ISLA FUEGO. ASERON FARMS.
Natigilan si Aishell nang tumambad sa kanyang namamanghang mga mata ang malaking mansyon ng mga Aseron. Wala sa loob na mahigpit na napakapit tuloy siya sa kamay ni Bastian na inaalalayan siya sa pagbaba mula sa sasakyan nito.
Kasya ang limang mansyon nila sa loob ng mansyon ng mga Aseron. Pakiwari tuloy niya, isang biro lang ang pagiging mayaman ng pamilya niya noon kumpara sa mula pa kanina ay nasasaksihan niyang yaman at impluwensya ng pamilya ni Bastian.
Mula kasi sa arkong nagsasaad na papasok na sila sa Aseron Farms, limang kilometro pa yata muna ang binagtas nila bag
“You are one lucky son of a gun, Bastian! They’re very cute kids,” nakangising puri ni Simoun habang nakamata sa mga batang nag-uunahan sa pagkukwento kay Lolo Nemo ng lahat-lahat ukol sa maikling talambuhay ng mga ito.“That I am, Simoun,” malawak ang ngiting tango naman ni Bastian.The sight of pure pleasure that spread on her children’s faces were more than enough to convince her that marrying Bastian is a good thing after all. Sapagkat kahit hindi matanggap ang mga ito ng lola niya at madrasta, sa side naman ng pamilya ni Bastian ay malinaw na tanggap na tanggap ang mga ito.“I promise, Aishell, everything wil be alright from now on. Our children will never lack for anything,” bulong ni Bastian sa tainga niya nang kabigin siya nito sa balikat at hapitin palapit dito. Nakita kasi nito ang pamamasa din ng mga mata niya sa nasasaks
His eyes looked like they wanted to cry too though they remained dry. “I’m sorry! But I just---napa-kamiserable ng lahat ng mga taong nagdaan dahil wala ka sa tabi namin nina Brina at Steev, Bastian!” hindi na niya napigilang ibulalas dito. “Alam kong wala akong ibang dapat sisihin noon kundi ang sarili ko dahil hindi agad ako nagpaliwanag sa iyo bago kayo umalis. Pero hindi ko rin maiwasang magalit sa iyo dahil sa hindi mo man lang pagpapaalam sa akin kung nasaan ka na.” Masuyong idinikit naman nito ang noo sa noo niya. hindi na sila gumagalaw. Pirming nakatayo na lang sila sa loob ng bisig ng isa’t isa.
PROLOGUEA PAGE FROM THE MEMOIRS OF AN OLD, INTERFERING, MEDDLING, MANIPULATIVE, SCHEMING---ERASE, ERASE…HMM…A PAGE FROM THE MEMOIRS OF NEMO ASERON, THE MOST LOVING AND CARING GRANDFATHER… Now that I have done my grandfatherly duty to Ravin, Simoun and Bastian, it’s time to set my sight on the rest of my grandchildren. At sa palagay ko, isusunod ko na agad si Giac. Si Giacomo Deverill-Aseron na unico hijo ng aking pang-pitong anak na si Gerard sa British niyang asawang si Ginette. Ang aking
ISLA FUEGO. Mabibilis ang mga hakbang ni Elizabeth ‘never Lizzie’ Ocampo habang binabagtas niya ang mahabang hallway ng Castillo Aseron. Kung tutuusin, hindi naman niya lolo sa dugo ang patriyarka ng mga Aseron na si Lolo Nemesio “Nemo” Aseron. Kapit-lupain lang nila ang Aseron Farms na pag-aari nito noong bago ibenta ng kanyang ama dito ang lupain nila dati. At bagamat ito pa rin ang tumatayong CEO ng Aseron Corporation na sakop ang pinagtatrabahuhan niya ngayong fastfood chain, ang anak nitong si Gerard Aseron ang immediate boss niya.
SI LOLO NEMO kasi, bagamat pormal nang ipinasa sa anak nitong si Uncle Donato ang pagiging CEO at presidente ng Aseron Corporation ay aktibo pa ring nangingialam sa mga desisyon ng kompanya nitong mahigit anim na dekada nitong pinagharian.“But I’m afraid Giac is not yet ready to fill in his father’s shoes at Scrummy. Wala siyang ideya sa kung paano umaandar ang operasyon niyon. Oo, matalino nga siya sa negosyo. Mistula siyang si Midas na lahat ng mahawakan ay nagiging ginto base na rin sa iba’t ibang negosyong sinimulan niya at pinalago. Mahusay at maparaan siya, walang duda doon,” pagpapatuloy nito. Sinikap niyang huwag magpakita ng
Pero ang lingid sa kaalaman ng marami, mas sa mga sinusuportahan niyang foundations nadi-drain ang pera niya.Sapagkat ibitin man siya ng patiwarik o ipapapak sa sangkatutak na hantik, hinding-hindi siya aamin na isa siyang pilantropo! Bloody hell, it would ruin his image as the Casanova Aseron! A man who lives for expensive Italian suits, vintage wines, fast cars and faster women is not supposed to support the SAVE THE WHALES MOVEMENT or AFRICA’S TOMORROW ORGANIZATION.Sapat nang alam ng mundo na ang ina niya ay kahilera nina Reina at Bradley Townsend sa pagiging mga pilantropong milyonaryo. Hindi na niya kailangang maki-like mom like son pa dito.Kaya nga kailangan niyang manghiram sa lolo niya ng pera sanhi ng matinding pangangailangan niya ng pang-puhunan para sa bagong itatayong negosyo niya. Dahil hindi niya bala
Pinutol ng malakas na halakhak ni Giac ang panunudyo at masyadong halatang pambubuyo ng kapatid.“Mas nauna akong lumipat doon kaysa sa kanya, Ate Giselle. Baka kamo siya ang nanadyang umupa ng bahay doon para mapalapit sa akin.”Ang kapatid naman niya ang natawa. Tawang parang nagdududa sa katinuan niya. Teka nga, sino ba ang kapatid nito? Siya o si Lizzie? Bakit hindi ito naniniwalang posibleng may lihim na pagtingin sa kanya ang kaibigan nito?Umiling-iling pa ito at tinignan siya na para bang sinasabing mangarap siya.“Never mind. Ang sinasabi ko ay tutal, may experience ka naman sa pakikisal
Gigil na kumuyom naman ang mga kamay ni Lizzie. Pero bubuka pa lang ang bibig niya upang paulanan ito ng mas sarcastic na mga salita ay muli na naman itong nagsalita.“Alam kong ang agreement ninyo ni Lolo Nemo ay ako lang ang gagawin mong aliping sagigilid slash aliping namamahay. Kaya hindi mo pwedeng apihin pati ang pamangkin ko, okay? He’s just staying with me for the next two weeks. Nag-second honeymoon kasi sina Pedrico at Mely. Alangan namang iwan ko siya sa bahay ko mag-isa. Kaya isinama ko na rin siya dito.” Marahang tinanguan lang niya si Curt na magalang na bumati sa kanya. Saka siya muling bumaling sa tiyuhin nito.“That still does not explain