CALIXTA ASUNCION...Maaga s'yang pumasok kinabukasan dahil maaga din s'yang inihatid ni Isaac sa university. Magaan ang pakiramdam n'ya na naglakad patungo sa kan'yang classroom sa first subject. Wala na naman silang lesson dahil tapos na ang kanilang exam ngunit may mga pinapagawa sa kanila ang ibang professor kaya pumapasok pa rin sila araw-araw.Naabutan n'ya si Anna na tahimik na nakaupo sa upoan nito at mukhang ang layo ng tingin. Hindi alintana ang ingay ng kanilang mga kaklase sa unahan.Naupo s'ya sa tabi nito ngunit wala pa rin sa sarili ang dalagita."Hoy! Saan na umabot ang imahinasyon mo?" tanong n'ya sa dalaga sabay yugyog sa braso nito.Nagising si Anna sa malalim na iniisip at ilang beses pang napakurap ng humarap sa kan'ya."Ate nandito ka na pala?" gulat na tanong nito sa kan'ya."Ay wala pa Anna, kaluluwa ko lang ito. Ano ba ang iniisip mo na mukhang sinlalim ng ingron ko sa paa?" tanong n'ya. Mahina naman itong natawa sa kan'yang sinabi."Si ate talaga joker. Wala
CALIXTA ASUNCION...Last two weeks na lang ang klase nila at magsasara na ang taon. Nakahinga na s'ya ng maluwag dahil sa susunod na taon ay wala na s'yang babayaran sa university.Granted for full scholarship agad s'ya dahil sa pagiging top student sa university.Sobrang saya n'ya at sobrang proud sa kan'yang sarili. Nakaya n'yang pag-aralin ang sarili mula sa kan'yang pagsisikap.Kahit mayaman si Isaac at nag offer din ang mga magulang nito na pag-aralin s'ya ngunit hindi s'ya pumayag. Magalang n'yang tinanggihan ang mga ito dahil sa kagustohan na makapagtapos mula sa sariling pagsisikap.Mag-isa lang s'ya sa bahay dahil nagpaalam si Isaac na may business convention itong dadaluhan sa Brazil.Limang araw nang wala ang nobyo at namimiss n'ya na ito. Wala din s'yang natanggap na tawag o mensahi mula kay Isaac sa loob ng limang araw.Siguro sobrang busy lang ng binata kaya inintindi n'ya na lang. Nagpasya s'yang maligo para pumasok.Pwede pa silang pumasok kahit late na kasi wala na n
CALIXTA ASUNCION..."I-Isaac anong ibig sabihin nito?" malakas ang boses na tanong n'ya sa kasintahan.Nakita n'ya ang gulat sa mga mata nito ngunit agad ding nawala at napalitan ng kalamigan."Oh the bitch is here!" nang-uuyam na sabi ni Kylie sa kan'ya ngunit hindi n'ya ito pinansin dahil nakatuon kay Isaac ang buong atensyon n'ya."Isaac tinatanong kita! Anong ibig sabihin nito?" muling tanong n'ya sa binata. Nakita n'ya ang pag-igting ng mga panga nito dahilan para maglabasan ang mga ugat ng binata sa leeg."Honey why don't you tell her the truth, since nandito na din naman s'ya. Anyway malalaman at malalaman n'ya din naman ang tungkol sa atin, why not now?" sabat ni Kylie."A-Anong kailangan kong malaman Isaac? Tell me, anong kailangan kong malaman?" mataas ang boses na tanong n'ya sa kasintahan."Just leave Cali," malamig ang boses na taboy nito sa kan'ya. Para s'yang sinaksak ng paulit-ulit dahil sa trato ni Isaac sa kan'ya ngayon. Pilit n'yang kinakalkal sa isip kung may pina
CALIXTA ASUNCION...9 YEARS LATER..."Paging Dr. Calixta Asuncion Batumbakal...— paging Dr. Batumbakal please proceed to the emergency room.! Dr. Calixta Asuncion Batumbakal proceed to the emergency room asap!" umalingawngaw sa buong hospital ang kan'yang pangalan.Mabilis n'yang nilagay ang chart ng kan'yang pasyente na hawak at mabilis na tumakbo sa emergency room.Nagkakagulo ang lahat doon dahil sa bagong pasok lang na pasyente na naliligo sa sariling dugo. Agad s'yang nagsuot ng gloves at sinuri ito.Malubha na ang lagay ng pasyente kaya nag request na s'ya to bring the man to OR immediately para ma operahan.Nagsipulasan naman agad ang mga nurses at iba pang mga doctor na nandoon. Sumunod sila sa OR para agad na ma operahan ang lalaki.Halos limang oras silang nakikipaglaban kay kamatayan para lang maisalba ang buhay ng lalaki.Nang sa wakas ay nanalo sila, lahat ay napasigaw dahil sa sobrang tuwa. Kita ang saya sa mukha ng lahat ng maging stable na ulit ang heart beat ng lalaki
CALIXTA ASUNCION...Pagkatapos nilang maghaponan ng anak ay naglinis s'ya ng kusina. Nagpaalam naman si Archer na mauuna na sa kwarto dahil mag-aaral pa daw ito.Napaka swerte n'ya sa anak n'ya. Nakuha man nito ang ugali ng ama na bugbutin ngunit alam n'yang sa huli ay may isang tao na makakapag pabago sa ugali nito.Katulad na lang ni Isaac. Ipinilig n'ya ang ulo at pilit na inaalis sa isip ang lalaki. Hindi n'ya na dapat ito iniisip pa. Masaya na ito sa buhay at dapat s'ya ay masaya na rin.Matapos malinis ang kusina ay pumasok na s'ya sa kan'yang kwarto at agad na naligo. Nagbabad muna s'ya sa bath tub ng mahigit kalahating oras bago nagpasyang magbanlaw.Matapos maligo ay lumabas s'ya ng banyo at nagbihis. Sisilipin n'ya muna sa kwarto nito si Archer bago magpahinga.Akmang lalabas na s'ya ng tumunog ang kan'yang cellphone. Bumalik s'ya sa kama at sinilip kung sino ang tumatawag.Agad n'yang dinampot ito at sinagot."Hello," bungad n'ya sa kausap."May I remind you Calixta about t
CALIXTA ASUNCION...Parang namanhid ang kan'yang utak sa sinabi ni Gold.So totoong ikinasal na ang dalawa. Parang pinipira-piraso ang kan'yang puso dahil sa sobrang sakit.Tama nga si Gold, mahal n'ya pa rin si Isaac hanggang ngayon dahil hindi s'ya masasaktan ng ganito kung hindi n'ya na mahal ang binata.Buong gabi s'yang hindi nakatulog dahil sa kakaisip, kaya kinabukasan ay para s'yang zombie na lutang."What happened mom? Why are your eyes swollen?" nag-aalalang tanong ng anak. Nginitian n'ya ito at ginawaran ng halik sa ulo."Good morning sweetheart, masakit lang ang ulo ni mommy kagabi kaya hindi ako nakatulog ng maayos," pagsisinungaling n'ya rito."Bakit hindi mo ako tinawag? I should accompany you last night," anang anak sa kan'ya."Asus! Tulo laway ka kaya noong pumasok ako sa kwarto mo kagabi nak, paano pa kita tatawagin, aber?" sagot n'ya rito at pinamewangan pa ang anak.Dito s'ya magaling! Sa pagpapanggap na ok kahit hindi naman. Mataman s'yang tiningnan ng anak na par
CALIXTA ASUNCION...Nakarating naman s'ya ng matiwasay sa kanilang lugar. Kasalukuyan s'yang nasa bus papunta sa kanilang bayan.Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kalabog ng kan'yang dibdib at hindi n'ya maintindihan kung bakit. Lihim s'yang nagdadasal na sana wala lang masamang nangyari sa pamilya n'ya.Na sana ok lang ang kan'yang madadatnan. Mahigit tatlong oras ang byahe sa bus at nakaramdam na s'ya ng pagod ngunit pilit n'ya itong nilalabanan. Ayaw n'yang matulog dahil iba't-ibang senaryo ang naglalaro sa isip n'ya.Nang sa wakas ay nasa kanilang bayan na sila, agad s'yang bumaba at kinuha ang kan'yang mga gamit. Isang maleta lang kan'yang dala dahil ang iba nilang gamit ng anak ay pinadala n'ya muna kay Garnette dahil mahihirapan s'ya kapag dinala n'ya ito pauwi."Hoy Asun ikaw na ba yan?" bati sa kan'ya ng isang babae. Nilingon n'ya ito at nakilala n'yang si Aling Emma ang bumati sa kan'ya."Magandang araw aling Emma," pagbati n'ya sa ginang. Ito ang may-ari ng maliit na gr
CALIXTA ASUNCION..."A- Anong ginagawa n'ya rito?" kinakabahang tanong n'ya sa sarili. Hindi s'ya pwedeng magkamali. Kahit malayo ang distansya nito sa kan'ya ay kilalang-kilala n'ya ang katawan ni Isaac.Memoryado n'ya ang bawat kurba ng maskulo nito sa katawan at ang malaking tattoo sa tagiliran nito ay s'yang nagpadagdag pa ng kan'yang malakas na kutob na si Isaac ang lalaking nakita n'ya sa baba.Nagpakawala s'ya ng hangin at hinamig ang sarili. Kailangan n'yang pakalmahin ang sarili para makapag-isip ng maayos dahil baka mataga n'ya sa sobrang galit ang manlolokong lalaking ito.Marahas s'yang bumuga ng hangin at pinaypayan pa gamit ang mga palad ang kan'yang sarili. Nang masigurong kumalma na s'ya ay matapang na lumabas s'ya ng kan'yang kwarto at nagpasyang bumaba para hanapin ang lalaki.Hindi n'ya hahayaan na pati ang kan'yang mga magulang ay mauto ni Isaac. Ngayon n'ya lang napagtanto ang lahat. Ang karangyaan na tinatamasa ng mga magulang ngayon ay malamang galing kay Isaac.