CALIXTA ASUNCION...Pagkatapos nilang maghaponan ng anak ay naglinis s'ya ng kusina. Nagpaalam naman si Archer na mauuna na sa kwarto dahil mag-aaral pa daw ito.Napaka swerte n'ya sa anak n'ya. Nakuha man nito ang ugali ng ama na bugbutin ngunit alam n'yang sa huli ay may isang tao na makakapag pabago sa ugali nito.Katulad na lang ni Isaac. Ipinilig n'ya ang ulo at pilit na inaalis sa isip ang lalaki. Hindi n'ya na dapat ito iniisip pa. Masaya na ito sa buhay at dapat s'ya ay masaya na rin.Matapos malinis ang kusina ay pumasok na s'ya sa kan'yang kwarto at agad na naligo. Nagbabad muna s'ya sa bath tub ng mahigit kalahating oras bago nagpasyang magbanlaw.Matapos maligo ay lumabas s'ya ng banyo at nagbihis. Sisilipin n'ya muna sa kwarto nito si Archer bago magpahinga.Akmang lalabas na s'ya ng tumunog ang kan'yang cellphone. Bumalik s'ya sa kama at sinilip kung sino ang tumatawag.Agad n'yang dinampot ito at sinagot."Hello," bungad n'ya sa kausap."May I remind you Calixta about t
CALIXTA ASUNCION...Parang namanhid ang kan'yang utak sa sinabi ni Gold.So totoong ikinasal na ang dalawa. Parang pinipira-piraso ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit.Tama nga si Gold, mahal n'ya pa rin si Isaac hanggang ngayon dahil hindi s'ya masasaktan ng ganito kung hindi n'ya na mahal ang binata.Buong gabi s'yang hindi nakatulog dahil sa kakaisip, kaya kinabukasan ay para s'yang zombie na lutang."What happened mom? Why are your eyes swollen?" nag-aalalang tanong ng anak. Nginitian n'ya ito at ginawaran ng halik sa ulo."Good morning sweetheart, masakit lang ang ulo ni mommy kagabi kaya hindi ako nakatulog ng maayos," pagsisinungaling n'ya rito."Bakit hindi mo ako tinawag? I should accompany you last night," anang anak sa kan'ya."Asus! Tulo laway ka kaya noong pumasok ako sa kwarto mo kagabi nak, paano pa kita tatawagin, aber?" sagot n'ya rito at pinamewangan pa ang anak.Dito s'ya magaling! Sa pagpapanggap na ok kahit hindi naman. Mataman s'yang tiningnan ng anak na par
CALIXTA ASUNCION...Nakarating naman s'ya ng matiwasay sa kanilang lugar. Kasalukuyan s'yang nasa bus papunta sa kanilang bayan.Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kalabog ng kan'yang dibdib at hindi n'ya maintindihan kung bakit. Lihim s'yang nagdadasal na sana wala lang masamang nangyari sa pamilya n'ya.Na sana ok lang ang kan'yang madadatnan. Mahigit tatlong oras ang byahe sa bus at nakaramdam na s'ya ng pagod ngunit pilit n'ya itong nilalabanan. Ayaw n'yang matulog dahil iba't-ibang senaryo ang naglalaro sa isip n'ya.Nang sa wakas ay nasa kanilang bayan na sila, agad s'yang bumaba at kinuha ang kan'yang mga gamit. Isang maleta lang kan'yang dala dahil ang iba nilang gamit ng anak ay pinadala n'ya muna kay Garnette dahil mahihirapan s'ya kapag dinala n'ya ito pauwi."Hoy Asun ikaw na ba yan?" bati sa kan'ya ng isang babae. Nilingon n'ya ito at nakilala n'yang si Aling Emma ang bumati sa kan'ya."Magandang araw aling Emma," pagbati n'ya sa ginang. Ito ang may-ari ng maliit na gr
CALIXTA ASUNCION..."A- Anong ginagawa n'ya rito?" kinakabahang tanong n'ya sa sarili. Hindi s'ya pwedeng magkamali. Kahit malayo ang distansya nito sa kan'ya ay kilalang-kilala n'ya ang katawan ni Isaac.Memoryado n'ya ang bawat kurba ng maskulo nito sa katawan at ang malaking tattoo sa tagiliran nito ay s'yang nagpadagdag pa ng kan'yang malakas na kutob na si Isaac ang lalaking nakita n'ya sa baba.Nagpakawala s'ya ng hangin at hinamig ang sarili. Kailangan n'yang pakalmahin ang sarili para makapag-isip ng maayos dahil baka mataga n'ya sa sobrang galit ang manlolokong lalaking ito.Marahas s'yang bumuga ng hangin at pinaypayan pa gamit ang mga palad ang kan'yang sarili. Nang masigurong kumalma na s'ya ay matapang na lumabas s'ya ng kan'yang kwarto at nagpasyang bumaba para hanapin ang lalaki.Hindi n'ya hahayaan na pati ang kan'yang mga magulang ay mauto ni Isaac. Ngayon n'ya lang napagtanto ang lahat. Ang karangyaan na tinatamasa ng mga magulang ngayon ay malamang galing kay Isaac.
CALIXTA ASUNCION...Tanghali na s'yang nagising kinabukasan dahil buong gabi s'yang hindi nakatulog. Iniisip n'ya pa rin ang nangyari kahapon at ang mga sinabi ni Isaac sa kan'ya.Part of her ay parang nagsasabi na paniwalaan n'ya ito ngunit ang kabilang parte ay nagsasabi na sinungaling ang binata. Nakahilata lang s'ya sa kama at matamang nakatingin sa kisame na parang may hinihintay na kasagutan sa mga tanong n'ya.Kung saan-saan napunta ang kan'yang isip. Nang magsawa sa ginagawa ay dahan-dahan s'yang bumangon at nagpasyang maligo.Pumasok s'ya sa banyo na lutang at parang wala sa sarili. Nakabukas ang shower at s'ya ay nasa ilalim nito na nakatulala habang hinahayaan na bumagsak ang malamig na tubig sa kan'yang katawan.Mahigit kalahating oras din s'ya sa ganong posisyon bago nahimasmasan. Agad n'yang tinapos ang paliligo at lumabas ng banyo.Nagsuot s'ya ng maikling short na kulay puti at itim na sando. Sinuklay n'ya ang buhok at lumabas ng kwarto.Deritso s'ya sa baba at pumunta
CALIXTA ASUNCION...Kinabukasan ay nagising s'ya na mataas na ang sikat ng araw. Nag-unat s'ya ng mga braso at dahan-dahan na bumangon.Naalala n'ya ang ginawa ni Isaac kagabi at hindi n'ya mapigilan ang mapangiti ngunit agad ding sinaway ang sarili.Hindi s'ya dapat kinikilig sa mga ginagawa nito dahil alam n'yang pakitang tao lang ito and soon lolokohin lang s'ya ulit ni Isaac.And besides my asawa na ang lalaki ngunit hindi n'ya maintindihan kung bakit nasa bahay pa rin nila nakasiksik ang binata.Ipinilig n'ya ang ulo para alisin ang mga iniisip. Kagigising n'ya pa lang, dapat ang mga masasayang bagay ang iniisip n'ya at hindi ang mga nakakabwesit na mga iisipin.Tumayo s'ya at nag-unat ulit bago nagpasyang pumasok sa banyo para maligo. Hinubad n'ya ang mga damit at akmang itatapon sa laundry basket at napakunot ang kan'yang noo nang makitang wala na ang mga damit na hinubad n'ya kahapon."Naglaba ba si nanay? Pero hindi naman pumasok sa kwarto ko ah, ni hindi ko nga nakita kahapo
CALIXTA ASUNCION...Naglalakad sila ni Isaac patungo sa sakahan. Na miss n'ya ang lugar na ito, dito s'ya lumaki at nagka-isip. Dito rin s'ya natuto sa buhay. Nakasunod lang sa kan'ya ang binata. May bitbit itong mga snacks at inumin para sa kan'ya.Ngingiti-ngiti s'ya habang naglalakad dahil sa sobrang kilig ngunit ng maisip ang kanilang sitwasyon ay agad n'ya ding sinaway ang sarili.May ilog silang kailangang tawirin para makarating sa kanilang sakahan."Let me carry you love," si Isaac sa kan'ya." No need, gusto kong ilusong ang paa ko sa tubig," masayang sagot n'ya. Natutuwa kasi s'ya ng makita ang malinaw na tubig sa ilog. Hindi naman ito kalakihan at hindi din malalim ngunit kapag malakas ang ulan ay umaapaw ang tubig dito dahil may malaking talon sa itaas na parte ng sakahan nila. Medyo malayo na ito sa kanilang sakahan ngunit ang lahat ng bagsak ng tubig mula rito ay s'yang tubig na dumadaloy sa ilog na tatawirin nila."Ok, then just hold my hand, medyo madulas ang mga bat
CALIXTA ASUNCION...Nauna silang umuwi ng nanay at tatay n'ya. Isang katakot-takot na sermon ang kan'yang natanggap mula sa mga magulang nang makita s'ya kanina kung paano sampalin si Isaac.Nagulat din s'ya sa kanyang sarili at nagsisisi na ginawa n'ya iyon sa lalaki. Kagat labi n'yang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak dahil sa pananakit na ginawa sa binata.Sumobra na yata s'ya sa ginagawa n'ya kay Isaac. Wala silang imikan ng mga magulang habang pauwi. Ang tatay n'ya ang unang nagalit sa kan'ya.Pagdating nila sa bahay ay agad na pumasok ang dalawa sa kwarto ng mga ito. Naiwan s'ya sa baba at nag-iisip kung paano s'ya makabawi kay Isaac.Kaya nagpasya s'yang magluto ng haponan nila. Ipagluluto n'ya ito para man lang makabawi sa ginawa n'yang pagsampal kanina.Tumayo s'ya at nagtungo sa kusina. Naghalungkat ng mga pwedeng lutuin at nagsimula nang magtrabaho.Pinagbutihan n'ya ang ginagawa at siniguradong masarap ang kan'yang luto para magugustohan ni Isaac mamaya.Isang oras mah