Nakayuko si Aishell habang naglalakad sa pasilyo ng building na kinaroroonan ng Psychology class niya. Kakakausap lang sa kanya ng propesora nila. At sabi nito ay kung hindi niya bibilisan ang paghabol sa subject nito, malamang ay bumagsak siya.
Kung kailan pa naman nasermunan siya ng Lolo Miong niya nang bisitahin niya ito sa Labrador kahapon. Tiyuhin ng kanyang ina si Lolo Miong. Ang tanging natitira niyang kapamilya mula sa side ng kanyang ina. Nang hindi sinasadyang mabanggit kasi niya dito ang tactic niyang sadyang ibabagsak ang kurso niya ay srmon ang ipinaulan nito sa ulo niya.
“Para ano, Aishell? Ibabagsak mo ang kurso mo para lang makaganti sa lola at madrasta mo? Anong maidudulot niyon sa kanila bukod sa mapapahiya silang ang anak at apo nila ay bobo? Mas ang sarili mo ang pahihirapan mo!”
Pamoso ang reputasyon ng Labrador sa pagiging kuta ng mga delingkwenteng kabataan at kriminal dito sa San Isidro noon. Kapag may tumatakas na mga pugante ay doon awtomatiko ang takbo. Wala kasing pulis na nakakapasok doon at lumalabas ng buhay. Kaya naman pinababayaan na lang ng mga awtoridad ang mga naroon.Marumi, magulo at maya’t maya ang rambulan ng mga tagaroon sa lugar na iyon. Subalit nitong mga nagdaang taon ay tila luminis at tumahimik doon kahit paano. At iyon ay dahil daw sa tumatayong baranggay captain doon na si Kapitan Miong. Bagamat hindi ito pormal na kinikilala ng Comelec ay binoto naman ito ng mga tagaroon bilang pinuno ng mga ito. “Aishell, ano ba ang gagawin mo dito? May pupuntahan ka ba sa loob?” mahinang tanong niya sa dalaga. Ka
“Huwag kang mag-alala. Hustler ako dito, pampalipas oras namin ito ni Nando.” “Hindi na oras mo ngayon ang lilipas kapag natalo ka, buhay mo kaya huwag kang masyadong pa-easy-easy diyan!”Puno ng iritasyon ang anyo at tono nito. Pero may palagay siyang mas para sa sarili nito kaysa sa kanya ang iritasyong iyon. ---------------------------------------------------------------------------------------------------- Nginangatngat ng pangamba at guilt si Aishell habang pinanonood ang laban sa bilyar nina Bastian at Damulag. Alam niyang mahusay sa laro
Sa pila pa lang para sa flag ceremony ay hindi na mapakali si Bastian. Maya’t maya ang sulyap niya kay Aishell na nakahalukipkip sa dulo ng pila ng mga babae. Kataka-taka wala sa paligid ang ibang kaibigan nito. Malamang ay no-show n naman ang tatlo. Ganoon naman kasi ang grupo nito, dedma sa karamihan sa rules ng eskelahan nila.Akala niya hindi rin ito makaka-abot sa seremonya dahil hindi tulad kahapon, medyo huli na naman itong dumating ngayon.Tuwing Lunes lang ang flag ceremony ng eskwelahan nila. At required lahat ng estudyante na sumama sa seremonya. Kasabay rin kasi niyon ang lingguhang pagtatalumpati ng dean nila. Nang matapos ang pagsasalita ng
Nang manlaki ang mga mata nito sa gulat, akala niya magagalit ito at sasampalin siya kaya ihinanda na niya ang pisngi. Ngunit hindi nangyari iyon. Sa halip, tinitigan siya nito na para bang iyon ang unang halik nito gayong ayon sa tsismis ay marami na itong naging nobyo sa pinanggalingang pribadong eskwelahan.“Aishell…” anas niyang hindi malaman kung paano ilalabas ang labis na katuwaan sa natuklasan. Hindi siya nagkamali ng inisyal na hinala. Siya nga ang unang halik nito. Malinaw iyong nakasaad sa namumulang mga pisngi nito at nanlalaki sa gulat na mga mata.“T-tara na, uwi na tayo. Baka naghihintay na kanina pa si Lolo Bart sa akin. Ikaw din, kailangan mo nang umuwi. Hinihintay ka na sa inyo,” halos hindi humihingang wika nito. Luminga-linga sa paligid, hinahanap ang bag nito gayong nakasukbit na iyon sa balikat nito. Tila
Dali-daling dinampot niya ang pouch bag na nakapatong sa dresser niya. Kung aapurahin niya si Bastian sa pag-alis, hindi ito kailangang makausap ng matagal ng madrasta niya. Kung suswertehin ay ni hindi na nga nito kailangang makatagpo pa ang madrasta niya. Ngunit pagbaba niya ay kaharap na ito ng madrasta niya sa sofa sa sala. Tuwid na tuwid ang tingin nito sa madrasta niya. Hindi kababakasan ng pangingilag o kaba ang anyo pero naroon sa tono at anyo ang paggalang sa isang nakakatanda. He wasn’t intimidated by her stepmother’s stern look. But neither was he disrespectful. In fact, kinilabutan siya sa pagkakatingin sa mga ito. Dahil tila nakikita niya kay Bastian ang parehong taglay na tiwala sa sarili at awtoridad ng kanyang ama. Bakas sa kanyang nobyo ang ere ng isang taong nakatakdang mamuno.&
Aishell couldn’t belive it. In truth, she didn’t want to believe it. Ngunit hindi nagsisinungaling ang kanyang mga matang gimbal na nakatitig sa naka-cast na kaliwang braso ni Bastian. Maging sa puno ng pasa nitong mukha at putok na labi.Wala pang nakakapansin sa kanya kaya malaya niyang nabistahan ang kalubhaan ng pinsalang tinamo nito mula sa mga lalaking diumano ay humarang dito kagabi habang pauwi na ito. Kung hindi pa siya nasagi ng lalaking bisita ng pasyente sa katabing kama ng kay Bastian at hingan nito ng pasensya, hindi pa siya mapapansin nina Tiya Clara at Nando na nakapalibot kay Bastian.“Aishell! Iha, buti nandito ka na. Kanina ka pa niya hinahanap,
“Good evening, Tita Zita! Good evening, ladies, gentlemen! Busy planning how to steal from the good people of the Philippines?!” malakas na bati ni Aishell sa madrasta at sa sampung kapartido nito na kasalukuyang kausap sa loob ng opisina nito dito sa mansyon.Sinundan pa niya ng paghagikhik at pasuray na paglakad palapit sa mahabang mesa ang sinabi.She knew most of her stepmother’s colleagues think she’s drunk. Nasa anyo, lakad at tono niya iyon. Bagay na halata niyang ikinangingitngit ng kanyang madrasta ng mga sandaling iyon. “Excuse me. I need to talk to my stepdaughter,” mabilis na paalam ng kanyang madrasta sa mga kausap nito bago siya mahigpit na hinawakan sa braso at iginiya palabas ng silid. “Bye, people!” kaway
Nang maka-alis ng mansyon si Aishell ay agad pumasok sa silid ng biyenen si Zita. Inusisa ang matanda ukol sa naging pag-uusap ng mag-lola. Matapos sagutin ni Lola Anabel ang manugang ay nagtama ang paningin ng dalawang nakatatandang babaeng Falceso.“Totoo ba iyon, mama? Hindi ka na tutol pang magkatuluyan sila ng Bastian na iyon?” nagugulumihanang untag ni Zita sa biyenan.Marahas na tumawa naman ang matanda.“Ano naman ang akala mo sa akin, tonta? Hindi na ako mkakapayag pang muling madungisan ang pangalan ng mga Falceso. Pero kung hindi ako magpapanggap na sang-ayon sa kanila ng lalaking iyon, mas magrerebelde siya.
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa