Home / Romance / Aseron Weddings / PART 3-ELEVEN, LIES

Share

PART 3-ELEVEN, LIES

Author: Dream Grace
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

                                                             Nang maka-alis ng mansyon si Aishell ay agad pumasok sa silid ng biyenen si Zita. Inusisa ang matanda ukol sa naging pag-uusap ng mag-lola. Matapos sagutin ni Lola Anabel ang manugang ay nagtama ang paningin ng dalawang nakatatandang babaeng Falceso.

“Totoo ba iyon, mama? Hindi ka na tutol pang magkatuluyan sila ng Bastian na iyon?” nagugulumihanang

untag ni Zita sa biyenan.

Marahas na tumawa naman ang matanda.

“Ano naman ang akala mo sa akin, tonta? Hindi na ako mkakapayag pang muling madungisan ang pangalan ng mga Falceso. Pero kung hindi ako magpapanggap na sang-ayon sa kanila ng lalaking iyon, mas magrerebelde siya.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Aseron Weddings   PART 3-TWELVE, PROMISE ME

    Pumailanlang ang malakas na halakhakan nina Aishell at Bastian sa malawak na damuhan sa isang parte ng lupain ng mga Falceso. Kapwa sila bumagsak sa malambot na damuhan ilang metro ang layo mula sa pinaglatagan nila ng picnic blanket nila. Tinuturuan ng binata ang dalaga kung paano mag-boxing. Noong isang araw kasi ay nahuli sa usapan nila si Bastian at iyon ay dahil nawili ito sa panonood ng boxing match sa gym sa bayan. Pag-aari ng tiyuhin ni Nando ang boxing gym at mula nang isama ito ni Nando doon, nagkaroon na ito ng interes na mag-aral ng boxing. At tutol siya doon noong una. Ini-imagine pa lang kasi niya na kusang nagpapabugbog ito sa sport na napili, para nang siya ang nagkakapasa. Pero nang makita niyang wala naman itong intensyong gawing propesyon iyon at bagkus ay natipuhan lang gawing hob

  • Aseron Weddings   PART 3-THIRTEEN, WAITED FOR YOU

    NAIINIP na si Aishell sa paghihintay kay Bastian sa harap ng bahay nito. May usapan sila na sabay na luluwas ng Manila noong Sabado para pasyalan ang dalawa sa tatlong kompanyang nag-aalok ng trabaho dito pagka-graduate nito sa susunod na taon.Pero nauna na itong lumuwas at hindi na siya dinaanan pa sa kanila. Ayon dito, mapapagod lang daw siya kung sasamahan pa niya ito. Midterm pa naman na daw nila ngayong linggong ito. Mas mabuting mag-review na lang siya. Bagay na ginawa nga niya. Para lang magulantang ng hindi sinasadyang matuklasan niya mula k

  • Aseron Weddings   PART 3-FOURTEEN, NEW

    Bisperas ng bagong taon. Pakiramdam ni Aishell ay isa siyang white lady. Para kasi siyang lumulutang sa ere sa labis na kasiyahang nadarama niya. Ngayong gabi niya ipagtatapat kay Bastian ang tungkol sa kalagayan niya. No, hindi pala niya lang kundi kalagayan nila.Ang totoo, kinakabahan siya. Baka kasi hindi maging magandang balita para dito ang sasabihin niya. Pero nang maalala niya kung paano nito pinakikitunguhan si Eddie ay nawaglit ang pangamba niya.He would make a wonderful father. Dahil kay Eddie pa nga lang ay pasensyoso, matiyaga, handang magturo, handang makipaglaro at marunong ding dumisiplina nang hindi naninigaw ito. Ano pa kaya kung sa sarili na nilang anak?Because of what he went through in his uyoung life, he was much more mature than other young men his age. Dahil dito kaya siya nahawahan ng pagiging responsible at matue mag-isip. Nakakatakot man ang sumabak sila sa maagang pag-aasawa, sapat naman ang tiwala niya dito at sa pagmamahalan nila

  • Aseron Weddings   PART 3-FIFTEEN, YEARS LATER

    EIGHT YEARS AFTER… "…and so I told her that yes, I’d marry her poodle. Kahit sa lahat pa ng simbahan sa buong mundo. “Gusto ko pink ang gown niya at may malaking laso siya sa ulo. We’ll have dalmatians for our bridesmaids and dobermans for our groomsmen. Ano sa palagay mo, Bastian?” wika ni Giac sabay tapik sa balikat ni Bastian. Subalit tila wala sa sariling nakatanaw lamang si Bastian sa labas ng bintana ng condo unit niya. Bahagya na nga lamang pumapasok sa tainga niya ang mga sinasabi ng pinsan.Inisang lagok niya ang laman na brandy ng basong hawak. Tumangu-tango siya kahi

  • Aseron Weddings   PART 3-SIXTEEN, TABLES TURNED

    Nakabibingi ang katahimikan ng mansyon ng mga Falceso. Kung noon ay halos hindi iyon maubusan ng mga taong bumibisita sa madrasta ni Aishell na dating vice-mayor ng lugar nila, ngayon ni isa sa mga dating kabungguang-siko nito ay ni hindi man lang gustong sumulyap sa mansyon nila. Wala na ang dating tayog at taas ng mga Falceso. Kinupas na ng panahon at mga maling desisyon. “Ah, eh, Ma’am Aishell?” Hindi pa man niya nakikita ang ekspresyon ni Manang Bebang ay nahuhulaan na niya ang sasabihin nito. Napabuntung-hiningang binitiwan niya ang hawak na paintbrush at hinarap ito. Dating guestroom itong silid na ginagamit niya bilang studio. Pero bibihira na silang magkaroon ng bisita para gamitin pa iyon bilang guestroom.Ipinasa

  • Aseron Weddings   PART 3-SEVENTEEN, GHOSTS

    ‘I should have listened to Joleen’, sa loob-loob ay wika ni Bastian habang binabagtas ng SUV niya ang kahabaan ng highway patungo sa entrada ng San Isidro. Tama ito. May hindi nga binabalak na maganda ang lolo nila. Kung hindi ba naman, sinadya talaga nitong ilihim sa kanya ang pangalan ng may-ari ng kompanyang gusto nitong bilhin dito sa San Isidro.Iba ang ibinigay nitong pangalan ng garments factory at may-ari niyon noong isang buwan. At iba rin ang nakasulat sa mga dokumentong iniabot nito sa kanya kanina bago siya magtungo dito sa San Isidro. Sinadya nito iyon upang matiyak na hindi siya aatras sa iniuutos nitong gawin niya para dito. Sapagkat batid nitong kapag nakilala niya ang pangalang Falceso, mag-i-isang libong

  • Aseron Weddings   PART 3-EIGHTEEN, WE MEET AGAIN

    Animo inapuyan sa pang-upo na bigla siyang napatayo. Awang ang mga bibig at nanlalaki ang mga matang napamaang siya dito. Marahil kung hindi sa malakas na pagtikhim ng abogado ng pamilya niyang si Atty. Palo ay aabutin siya ng milenyo sa pagkakamaang sa lalaking kasama nito.“Ms. Falceso? Ayos lang ba kayo?” untag ng abogado.Pero wala pa rin dito ang pansin niya. Kundi nasa lalaking blangko ang mga matang nakatitig din sa mukha niya. May nang-uuyam na munting ngiting nakapaskil sa mga labi nito. Sa laki ng ipinagbago ng hitsura nito, halos hindi na niya ito makilala. Except that her heart instantly recognized him. He

  • Aseron Weddings   PART 3-NINETEEN, SECRETS

    Sa loob-loob ay humihingi siya ng tawad sa mga anak niya. Pero hindi pa niya handang ipagtapat sa ama ng mga ito ang totoo. Magulo pa ang utak niya. At gulat pa rin siya. Hindi pa siya makapag-isip ng diretso sanhi ng hindi niya inaasahang paglitaw muli sa buhay niya ng ama ng mga ito.Umarko ang mga kilay ni Bastian. “Pinapupunta mo sa playground ang mga aso mo? Bakit? Gusto ba nilang mag-slide at mag-seesaw?” nagugulumihanan na naaaliw nitong wika.“Pabayaan mo na lang ang mga aso ko, pwede ba?” paasik na aniya dito. Lumigid siya sa mesa at humakbang palapit dito. Binuksan naman nito ang pinto para sa kanilang dalawa.Magka-

Latest chapter

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SEVEN, YOU'LL BE THERE FOR ME

    Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-SIX, SHOCKED, LIZZIE LOVE?

    Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FIVE, I LOVE YOUS

    Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-FOUR, BY HER SIDE

    Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-THREE, A GOOD SURPRISE

    Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-TWO, SHE LEFT ME

    “Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY-ONE, HE LOVES ANOTHER WOMAN

    Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n

  • Aseron Weddings   PART 4-TWENTY, FORGET MY OWN DREAMS

    Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.

  • Aseron Weddings   PART 4-NINETEEN, THE EVIL SISTER

    “Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa

DMCA.com Protection Status