Nakausap na rin niya ang abogado ng lolo nito na si Atty. Nuarin. Pagdating sa usapin tungkol sa pagbili ng lolo nito sa pabrika ay wala silang argumento. Ni hindi tumawad ito sa asking price nila.
Ayon sa abogado ng lolo nito, tila si Bastian daw ang ilalagay ng matandang Aseron bilang temporary general manager ng pabrika. Wala pa raw kasing ibang bini-brief ang matanda ukol sa pabrika maliban kay Bastian. Bagamat imposible din naman daw na permanenteng ilagay ng matandang Aseron doon si Bastian.
Dahil may mataas na posisyon din sa Aseron Corporation ang binata. Hindi pa naikukwento ni Bastina mismo ang nangyari kung paano nito natagpuan ang lolo nito sa ama. At sa estado ng pakikitungo nito sa kanya ngayon, duda siya kung sasabihin pa nito iyon sa kanya. Pero dahil sa madaldal na si Atty. Nuarin, halos napagdugtong-dugtong na rin niya ang mga nangyari.
Hinawakan siya sa siko at iginiya palabas ng silid. Sa dining room ay nakahain na ang mga pagkain. At sa nakita niyang pagkaka-ayos ng dining table ay biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Puros mga paboritong pagkain at prutas niya ang naroon. May wine pang nakalagay sa ice bucket. Pero ang ang pumpon ng sarisaring bulaklak na nasa gitna ng mesa ang mas nagpabilis ng tibok ng puso niya.In all appearances, it looked like a romantic dinner setting. Pero imposibleng iyon ang gusto nitong palabasin. Ni halos hindi nga siya nito kinakausap kung hindi rin lang napipilitan dahil sa kambal o dahil sa negotiation nila tungkol sa pabrika. Kaya bakit ito naghanda ng ganito ngayon? “Why?” tanong niya dito. Puno ng kuryusidad at pangamba ang tono niya. At natitiyak niyang mababakas rin iyon sa m
“Too long? I think so too. Pero ayokong magpakasal sa huwes. Gusto ko engrande na mayroong maraming litrato at videos para kapag malaki-laki na sina Brina at Steev at nakakaunawa na, hindi nila iisiping nagpakasal lang tayo dahil sa kanila. This marriage has to appear real to them and to the rest of my family.” Ang mga sinabi nitong iyon ang pumutol sa pagha-hang ng utak niya. Malakas na itinulak niya ito palayo.“Bastian! Stop it! Hindi ako magpapakasal sa iyo! Ni wala tayong relasyon!” mas malakas kaysa normal niyang boses na wika niya dito.Bagamat hindi iyon sinlakas ng sigaw dahil pinipigilan siya ng matinding galit na pumupuno sa dibdib niya ng mga oras na iyon. How dare he treat marriage to her like it was some business deal?! Ang tono nito, ang ekspresyon nito kahit ang mga salita nito mismo ay nagsasaa
ISLA FUEGO. ASERON FARMS. Natigilan si Aishell nang tumambad sa kanyang namamanghang mga mata ang malaking mansyon ng mga Aseron. Wala sa loob na mahigpit na napakapit tuloy siya sa kamay ni Bastian na inaalalayan siya sa pagbaba mula sa sasakyan nito. Kasya ang limang mansyon nila sa loob ng mansyon ng mga Aseron. Pakiwari tuloy niya, isang biro lang ang pagiging mayaman ng pamilya niya noon kumpara sa mula pa kanina ay nasasaksihan niyang yaman at impluwensya ng pamilya ni Bastian. Mula kasi sa arkong nagsasaad na papasok na sila sa Aseron Farms, limang kilometro pa yata muna ang binagtas nila bag
“You are one lucky son of a gun, Bastian! They’re very cute kids,” nakangising puri ni Simoun habang nakamata sa mga batang nag-uunahan sa pagkukwento kay Lolo Nemo ng lahat-lahat ukol sa maikling talambuhay ng mga ito.“That I am, Simoun,” malawak ang ngiting tango naman ni Bastian.The sight of pure pleasure that spread on her children’s faces were more than enough to convince her that marrying Bastian is a good thing after all. Sapagkat kahit hindi matanggap ang mga ito ng lola niya at madrasta, sa side naman ng pamilya ni Bastian ay malinaw na tanggap na tanggap ang mga ito.“I promise, Aishell, everything wil be alright from now on. Our children will never lack for anything,” bulong ni Bastian sa tainga niya nang kabigin siya nito sa balikat at hapitin palapit dito. Nakita kasi nito ang pamamasa din ng mga mata niya sa nasasaks
His eyes looked like they wanted to cry too though they remained dry. “I’m sorry! But I just---napa-kamiserable ng lahat ng mga taong nagdaan dahil wala ka sa tabi namin nina Brina at Steev, Bastian!” hindi na niya napigilang ibulalas dito. “Alam kong wala akong ibang dapat sisihin noon kundi ang sarili ko dahil hindi agad ako nagpaliwanag sa iyo bago kayo umalis. Pero hindi ko rin maiwasang magalit sa iyo dahil sa hindi mo man lang pagpapaalam sa akin kung nasaan ka na.” Masuyong idinikit naman nito ang noo sa noo niya. hindi na sila gumagalaw. Pirming nakatayo na lang sila sa loob ng bisig ng isa’t isa.
PROLOGUEA PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---ERASE, ERASE…HMM…A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER… Now that I have done my grandfatherly duty to Ravin, Simoun and Bastian, it’s time to set my sight on the rest of my grandchildren. At sa palagay ko, isusunod ko na agad si Giac. Si Giacomo Deverill-Aseron na unico hijo ng aking pang-pitong anak na si Gerard sa British niyang asawang si Ginette. Ang aking
ISLA FUEGO. Mabibilis ang mga hakbang ni Elizabeth ‘never Lizzie’ Ocampo habang binabagtas niya ang mahabang hallway ng Castillo Aseron. Kung tutuusin, hindi naman niya lolo sa dugo ang patriyarka ng mga Aseron na si Lolo Nemesio “Nemo” Aseron. Kapit-lupain lang nila ang Aseron Farms na pag-aari nito noong bago ibenta ng kanyang ama dito ang lupain nila dati. At bagamat ito pa rin ang tumatayong CEO ng Aseron Corporation na sakop ang pinagtatrabahuhan niya ngayong fastfood chain, ang anak nitong si Gerard Aseron ang immediate boss niya.
SI LOLO NEMO kasi, bagamat pormal nang ipinasa sa anak nitong si Uncle Donato ang pagiging CEO at presidente ng Aseron Corporation ay aktibo pa ring nangingialam sa mga desisyon ng kompanya nitong mahigit anim na dekada nitong pinagharian.“But I’m afraid Giac is not yet ready to fill in his father’s shoes at Scrummy. Wala siyang ideya sa kung paano umaandar ang operasyon niyon. Oo, matalino nga siya sa negosyo. Mistula siyang si Midas na lahat ng mahawakan ay nagiging ginto base na rin sa iba’t ibang negosyong sinimulan niya at pinalago. Mahusay at maparaan siya, walang duda doon,” pagpapatuloy nito. Sinikap niyang huwag magpakita ng
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa