CALIXTA ASUNCION...Bumiyahe na sila patungo sa airport. Isang makahabag damdamin ang nangyari sa kanila ng pamilya n'ya bago s'ya umakyat sa bus.Masakit din para sa kan'ya ang malayo sa mga ito ngunit hindi n'ya ipinakita sa mga magulang at kapatid ang totoong nararamdaman.Ayaw n'yang makita ng mga magulang na mahina s'ya. Dumagdag pa ang kaibigan n'yang si Pee-ang na naging emosyonal damage ang drama kanina.Naaawa s'ya rito, kung wala lang sana itong kapansanan ay baka kasama n'ya ito ngayon. Kapag may pera na s'ya ipapagamot n'ya si Pee-ang. Ang sabi ng doctor na dumalaw sa kanilang baryo noon at tumingin sa sitwasyon ni Pee-ang ay pwede pa daw na ma operahan ang mga paa nito at makakalakad pa ang dalaga ng maayos.Sana magkaroon s'ya ng maraming pera para maipagamot n'ya rin ang matalik na kaibigan."Hoy Cali anong iniisip mo?" pukaw sa kan'ya ni Moray. Nilingon n'ya ito at parang gusto n'yang matawa sa hitsura ng dalaga na dinaig pa ang tutubi sa palayan.Ang laki ng suot nit
CALIXTA ASUNCION..."Hay naku Calixta!" gigil na sabi ni Moray sa kan'ya. Napakamot na lang s'ya sa kan'yang ilong dahil wala s'yang may masabi sa katangahan n'ya.Sino ba kasi ang matino ang pag-iisip na iwanan ang tsinelas sa kung saan. At hindi n'ya rin napansin iyon, para talaga s'yang tanga sa syudad."Sorry na Moray, nasanay kasi ako sa atin na iniiwan ang tsinelas sa labas bago pumasok sa bahay. Nawala sa isip ko na sasakyan pala ang pinasukan ko," nahihiyang paliwanag n'ya sa kaibigan.Inirapan lamang s'ya nito at inaya na pumasok na sa loob. Nakapaa s'yang sumunod dito at halos malaglag sa sahig ang kan'yang panga ng makita kung gaano kaganda ang loob ng bahay.Para s'yang nasa isang palasyo dahil sa sobrang ganda nito. Halatang sobrang mayaman ang pamilyang pagtatrabahuan n'ya.Maganda na sa labas ngunit sobra-sobra ang ganda nito sa loob. Para itong mga bahay sa ibang bansa na nakikita n'ya sa mga palabas at hindi n'ya mapigilan ang hindi tumulo ang laway habang nakanganga
CALIXTA ASUNCION....Natigil lamang sila sa pagtatawanan ni Bisongan ng bumalik sa sala si Pungkol at tinawag s'ya."Hoy Batumbakal pwede ka nang humarap kay madam Gwen," pagbibigay alam nito na akala mo ay parang preso na e-silya elektrika ang tinatawag nito."Cali! Cali ang itawag mo sa akin Pungkol at huwag Batumbakal utang na loob," pakiusap n'ya sa babae. Inirapan lamang s'ya ng kasama at senenyasan nang sumunod dito.Maayos na ang lakad n'ya dahil alam n'ya na hindi naman pala salamin ang sahig at matibay naman pala ito.Umakyat sila sa hagdan at tahimik lamang s'ya na nakasunod kay Pungkol hanggang sa marating nila ang second floor ng bahay.May sala din s'yang nakita na katulad no'ng sa baba. Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at namamangha pa rin sa kung gaano kagara ang loob ng mansion ng mga amo n'ya.Dinala s'ya ni Pungkol sa kabilang dako at huminto sa isang pintoan. Hinawakan nito ang seradura at pinihit iyon."Madam nandito na ang katulong na dala ni Moray," pagbibigay
AARON ISAAC..."Hey dude, uuwi ka na? Hindi pa tapos ang araw natin bro," ang nakangising mukha ni Tres ang bumungad sa kan'ya.Nakatayo s'ya at inaayos ang mga nagkalat na mga papel sa ibabaw ng kan'yang mesa. At tama ang kaibigan, balak n'ya ng umuwi dahil pagod ang katawan at isip n'ya ngayong araw.He has so much work na tinapos na parang gusto n'ya na lang na wasakin ang buong kompanya na pagmamay-ari n'ya para naman makapagpahinga na s'ya."Anong ginagawa mo dito Tres?" malamig na sita n'ya sa anak ng ninang Trina nila. Demonyo itong ngumisi sa kan'ya at balewalang naupo sa harapan at itinaas pa ang paa sa kan'yang mesa.Sa apat na magkakapatid na El Frio, si Tres ang pinakamaloko sa lahat kaya magkakasundo silang dalawa lalo na sa pambababae."You idiot! Get your fvcking feet away from my table. Tang'ina ang dumi-dumi ng sapatos mong gago ka!" singhal n'ya kay Tres ngunit nginisihan lamang s'ya nito at itinaas ang gitnang daliri sa pagmumukha n'ya."Let's drink Isaac, I'm bor
AARON ISAAC...Sobrang hininingal na s'ya sa kakatakbo kaya nag desisyon s'yang harapin ang babae. Bakit ba s'ya natatakot dito eh isang babae lamang ang kaharap n'ya.Nang masigurong malayo-layo na ang agwat n'ya mula rito ay tumigil s'ya at humarap sa dalaga."Stop right there woman!" banta n'ya. Tumigil naman ito at masama s'yang tiningnan. Akala n'ya ay makikinig ito sa kan'ya ngunit nagpahinga lang pala ito saglit at akmang susugurin na naman s'ya ulit kaya inilabas n'ya na ang kan'yang panghuling alas para mapatigil ito.Binunot n'ya ang baril sa kan'yang tagiliran at iniumang sa dalaga. Nakita n'ya ang pagkawala ng kulay ng mukha nito na lihim n'yang ikinangisi."Matapang ka lang pala kapag walang hawak na armas ang kalaban mo ha," mahinang pagkausap n'ya na s'ya lamang ang nakakarinig."Sige subukan mong lumapit at pasasabugin ko ang ulo mo!" malamig na banta n'ya rito. Namumutla ito at nanginginig ang mga kamay na ibinaba ang hawak na itak sabay taas ng dalawang palad na anim
"Tulong! Tulongan n'yo ako, nabuhay si Machete at hinahabol ako! Tulong! Mga kapitbahay, kaibigan, kapamilya, kapuso at kapatid, Taffy Tulpo, tulongan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Pungkol habang mabilis na tumatakbo.Dinaig pa nito ang sumali sa marathon. Hingal na hingal na ito ngunit hindi ito tumigil dahil sa takot na maabotan ni Tres na hindi din tumigil sa paghabol sa babae."Putang'ina! Pungkol magpahuli ka na kasi, pagod na pagod na ako!" sigaw ni Tres mula sa likuran ni Pungkol."Eh di tumigil ka na rin sa kakahabol sa akin sir Tres. Bakit ba kasi sinunod mo yong utos sayo ni sir Isaac? Isa kang malaking uto-uto alam mo ba yon?" ganti ni Pungkol dito at tumigil na sa pagtakbo ngunit malayo ang distansya nito kay Tres."Fvck! Nakakapagod pala ang tumakbo, mas nakakapagod pa ito kaysa makipag sex ako" walang prenong sabi ng binata na ikinairap ni Pungkol dito."Kahit kailan talaga sir Tres ang halay natin no? Bumalik ka na nga doon kay sir Isaac at isauli mo yang itak. Uuwi
AARON ISAAC...Nakatulogan n'ya na lang ang inis kagabi sa mga pinagagawa ng katulong n'ya. Dumagdag pa si Tres at Pungkol na hindi n'ya alam kung bakit lasing ang mga ito na umuwi sa bahay n'ya. Iminulat n'ya ang mga mata ngunit isa lang ang nakakakita ng maayos.Ang isa ay malabo at alam n'ya kung bakit. Paniguradong namamaga ito dahil sa suntok na natanggap mula sa babae kahapon."Fvck!" mariing mura n'ya habang bumabangon sa kama. Dumiretso s'ya sa banyo at humarap sa salamin.At isang mura na naman ang lumabas sa kan'yang bibig nang makita ang kan'yang mata na parang mata ng panda na may pabilog na itim."Damn it!" kuyom ang mga kamao at igting ang mga panga na sabi n'ya. Naghanap s'ya ng cream na pwedeng ipahid sa namamagang mga mata."Sir nand'yan po ba kayo?" natigil ang paghahanap n'ya nang marinig ang boses ng kan'yang katulong. Lumapit s'ya sa pintoan at marahas na binuksan iyon."What do you want?" singhal n'ya rito ngunit napaawang ang labi nito at nanlaki ang mga mata.
CALIXTA ASUNCION...Minsan kalbaryo minsan purgatoryo. Iyan ang buhay n'ya sa bahay ni Isaac sa mga unang buwan na pagiging katulong n'ya rito. Naging kaugali n'ya na si miss Minchen at ang madrasta ni cinderella na parang si bruhilda.Walang araw na hindi sila nagbabangayan at nagsisigawang dalawa hanggang sa nasanay na rin s'ya na araw-araw silang nag-aaway ng binata.Ilang beses na din s'yang pinalayas nito ngunit hindi s'ya umalis. Limang buwan na silang nagpapatagisan ng tapang at walang gustong sumuko.Nakapag padala na s'ya ng pera sa mga magulang at medyo maayos-ayos na din ang buhay ng mga ito. May naipon na din s'ya kahit papaano para sa pampaaral n'ya sa sarili. Kumukuha lang s'ya ng magandang pagkakataon para magpaalam kay Isaac na kung pwede s'yang mag-aral.Wala naman kasi s'yang ginagawa sa bahay nito buong araw dahil nasa trabaho din ang binata.At ang paglilinis ng bahay ay hindi naman ganon kahirap at hindi ganon kadumi dahil kahit busangot at palaging galit ang amo