NAGAWA niyang imulat ang mga mata nang araw na iyon, ngunit hindi rin nagtagal ay muli siyang iginupo ng dilim. Hindi niya alam kung ilang araw o gabi ulit siyang nanatiling nakapikit, ngunit nang magising siya, wala na ang oxygen na nakakabit sa kaniya. She can breathe normally. Nakakaramdam pa rin siya ng hilo tuwing igagalaw niya ang ulo, pero hindi na iyon ganoon kalala.
Inilibot niya ang tingin sa silid na pawang puti ang nakikita niya. Wala siyang makitang ibang tao sa silid, ngunit nang ibaba niya ang tingin sa gilid niya, nakita niya ang ulong nakahiga roon. Sinubukan niyang igalaw kahit ang mga daliri man lang at hindi siya nabigo. Mabilis ding nagising ang taong nasa gilid ng kama niya at nang makitang gising siya, mabilis itong tumayo at may pinindot sa uluhan niya bago siya binalingan.
“Honey, gising ka na ulit. May masakit ba sa iyo? You want something?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
“N-na…uu…haw…&rdquo
Pinakatitigan ni Bullet ang cellphone na naiwanan ng ama sa side table. He tried to open it and good thing that it wasn’t lock. Sumulyap muna ang paslit sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid ng Daddy Jordan at Mommy Carol nito, nang masigurong hindi pa lalabas ang ama ay agad itong nag-dial.“Please, pick up the phone, Nida…” he whispered as the other line continued ringing.“Hello?”Nangunot ang noo ni Bullet nang boses ng batang babae ang sumagot sa kaniya. “Lottie?” he asked as he was familiar with her voice.“Buyet! Hala, Buyet, ikaw ba ‘yan?”“Yes, what are you doing in my papa’s house?” pabulong niyang tanong dito sa takot na marinig ng ama.“Dito na kami nakatira, Buyet. Buyet, alam mo bang papa namin si papa mo? Tapos, Buyet, si mimi… Buyet, si mimi ko wala na. A bad person took my mimi. T-tapos… tapos nisusunog nila body ni mimi… Buyet, wala na kaming mimi.”Mabilis na pinunasan ni Bullet ang luhang tumakas sa mga mata nang marinig ang pag-iyak ng kaibigan. “Sorry, Lott
SINULYAPAN ni Caroline si Jordan habang nakaupo sa wheelchair at minamasahe ng physical therapist ang mga binti niya. She wanted to ask something, ngunit hindi niya alam kung paano sisimulan, lalo pa’t mukhang hindi maganda ang timpla ng mood ng asawa habang abala sa mga binabasa nitong papeles sa table nito. Sa labas sana nila gagawin ang passiver exercise session nila ng physical therapist niya, mas madali kasing mag-relax ang nerves niya kapag naaamoy ang sariwang simoy ng hangin na nahahaluan ng amoy ng dagat, pero dahil may gusto nga sana siyang itanong kay Jordan, dito sila sa opisina nito pumuwesto. Wala pa ring maramdaman ang mga binti niya, marahil dahil sa tagal niyang na-comatose, kaya hanggang ngayon, hindi pa rin niya maigalaw ang mga paa. Matapos imasa-masahe ng physical therapist ang mga binti niya, ini-stretch naman nito iyon ngayon. Pagkaraan ng ilang ulit na pag-bend ng tuhod niya, inutusan siya nitong subukang iangat ang kanan niyang paa, ngunit hiningal na lang si
“JORDAN, paano ko pala kayo matatawagan?” tanong ni Caroline nang ihatid ang mag-ama sa dalampasigan, sa may woodbridge kung saan may naghihintay na yate. She couldn’t even remember kung yate rin ba ang sinakyan nila noong dalhin siya rito sa isla.“I gave your mom a phone. Nasa first dial ang number ko para madali mo akong matawagan,” tugon nito na tinanguan niya.“Mommy…” anas ni Bullet.Inangat niya ang mga braso at inabot ang anak. Bullet’s eyes were restless, para itong may gustong sabihin pero hindi nito masabi. Mahigpit niyang niyakap ang anak at pinupog ito ng halik. Hindi pa man umaalis ang dalawa, nangungulila na kaagad siya rito.“Ibili mo ako ng pasalubong, ha?” bilin niya rito para lang pagaangin ang atmosphere sa paligid, ramdam kasi niyang nagpipigil din ang anak na ilabas ang nararamdaman nito.“I will, Mom. I love you.”“I love you so much.”“Let’s go, son.”Mahigpit pa siyang niyakap ni Bullet bago ito humiwalay sa kaniya. Lumapit naman si Jordan at yumuko para halik
“MA, ‘di ba, ang sabi mo head nurse ka?” usisa ni Caroline sa kalagitnaan ng tanghalian nilang mag-ina. Nag-angat ng tingin si Celine para tingnan ang anak. Isinubo muna nito ang pagkaing hawak bago ibinaba ang kutsara. “Oo, anak. Head nurse ako sa Salazar Hospital for almost five years. Bakit mo naitanong?” “M-maliban po sa akin po ba sa akin, may iba pa kayong naging pasyente na nagkaroon ng amnesia pagkatapos maaksidente?” “Well…” Saglit na napatingin sa itaas na gilid ng kanang mata si Celine na parang nag-isip bago tumingin sa anak. “Normal case ang amnesia sa mga pasyenteng sumailalim sa isang operasyon. You know, general anesthesia can cause mild amnesia or memory loss, and there’s also amnesia-inducing drugs that is common medical practice during surgery. Pero ang case mo kasi is post-traumatic amnesia, either nakuha mo dahil sa aksidente, o dahil sa pagkaka-coma mo. And that was my first time to encounter a patient na matagal bago nakaalala ulit. Bakit mo naitanong?” Malal
INILIBOT ni Caroline ang bahay na pinagdalhan sa kanila. Hindi niya alam kung bakit biglaan ang naging pag-alis nila sa isla nang magising siya mula sa pagkakahimatay ‘raw’ niya. Ayaw pa nga sana niyang pumayag kung hindi pa tumawag ang asawa. Ang sabi nito, babalik na raw sila sa bahay nila. And now that she was here, sinubukan niyang hagilapin sa alaala ang memories na mayroon siya sa bahay na ‘to.Kumpara sa two-storey house nila sa isla, bungalow house lang iyon pero malaki para sa isang maliit na pamilyang tulad nila. Mataas ang white ceiling na may classic chandelier at recessed lightings sa palibot. Four shades of brown ang interior color. Tawny brown ang rustic oak flooring at iba pang furniture, tan at siena brown ang walls, smoky umber ang L-shaped couches na may siena brown wood center table at tan carpet. Elevated ang papuntang dining area na nasa kaliwang bahagi ng bahay, kanugnog nito ang arko na patungo sa kitchen.May nakasabit na large frame sa itaas ng LED television
“HI, baby!” Malawak ang ngiti ni Clarisse nang makita ang gulat sa mga mata ni Bullet pagkakita sa kaniya, napaatras pa ang paslit na parang takot ngunit binalewala iyon ng dalaga.“Hi, Tita Clarisse,” bati naman ni Lottie, samantalang nilingon lang ito ni Clover.“Hi, Lottie. How’s the Disneyland? Did you enjoy it? Hello, Clover,” pagkuha nito ng pansin sa kakambal ni Lottie, ngunit nilingon lang ito ng paslit at tipid na nginitian bago ibinalik ang atensiyon sa binabasa nitong libro.“Yes po. Nisasakay kami sa maraming rides, tapos nikikita po namin iyong mga Disney Princess. Nipi-picture pa po kami,” pagkukuwento n Lottie. “Kayo po? Kumusta po ang therapy mo?”Umupo sa katapat na couch si Clarisse at nakapangalumbabang tinitigan ang babaeng paslit. “It was great, sweety. I learned a lot. And actually, I have a surprise for Bullet.” Nilingon nito ang anak na itinulos na
“MOM!” Bullet called Caroline as they reached the house that was new to him. Mabilis na pinagulong ni Caroline ang gulong ng wheelchair palabas ng silid pagkarinig sa boses ng anak. Patakbo naman siyang nilapitan ng paslit ‘saka niyakap nang mahigpit.“I missed you!” bulalas ni Bullet nang kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.“Na-miss din kita. Kumusta ang bakasyon mo?”Nagkibit-balikat ito at muling yumapos sa baywang ng dalaga. Bullet’s half face was buried on her stomach. “It was great. We visited Disneyland with my cousins. How about you, mom?”“I’m fine, though, I’m a little bored. Tapos dinala na kami rito ng daddy mo.”“Hi, honey,” bati ni Jordan nang makapasok sa kabahayan. Lumapit ito kay Caroline at humalik sa labi niya. “I missed you,” bulong nito.Kiming ngumiti si Caroline, pero agad na nabaling ang tingin niya sa babaeng ilang hakbang ang layo sa likuran ng asawa. “Clarisse?” paninigurado niya nang makilala ang babae. Ito iyong bestfriend ni Jordan na ipinakilala sa kan
Tiningala ni Caroline ang kalangitan. Nag-aagaw ang liwanag ng araw at kulimlim ng mga ulap. Mukhang nagbabadya ang ulan. Ang lungkot tuloy pagmasdan ng langit, parang gusto nitong umiyak. Tulad ng kung ano ang nararamdaman niya ngayon.Napabuntonghininga siya para paluwangin ang paninikip ng dibdib. Kagagaling lang nila sa ospital para sa follow up check up niya sa neurologist. And accodring to her CT scan, normal na ang functioning ng cerebrum,cerebellum at ng brain stem niya. Pero hindi maipaliwanag ng doctor kung bakit hindi pa rin bumabalik ang nawawalang alaala niya, maliban sa sinabi nitong, “Sometimes it really takes time to retrieve a memory.”“Wala ka talagang maalala?” anang boses na nagpalingon sa kaniya. Galing ito sa loob ng bahay at palapit na sa kinaroroonan niya.Sinundan niya ng tingin ang paglapit nito hanggang sa maupo ito sa steel bench na nasa kaliwa niya.
“Good afternoon, Mr. Donovan. Angelo Cervantes from ValSecA. Pleased to meet you, sir,” bati ng lalaking nakasuot ng smart formal attire na cream trouser, mint green button-down shirt, at white sneakers nang tumayo ito para salubungin si Timothy. Inilahad niya ang kamay nang makalapit ito sa kaniya.Tinanggap naman ni Timothy ang palad nito para makipagkamay. “Please to meet you too, Mr. Cervantes. Have a seat please,” pagbati niya rito ‘saka inilahad ang kanang kamay para ialok dito ang upuang inuupuan nito bago siya dumating.“My apology to keep you waiting," paghingi niya ng paumanhin `saka naupo sa bakanteng upuan sa katapat ni Angelo.“You are still early, sir. Nasa itaas lang naman ng hotel na `to ako naka-check-in.”Tumango si Timothy bilang tugon sa kaharap. Hindi naman na nagpaligoy-ligoy pa si Angelo, dinampot nito ang folder na nakapatong sa mesa malapit sa kopitang pinag-inuman at inilahad iyon kay Timothy. Tinanggap iyon ng binata at walang salitang binuklat ang folder pa
“DADA, when will you and mimi get married?” inosenteng tanong ni Charlotte habang sinusuklayan nito ang laruang manika.Natigilan naman si Timothy. Nilingon niya ang anak at hindi agad nakasagot sa taong kausap sa telepono. “I will call you back.” Tinapos niya ang tawag at naupo sa single couch para samahan ang kambal. Sasagot na sana siya sa tanong ng bunso niya, ngunit naunahan siya ni Clover.“Mima won't marry him, Lottie.”“Bakit hindi, Clover? Anak nila tayo kaya dapat papakasal na sila!”“Having us doesn't mean they have to get married. Mima doesn't love him anyway. Mima loves that Jordan.”Kunot ang noong nailipat ni Timothy ang tingin sa panganay na anak. Hindi niya alam kung ano'ng nalalaman ni Clover at nasasabi nito ang ganoon.Hinaplos niya ang buhok ng bunso na nasa harapan niya. “Once your mom recovers from all of these, we will talk about it, honey,” malambing niyang saad rito.Nag-angat naman ng mukha si Clover na nasa kaliwang gilid ng center table at nagkukulay. “Are
Inikot-ikot ni Timothy ang basong hawak habang prenteng nakaupo sa ergonomic chair at matiim na nakatitig sa labas ng malaking bintana ng sarili niyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mahulog sa malalim na pag-iisip tuwing sumasagi sa isip niya ang mga nangyari this past years. He was lost when they lost Caroline. Ang hirap ng adjustment na kailangan niyang gawin lalo na pagdating sa pagiging ama sa dalawa nilang anak. Clover and Charlotte did not grow up with him, kaya sobrang hirap mangapa. At alam niyang naging mahirap din sa dalawa ang biglang pagkawala ng ina ng mga ito.And now that Caroline was back, the kids were so excited to reunite with their mom. The problem is, Caroline couldn’t recognize them. She was trying, unfortunately, the overdose of the drugs that Jordan gave her, made Caroline’s memory—lost. And the experts are still monitoring her condition as she undergoes rehabilitation.Hindi sana mangyayari ang lahat ng ito kung mabilis nilang nahanap si Jordan. But what
TIMOTHY couldn't process what he just heard from the officers. Jordan, the mastermind, was nowhere to be found. Caroline was drugged intentionally to erase her memory. At mababa ang chance na maibalik pa ang memorya nito. Ang sabi ng ina nito, six years ago ang naaalala ni Caroline nang ipaalaga ito ni Jordan dito. Memory nito hanggang sa bago niya ito na-meet sa tulay para sagipin siya sa pag-aakala nitong tangka niyang pagsu-suicide. Alaala kung saan bago ang kasal nito kay Jordan na hindi natuloy dahil sa pagkakabuntis sa kapatid niya.The situation became too complicated. Nagpapasalamat na lang siyang nagising itong hindi na naghihisterya para hanapin si Bullet. Ngunit hindi dahil unti-unti na itong nakaka-recover, kundi dahil hindi na nito naaalala kung bakit ito nasa hospital ngayon, maging ang pamangkin niyang inakala nitong anak.“Si Jordan? Baka hinahanap na ako ni Jordan. Kasal namin ngayon, Mister,” puno ng pag-aalala ang namamaos na boses ni Caroline nang sabihin nilang na
“Mamila? Mami ka ni Mima po?” nandidilat ang mga matang tanong ni Lottie.Mabilis na tumango-tango si Celine na sinasabayan ng paghikbi at pagsinghot. Inangat niya ang mga braso para abutin ang paslit na may bilugan at nangungusap na mga mata.“Mamila!” Pasugod na nilapitan ni Lottie ang lola nilang ngayon lang nakita.Sumisikip naman ang dibdib na agad sinalubong ni Celine ang isa sa mga apo at mahigpit itong niyakap.“Apo ko!” Hindi pa rin makapaniwala, ngunit ramdam ni Celine ang kakaibang saya habang yapos-yapos ang paslit. Hinagod-hagod niya ang mahaba nitong buhok at mas humigpit pa ang yakap dito habang tumatagal.Matapos ang ilang sandaling yakapan, kusang bumitiw si Charlotte sa lola niya at sinapo ang magkabila nitong pisngi.“Where have you been, po, Mamila? Mimi said you were in a faraway place—”“You were with Mima the whole time she was missing, right? Why you didn't tell grandpa? Why didn't you inform us that Mima is alive and she was with that evil man? Why you didn't
Nanlalatang inilapat ni Timothy ang likod sa sandalan ng backseat nang makasakay sa sasakyan. Ramdam niya ang buong pagod, ngunit alam niyang wala siyang karapatang indahin ang kahit anong pakiramdam matapos na maihatid ang nag-iisang kapatid sa huli nitong hantungan.“Dada...” mahinang tawag ni Charlotte na nasa kabilang dulo ng upuan, katabi ng kakambal na si Clover.Tumayo si Lottie at lumipat sa tabi ng ama kaya napagitnaan na ito ng dalawa. “Dadalawin natin si Mima?” tuwid na ang pananalitang tanong nito.“Mimi isn't fine yet, Lottie,” masungit na sagot ni Clover na ikinalingon dito ni Charlotte at ng ama ng dalawa.Malalim namang napabuntonghininga si Timothy. Ilang araw na buhat nang matagpuan nila si Caroline na nakalugmok sa lupa, sa kalsada ilang metro mula sa bahay-bakasyunan ng kapatid at tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan ng pamangkin niya.At mula naman nang mai-confine ito, magigising lang ito para tawagin ang pangalan ni Bullet kaya kailangan itong pakalmahin ng
“HONEY?”Sabay na napalingon ang tatlo sa gawi ng pintuan ng banyo nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Jordan na ikinatalima ni Clarisse.“Come on, son.” Hinatak ni Clarisse ang wheelchair para mailabas ito sa closet, habang nakaalalay sa magkabilang hawakan sa likod ng upuang de-gulong si Bullet.“Clarisse!” dinig nilang tawag ni Jordan kaya mabilis na pinalitan ni Clarisse ang anak sa pagtutulak sa wheelchair ni Caroline nang tuluyan silang makalabas sa secret door ang tatlo.“Mom....” kabadong tawag ni Bullet sa ina habang mabibilis ang hakbang ng maiikli nitong binti na sinusundan ang dalawa.“Just walk fast, son, and don't look back.”“Clarisse, I'm warning you! Nasaan si Caroline?!” sigaw na naman ni Jordan.“Clarisse, mabuti pa ibalik mo na lang ako sa loob. Bumalik na lang tayo,” ani Caroline, nilingon niya ang babaeng nagtutulak sa wheelchair niya.“No, Carol. Kailangan nating makaalis dito, or else, Jordan will kill us, and you will never see your twins anymore!”“P
“WHAT the hell do you mean by that?” paasik na tanong ni Clarisse sa security guard. Plano sana niyang lumabas para makapag-jogging sa palibot ng lugar, subalit ayaw siyang palabasin ng bantay!“Pasensiya na po, Ma'am. Mahigpit pong bilin ni Sir Jordan na walang lalabas at papasok hangga't walang pahintulot niya.”Napamaang siya sa narinig. Pinamaywangan niya ito at pinanlakihan ng mga mata. “In my freaking own house? Alam mo ba na ako ang may-ari ng property na `to?” sindak niya sa guard na ikinatungo lang nito ng ulo.“Pasensiya na po talaga, Ma'am. Sumusunod lang po ako kay sir.”“Damn it!” Walang nagawang tinalikuran ni Clarisse ang lalaki.She wanted to go outside para sana kontakin ang Kuya Timothy niya at humingi ng tulong dito. Hindi niya puwedeng gamitin ang cellphone o kahit ang landline dahil naka-monitor iyon sa cellphone ni Jordan. Hindi naman siya puwedeng umalis nang hindi niya dala ang anak, kaya iyon ang naisip niyang paraan.But the hell with Jordan. Mukhang pinaghihi
MARIING ipinikit ni Caroline ang mga mata nang maramdaman ang pagbukas ng pintuan. Halos pigilin niya ang paghinga at mahigpitan ang pagkakayakap kay Bullet na natutulog sa kanan niya habang pinakikiramdaman ang kilos ni Jordan.Lumapit sa kama ang kinilala niyang asawa at naramdaman na lang niya ang pagdampi ng labi nito sa pisngi at sentido niya, dahilan para maamoy niya ang alak sa hininga at singaw ng katawan nito bago lumayo. Dinig niya ang yapak ng mga paa nito patungo sa bathroom. “Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.Inalis ni Caroline ang pagkakayakap sa paslit sa takot na magising ito dahil sa bigat ng braso niya. Hinila na lang niya ang comforter para itakip nang maigi sa katawan niya.Ilang sandali pa, narinig na niya ang muling pagbukas ng pinto sa banyo kaya ipinikit niya ulit ang mga mata at pinakiramdaman na lang ang paligid.“Hey, honey…” ungot ni Jordan nang umupo ito sa kaliwang pwesto ni Caroline. Isiniksik niya ang k