"Senyorita! Senyorito! Gising na po!"
Malakas na pinatunog ni Caya ang alarm clock para gisingin si Ailee at Anton. Pero nagtalukbong ang dalawa sa kani-kanilang kumot at hindi parin bumangon. Napilitan siyang lapitan ang dalawa sa kanilang kama at inalis ang kumot.
"I wanna sleep!" sigaw naman ni Anton at sinubukang agawin mula sa kanya ang kumot.
"Hindi pwede senyorito. Kayo ay papasok na po." Inilayo niya ang kumot ng dalawa at binuksan ang kurtina ng mga bintana upang mapilitan na silang bumangon.
"Inihanda ko na rin ang mga pampaligo niyo. Kaya Go na!"
"You're so loud!" reklamo naman ni Ailee habang napakumot ito sa kanyang ulo at pumasok na sa CR.
Habang nagliligpit si Caya sa kwarto ng mga bata ay napansin niya ang isang litrato sa ilalim ng unan ni Anton.
"Ang ganda naman niya."
Namangha ito nang makita niya ang isang larawan ng babaeng may kaputian at medyo singkit ang mga mata. Nakasuot ito ng puting bestida ay nakalugay ang kanyang buhok mula baywang.
"Ito kaya ang mama nila? Ang ganda naman niya." Hindi niya mapigilan mapamangha sa babae sa larawan. And why would Anton hide something like this in his pillow? Napalinga si Caya sa buong silid. Napaka simple lang ng kwarto ng mga bata. Walang laruan o kahit anong storybooks. Kung iisipin mo parang hindi halatang kwarto ng isang bata.
Nang marinig ni Caya ang pagbukas ng pintoan sa CR ay agad niyang itinago ang larawan sa unan ni Jin. Nilapitan niya agad si Anton at Ailee na naka bathrobe na ngayon.
"Sanay ba talaga kayong sabay maligo?" Napangiti si Caya habang pinupunasan niya si Anton.
"We have separate shower room. Don't mind me. I can handle myself," akmang pupunasan na sana niya si Ailee pero dinaan siya nito sa english niya. Mas diretso pa yata ang pag english ng mga bata kaysa sa kanya
"Ilang taon na nga ulit kayo?"
"6," sumagot naman si Ailee habang inaayos ang buhok niya sa salamin. Mayroon din kase itong sariling desk na may salamin at ilang mga essentials. Habang tinititigan ito ni Caya ay para siyang dalagang highschool at mukhang sanay na sanay ayusin ang sarili niya.
"Ang bata niyo pa pala. Hindi na ba kayo naglalaro ng toys?"
"Dad hates toys." Napansin ni Lyan ang pagyuko ni Anton.
Mula nang dumating siya dito ay napansin niya ang kakaibang lamig sa mga mata ni Anton. Bihira man niyang makita si Axel sa bahay pero napapansin niyang hindi talaga maganda ang relasyon nilang mag-aama.
She was always wondering the feeling of having a father. Bata palang kasi si Caya ay namatay na ang Ama nito. Nasanay na siyang mabuhay na ang Nanay lamang niya ang kanyang magulang.
This house is so huge but she realized how empty it is.
"Alam niyo ba noong 6 years old ako, May mga toys ako nun. Mga pinaglumaan ng kamag anak namin. Tapos nakikipaglaro ako sa labas."
Napansin ni Caya na parang hindi nakikinig ang dalawa sa mga sinasabi niya.
"I'm a bigboy now. I don't need toys." Inagaw ni Anton ang towel mula kay Caya. "Labas ka na. " napaatras si Caya nang itinulak siya ni Anton sa pintoan.
"Hmmm. Mana manahan talaga ang pagiging masungit." Napailing iling nalang si Caya nang padabog na isinarado ni Jin ang pintoan.
Napadungaw siya sa baba nang may marinig siyang boses. Mukhang si Secretary Kim iyon na may kausap sa ibaba.
"Napadaan lang ako. May linakad ako dito sa Gilberts. Kumusta amo mo?"
"Oh My! Oh My!" Napatakip siya sa bibig nang makita niya ang lalakeng kausap ni Secretary Kim.
Inilabas kaagad nito ang kanyang cellphone at kinuhanan ng picture ang kausap ni Secretary Kim.
"What are you doing?"
"Anak ka ng Nanay mo-" Napaawang ang bibig ni Caya nang makita niya ang taong nasa likoran niya. Hindi niya inakalang sa kanya galing ang boses na iyon.
"S-Sir Axel.." Napatras ito ng kaunti at napalipat lipat ang titig niya sa baba at sa kanya. Mukhang umagang umaga ay ang pangit ng gising nito. Parang nakasimangot pa itong nakatitig lamang sa kanya
"Bat' mo kinukuhanan ng picture si Mr. Nieves?"
Napapikit ito at napakagat sa labi. May kalakasan pa naman ang pagkakasabi nito. Natatakot siya at baka marinig pa nito ng dalawa na naguusap sa baba
"A-ano po Sir... Tinetesting ko lang po yung camera ko."
"Sa kanya mo pa talaga i-tetesting?"
Hindi nakaimik si Caya at akmang tatalikuran na niya sana si Axel nang bigla itong magsalita ng pagkalakas lakas
"Rowin! I wasn't informed you will visit." Para siyang napakong yelo sa kanyang kintatayuan nang tumingala si Rowin mula dito sa itaas.
Dali daling naglakad pababa si Axel upang salubungin ang kaibigan.
"Napadaan lang ako. I looked around to some places here," ang sabi naman ni Rowin nang makalapit si Axel sa kanya.
"Paalis na sana ako. But yeah, I have to see you first."
"Gilberts has one of the best subdvision in San Vidad. Lumipat ka na. I can also find a new place for MoonVenus."
"I think Mom will stay in Guanzon. Pero nagiisip kami ng Asawa ko na lumipat dito. "
"I said let's go!" Nagulat na lamang si Caya nang umalingaw ngaw ang boses ni Anton. Dahil masyado siyang naabala sa pakikinig ng usapan nila Axel at Rowin mukhang hindi niya napansin na nakabihis na pala ang dalawa.
"Okay Okay. Let's Go.. My Bad my bad!"
Habang pababa na sila sa hagdanan ay napapansin niya sa gilid ng mga mata niya ang pagsulyap sa kanila ni Rowin.
"Laki na ng mga anak mo. Malapit lapit na rin pumasok si Riley. " ani naman ni Rowin habang nakatitig kay Anton at Ailee.
"Caya handa na ang breakfast ng mga bata—Ay Goodmorning po sir!" Lumabas mula sa kusina si Aling Teressa para tawagin si Caya at ang mga bata. Mukhang narinig rin nila ang sigaw ni Anton kanina
"Caya?" Napatigil sa paglalakad si Caya nag bigla siyang tawagin ni Rowin
"She is my new Nanny, Caya," ani naman ni Chase nang magtinginan silang dalawa ni Caya.
"Ah, Sorry kapangalan mo kase ang Asawa ko."
Gumanti naman ng ngiti si Caya at nagpatuloy sa Kusin kasama ng mga bata.
"Don't worry, lahat ng Caya na kilala ko magaling mag alaga." Habang palayo siya ay narinig pa niya ang huling sinabi ni Rowin.
"Grabe, ang gwapo parin ni Rowin!" Nang makarating siya sa kusina ay napasilip ulit siya kay Rowin na inihatid ni Axel sa labas.
Natatandaan parin ni Caya nang Highschool siya. Mayroon silang dinadayong Restaurant sa Guanzons. Kung saan inaabangan nilang magkakaibigan ang bandang tumutugtog doon gabi gabi. Rowin Nieves is a member of that band. Parang kahit ilang taon ang lumipas hindi kumupas ang kagwapuhan ng binata. Sadly, he is now happily married.
"Ayaw ko niyan! Ayaw kong kumain!" Nagulat nalang si Caya nang itinaob ni Anton ang plato niyang may laman na pancake at straw berry
Agad namang nilinis ni Sally ang kalat ni Jin sa sahig. Tumulo din kase ang syrup nito at naikalat ang starwberry sa sahig.
"Why are you eating that?!" Agad na pinigilan ni Caya ang kamay ni Anton nang akmang hahatakin niya sana ang plato ni Ailee.
"That's Bad. Kumakain yung kapatid mo."
"No I will not eat it!" Nang manguya ni Ailee ang pancake na isinubo niya kanina ay nagsalita ito. Nagulat din si lyan nang itinapon ni Ailee ang pagkain niya.
"I will prepare another food. What do you like ba?" ang sabi naman ni Sally sa kanila.
Napatingin si Caya sa pagkain na naitapon sa sahig. Para siyang nanlumo at nanghinayang. Dahil maraming pagkakataon na sa buhay niyang nagtiis sila ng gutom dahil sa kahirapan.
And Food is too precious to throw away just because you don't like it. Maraming bata ang nagugutom araw araw. At may dalawang bata dito sa harapan niyang nagtatapon lang ng pagkain
"I wan't chocolates and sweets!"
"Eh kase, nag chocolates na naman kayo kahapon."
"Chocolates? Agahan?" Hindi makapaniwalang saad naman ni Caya kay Sally.
"Sabi ko sayo diba pihikin sila. "
"Anton, Ailee, sayang ang pagkain na niluto ni Aling Teressa at Aling Sally. Don't basura it." Umupo si Caya sa tabi ni Anton pero hindi siya nilingon ng bata. Napansin niya si Ailee na nakatitig sa pan cake at para napapalunok pa ito.
Mukhang gusto ni Ailee na kainin ang pagkain pero dahil parang pinagbabawalan siya ni Anton ay tinitiis lang niya yata ito.
"Give me Sweets!" sumigaw si Ailee. Kaya naman nataranta si Sally na kumuha ng choco bar sa ref.
"Here it is," inilapag ni Sally ang choco bars sa harapan nila. "Naku. Kapag marinig ni Sir Axel na nagsisigaw sila papagalitan niya ang dalawa. Nakakataranta talaga." Napasapo pa sa dibdib si Sally habang nakatingin sa dalawnag bata na nilalantakan ang choco bars.
"Miss Lyan, handa na po ang sasakyan." Napalingon ito nang makita niya si Secretary Kim na nakatingin sa dalawang bata
"Hindi na naman po ba sila mag bre-breakfast?" sabi pa nito at mukhang nag aalala habang nakatingin sa dalawa.
"I'm done!" ani naman ni Jin at bumaba sa kanyang silya.
"Me too!" sumunod din si Jana sa kanya.
"Ito si Othan. Siya ang driver niyo. Hindi kayo pwedeng sumakay ng ibang sasakyan kundi ang kotse lamang na ibinigay ni Sir Axel."
Nginitian ni Caya ang lalakeng naka suot ng uniform ng kagaya sa ibang butler na lalake na nakita niya sa loob. Mukhang nasa 30s palang ang edad ni Othan. May maamong mukha at mukhang palngiti rin ang isang ito
"Mahigpit din na pinagu-utos ni Sir na diretso kayong uuwi pagkatapos ng klase nila. Iwasan mo ring makipagusap sila sa ibang kaklase nila."
"Aye Sir!"
"At huwag mo silang papakainin ng ibang pagkain bukod sa baon nila."
"Okay po Sir. Nako palit na lang tayo ng trabaho. Mukhang mas kiber mo mag Nanny eh!" Natatawang saad ni Lyan at hinampas ang dibdib ni Secretary Kim.
Mukhang nagulat ang binata sa ginawa niyang paghampas sa kanya.
"Bananaque kayo jan! Napakatamis! Sing-Tamis ng Wine! Sin-tatag ng Sunshine!"Umaalingaw ngaw sa labas ng palengke ang boses ni Caya habang nagbebenta ng Babanque at iba pang meryenda katulad ng Turon, Lumpia at Gulaman."Ate, Naweweirdohan lalo ang mga bibili sayo" sita naman ng kanyang kapatid na sila Iris.Ano ka ba, This is Marketing! You have to market to your customer!"Baka you have to advertise your product."Ah basta yun na yun. At saka konting tiis nalang sa pagbebenta, Magkaka trabaho na ako soon ani naman ni Caya at kinurot ang ilong ni Iris."Anong Trabaho naman iyan Ate?""Basta. Trabaho.""Basta Ate, Tandaan mo, huwag ka na sa Call Center, Sa Care Taker, Cashier, Sales Lady, Janitress at sa kung ano ano pa."Sa maagang edad natuto si Caya na magtrabaho dahil mula nang namatay ang kanilang Tatay ay tumulong siya sa kanyang Nanay sa pagtitinda sa palengka. Tumigil rin muna ito sa Kolehiyo at naghanap ng Trahabo.Pero mukhang hindi yata siya pinapalad sa mga Trabaho at lag
Tumigil si Caya sa isang bintana ng isang kotse upang tignan ang kanyang sarili. Inilugay nito ang buhok hanggang sa kanyang baywang. Naglagay siya ng konting pulbo at lipstick. Inayos din nito ang kanyang coat at skirt."Kaya yan!" She cheered up.Mga ilang hakbang nalang ang kanyang inaksaya bago ito nakarating sa eksaktong adresss na ibinigay sa kanya. Nang sinubukan niyang magdoorbell sa isang malaking Gate ay nagulat siya at napaatras nang bigla bigla itong bumukas.May matandang babae na nagaabang sakanya sa loob .Ngunit saglit siyang napako sa kinatatayuan."This way, Maam. I'll drive you to the house..." Alok naman sa kanya ng isang lalakeng naka suot ng black suit. Mga tipong Men in Black.Nag pinagbuksan pa siya ng pintoan sa kotse ay wala siyang magawa kundi sumama. Wala ata sa katinuang sumakay siya sa loob ng kotse. Binuhat ng ibang body guard ang kanyang mga bagahe.Nanlaki ang mga mata nito nang dumungaw siya sa bintana at may isang kotse pang nakasunod sa kanila.Paran
"Senyorita! Senyorito! Gising na po!"Malakas na pinatunog ni Caya ang alarm clock para gisingin si Ailee at Anton. Pero nagtalukbong ang dalawa sa kani-kanilang kumot at hindi parin bumangon. Napilitan siyang lapitan ang dalawa sa kanilang kama at inalis ang kumot."I wanna sleep!" sigaw naman ni Anton at sinubukang agawin mula sa kanya ang kumot."Hindi pwede senyorito. Kayo ay papasok na po." Inilayo niya ang kumot ng dalawa at binuksan ang kurtina ng mga bintana upang mapilitan na silang bumangon."Inihanda ko na rin ang mga pampaligo niyo. Kaya Go na!""You're so loud!" reklamo naman ni Ailee habang napakumot ito sa kanyang ulo at pumasok na sa CR.Habang nagliligpit si Caya sa kwarto ng mga bata ay napansin niya ang isang litrato sa ilalim ng unan ni Anton."Ang ganda naman niya."Namangha ito nang makita niya ang isang larawan ng babaeng may kaputian at medyo singkit ang mga mata. Nakasuot ito ng puting bestida ay nakalugay ang kanyang buhok mula baywang."Ito kaya ang mama nil
Tumigil si Caya sa isang bintana ng isang kotse upang tignan ang kanyang sarili. Inilugay nito ang buhok hanggang sa kanyang baywang. Naglagay siya ng konting pulbo at lipstick. Inayos din nito ang kanyang coat at skirt."Kaya yan!" She cheered up.Mga ilang hakbang nalang ang kanyang inaksaya bago ito nakarating sa eksaktong adresss na ibinigay sa kanya. Nang sinubukan niyang magdoorbell sa isang malaking Gate ay nagulat siya at napaatras nang bigla bigla itong bumukas.May matandang babae na nagaabang sakanya sa loob .Ngunit saglit siyang napako sa kinatatayuan."This way, Maam. I'll drive you to the house..." Alok naman sa kanya ng isang lalakeng naka suot ng black suit. Mga tipong Men in Black.Nag pinagbuksan pa siya ng pintoan sa kotse ay wala siyang magawa kundi sumama. Wala ata sa katinuang sumakay siya sa loob ng kotse. Binuhat ng ibang body guard ang kanyang mga bagahe.Nanlaki ang mga mata nito nang dumungaw siya sa bintana at may isang kotse pang nakasunod sa kanila.Paran
"Bananaque kayo jan! Napakatamis! Sing-Tamis ng Wine! Sin-tatag ng Sunshine!"Umaalingaw ngaw sa labas ng palengke ang boses ni Caya habang nagbebenta ng Babanque at iba pang meryenda katulad ng Turon, Lumpia at Gulaman."Ate, Naweweirdohan lalo ang mga bibili sayo" sita naman ng kanyang kapatid na sila Iris.Ano ka ba, This is Marketing! You have to market to your customer!"Baka you have to advertise your product."Ah basta yun na yun. At saka konting tiis nalang sa pagbebenta, Magkaka trabaho na ako soon ani naman ni Caya at kinurot ang ilong ni Iris."Anong Trabaho naman iyan Ate?""Basta. Trabaho.""Basta Ate, Tandaan mo, huwag ka na sa Call Center, Sa Care Taker, Cashier, Sales Lady, Janitress at sa kung ano ano pa."Sa maagang edad natuto si Caya na magtrabaho dahil mula nang namatay ang kanilang Tatay ay tumulong siya sa kanyang Nanay sa pagtitinda sa palengka. Tumigil rin muna ito sa Kolehiyo at naghanap ng Trahabo.Pero mukhang hindi yata siya pinapalad sa mga Trabaho at lag