Georgina Czsharina’s POV
Isang malakas na sampal ang ginawa ko sa bwesit na lalaking ‘to!
Naiinis ako sa pagiging mayabang niya. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Sugar, tapos ngayon, gagawin pa akong tanga. Anong akala niya? Buti na lang at nakapwesto ako sa gilid, kung ‘di sana hindi ko malalaman na tataguan niya lang ako. Animal siya!
“Hey! What’s wrong with you!?” gulat na sambit nito habang hawak ang namumulang mukha.
Dinuro ko siya. “Hoy ikaw, kapag hindi ka aamin sa kasalanan mo sa pinsan ko, idedemanda kita! Idedemanda kita!” ulit ko pa.
Nakita kong umayos siya at pinanlakihan niya ako ng mata, “how dare you to say that to me? Baka nakakalimutan mo, you’re stepping inside my company, my building, at pwede kitang ipakaladkad ngayon, ‘kaw na babae ka!” he stare me from my sight to my pair of sandals.
Aba! Ibang klase talaga ‘to!
“If you want to settle this, magkita na lang tayo sa husgado!” sigaw ko rito saka gigil na tiningnan siya sa mukha. Nagmartsa ako palabas sa may hallway nang biglang may mabangga ako na ginoo.
“Aray!”
“Oh, I’m sorry…” paumanhin ng ginoo sa akin, nang mag-angat ako ng mukha ay nagulat ako nang makita ko si ninong Aurelio.
“Sharina? Ikaw ba ‘yan?”
“Ninong?” Agad niya akong inalalayan.
“What brought you here? Bakit humahangos ka?”
“Uhm, may pinuntahan lang po ako,” sabi ko rito. Nakabuntot sa akin ang sekretarya ni Austin na tila gustong pagtakpan ang ginawa ni Austin.
“Ah, hello sir, uhm, may kuwan po kasi…” sabat ng babaeng nagngangalang Annie.
“Anong nangyayari, Annie? May alam ka ba?” tanong ni ninong sa babae.
“Ah, kasi po…Mr. President, si Austin…”
“Ninong, nabuntis po ni Austin ang pinsan ko!” diretsong sambit ko rito.
Nagulat ito at hindi makapaniwala sa narinig. If I am right, ito ang panganay na anak niya. At may malaking tiwala ito sa anak. Little he didn’t know, may mabahong ugali ang anak niya.
“Are you sure hija?”
“I am really sure, ninong.” Sabi ko pa rito.
Doo’y sumulpot na lang bigla si Austin saka mabilis na pumagitna sa amin. He even grabbed my hand and pull me away to his father. “Come here, you woman!”
“Austin! Stop it!” dagundong na boses ng kaniyang ama kaya natigilan din ito sa ginagawa.
Wala siyang nagawa kung ‘di humarap dito at bitawan ako.
“Ano ang ginagawa mo, Austin?” dahan-dahan itong lumapit sa kaniya. Dinuro nito ang ulo ni Austin at galit na nagsalita. “I can’t believe you did these…you are so irresponsible!” diin nito saka galit na tinitigan si Austin.
“Papa, hindi ko…”
“Shut up! Nakakahiya ka sa pamilyang Abejuela! Dapat ay panagutan mo ang pinsan ni Sharina!”
“Pero, hindi ko po…”
“Tumahimik ka!” ulit pa ng matanda saka hinarap ako. “Hija, sabihan mo ang pinsan mo na mamanhikan kami sa kanila sa lalong madaling panahon. Ako na ang bahala sa anak ko.”
“Pero, Papa…hindi ko siya mahal, hindi ko mahal kung sinumang pinsan ang sinasabi ng babaeng ‘yan!”
“It’s final, Austin. Wala sa pamilya natin ang nang-didisgrasya ng babae, be a man!” sabi pa ng papa ni Austin na noo’y hindi pa rin humuhupa ang galit.
Hinila ako papalayo ni ninong mula sa anak niya saka hinatid sa aking kotse na nandoon sa parking lot. “I will fix this, hija. Huwag kayong mag-alala.” Sabi ni ninong na noo’y nagpaalam at bumalik na.
Doo’y napagdesisyonan ko ring puntahan si dad sa kompanya namin. Gusto ko ring malaman niyang wala na si mom sa bahay. Medyo humupa rin ang pag-aalala ko sa oras na iyon para kay Sugar. Nasa daanan ko habang mabilis na pinapatakbo ang sasakyan. Hindi ko sinasadyang mabangga ang isang ginang.
“Oh my god!” natutop ko ang sariling bibig. Malakas kasi ang pagkakabangga ko, dahilan para tumalsik ang ginang sa semento. Mabilis na nagkumpolan ang mga tao at pinalabas ako sa kotse. Dahan-dahan akong lumabas at doo’y nakita ang kalagayan ng ginang, nawalan ito ng malay.
“Dalhin mo sa hospital!”
“Bilisan mo!”
“Gumawa ka ng paraan!” iyon ang mga naririnig ko sa mga taong nakasaksi sa nangyari.
“Ah, tulongan n’yo po ako! Please, buhatin n’yo po s’ya, dadalhin ko po s’ya sa hospital…” sabi ko sa mga kalalakihang nandoon. Mabilis naman nilang binuhat ang ginang at pinasok sa likuran ng kotse, sa backseat. Pinahiga nila ito at siniguradong okey ang ulo nito. Agad akong nagpatakbo ng kotse at dumiretso sa hospital, kung hindi naman talaga ako lapitin ng disgrasya at kamalasan ay hindi ko ito mararanasan lahat sa iisang araw!
Napahawak ako sa sariling ulo, sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.
“Oh my god!” Sambit ko.
Pero hindi pa ako nakakarating sa hospital ay may nagsalita sa likuran ko, at may matalim itong bagay na idiniin sa leeg ko.
“Huminto ka, hold-up ‘to! Akin na ang mga pera mo, akin na ang mga alahas mo! Cellphone mo! Dali! Pati susi! Huwag na huwag kang sisigaw kung ‘di itatarak ko 'to sa leeg mo!” gulat akong huminto sa ginagawa, inapakan ko rin ang brake at pumarada sa gilid ng daan. Saktong walang mga bahay doon at walang mga tao. Wala akong mahingan ng tulong!
“Please h’wag mo akong saktan, I will give you all you want…” sabi ko habang hinuhubad ang kwintas, relo, bracelet, singsing, at ang mobile phone ko. Pati ang luxury bag ko ay hindi rin pinalagpas ng bwesit na magnanakaw. Ang panghuli ay ang susi ng kotse ko.
Nang masiguradong nasa kaniya na ang lahat ay inutusan niya akong bumaba. “Baba ka! Dali.” Sabi pa niya saka sumuot sa harapan at noo’y kinuha ang pwesto ko sa driving seat.
Nang makababa ako sa labas ay nangingig ang buong sistema ko. Nang mapatakbo na nito ang kotse ay wala akong nagawa kung ‘di sumigaw ng saklolo.
“Ahhh! Saklolo! Kinuha ang sasakyan ko!” umiiyak na sambit ko na noo’y napaluhod sa malamig na semento. Wala akong dala sa oras na iyon. Ni singkong kusing ay wala ako. Hindi ko alam kung paano ako makauwi at makapunta sa address ng company namin dahil wala namang dumadaan doon na kotse o anumang bihekulo.
“Shit talaga! Nakakainis!” padyak ko pa dahil sa inis.
Hindi ko talaga alam kung ano ang mayroon ngayon, at bakit bumuhos ang lahat ng kamalasan sa akin. Simula kanina sa paglayas ni mommy, nang malaman kong buntis si Sugar, sa pagtataboy sa akin ng bwesit na Austin, at ang pag-trap sa akin ng bwesit na manggagantsong babae na ‘yon! Nagpa-as-if pa itong nabangga ko para lang ma-carnapped ang kotse ko, hindi pa nakontento at nilimas pa ang mga gamit ko! Oh! my fucking Christ!
“Ba’t naman kasi…eh! Nakakainis!” sambit ko habang nagsisimulang maglakad sa mahabang highway na nandoon. Buti na lang at hindi mainit, pero nag-aalala ako dahil baka umulan, nakita ko kasi ang kalangitan na medyo madilim na.
“Naman oh! Quota na ako lord! H’wag mo nang ituloy ‘yan!” duro ko sa kalangitan. Para akong sira sa oras na iyon. Pero ewan ko lang ba’t kumulog bigla.
“Naman, hindi ka naman mabiro! Lord naman e!” naiiyak na sambit ko, na noo’y binilisan ang paglalakad, naghahanap ako ng masisilungan in case bubuhos na ang ulan, dahil nafe-feel ko nang unti-unti nang pumapatak ang butil ng tubig mula sa itaas.
Hanggang sa nakita ko ang isang waiting shed. Hindi ako tuluyang nabasa pero dahil na rin sa pinagsamang pawis, at ambon ay nabasa rin ang aking blouse. Naupo ako sa isang bench na nandoon at tiningnan ang mahabang kalye. Wala talagang bahay ang nandoon. Maraming palayan ang nandoon at mga iilang puno.
Oh my God! Hindi ko na alam ang susunod nito.
Austin’s POV “I can’t do that, papa!” sigaw ko sa aking papa na noo’y pinipilit ang nais niyang mangyari. “Anong gusto mong mangyari? Hayaang lumaki ang bata na walang kinikilalang ama?” “Hindi ko anak ang batang pinagbubuntis ng sinasabi mong babae, papa. I make sure that I am using condoms, hindi ko mabubuntis ang mga babaeng ginagalaw ko!” “How sure you are? Austin?” “I am sure, papa!” “Don’t fool me about that words, hijo. I’ve been there, kung gan’on pala…hindi ko rin sana nabuo ang mga kapatid mo? Hindi sana mabubuo sina Aquil at Raine. Huh? Sumagot ka! Ginawa mo ‘yon kasi gusto mo rin!” sambit ni papa sa akin. Natahimik ako sa sinabi niya. Iba kasi ang ina nina Aquil at Raine. Anak niya ako sa unang asawa niya. Ang narinig ko mula sa mga yaya ko dati, nabuntis lang umano ni papa ang mama ko kaya nito pinakasalan, kaya noong mamatay din ito nang ipanganak ako ay minabuti niyang magkaroon ulit ng ikalawang asawa, iyon ang inay nina Aquil at Raine. Narinig ko nga noon, ang t
Georgina Czsharina's POV Nakasimangot ako sa oras na iyon. Nakatingin lang ako sa bintana sa kung saan man ako dinala ng bwesit na lalaking 'to. I don't know where i am that time, ni hindi ko nga mahagilap ang network ng phone ni Austin dahil parang pati internet ay hindi nakikisama sa akin. Bullshit! Sambit ng isipan ko. Halos isumpa ko si Austin sa oras na iyon dahil bukod sa nakatitig ito sa mukha ko, parang may balak yata na 'di maganda ang hunghang na 'to. "Ba't ang sama ng tingin mo?" sita ko rito. Umayos ito saka nagtaas ng tingin. "Buti nga ang tingin ko lang ang masama, eh ba't sa'yo, ba't 'yang mukha mo yata ang may sira? Hindi ko ma-drawing, grabe...at kung ma-drawing ko nga 'yan, ang dami sigurong bura." Wow!? hello joke? Joke ba 'yon? Inarapan ko siya, ang lakas talaga ng loob ng batugan na 'to. "Ang mabuti pa, iuwi mo na ako..." demand ko pa rito. "Excuse me, ikaw 'tong nagpumilit na sumama sa akin, and FYI, dito ako maglalagi sa buong linggo, kaya kung gusto mo
Austin's POV"Ayaw mo ba talagang matulog dito?" tanong ko ulit kay Georgina Czsharina dahil nakahalukipkip lang ito sa gilid na parang tuod. Ewan ko ba kung ba't tumataas ang presyon ng dugo ko sa babaeng 'to.She just shake her head."Bahala ka, lalamukin ka riyan," sabi ko saka sumandal sa headrest ng kama ko. Malaki ang kama ko na pwede sa pang tatlong tao, pero siya itong nagmamatigas. As if naman ito na gagalawin ko siya that time, hell no!"Dito lang ako, mahirap na..." mahinang sambit nito saka kinuha ang isang throw pillow. Nasa couch ito habang tabon ng isang kumot na kinuha ko sa kabilang kwarto. If i know, ilang taon na itong walang laba dahil bibihira lang namang pumunta si Vittos sa hang-out place namin. Kinuha ko iyon sa higaan nito.Nahiga na ako sa oras na iyon pero ayaw akong dalawin ng antok. Panay baling ako sa higaan habang nakikiramdam sa paligid. Mahirap na baka kasi kung ano ang maisipang gawin ng babaeng ka
Georgina Czsharina's POVNang mga oras na iyon ay nasa kotse na kami ni Austin. Papasok na siya habang dala ang kaniyang aquaflask, medyo wala itong imik simula pa kanina. Katunayan, tinetyempo ko ang sasabihin that time dahil baka mag-iba na naman ang isip nito at iwanan ako sa haunted building na iyon."Mag-seatbelt ka." Mahinang sambit nito sa akin."Uh, okey." Sabi ko saka sinunod ang utos niya. But, it's kinda disturbing because i can't find the lock of it, hinanap ko iyon sa gilid ko pero wala akong nakikitang buckle lock.Narinig ko kung paano siya nagpakawala ng isang malalim na hininga saka hinawakan ang balikat ko para umayos."Ako na." Mabilis niyang hinugot ang isang buckle lock na naupoan ko pala. Nang mahugot niya iyon ay nilagay niya ito sa kabilang strap. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin that time, lalo pa ng gadangkal na lang ang lapit namin sa isa't isa. Naaamoy ko ang kaniyang gamit na sabon at ang kaniyang musky cinnamon scent na may halong tila menthol. 'My g
Georgina Czsharina's POVNang mga oras na iyon ay nasa kusina na kaming tatlo, tahimik kami habang nagsasandok ng mga nakahandang pagkain. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang naririnig namin. Nang lumapit si Lorna sa amin, dala ang aming panghimagas ay nagsalita ito. "Senyorita Georgina, heto po ang leche flan, saka buko pandan," sabi nito habang nakangiti sa akin."Thank you, Lorna. Ilagay mo lang d'yan, please." Utos ko pa rito. Nakita ko kung paano siya tumingin kay Austin at Sugar na tila nagtataka kung ano ang ugnayan ng mga ito."Sige po, tawagin n'yo na lang ako kapag may kailangan po kayo," she politely said as she bow her head. Mabilis itong pumanhik sa kusina.I am observing the two of them while i am busy chewing my food. Inabot ko ang baso saka dahan-dahang nagsalita. "Ano ang plano?" tanong ko pa rito."Payag ako sa gagawing test," sabi ni Sugar sa akin.Tahimik lang si Austin saka muling n
Austin's POVNakatingin lang ako sa mga files na nakatambak sa aking mesa. Isang oras na akong tinatamad sa oras na iyon at ni hindi ko man lang ito ginagalaw, ni isang files ay wala akong nasisimulan. Malalim ang iniisip ko sa oras na iyon. Hindi ko akalain ang nalaman, and , as i promised to her, gagawin ko ang lahat para sa batang dinadala ni Sugar. Malaki ang pasanin ko sa oras na iyon dahil na rin sa mga naipangako ko sa mismong babae."Aish!" napahilamos ako sa sariling mukha. Hindi pa nagtagal ay narinig ko ang mahinang katok sa pinto."Come on in," sabi ko pa sa oras na iyon. Doo'y nakita ko ang pagpasok ni Raine. Suot nito ang kaniyang magarang damit, at kung kukwestyonin ko ang sarili, alam ko na ang sadya nito ngayon sa akin."Kuya..." nakangiti ito sa akin ng kay tamis."Oh, bakit?" walang emosyon na sambit ko."Kuya, can i leave for one week? May pictorial ako sa Bali." Sabi pa nito sa akin saka naupo sa kalapit na swivel chair.Bumuntonghininga ako, wala naman akong maga
Georgina Czsharina's POVNakatayo ako sa may labas ng gusali, it's almost thirty minutes, pero wala pa rin akong nakikitang Austin. Ang usapan namin ay dito ako maghihintay para madali raw niya akong makita. Nakakibit-balikat ako habang dala ang sports sling bag. Lukot ang mukha ko dahil aside sa medyo nababagot na ako sa paghihintay ay nararamdaman kong nagbabadya na ang ulan."Nasaan na kaya 'yon?" sinipat ko ang suot na wrist watch. It's now 5:30 o'clock.Saktong tumalikod ako ay narinig ko ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan. Agad akong napalingon kung nasaan iyon. It's him, walang iba kung 'di si Austin."Sharina!" tawag pa niya.Sumimangot ako, "ang tagal mo naman," gusto kong ipakita na dismayado ako."Sorry, na-traffic ako," sabi pa nito na agad lumabas saka pinagbuksan ako ng pinto."Get in, tara na, baka maabutan tayo ng ulan."Kahit naiinis ako sa sandaling iyon, ay wala akong nagawa kung 'di sumunod. Kung hindi lang talaga kay Sugar ay hindi ako makikisama sa lalaki
Georgina Czsharina's POVNang makarating kami sa mansyon ay wala akong imik kay Austin. Tuloy-tuloy lang din ako sa kwarto ko that time, i just let Sugar to accompany Austin that time, sila lang naman talaga dapat ang mag-usap. I have no right to stand between them. Nagtataka si Sugar kung bakit daw dumiretso ako sa kwarto. "Cous, may problema ba kayo ni Austin? Nag-away na naman ba kayo?" tanong ito sa akin nang pumasok siya sa loob.Hindi ako sumagot. Yakap ko lang ang unan ko."Umalis na siya, now tell me, ano ba kasing nangyari?"Marahan akong umupo sa kama saka sumandal sa headrest. "Naiinis lang ako." Tipid na sambit ko sa pinsan ko.Tumaas ang kilay nito. "Ha? Bakit naman?""Naiinis ako sa lalaking 'yon, alam mo bang nakita ko siya kanina na may kahalikan na babae sa resto! The nerve of him!" Hindi umimik si Sugar, katunayan, parang ako lang yata ang over ang reaction that time."Cous? Hindi ka ba nagseselos?" sambit ko pa ulit kay Sugar.Umiling lang ito. "No.""Ha? Hindi ka
Georgina Czsharina's POVNang makarating kami sa mansyon ng mga Domingo ay agad na bumungad sa amin ang mga katulong at ang madrasta ni Lesley. Nakapamaywag pa ito sa amin."At sinong nagsabi sa inyo na pwede kayo sa pamamahay ko?" Hindi kami nagpatinag. "Bahay 'to ni dad, tita." Singit naman ni Lesley sa madrasta nito. Nahilaw ito sa sinabi ng paslit.Susugod na sana siya sa amin sa oras na iyon at gusto niyang saktan si Lesley nang biglang pumanaog ang isang matandang lalaki."Veronica! Ayaw pasakite akoang anak!" dumagundong ang boses nito. Natigilan din ang babaeng si Veronica that time, napangiti ito at tila umaarte na wala itong kasalanan. "Sweetie, i am just trying to...""Enough, i heard everything." Lumapit sa amin si mayor saka nakipagkamay sa akin, pati na rin kay Austin."I am glad to meet you.""Hello po, mayor." Sabi ni Austin sa sandaling iyon."Thank you for bringing my daughter home.""Daddy, sila po ang parents ng bestfriend ko," pakilala pa ni Lesley sa amin."Oh g
Georgina Czsharina's POV Nakarating na kami sa school sa oras na iyon. Nakita namin ang karamihang magulang na masayang nakikihalubilo sa mga estudyante. Naka-color coding sila gaya namin. Nagsuot kami ni Austin ng kulay violet, iyon din kasi ang gustong kulay ni Niah. "Daddy, nandoon po ang attendance." Turo naman ni Niah sa bandang kaliwa. Nakaupo doon ang teacher nila. "Come on, hon. Mag-attendance muna tayo." Hawak ni Austin sa akin. "Okey, sige." Mabilis kaming lumapit sa table. Binungad naman kami ni teacher Stephanie ng isang mainit na ngiti. "Hello, mister and mrs. Monticillo. Welcome po sa aming family fun day, mabuti naman po at nakarating kayo." Ngumiti ako kay teacher Stephanie. "We are glad too, teacher. Ah, can i talk to you for a second?" anyaya ko rito. "Oh sure po." Tumayo ito saka sumama sa akin sa gilid, iniwan ko lang si Austin sa table while he is busy writing our names. Nang nasa gilid na kami ay agad kong tinanong ang teacher kung may napapansin siyang
Georgina Czsharina's POV Nasa bahay kami sa Samal this time, dahil dito na nag-aaral si Niah, kinder na ito habang si Drei naman ay magtatatlong taong gulang na sa susunod na buwan. I am a hands-on mom. Ako ang nagluluto ng baon niya at ako rin ang nag-aalaga kay Drei. Mag-aapat na buwan na nang mapagdesisyonan namin ni Austin na pagpahingahin na sina nanay Nena at nanay Seling sa pagtatrabaho sa amin. Masaya na sila sa kanilang retirement plan. Maganda na ang buhay ni nanay Seling, sumama siya sa kapatid at doon nanirahan sa Australia. Sila ang tumira sa resthouse namin doon, as we decide na gawin itong regalo sa kanila. Si papa naman ay masayang nag-all around the world at ginugol ang kaniyang favorite na gawin, ang magcruise ship. He invested sum of money to Collins corporation since gusto rin niyang maglibot sa ibang kontinente ng mundo. Nagbalik ako sa aking gunita that time. Ngayon din kasi ang family day sa school ni Niah at sabay kaming pupunta doon para umattend. I checked
Austin's POV (The bachelor Night) Two years after the wedding. Kinagabihan ay nagpatuloy kami sa isla, iyon din ang panahon para sa gaganaping pagtitipon ng elite bachelors sa larangan ng business, at saktong napasali ako sa rank as the greatest entrepreneurs, maraming mga nadagdag sa samahan namin nina Magnus at ngayon nga ang official initiation kay Flinn as one of our member. Nakaupo kami sa mga VIP seat habang tanaw ang pagdating ni Flinn sa main entrance. Nang makapasok siya sa malawak na bulwagan ng St. Gaston's Venue hall ay agad na nag-cue ang technical group para sa kaniyang magpasok. "Let's give him a massive applause, Mr. Flinn Duvant Driblim, the owner of Driblim Group of Companies." Dinig ko pa ang masigarbong palakpakan habang tinatawag ako sa entabladong iyon. Limang taon na ang nakakaraan mula nang mamulat ako sa kompanyang aking pinundar. Edad trenta y siete na ako ngayon at heto nga't isa nang propesyonal na pilantropo at negosyante. Nandito ako sa isang parangal
Austin's POV (Gala mode sa beachline) Nang mga sandaling iyon ay nagpunta kami sa beachline ng isla, napakaganda ng tanawin lalo na dahil nag-aagaw ang kulay sa kalangitan, a mixed of orange-red with the haze of sunset of it. Hawak-kamay kami ni Sharina habang nakayapak. Payapa ang lahat at tila nakikisama ang magandang panahon sa aming dalawa. I cleared my throat, knowing that it is the time to say this words. "Sharina." "Hmmm? Bakit?" "May sasabihin sana ako." "Hmm, ano, tungkol saan?" "About these set-up. Ang totoo kasi..." Nakita ko siyang napangiti. "I know, alam ko na ang lahat." Natigilan ako sa sinabi niya, what does she meant to say? "About this surprise?" Tumango siya. "Oo, alam ko na ang plano mo, Monticillo, I know that you're a man full of surprises," ngiti pa ni Sharina. "Actually, naghinala na ako noong papunta pa lang tayo sa barko, i know na kakuntsaba mo si Ax, pati na rin sila papa, nakaramdam ako na may pinaplano kayo, and I am sure na pati rin ang act
Georgina Czsharina's POV Nang mga oras na iyon ay kakalapag lang namin sa Palau, sakay kami ng helicopter na ka-tie up ng cruise ship. Si Ax na rin ang nagmaneho sa amin papunta doon. Hindi mawala sa akin ang panay na pagsilip sa ibaba, nakikita ko ngayon ang magagandang tanawin. Nabungaran ko na ang magagandang isla sa ibaba. Iyon ang bungad ng Palau. "Ang ganda!" bulalas ko pa sa sandaling iyon. Napapalakas ang sigaw ko sa sandaling iyon dahil hindi kami magkaintindihan ni Austin, nakasuot kami ng helmet at may earpiece iyon para sa signals namin. Nakangiti lang siya sa akin. katabi niya si Ax na nasa driver's seat, nasa likod lang ako, ewan ko ba pero sabi ni Austin, he can be a co-pilot to Ax. Hindi ko nga maisip na marunong din pala siyang magpalipad ng eroplano at helicopter. Ang dami ko pa talagang hindi alam sa asawa ko. "Malapit na ba tayo?" sambit ko rito. "Yes." Si Ax ang sumagot sa akin. "Just chill, Sharina, malapit na tayo," ngisi pa nito sa akin. Nasandal ako hab
Austin's POV Ito na ang huling game na dapat naming maipanalo ni Sharina sa sandaling iyon. Nakatingin ako sa repleksyon ng aking mukha sa salamin, nasa banyo ako sa sandaling iyon. Nang makapagpunas ako ay agad akong lumabas, nakita ko agad si Sharina na kaharap si Connor. Agad ko silang pinuntahan. Namagitan ako sa kanila, at agad na kinuha ang braso ni Sharina. Nagpunta kami sa gilid at agad siyang kinausap, "Come on here, hon, don't let our enemy read your weakness." Makahulugang sambit ko sa kaniya. "Hindi naman talaga ako matalino...." Sabi niya sa akin. I just stare at her. "You're not smart, i know, pero kaya mong bigyan ng solusyon ang lahat, Sharina. That's your strength." Sa sandaling iyon ay bumakas sa labi niya ang isang masayang ngiti. "Thank you hon. I love you..." she softly speak. "I love you too, Sharina." I replied as i kiss her again. Nagpatuloy kami sa daan, nagpunta rin kami sa huling game show challenge ni Ax. Ang blind choosing if sino ang lalaking kapa
Georgina Czsharina's POV Nagpunta kami sa area kung saan madalas ako, iyon ang tagong likod ng barko. Kinaladkad ko si Austin habang nakangiting tinatahak ang lugar. "Come on, let's check here, baka nandito ang ilan..." sabi ko rito. "Imposibleng nandito ang mga itlog, malayo na ito sa route natin," sabi pa ni Austin. "Let's just try." Nang makarating ay naupo muna ako sa bleacher saka hinayaan si Austin na magcheck sa mga potted flowers na nandoon. Napasandal ako sa bleachers at nasagi ang isang supot. "Hon!" tawag ko kay Austin. "B-bakit, hon?" "Come here, may tatlong itlog dito!" "Ha?" "Oo, halika!" Madaling pumunta si Austin sa akin at tiningnan ang mga itlog. "Kumpleto na tayo!" "Oo, come on, let's go!" Tumayo ako, mabilis na kinuha ni Austin ang kamay ko at sabay kaming tumakbo. Sa sandaling iyon ay naramdaman kong bumabalik ako sa aking teenage life, that time where I start to feel how my heart pumps like there's no tomorrow, kung kailan naramdaman kong may mga b
Georgina Czsharina's POV Kinagabihan ay nagsalu-salo kaming lahat sa VIP dine area, kasama namin ang lahat pati ang kapitan ng barko at si Ax. Nag-usap-usap sila tungkol sa gaganapin na team activity bukas. "So, here's the plan, lahat ng couple sa barko na ito ay sasali sa team activity, sounds good?" nakatingin si Ax sa amin ni Austin that time, nasa harap naman namin ang iba pang VIP guest na masayang tumango-tango. "Sali tayo," ngiti ni Austin sa akin. "Hmm, pag-iisipan ko." Sagot ko pa. "Sige na, para naman masaya ang memories natin dito sa outing natin..." sabi pa ni Austin. Nasagi ng tingin ko si Connor at si Marga sa pinakadulo ng table, magkatabi ito at parang magkakilala rin. Nagtaas ng kamay si Connor sa sandaling iyon saka kinuha ang atensyon ni Ax. "How to join, dude?" Ha? Sasali siya? Sino naman ang kapares niya? Does it mean na mayroon na siyang girlfriend this time? Nagtaka ako sa sandaling iyon. "Of course, you can list your names sa reception area. Time of fi