BIANCA PATRICE..."A-Anong sabi mo B? B-buntis ako?" nauutal na tanong ni Gwen. Naluluha s'yang tumango sa kaibigan."B-Buntis ako? Magkaka baby na kami ni Tyrone? B magiging nanay na ako," tuwang-tuwa na sabi ni Gwen. Mas lalo s'yang nasasaktan at parang pinipiga ang puso n'ya sa nakikitang saya sa mukha ni Gwendolyn.Ayaw n'ya ng mawala ang kasayahan na nakikita sa mukha nito pero paaano? Paano n'ya gagawin yon kung may nakaabang na panganib sa buhay nito? Paano n'ya sasabihin dito na may tumor ito sa ulo? Hindi n'ya alam ang gagawin at sa tuwing titingnan n'ya si Gwen ay parang dinudurog ang puso n'ya sa sobrang sakit."Iiwan muna kita Gwen may tatawagan lang ako," paalam n'ya sa kaibigan dahil hindi n'ya kan'yang humarap dito ng matagal na hindi magbi-breakdown.Matatapang at matitigas sila pero kahit sino siguro na nasa kalagayan nila na ganito ay manghihina din.Ang makita si Gwen sa ganitong sitwasyon ay napakasakit para sa kan'ya."It's ok B, go and do your thing, I'm fine her
CLINT SEBASTIAN...Parang gumuho ang mundo nila ng asawa ng marinig ang sinabi ni Bianca. Nag-iisang anak nila si Gwendolyn at sobrang mahal na mahal nila ito.Sobrang iniingatan at inaalagaan nilang dalawa ni Allyson si Gwendolyn tapos malalaman na lang nila na may tumor sa utak ang anak.Parang sinasakal s'ya sa mga nalaman. Hindi n'ya inaasahan na sa sobrang dami ng tao sa mundo ay ang nag-iisang anak n'ya pa ang dinapoan ng ganitong karamdaman.Dumagdag pa ang pagbubuntis ng anak n'ya. God knows kung gaano sila kasaya ng asawa ng malaman na buntis si Gwendolyn. Kahit walang asawa ang anak nila ay hindi naman sila magagalit dito dahil kaya naman nilang buhayin ang kanilang apo.At isa pa nasa tamang edad na si Gwendolyn at marami na itong pera para ibuhay sa anak nito.Pero mas nasindak sila ng malaman kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ni Gwen. Tyrone is Gwen's second cousin at walang problema sa kan'ya ang ganon dahil malayong kamag-anak na naman sila.May lahi s'yang Arabo kay
CLINT SEBASTIAN..."Sebastian son," puno ng galak na tawag ng nag-iisang Signor Alfonso Harrison ang mafia don ng kanilang angkan na naka base sa Italy ang nag-iisang taong pinanggalingan n'ya— na walang iba kundi ang kan'yang ama."Papa anong ginawa mo?" sita n'ya rito. Nagsalubong naman ang mga kilay nito sa kan'yang tanong."Anong ginawa ko? Bakit ano ba ang ginawa ko?" maang-maangan na tanong nito sa kan'ya."Bakit mo inutosan si Gwen na patayin si Tyrone Ponce? Alam mo ba ang consequences sa ginawa mo papa? Ang apo mo ngayon ang nasasaktan at nagsasakripisyo," sumbat n'ya sa ama."Anong nangyari? May ginawa na naman ba ang Ponce na yon sa pamilya natin?" galit na tanong nito. Nangunot ang kan'yang noo sa tinuran ng ama."Anong ibig mong sabihin? May ginawa ba si Tyrone sa pamilya natin?" nagtatakang tanong n'ya rito. Sa hitsura nito ay mababanaag mo ang sobrang galit para kay Tyrone."Yes! Ang lalaking iyon ang pumatay sa kapatid mo Sebastian," mataas ang boses na sagot ng matand
TYRONE DAVIS...Matapos ang pag-uusap nila ni Lavinia ay tumulak s'ya papunta sa kan'yang isla. Isa itong isla na hindi mo aakalain na may ganito sa gitna ng malawak na karagatan.Nag-iisa lang ito at sobrang layo nito sa iba pang mga isla.Malaki ang bahay na ipinatayo n'ya rito dahil ang balak n'ya ay gawin itong family vacation house ng magiging pamilya n'ya balang araw.But it looks like hindi na matutuloy ang lahat at mukhang mag-isa na lang s'yang maninirahan dito dahil sa nangyari sa kanila ni Lavinia. Pero syempre hindi s'ya susuko, magpapahinga lang s'ya saglit at babalikan n'ya ito.Sobra s'yang nasakatan ng maghiwalay silang dalawa at iniwan ito sa ganong sitwasyon. Sobra din ang pangungulila n'ya sa kasintahan ngunit tiniis n'ya itong hindi makita para makapag-isip s'ya ng mabuti.Sa ilang linggo na pananatili n'ya sa isla ng mag-isa ay napagtanto n'ya na hindi n'ya talaga kayang mabuhay na wala ang dalaga sa kan'yang tabi kaya nagpasya s'yang ayusin ang lahat.Tatapusin n
TYRONE DAVIS....Pagkatapos ng lahat ng nalaman mula sa ama ni Lavinia ay tumulak sila pauwi ng Maynila.Magkasama sa isang helicopter ang tito Red at tito Sebastian n'ya at s'ya naman ay sa kan'yang sariling helicopter.Pinipilit n'yang pakalmahin ang sarili pagkatapos ng mga nalaman. Awang-awa s'ya sa kasintahan. Masayahin itong tao at madalas ay puro kalokohan ang ginagawa na pareho nilang ikakatawa pero may tinatago pala itong sakit.And he is so dumb na hindi man lang nakitaan ng senyales na may iniindang sakit na pala ang babaeng mahal n'ya.Narating nila ang Maynila na nakalutang ang kan'yang isip. Mabuti na lang at walang nangyari sa kan'ya sa himpapawid.Lumapag ang kani-kanilang helicopter sa helipad ng ARM Hospital. Agad n'yang pinatay ang makina at bumaba. Tamang-tama naman na bumaba na din ang tito Red at tito Sevy n'ya.Sabay silang tatlo na naglakad papasok sa elevator. Pinagpawisan s'ya habang pababa at nahalata ito ng dalawang kasama."Be strong Terrence, ikaw ang ma
TYRONE DAVIS...Nanatili si Lavinia sa hospital ng ilang araw pa. S'ya ang personal na nagbabantay at nag-aalaga sa nobya.Kahit ganito ang sitwasyon nila ngayon ay hindi n'ya maipagkakaila na napakasaya n'yang naaalagaan ang kan'yang mag-ina.Hindi n'ya na lubos maisip na maging ganito s'ya ka responsibling ama para sa kan'yang mag-ina. Ngunit ang saya na nararamdaman n'ya ay hindi mapapantayan ng kahit anong bagay."Sweetheart gusto kong maligo," narinig n'yang sabi ng kasintahan. Nasa banyo s'ya at nilalabhan ang bimpo na ginagamit n'ya kapag pinupunasan n'ya si Lavinia. Lately ay tamad itong maligo at gusto lang na palaging natutulog.Ayon sa mga doctor nito ay hindi muna ito ooperahan dahil sa anak nila. Kailangan munang masiguro nila na ligtas ang bata kapag magsagawa sila ng operasyon.Hindi din madali para sa kanila ang gagawin kaya masusing pinag-aralan ng mga ito ang sitwasyon ni Lavinia."Hang on sweetheart, huwag kang tumayo mag-isa, wait for me," pasigaw na sagot n'ya ri
TYRONE DAVIS...Matapos ang mainit na tagpo sa loob ng shower room ng hospital ay sabay na silang naligo ng kasintahan. Tinuyo n'ya agad ang buhok at katawan ng dalaga at binuhat ito palabas ng banyo. Agad n'yang sinuotan ng malinis na hospital gown si Lavinia para hindi ito lamigin."Baby kailangan mo pa bang magsuot ng panty?" tanong n'ya rito. Sinimangotan naman s'ya ng dalaga dahil sa tanong n'ya na ikinatawa n'ya ng mahina."Kung nasa bahay lang tayo kahit hindi na ako magdamit tartie ay walang problema sa akin, ikaw lang naman ang makakakita ng katawan ko, pero dito sa hospital ayoko, magsusuot ako ng panty," busangot na reklamo nito sa kan'ya.Pangiti-ngiti s'yang kumuha ng malinis na underwear nito at inamoy pa muna bago isinuot sa kasintahan."Talagang inaamoy mo pa bago ipasuot sa akin huh!" buska sa kan'ya ni Lavinia. Kinindatan n'ya lang ito at nginitian. "Kinakain ko nga yang monay mo, amoy pa kaya ng panty!" malokong sagot n'ya sa dalaga. Irap naman ang nakuha n'yang s
TYRONE DAVIS...Matapos ang tatlong araw ay tuloyan na silang nakalabas ng hospital. Sa bahay sila ng mga Harrison dumeritso at parang hindi s'ya komportable dahil nasa loob din ng village na iyon nakatira ang kan'yang ama.Though malayo naman sa isat-isa ang mga bahay ng mga ito ngunit ang maisip na anytime ay magkasalubong silang dalawa ng kan'yang ama ay parang naiilang s'ya na hindi n'ya mawari.Hindi n'ya din kasi pwedeng iuwi si Lavinia sa kan'yang condo dahil delikado. Sa sitwasyon nito ngayon ay alam n'yang hindi na ito ganon kalakas para makalaban kapag sinugod sila ng mga kalaban.Kaya s'ya mismo ang nag suggest na dito na muna sila dahil nakakasiguro s'ya na ligtas ang dalaga at ang anak nila sa pamamahay ng mga Harrison."Are you sure na komportable ka dito Ponce?" tanong ng ama ng kasintahan. Naramdaman siguro nito ang pag-alinlangan n'ya."Actually I'm not comfortable here dad, but for Lavinia and our baby's safety I will sacrifice everything," sagot n'ya rito. Lumapit