Nang magpaalam ito ay agad kong namang binuksan ang email account ng boss sa laptop ko. At makalipas nga ang ilang minuto ay may pumasok na sa inbox nito mula sa detective.
Mr. Ethan Dela Torre, call me as soon as you have seen the attached photos.Yun lang ang nakalakip sa email ng lalaki at may tatlong attachments ito. Dinowload ko ang mga iyon at mabilis na binuksan. Mga larawan yun ng iba’t-ibang matatandang babae. Napakunot ang noo ko. Pati ba matatanda ay papatulan na ni Ethan? Ay, hindi naman siguro. Pero sino kaya ang mga ito?Ang unang larawan ay isang maputing babae na may hawak na pamaypay. Nakaupo ito sa isang mukhang mamahaling restaurant. Sa tabi nito ay may isa ding matandang lalaki.Ang pangalawa ay ang matandang babae naman ay nakatayo at mukhang nagtitinda sa palengke. May hawak itong kutsilyo at sa kabilang kamay ay isang pirasong isda.Ang pangatlo ay isa pa ring matandang bababe na tumatawid. Hindi ko maitsurahan kung saang lugar iyon pero mukhang probinsya yun.Yun lang ang laman ng email kaya nagtataka ako ng maisara ko na iyon. Parang kahit anong isip ko ay hindi ko maikonek ang mga nakita sa boss ko.Sino kaya ang mga babaeng nasa larawan na yun? At bakit yun pinapaimbestigahan ng boss? Agad ko na lang na nilog-out ang account nito at saka muling napaisip.Tiyak na makikita ng boss ang email pag-uwi nito sa bahay pero nagtext pa rin ako dito para sabihin ang tungkol doon. Hindi naman na ito nagreply sa akin pero siguradong nabasa nito iyon.—“Kanino na namang lipstick ‘to?!” Isa ngang lipstick ang bumalibag sa mesa ni Ethan.Sabay pa kaming napalingon sa kadadating lang na si Selene. Napatayo ako at sinundan lang ng tingin ang lipstick na bumagsak sa sahig. Naalis pa ang takip nito at gumulong gulong."What the…?" Tumaas din ang tono ng boss na ngayon ay magkasalubong na ang kilay. Sino ba ang hindi magugulat sa entra ng girlfriend nito?"I saw that this morning sa toilet mo. Who is it this time?!” Sa lakas ng sigaw ng babae ay nag echo na iyon sa loob ng opisina.Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang dalawang mag-away. At hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito pero lagi namang nalulusutan ni Ethan. Ano naman kaya ngayon ang idadahilan niya?Gusto ko na nga lang matawa pero syempre ay pinipigilan ko.“Honey, can you please calm down?” Tumayo na ang boss at akmang aakbayan ang nobya pero agad na tinabig nito ang kamay niya.“Calm down? Are you kidding me now? Tell me, kanino ito?!” Nagpupuyos sa galit si Selene. At dahil alam ko ng matinding away na naman ito ng dalawa ay mabuti pa sigurong lumabas na lamang muna ako.Dahan-dahan akong naglakad para hindi na din ako mapansin pa ng dalawa."It's Ava's." Nadinig kong sagot ng boss ko kaya natigilan ako sa paghakbang. Agad na humarap si Selene sa akin."Ha?" Napatulala ako sa maganda pero galit na mukha ng babae. Teka nga, bakit nadamay ako dito?Humakbang palapit sa akin ang babae kaya wala na akong nagawa kung hindi ang harapin ito."Is that true, Ava? Sayo ba talaga yung lipstick?” Bahagyang huminahon ang boses nito."Ha? Ah eh." Maang akong napatingin sa mukha ng boss ko na ngayon ay pinanlalakihan ako ng mga mata.“Tell me.” Pangungulit ng babae sa akin. Mukhang alam ko na ang gustong sabihin ng boss."Ahm. O-oo, s-sa akin nga yan." Napalunok ako ng malalim. Minus points na naman ako sa langit nito. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagsinungaling para lang mapagtakpan ang boss ko na ito."How is that possible? Why would you use Ethan's toilet? You always use the guest toilet, diba?” Sunod sunod na tanong ni Selene na mukhang nalilito na.“Oo, tama. Pero kasi nung…”"Are you and…?” Putol nito sa sinasabi ko. Pero gusto ko lang maloka sa tanong nito. Ni sa panaginip ay impossible ang naiisip nito. Hinding-hindi ako papatol sa lalaking kagaya ng boss ko kahit pa masarap humalik ito.Ay sh*t, bigla akong naguilty sa naalala kong iyon."Ha? Ah, hindi. Ano kasi.. N-nasira y-yung bidet dun sa guest toilet kaya nakigamit muna ako sa kwarto ni Ethan. Wala naman kasing tabo dun, diba?” Mabilis na pagsisinungaling ko at nagdasal na sana ay maniwala ito sa dinahilan ko.Tumahimik ito at hindi maipinta ang mukha nito ngayon. Nag-iisip siguro ito kung maniniwala sa akin o hindi. Pero may choice ba siya? May iba ba siyang pagtatanungan? Eh tatlo lang kami ngayon dito.Maya-maya lang ay muling bumaling si Selene sa boss ko."Is that true, honey?” Mahinang taong nito."Yes, honey. Of course. Ava is like a younger sister to me. Why would you think like that?” Agad na sagot ni Ethan na ngumiti pa.Wow ha? Younger sister daw? Parang kahit kailan hindi ko iyon naramdaman."Okay, and are you sure hindi ito sa ibang babae?” Malumanay na tanong muli nito."I promise.” Sagot naman ng boss gamit ang malambing na boses nito.Ay, nako. Sanay na sanay namang magsinungaling talaga ang lalaki.“Okay. That makes sense.” At ngumiti na din sa wakas ang nobya ng boss ko.Lumakad ito at pinulot ang nahulog na lipstick. Nag-alangan ako ng iabot nito ito sa akin.“You have a nice taste.” Sabi nito kaya agad kong kinuha ang lipstick at pasimpleng minasdan iyon.Makintab na kulay itim ang takip ng lipstick na may bilog pang design sa taas. Binasa ko ang nakaukit doon at Dior pala ang tatak nun. Hindi naman ako gumagamit ng ganunng mamahalin na mga make-up.“Ah, bigay lang ng boyfriend ko.” Sagot ko saka mabilis na binulsa ang lipstick.Nakita ko na lamang na hinatak ni Ethan ang babae papalapit.“You are my one and only, honey.” Bulong nito sa babae at agad na hinalikan sa labi.Ewan ko pero saka ko naramdaman ang inis. Kanina kasi ay halos mautal utal ako sa paggawa ng kwento at ngayon naman ay nasaksihan ko na naman kung paano nito lokohin ang girlfriend niya.Ang sarap lang talaga tirisin ng mga lakaking kagaya ng boss ko noh?Tumalikod na lang ako at mabilis na lumabas ng opisina. Gusto kong magpahangin ng humupa ang stress ko sa boss ko at para bigyan ng privacy ang dalawa dahil umiinit na naman ang tagpong iyon."Thanks, Ava. You really are my angel." Bati ni Ethan sa akin pagkapasok ko pa lang ng opisina. Siguro ay kalahating oras din akong nasa pantry kanina. Nahimasmasan naman ako kahit papano.Wala na si Selene doon at mag-isa na lang ang boss. Nang makita ako nito ay agad na tumayo. Akala ko naman ay lalabas ito pero bigla akong niyapos ng mahigpit na yakap nito.Amoy ko ang pabango nito na halatang mamahalin. Napasubsob ako sa malapad nitong dibdib at hindi ako agad nakagalaw ng dahil sa gulat.“Sandali, bitawan mo nga ako.” Nagpupumiglas ako mula sa matipunong mga braso nito.“I should change your name to Angel Ava from now on.” Dagdag pa nito na parang nang-aasar.“Ano ba, Ethan?” Malakas kong naitulak ito at tumawa ito ng malakas. Nababaliw na ata ito eh.—“Happy Birthday, Sir Roberto.” Nakangiting bati ko sa matanda at saka iniabot ang isang paper bag.“Thank you, iha. Nag-abala ka pa.” Agad naman na kinuha nito ang dala ko. Ngumiti naman si Ma’am Charita na nasa tabi lang nito.“Nasaan ang nanay at mga kapatid mo?” Tanong nito na tumingin pa sa bandang likuran ko.“Nako, Sir hindi na sila makakarating. May lagnat kasi si Jeremy at may exam naman si Angela bukas.”“That’s okay, iha. Kumusta naman ang kapatid mo?”“Okay lang po siya. Pababa na din naman po ang lagnat niya.”Maya-maya ay inialok na ako nitong kumuha na ng pagkain at saka nag istima naman ang dalawa ng ibang bisita.Nakita kong paparating sina Ethan at Selene. Magkaholding hands pa ang dalawa na parang walang nangyari. Sweet na sweet ang mga ito at panay naman ang ngiti sa mga bisita.Dala ang plato ko na nilagyan ko lang ng pagkain ay naghanap na ako ng mauupuan. Kaya lang ay wala akong kilala ni isa sa mga tao dun kung hindi ang mag-anak na Dela Torre.“Ava, you can sit with us.” Nadinig kong aya ni Sir Roberto sa akin. Nakaupo sila sa isang mahabang mesa at andoon din ang boss at nobya nito.Agad akong lumapit doon dahil wala naman akong choice. Isang upuan na lang ang bakante at yun ay katabi ni Ma’am Charita. Ngumiti ako sa matanda bago naupo at inilapag ang pagkaing dala.Tahimik lang akong kumain at sila din naman ay kumain na ng tahimik. Ganito siguro talaga ang mga mayayaman, mga ayaw magsalita kapag kumakain. Kung kami ito sa bahay ay puro tawanan at kwentuhan kahit pa may mga laman ang mga bibig.“Ethan, how is that investor in Japan? Did he sign the contract?” Nadinig kong tanong ni Sir Roberto. Sa tapat namin ay ang dalawa na tumigil sa pagkain. Uminom naman ng wine si Selene at si Ethan ay inilapag ang tinidor na hawak.“Not yet, dad. But they will fly to Manila next month and we will discuss about it.” Agad na sagot nito at tumango naman si Sir Roberto.Nilingon ko si Ma’am Charita na hindi man lang kumikibo sa tabi ko. Nagtataka lang ako dahil bihira itong magsalita at parang hindi man lang close sa anak nito na si Ethan. Kung tutuusin ay dapat na malapit ito dahil nag-iisang anak ng mag-asawa ang boss ko.Noon ko pa naman iyon napapansin, simula pa ng mga bata kami pero wala din akong karapatan na magtanong sa mga ito.“When are you planning to get married?” Nagulat ako sa tanong ni Ma’am Charita. Pero mas nagtaka ako na nagsalita itong bigla. Bihira nga kasi itong kumibo.Nakita kong natigilan si Ethan at blanko ang mga matang tumingin sa mommy nito. Wala itong sinabi at saka bumalik lang sa pagkain. Nakakapagtaka talaga ang lamig ng pakikitungo nito kay Ma’am Charita.“Nako, Tita. Tanungin niyo po si Ethan when he will propose to me.” Sabay tawa naman ni Selene.“I agree. When are you planning to settle down?” Dugtong naman ni Sir Roberto.“That’s way too personal of a question.” Ay ang taray ng boss ko. Pero seryoso nga ang mukha nito ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Wala ang Ethan na karaniwan ay nakangisi at masaya lang.“Iho, don’t talk to your mom like that.” Agad na sita nito sa anak. Natigil din ang pagsubo ko sana sa pagkain dahil napapansin ko ang tensyon ngayon.“She is not..”“Watch your words, Ethan.” Putol ni Sir Roberto sa sasabihin pa sana ng boss ko.Nagulat ako dahil medyo tumaas ang boses ni Sir Roberto kaya natahimik ang lahat. Ang boss ko naman ay bumalik na lang muli sa pagkain nito na parang walang nadinig.Nakita ko naman ang mukha ni Selene na takang-taka. Mukhang may hidwaan ang mag-anak na ito. Kahit almost perfect na ang mga buhay ay nakukuha pa rin talaga nilang mag-away. Wala nga talagang perfect sa mundo.—Matagal na kaming hindi na naman lumalabas ni Ian. Lagi pa rin daw itong busy at lagi na lang ginagabi sa trabaho. Namimiss ko ito pero wala akong magagawa. Lagi ko namang nakakausap ito sa phone pero saglit lang din, tuwing bago lang matulog sa gabi.Kaya naisip ko kung dalawin ko kaya ito sa trabaho niya? Hindi naman ata fair na laging siya lang ang nag eeffort sa aming dalawa, hindi ba? Hindi ko na lang sasabihin sa kanya dahil gusto ko siyang sorpresahin.Alas-5 ng makalabas ako ng opisina namin. Kanina pa ako nag-iisip ng mabibili para dalhing pasalubong sa boyfriend. Medyo nahirapan akong mag-isip pero sa huli ay naisipan ko na lang na bumili ng yema cake na paborito nito. Dumaan ako sa bakery at bumili ng isang bilog na katamtaman lang ang laki na cake. Sigurado na matutuwa ang boyfriend dahil noon pa man ay yun na ang paborito nitong kainin.Masaya ako dahil makikita ko siya. Nakakatuwa na kahit matagal na kami ng boyfriend ay nandoon pa rin ang excitement na makita at makasama ito.Pumara na ako ng taxi at agad namang may huminto sa tapat ko. Ang paalam kasi nito ay may overtime itong muli sa trabaho kaya siguradong late na naman ang uwi. Traffic sa daanan pero hindi din naman ako nagmamadaling makarating doon pero ayoko naman gabihin sa pag-uwi ko mamaya.Matagal tagal kaming nakahinto sa isang stop light pero kahit na naggreen na iyon ay hindi pa rin umaandar ang sinasakyan. Puno pa kasi ng sasakyan sa kabila at mukhang matatagalan bago iyon umandar.Nangiti akong bigla sa naalala. Nagbalik sa tanaw ko ang araw noong nanliligaw pa si Ian. Nasa kolehiyo kami noon at inaya ako nito na manuod ng sine sa SM North Edsa. Nagtaxi lang din kami noon mula sa eskwelang pinapasukan.“Ian, mag-uumpisa na yung movie. Paano kaya ‘to?” Nag aalalang tanong ko at panay ang tingin sa relong suot.“Okay lang yan.” Sagot naman nito at ngumiti pa.“Paanong okay? Paano natin maiintindihan yung movie kung hindi natin mauumpisahan?” Tanong kong muli. Sayang naman kasi dahil inabangan ko talaga ang showing ng palabas ng Deadpool dahil gustong gusto ang artistang si Ryan Reynolds.“Edi antayin na lang natin yung simula ulit.” Pilit na pinapakampanti ni Ian ang loob ko.“Hindi pwede. Gagabihin na tayo niyan. Lagot na naman ako kay nanay pag late ako umuwi.” Pag-aalala kong lalo. Hindi na kasi talaga gumagalaw ang sinasakyan naming taxi.Natahimik ang lalaki at halatang saglit na nag-isip.“Ah, alam ko na!” Masaya nitong inilabas ang cellphone. May pinindot ito doon at saka makaraan ang ilang minuto ay iniharap sa akin.Isang video ang agad na nagplay at doon ay nakita ko ang maliit na screen na parang TV. Yun ang papanuorin sana namin na ngayon ay nagsisimula na.“Sandali lang. Wag mong sabihin na…” Tumawa ng malakas si Ian tanda ng tama ang hula ko.“Nandoon din kasi sila Fred, nanonood din niyan.” Masaya nitong sabi sa akin pagkabanggit sa pangalan ng kaibigan.Narealize ko na videocall pala yun at nakatapat yun sa screen ng sinehan.“Hala, bawal yang ginagawa nila. Baka mahuli sila.”Tumawang muli si Ian pero kinuha ang earphone sa bag at isinaksak sa cellphone niya.“Okay lang yan. Oh, eto para mas madinig mo.” Inilagay nito sa tainga ko ang isang earphone at sa kanya naman ang sa kabila.Natawa ko sa itsura naming dalawa at doon sa taxi sa gitna ng traffic ay nanood na lang kami. Ang sarap lang sariwain ng kahapon.“Miss.” Bumalik sa kasalukuyan ang ulirat ko at hindi ko namalayan na huminto na pala ang sinasakyang taxi.“Miss, andito na tayo.” Muling nagsalita ang driver.“Ay, sorry po. Eto pong bayad.” Dumiretso ako ng upo at mabilis nang bumaba.Masyadong lumipad ang isip ko kanina, nakakahiya sa driver. Nangiti akong muli ng makitang nasa tapat na ako ng restaurant na pinapasukan ng boyfriend. Bihira lang akong makapasyal dito, siguro ang huli ay mga ilang buwan na din ang nakakaraan.Papasok sana ako ng mamasdan ang guard na nagbukas ng pinto. Hindi na ito ang dating guard doon, siguro ay inilipat na iyon ng ibang branch. Marami din kasing branch ang restaurant na pinapasukan ni Ian. Pero itong sa Makati ang isa sa pinakasikat dahil maraming artista at vlogger ang kumakain dito. Madalas nga ay nakakapagpapicture pa si Ian sa kanila na pinapakita naman sa akin ng boyfriend.Nang makapasok na ay agad akong naghanap ng mauupuan. May lumapit agad na waiter at nag-abot ng menu. Kinuha ko na lang yun kahit wala naman akong balak umorder. Agad na hinanap ng mga mata ko si Ian.At dahil ito ang Manager ng restaurant na iyon ay tiyak na lalabas at lalabas ito para tignan ang sitwasyon sa kainan. Tahimik na lang akong naupo at nagmasid masid. Dahil weekday naman ngayon ay may mga bakante namang mesa sa paligid.Wala ni isa man lang ang pamilyar ang mukha sa akin. Siguro ay madalas na nagshashuffle ng staff ang kumpanya na ito kaya ganoon. Maya-maya ay lumabas ang isang lalaki at tumayo na nakapameywang pa. Napansin ko ang suot na uniform nito na tulad ng kay Ian. Sandali lang, hindi ba ay ang manager lang ang nagsusuot nun?Natigilan ako at napaisip. Nasa maling restaurant ba ako? Sinulyapan ko ang tissue na nasa mesa at may logo nga yun ng Soise Dining kung saan naman nagtatrabaho si Ian. Nasa tamang lugar naman ako.Buti pa ay magtanong ako kaya nang may dumaan na waiter ay agad kong tinawag ito.“Yes, Ma’am? Oorder na po ba sila?” Masayang tanong nito sa akin.“Ay hindi pa. Nga pala, nasaan ang manager niyo dito?” Pasimpleng tanong ko.“Yung nakatayo po na yun.” Sabay turo nga nito sa lalaking tinitignan ko kanina.Bigla naman akong nalito. Prank ba ito? Sigurado ako na dito nagtratrabaho ang boyfriend ko eh. At sigurado ako na siya ang manager dito at hindi siya ang lalaking itinuturo ng waiter na kaharap ko.“Pero diba si Ian Santos ang manager niyo dito?”“Ah, si Sir Ian po? Nilipat na po siya sa ibang branch eh.”“Ano?” Medyo tumaas ata ang boses kaya nagulat ang kaharap na waiter.“May problema po ba, Ma’am?”“Ah, wala. Pwede mo bang sabihin kung saang branch na siya ngayon?” Pilit kong pinahinahon ang boses.“Hindi ko po alam. Kilala niyo po ba si Sir Ian?” Paguusisa naman nito sa akin na napakamot pa sa ulo. Nakahalata na siguro na masyado na akong maraming tanong.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kung sasabihin ko na girlfriend ako nito ay parang ang panget naman na hindi ko man lang alam na wala na ito doon.Pero bakit kaya hindi man lang sinabi ni Ian sa akin na inilipat pala ito sa ibang lugar. Nakakapagtaka naman.“Ma’am, may kailangan pa po ba kayo?” Tanong nitong muli ng hindi ko sinagot kung kilala ko ang dati nilang manager.“Wala, sige. Salamat na lang.” Pilit akong ngumiti bago nagmamadaling kunin ang bag at cake na dala. Lumabas na din ako sa resturant na litong-lito. Hindi ko maisip kung bakit niya itatago ang bagay na yun sa akin.Ay hindi, baka nakalimutan lang ng boyfriend ng ikwento sa akin. Pero masyado namang importante ang detalye na yu
Hindi ko alam pero hindi agad rumehistro ang mukha nito sa akin. Pero si.. Selene?! Si Selene nga ito. Wala akong nasabi sa sobrang gulat ko sa ginawa nito. Teka, bakit nandito ang babaeng ito?Nilagpasan lang ako nito at dire diretso sa loob. Sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawa ang pigilan man lang ito.“What are you doing here?” Huli na dahil ng lumingon ako ay nakatayo na pala ang boss ko at ang babaeng kasama nito.“What am I doing here? Really? Who is this woman?” Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Halata naman sa mukha ni Ms. Lozada ang gulat at pagtataka.“Don’t make a scene and how the hell did you get here?” Pinipilit nitong huminahon ang boses pero halata ko na nagulat din ito sa biglang pagsulpot ng nobya niya.“Importante pa ba yun? Answer me, who is she?” Muling tanong ng girlfriend ng boss ko na pumamewang pa.“Ms. Lozada’s firm will be collaborating with the company. We are just discussinhg about the upcoming projects.” Paliwanag nito pero alam kong hindi manin
"Ian? Anong ibig sabihin nito?!" Alam kong napalakas ang tanong kong iyon. Hindi ko napigilan ang sarili dahil nasa harap ko ngayon si Ian kalong ang isang babae. "A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng boyfriend na mabilis na tumayo. Ang babaeng kasama nito ay nakauniporme pa ng tulad ng sa kaherang kausap ko kanina. "Ang tanong ko ang sagutin mo!" Agad na sabi ko dito pero hindi ko napigilan ang agad na pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Pakiramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Ito ba? Ito ba ang igaganti ni Ian sa akin pagkatapos ng mahabang panahon naming relasyon? Tatalikod na sana ang babaeng kanina lang ay nasa kanlungan ng nobyo. Tinitigan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Mukhang mas bata ito sa akin, maputi ang balat at mas maliit ng hindi hamak sa akin. Parang college student pa lang nga ito sa porma nito. "Hindi ka aali babae! Diyan ka lang." Akmang hahablutin ko na sana ang braso nito. "Huwag mo siyang idamay dito, Ava. Wala siyang kinalaman." Pigil n
Dumako sa akin ang mga mata nito at sa pagkagulat ko ay mabilis kong kinabig ang pinto. Isasara ko na sanang muli iyon pero huli na dahil nakita na ako nito. "Ava, wait." Pigil nito sa pinto pero wala akong balak magpatalo. Pilit ko pa ring itinulak iyon pasara pero malakas ang lalaki samantalang isang kamay lang ang gamit nito. Eh ako buong pwersa na ng katawan ko ang gamit ay balewala pa rin. Nangangawit na ako kaya sumuko na lang ako at hinayaan na tuluyan nitong maitulak ang pinto pabukas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko ng tuluyan na nitong mabuksan ang pinto. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita ito. “I…” Mahina nitong sabi pero hindi naituloy ang sasabihin. “Ano?” Naiinip kong tanong ng hindi nito tinuloy ang sasabihin. Napaangat na lang ako tingin at nakita ang mukha nito na nakatitig lang sa akin. Napagmasdan kong muli si Ethan na ngayon ay nakamaong pants at white t-shirt lang. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I just.. I just want you ba
Napaurong ang dila ko sa gusto ko sanang sabihin kanina. Napakunot ang noo ko sa nadinig. Mabilis na napaangat ang tingin ko sa mga mata nito. Bakit parang lumamlam ang mga mata niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Seryoso ito pero walang bahid ng galit. Kung hindi malumanay ang ekspresyon ng mukha nito na parang nakikiusap. Ngayon ko lang ito muling natitigan ng malapitan. Maayos na maayos ang buhok nito at mukhang bagong shave. Napaka linis tignan ng mukha, maaliwas. Andoon pa rin ang nakakabighani nitong mga mata na kahit sino ay kayang akitin. At ang mga labi nito na namumula pa. Bigla kong naalala ang pakiramdam noon sa mga labi ko ng araw na nakawan ako nito ng halik. S..sandali ano ba ‘tong iniisip ko? "Ava?" Mahina nitong tawag sa pangalan ko. "Ha? Ah.." Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Mabilis na kasi pala itong nakahakbang palapit ng lalo sa kinatatayuan ko. "I said, I..." Halos pabulong ang tinig nito. "P-pinapatawad na kita. Okay na
"Miss, here's your order." Sabay lapag ng isang basong juice sa harap ko. Nasa bar na naman kasi ako para samahan ang boss. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip bakit kailangan ako dito pero syempre ay kailangan ko lang sumunod na lang kapag sinama ako nito. Sa hindi kalayuan nakaupo si Ethan kasama ang mga lasing na nitong kaibigan. Si Ethan ay hindi nman madalas na magpakalango. Tamang inom lang at landian sa mga babae. Nang mapadako sa akin ang mga mata nito ay sumenyas ako na bababa lang ako sandali. Gusto ko lang kasi na magpahangin sa labas. Bitbit pa ang baso ng juice ay mabilis na umalis. Mula sa labas ay tinignan ko ang kabuuan ng bar. Matitingkad ang mga ilaw na mula doon na iba iba pa ang kulay. Malakas ang tugtog na dinig ko kahit pa nasa labas ako. Dalawang palapag iyon, sa taas ay ang VIP lounge kung nasaan ang boss ko. Matagal tagal na nga din ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Ian. Aaminin ko, hindi pa rin ako nakaka move on. Umiiyak pa rin ako paminsan
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang. Masakit din ang ulo ko at ramdam ko ang pamamaga ng talukap ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali at pagkaharap ko sa salamin ay mugtong mugto nga ang mga yun dala ng walang tigil ko atang pagiyak kagabi. Sariwa pa rin ang mga pangyayari lalong lalo na ang mga sinabi ni Ian sa akin. Mabilis akong umiling iling sa sarili. Hindi! Ayokong maisip ang bagay na yun dahil alam kong iiyak na naman ako. Hindi ko na gusto pang maalala pa. Hanggang dun na lang ang lahat. Ang ending ng istorya namin. Masakit man ay kailangan kong tanggapin. Ang mabuti pa ay ang umpisahan ko na lang ang pagmumove on. Kaya mo yan, Ava. Bulong ko sa sarili. Mga ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng opisina pero nagdadalawang isip akong pumasok doon. Ang mga kaopisina ko naman ay nasa bukod na kwarto kaya tiyak na wala naman nang makakakita sa akin. Kay Trinity naman ay okay lang, madali namang magdahilan sa babae. Madali namang maniwala ang babae na yun.
Parang agad na bumalik si Ethan sa katinuan at mabilis na dumiretso ng tayo. Umiwas ito ng tingin sa akin at pinamulsa pa ang mga kamay. "You don't have to say anything but I just want to know if you are okay.” Parang may kung anong humaplos ng banayad sa puso ko sa nadinig ko na iyon mula sa boss. Hindi ko inaasahan na madinig ang mga salita na iyon mula kay Ethan. Talaga palang concern ito sa akin? Nag-aalala pala ito ng dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala kaya hindi tuloy ako agad makasagot. "O-okay lang ako." Tipid ko na lang na nasabi dahil para akong mabibilaukan. Dinig ko ang dagundong ng sarili kong dibdib. Ano ba ang dapat akong ikakaba ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili. Pilit naman itong ngumiti bago tumalikod. "That's good." Pahabol pa nitong sabi bago tuluyang bumalik sa mesa nito. Ako naman ay parang tangang natulalang lalo sa kinauupuan ko. — Alas-11 na ng umaga ng mapatingin ako sa oras. Marami-rami kasi ang ginagawa ko kaya naman naging mabi
Naalimpungatan ako dahil may naramdaman akong mainit sa pisngi ko. Pagdilat ko pa lang ay mukha na ng aso ang bumungad sa akin. Panay dila nito sa mukha ko habang walang tigil sa pagkawag ang buntot nito. Wala pa nga pala akong pangalan na maibigay sa kanya. Pero sige, mamaya ay mag-iisip ako. Naalala ko nga kahapon pagkauwi ko ay tuwang tuwa ang mga kapatid ko. Shih Tzu daw ang tawag sa breed na ito sabi ng kapatid na si Jeremy. Sabi naman ni Angela ay mamahalin daw ang asong ganun. Ewan ko dahil wala naman akong alam sa mga hayop. Sa opisina ay tahimik lang ako sa pagtatype sa computer ko. Binibilisan ko na nga dahil may lunch daw ang pamilay Dela Torre para sa birthday ni Ethan. Gabi na daw kasi dumating ang mga ito kaya hindi na naicelebrate pa kahapon. Nagmamadali na nga ako dahil gusto naman ni Ethan na sumama ako doon. Ayaw ko nga sana pero pinapasabi din daw ni Sir Roberto na gusto akong makausap nito mamaya. Kaya wala na din naman akong choice. “What are you doing though?
Parang agad na bumalik si Ethan sa katinuan at mabilis na dumiretso ng tayo. Umiwas ito ng tingin sa akin at pinamulsa pa ang mga kamay. "You don't have to say anything but I just want to know if you are okay.” Parang may kung anong humaplos ng banayad sa puso ko sa nadinig ko na iyon mula sa boss. Hindi ko inaasahan na madinig ang mga salita na iyon mula kay Ethan. Talaga palang concern ito sa akin? Nag-aalala pala ito ng dahil sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala kaya hindi tuloy ako agad makasagot. "O-okay lang ako." Tipid ko na lang na nasabi dahil para akong mabibilaukan. Dinig ko ang dagundong ng sarili kong dibdib. Ano ba ang dapat akong ikakaba ngayon? Hindi ko maintindihan ang sarili. Pilit naman itong ngumiti bago tumalikod. "That's good." Pahabol pa nitong sabi bago tuluyang bumalik sa mesa nito. Ako naman ay parang tangang natulalang lalo sa kinauupuan ko. — Alas-11 na ng umaga ng mapatingin ako sa oras. Marami-rami kasi ang ginagawa ko kaya naman naging mabi
Mabigat ang pakiramdam ko pagkagising ko pa lang. Masakit din ang ulo ko at ramdam ko ang pamamaga ng talukap ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkamali at pagkaharap ko sa salamin ay mugtong mugto nga ang mga yun dala ng walang tigil ko atang pagiyak kagabi. Sariwa pa rin ang mga pangyayari lalong lalo na ang mga sinabi ni Ian sa akin. Mabilis akong umiling iling sa sarili. Hindi! Ayokong maisip ang bagay na yun dahil alam kong iiyak na naman ako. Hindi ko na gusto pang maalala pa. Hanggang dun na lang ang lahat. Ang ending ng istorya namin. Masakit man ay kailangan kong tanggapin. Ang mabuti pa ay ang umpisahan ko na lang ang pagmumove on. Kaya mo yan, Ava. Bulong ko sa sarili. Mga ilang minuto na akong nakatayo sa tapat ng opisina pero nagdadalawang isip akong pumasok doon. Ang mga kaopisina ko naman ay nasa bukod na kwarto kaya tiyak na wala naman nang makakakita sa akin. Kay Trinity naman ay okay lang, madali namang magdahilan sa babae. Madali namang maniwala ang babae na yun.
"Miss, here's your order." Sabay lapag ng isang basong juice sa harap ko. Nasa bar na naman kasi ako para samahan ang boss. Hindi ko pa rin talaga lubos maisip bakit kailangan ako dito pero syempre ay kailangan ko lang sumunod na lang kapag sinama ako nito. Sa hindi kalayuan nakaupo si Ethan kasama ang mga lasing na nitong kaibigan. Si Ethan ay hindi nman madalas na magpakalango. Tamang inom lang at landian sa mga babae. Nang mapadako sa akin ang mga mata nito ay sumenyas ako na bababa lang ako sandali. Gusto ko lang kasi na magpahangin sa labas. Bitbit pa ang baso ng juice ay mabilis na umalis. Mula sa labas ay tinignan ko ang kabuuan ng bar. Matitingkad ang mga ilaw na mula doon na iba iba pa ang kulay. Malakas ang tugtog na dinig ko kahit pa nasa labas ako. Dalawang palapag iyon, sa taas ay ang VIP lounge kung nasaan ang boss ko. Matagal tagal na nga din ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Ian. Aaminin ko, hindi pa rin ako nakaka move on. Umiiyak pa rin ako paminsan
Napaurong ang dila ko sa gusto ko sanang sabihin kanina. Napakunot ang noo ko sa nadinig. Mabilis na napaangat ang tingin ko sa mga mata nito. Bakit parang lumamlam ang mga mata niya? Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan. Seryoso ito pero walang bahid ng galit. Kung hindi malumanay ang ekspresyon ng mukha nito na parang nakikiusap. Ngayon ko lang ito muling natitigan ng malapitan. Maayos na maayos ang buhok nito at mukhang bagong shave. Napaka linis tignan ng mukha, maaliwas. Andoon pa rin ang nakakabighani nitong mga mata na kahit sino ay kayang akitin. At ang mga labi nito na namumula pa. Bigla kong naalala ang pakiramdam noon sa mga labi ko ng araw na nakawan ako nito ng halik. S..sandali ano ba ‘tong iniisip ko? "Ava?" Mahina nitong tawag sa pangalan ko. "Ha? Ah.." Parang nanunuyo ang lalamunan ko. Mabilis na kasi pala itong nakahakbang palapit ng lalo sa kinatatayuan ko. "I said, I..." Halos pabulong ang tinig nito. "P-pinapatawad na kita. Okay na
Dumako sa akin ang mga mata nito at sa pagkagulat ko ay mabilis kong kinabig ang pinto. Isasara ko na sanang muli iyon pero huli na dahil nakita na ako nito. "Ava, wait." Pigil nito sa pinto pero wala akong balak magpatalo. Pilit ko pa ring itinulak iyon pasara pero malakas ang lalaki samantalang isang kamay lang ang gamit nito. Eh ako buong pwersa na ng katawan ko ang gamit ay balewala pa rin. Nangangawit na ako kaya sumuko na lang ako at hinayaan na tuluyan nitong maitulak ang pinto pabukas. "Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ko ng tuluyan na nitong mabuksan ang pinto. Nakayuko lang ako dahil ayokong makita ito. “I…” Mahina nitong sabi pero hindi naituloy ang sasabihin. “Ano?” Naiinip kong tanong ng hindi nito tinuloy ang sasabihin. Napaangat na lang ako tingin at nakita ang mukha nito na nakatitig lang sa akin. Napagmasdan kong muli si Ethan na ngayon ay nakamaong pants at white t-shirt lang. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "I just.. I just want you ba
"Ian? Anong ibig sabihin nito?!" Alam kong napalakas ang tanong kong iyon. Hindi ko napigilan ang sarili dahil nasa harap ko ngayon si Ian kalong ang isang babae. "A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ng boyfriend na mabilis na tumayo. Ang babaeng kasama nito ay nakauniporme pa ng tulad ng sa kaherang kausap ko kanina. "Ang tanong ko ang sagutin mo!" Agad na sabi ko dito pero hindi ko napigilan ang agad na pagtulo ng mga luha ko sa pisngi. Pakiramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Ito ba? Ito ba ang igaganti ni Ian sa akin pagkatapos ng mahabang panahon naming relasyon? Tatalikod na sana ang babaeng kanina lang ay nasa kanlungan ng nobyo. Tinitigan ko pa ito mula ulo hanggang paa. Mukhang mas bata ito sa akin, maputi ang balat at mas maliit ng hindi hamak sa akin. Parang college student pa lang nga ito sa porma nito. "Hindi ka aali babae! Diyan ka lang." Akmang hahablutin ko na sana ang braso nito. "Huwag mo siyang idamay dito, Ava. Wala siyang kinalaman." Pigil n
Hindi ko alam pero hindi agad rumehistro ang mukha nito sa akin. Pero si.. Selene?! Si Selene nga ito. Wala akong nasabi sa sobrang gulat ko sa ginawa nito. Teka, bakit nandito ang babaeng ito?Nilagpasan lang ako nito at dire diretso sa loob. Sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawa ang pigilan man lang ito.“What are you doing here?” Huli na dahil ng lumingon ako ay nakatayo na pala ang boss ko at ang babaeng kasama nito.“What am I doing here? Really? Who is this woman?” Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Halata naman sa mukha ni Ms. Lozada ang gulat at pagtataka.“Don’t make a scene and how the hell did you get here?” Pinipilit nitong huminahon ang boses pero halata ko na nagulat din ito sa biglang pagsulpot ng nobya niya.“Importante pa ba yun? Answer me, who is she?” Muling tanong ng girlfriend ng boss ko na pumamewang pa.“Ms. Lozada’s firm will be collaborating with the company. We are just discussinhg about the upcoming projects.” Paliwanag nito pero alam kong hindi manin
“May problema po ba, Ma’am?”“Ah, wala. Pwede mo bang sabihin kung saang branch na siya ngayon?” Pilit kong pinahinahon ang boses.“Hindi ko po alam. Kilala niyo po ba si Sir Ian?” Paguusisa naman nito sa akin na napakamot pa sa ulo. Nakahalata na siguro na masyado na akong maraming tanong.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Kung sasabihin ko na girlfriend ako nito ay parang ang panget naman na hindi ko man lang alam na wala na ito doon.Pero bakit kaya hindi man lang sinabi ni Ian sa akin na inilipat pala ito sa ibang lugar. Nakakapagtaka naman.“Ma’am, may kailangan pa po ba kayo?” Tanong nitong muli ng hindi ko sinagot kung kilala ko ang dati nilang manager.“Wala, sige. Salamat na lang.” Pilit akong ngumiti bago nagmamadaling kunin ang bag at cake na dala. Lumabas na din ako sa resturant na litong-lito. Hindi ko maisip kung bakit niya itatago ang bagay na yun sa akin.Ay hindi, baka nakalimutan lang ng boyfriend ng ikwento sa akin. Pero masyado namang importante ang detalye na yu