alam mo sa sarili mo kung gaano kita kamahal. Hindi pa ba sapat Tyrone? Hindi pa ba sapat na itinaya ko ang buhay ko para say
LAVINIA GWENDOLYN HYACINTH...Humagolhol pa s'ya lalo ng iyak nang makitang naglakad si Tyrone patungo sa pintoan ng unit nito.Sobrang bigat ng dibdib n'ya at halos hindi na s'ya makahinga sa sakit. Seeing her man leaving her at hindi n'ya alam kung babalik pa ba ito ay parang dinudurog ang puso n'ya dahil sa sobrang sakit."M-Mahal na mahal kita Tyrone, mahal na mahal," sigaw n'ya rito habang humagolhol. Lumingon muna ang lalaki sa kan'ya at kita sa mga mata nito ang sakit na pareho sa nararamdaman n'ya ngayon."Mag-ingat ka palagi Gwen," mahinang sabi ni Tyrone at tuluyan ng lumabas ng bahay. Doon na s'ya mas lalo pang humagolhol sa sobrang sakit.Nakasalampak lang s'ya sa sahig at panay pa rin ang pag-iyak. Halos hindi na maampat ang kan'yang luha.Hindi n'ya alam kung gaano s'ya katagal na nanatili sa ganong posisyon. Hindi n'ya rin namalayan na nakatulogan n'ya na pala ang pag-iyak. Inilibot n'ya ang kan'yang mga mata sa paligid at nagbabasakaling bumalik si Tyrone— but no one.S
BIANCA PATRICE...Mahigit isang linggo ng wala s'yang balita kay Gwen simula ng iwan n'ya ito sa condo ni Tyrone. Hindi s'ya mapakali at sobra ang pag-aalala n'ya kay Gwendolyn.Alam n'yang mabigat ang problemang kinakaharap ngayon ng kaibigan at kailangan n'yang kumilos para matulongan ito. Hindi pwedeng tumunganga na lang s'ya at maghintay kung kailan ito magpapakita sa kan'ya.She needs to do something kaya kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan si Tyrone ngunit nakapatay ang numero ng binata. Sunod n'yang tinawagan ay si Trina dahil alam n'yang may sektretong contact ito kay Ponce.Tatlong ring lang ang narinig n'ya at sinagot na agad ng kaibigan ang kan'yang tawag."Make sure that it is important B, dahil isa kang malaking disturbo sa kasarapan ko," sita nito sa kan'ya. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay dahil para itong hinihingal at parang kagagaling lang sa pagtakbo."Anong ginagawa mo D? Bakit hinihingal ka? May sakit ka ba sa puso?" tanong n'ya rito ngunit isang malutong na
BIANCA PATRICE...Narating n'ya ang condo ni Tyrone. Nag park agad s'ya at bumaba ng sasakyan. Pumasok s'ya sa loob at dumeritso sa elevator.Nagpahatid s'ya sa unit ni Tyrone at hindi naman nagtagal at narating n'ya ang floor kung nasaan ang unit nito. Lumabas agad s'ya ng bumukas ang elevator at malalaki ang mga hakbang na tinungo n'ya ang unit nito.Mag do-doorbell pa sana s'ya ngunit nakita n'yang nakaawang ang pinto kaya dahan-dahan n'ya itong itinulak at walang ingay na pumasok sa loob.Wala s'yang nabungaran na tao sa living room kaya inilibot n'ya ang tingin sa paligid ng condo. No unusual things maliban na lang sa damit ni Tyrone na nasa sofa at halatang ginawang unan ito ng kung sinong natulog dito.Inilibot n'ya pa ulit ang mga mata sa paligid nang makarinig s'ya ng tunog ng tubig mula sa gripo. Nagmumula sa kusina ang tunog kaya maingat na hindi makagawa ng ingay na naglakad s'ya patungo sa kusina.Nasa bungad na s'ya nang makita n'ya si Gwen na parang nanghihina na nakaka
BIANCA PATRICE..."A-Anong sabi mo B? B-buntis ako?" nauutal na tanong ni Gwen. Naluluha s'yang tumango sa kaibigan."B-Buntis ako? Magkaka baby na kami ni Tyrone? B magiging nanay na ako," tuwang-tuwa na sabi ni Gwen. Mas lalo s'yang nasasaktan at parang pinipiga ang puso n'ya sa nakikitang saya sa mukha ni Gwendolyn.Ayaw n'ya ng mawala ang kasayahan na nakikita sa mukha nito pero paaano? Paano n'ya gagawin yon kung may nakaabang na panganib sa buhay nito? Paano n'ya sasabihin dito na may tumor ito sa ulo? Hindi n'ya alam ang gagawin at sa tuwing titingnan n'ya si Gwen ay parang dinudurog ang puso n'ya sa sobrang sakit."Iiwan muna kita Gwen may tatawagan lang ako," paalam n'ya sa kaibigan dahil hindi n'ya kan'yang humarap dito ng matagal na hindi magbi-breakdown.Matatapang at matitigas sila pero kahit sino siguro na nasa kalagayan nila na ganito ay manghihina din.Ang makita si Gwen sa ganitong sitwasyon ay napakasakit para sa kan'ya."It's ok B, go and do your thing, I'm fine her