Napaisip si Menchie. Ano na lang ang mangyayari oras na kumalat nang may relasyon sila ng big boss ng kompanya? Tiyak magbabago ang pakikitungo ng mga iyon sa kanya. Iyon o iisipin ng mga ito na ginayuma niya o hindikaya ay bina-blackmail ang amo nila.
“Don’t worry about them, okay? Just act the way you normally act. Now, get your bag, sasamahan kita sa bangko. Ipadala mo na sa kuya mo ang perang ipambabayad ninyo sa utang ninyo," ang paniniyak ni Simoun.
*******************************************************************
&n
"At sa palagay ko, kulang ka lang rin sa pagkakataong mahasa ang pisikal na mga abilidad mo kaya ka laging nadidisgrasya. Sorry to say this, pero lampa kang sobra,” dugtong pa nito.“But we’ll soon fix that. I’ll teach you some sports I know. I’ll train you how to be flexible, agile and quick on your feet so you won’t get into too many accidents.”“Kung jackstones at chinese checkers iyan, sige lang. Pero kung hindi, maghunus-dili ka. Dahil malamang ikaw naman ang madisgrasya dahil sa pagkalampa ko,” pabirong aniya.Pilit ikinukubli ang kilig niya at tuwa sa kaalamang handa it
“Buti hindi ka nagkakasakit sa ginagawa mo. Puros vetsin at preservatives ang laman ng mga kinakain mo. Ang mabuti pa, tuturuan na lang kitang magluto. Hindi sa pagmamayabang pero masarap akong magluto," puna ni Menchie. “Eh di huwag mo na akong turuang magluto. Ipagluto mo na lang ako mismo. Sa bahay mo na lang din ako kakain ng hapunan gabi-gabi. May kasama ka pang uubos ng mga ito,” kaswal na wika ni Simoun na inginuso ang sandamakmak na groceries sa pushcart nila. Kusang inimbita na nito ang sarili sa bahay niya. “Seryoso ka?!” b
JUST MOMENTS AGO, Simoun was hungry for the delicious food Menchie was cooking for him. Subalit ngayon, habang tinitikman niya ang tamis ng mga labi nito, mas higit pa sa pagkagutom ang nadarama niya.At base sa mainit nitong pagtugon sa halik niya, pareho sila ng nadarama. Sinalo ng dalawang kamay niya ang likod ng ulo nito upang mas mapaglalim pa niya ang paggalugad sa loob ng mga labi nito.He had never felt this much need for a woman before. Had never felt like he would die if he stopped kissing her.“Simoun…” anas nito nang bahagyang maghiwalay ang mga labi nila para sumagap sila pareho ng hangin.Para siyang malulunod sa pagkakati
Hindi tiyak ni Menchie pero may kutob siya na ang dahilan ng pagka-aligaga nito ay dahil kinakain din ng guilt ang dibdib nito sa napipinto nilang panloloko sa mga kapamilya nito. Saksi kasi sila pareho sa nag-uumapaw na kagalakan ni Lola Dorinda noong isang gabi nang makasama nila itong mag-dinner matapos nila itong sunduin sa airport. “I still can’t believe that you’re together now. I’m so happy for you both. Menchie is too nice a girl for you, Simoun, pray to high heavens she doesn’t discover you don’t deserve her at all. Siguraduhin mong hindi mo siya sasaktan!” wika nito sa nangangaral na tono habang iwinawagayway ang isang daliri kay Simoun. Napa-arko naman ang mga kilay ng binata. Bagamat may munting
“MENCHIE? ARE YOU ALRIGHT?” nag-aalalang untag ni Simoun sa dalagang bigla na lamang tumahimik sa tabi niya. “Are you feeling seasick?” “H-hindi. Ayos lang ako,” tanggi nito na may kasamang iling. “Sigurado ka?” giit niya. Hindi niya kasi gusto ang tila pamumutla nito. Kumain naman sila bago sila sumakay ng yate kaya sigurado niyang hindi ito gutom. But then again, knowing her appetite, he could not really be sure. It was one of the things he likes about her. Ang walang arte sa pagkain nito. Ang hindi niya gusto ay ang nakikita niyang bakas ng lungkot at agam-agam sa mga mata nitong nasanay na siyang kahit tahimik lang ito ay lagi pa ring may ngiti. She
Pero kung sakaling wala lang siguro ang lolo nito para saksihan ang reaksyon nito sa ginawa ni Wayne sa kamay niya, saka lang niya maaring isipin iyon. Dahil ang presensya doon ng matanda at alertong mga matang nakamasid sa kanilang dalawa ang mas malamang na dahilan kaya iyon ginawa ni Simoun. ******************************************************************* WALANG MAIPUPULA si Menchie sa mga kapamilya ni Simoun.
EXCITED SI SIMOUN na ipakita kay Menchie ang kuting na ibinigay sa kanya ng isa sa mga tauhan sa kwadra. Hindi nga natakot sa mga kabayo si Menchie nang mag-horseback riding sila noong isang araw. Pero hindi rin ito naging interesadong matutong sumakay mag-isa doon. Sa halip ay ang nakita nitong mga kuting sa quarters ng mga tagapag-alaga ng kabayo ang nakakuha ng interes nito. Iyon pa daw maaari nitong maalagaan kaysa sa mga kabayo. Hindi pa ito mag-aalala na baka masipa ito ng malalakas na paa niyon tulad ng kung ang mga kabayo ang pagtutuunan nito ng oras. &
SIMOUN STARED AT THE TORN CHECK IN HIS HANDS. Kung kailangan pa niya ng dagdag na patunay ng damdamin ni Menchie sa kanya, nasa mga kamay na niya iyon ngayon. Sinadya nitong punitin at iwan ang tsekeng napagkasunduan nilang ibabayad niya dito sa katapusan ng palabas nila. Bukod doon ay gumawa din ito ng kasulatan na nangangakong babayaran paunti-unti ang dalawandaang libong pisong halagang orihinal na hiniram nito sa kanya para pambayad sa mga utang ng pamilya nito. Nanlulumong napaupo siya sa gilid ng kama nito sa loob ng guest room na ginagamit dito sa
Isa-isa naman nitong inilarawan ang tatlong lalaking disimuladong namilit ditong aminin ang totoo. Nang matapos ito ay hindi niya malaman kung matatawa o mapapaiyak. Isa sa mga tinukoy nito ay walang dudang si Hisoka, isa sa mga pinsan ni Giac. Ang dalawa pa ay halos natitiyak na niyang ang dalawa pang pinsan ni Giac na sina Flynn at Ethan.“Huwag kang mag-alala, sisikapin kong makausap si Giac para ipaliwanag ang lahat. Aaminin ko sa kanya ang plano namin ni Maisie. Pati na ang pagiging peke ng mga litrato,” anito. “No need, I already know it’s fake.”
Mabilis na ibinaba ni Elizabeth sa ibabaw ng kitchen counter ang hawak niyang bowl ng fruit salad nang maulinigan ang pagparada ng sasakyan ni Giac sa harap ng bahay niya. Hinayaan na lang niyang si Aling Ching ang magbukas ng gate at magpatuloy dito. Sabik na inabangan na lang niya ito sa sala. “Giac,” masigla ang ngiting bati niya dito. Lumapit siya dito at akmang ipapaloob ang hapong katawan sa mga bisig nito. Subalit imbes na yakapin siya ay pinigilan siya ni Giac sa mga braso at inilayo dito.
Minasdan ni Elizabeth ang pagkalat ng pagkagulat sa anyo ni Giac dahil sa sinabi niya. Alam niyang alam na nito ang tungkol kay Justin kaya bakit tila labis na nagulat ito?“Hindi ko alam na ngayon din pala ang petsa ng kasal ninyo dapat. It’s funny and a bit odd. You see, ngayon din dapat ang petsa ng kasal namin ni Shaina seven years ago,” anito na tila sinasagot ang pagtataka sa anyo niya dahil sa pagkagulat na bumakas sa mukha nito.Kung gayon ang dahilan pala ng pagkagulat nito ay dahil kung nagkataong natuloy ang kanya-kanyang kasal nila sa dating mga kapareha, pareho pa rin sila ng wedding anniversary kung tutuusin. Tama ito, it was indeed a bit odd and funny.
Walang sapat na salitang makakapaglarawan sa kagalakan ni Elizabeth nang makitang muli ang kanyang Kuya Elias. Pero wala iyon sa antas ng kaligayahang nakikita niya sa anyo ni Sam na halos ayaw nang umalis ng ospital para bantayan ang amang hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ayon sa mangingisdang sumagip sa kapatid niya, hindi daw akalain nitong mabubuhay pa ang kuya niya. Malubha daw kasi ang kalagayan nito nang dalhin nito ang kapatid niya sa maliit na ospital sa bayan nito.Walang TV o radyo sa bahay ng mangingisdang nagmagandang-loob na tulungan ang kuya niya. Kaya naman walang kaide-ideya iyon kung sino eksakto ang kuya niya.
Natigilan si Elizabeth sa akmang pagtawag sa mga nawawala sa mga mesa nitong tauhan niya nang maulinigan niya ang mga boses na nagmumula sa loob ng conference room. Kunot-noong inilapag niya sa ibabaw ng office desk niya ang bag niya. Humakbang siya patungo sa bahagyang nakaawang na pinto ng conference room. Para lang sa marketing department ang silid na iyon. At wala siyang natatandaang ini-schedule niyang meeting para sa araw na iyon.“Ah, Giac, kailangan na naming simulan ang mga ipinapaggawa ni Ma’am Elizabeth sa amin. Baka dumating na siya at hanapin iyon,” wika ni Louie, isa sa mga marketing executive na under niya.
“Hindi ba dapat ako ang nagmo-moment dito at hindi ikaw?” Napapitlag sa gulat si Elizabeth nang marinig ang boses na iyon ni Giac mula sa pinto ng living room. Animo déjà vu na bumalik sa isipan niya ang huling naging pag-uusap nila sa loob ng silid na ito ten years ago. Nakaupo din siya sa window seat noon tulad ngayon. Tulad din ba noon, wawasakin nito ang mg ailusyon niya patungkol sa kanilang dalawa? Nilingon niya si Giac nang maupo ito sa tabi niya. Iniwan niya ito kanina sa terasa kasama si Sh
Kinabukasan ay isang sportsfest ang ihinanda ng events organizer na inupahan ni Lolo Nemo para sa week-long celebration ng kaarawan nito. Ginanap ang naturang sportsfest sa malawak na lupain ng Aseron Farms. At kung may pagdududa pa si Elizabeth ukol sa sinabi ni Giac na pagma-matchmake ni Lolo Nemo sa mga apo nito, binura iyon nang natuklasan niyang numero unong requirement para sa mga kasali sa mga palaro. Kailangan ay pareha ang mga manlalaro. Isang babae at isang lalaki. At hindi pwedeng maging magkapareha ang mga magkakamag-anak.&n
Mapait na napangiti si ELIZABETH. Bahagyang napailing.“Mali ka, Giac. Ang tinutukoy mo ay si Lizzie. That stupid, naïve and love-starved girl who belived you were really in love with her when all along you were just playing around. I just lost my mother that time. Kahit hindi kami masyadong malapit ni Mama sa isa’t isa, kahit paano, binibigyan niya ako ng atensyon at oras noon. Kahit para lang pulaan ako o i-criticize lahat ng kilos ko. “I was so lonely that time. Kaya nang pakitaan mo ako ng maganda, inisip kong ikaw ang makakabura ng lungkot ko dahil nakaya mo akong patawanin kahit mas gusto kong magmukmok noon. I fell in love with the idea of love.
“Ano’ng ginawa mo kay Giac at napapayag mo siyang magpanggap na nobyo mo gayong alam ko namang magka-away na mortal kayong dalawa?! Hindi ka ba nahiya? Nagsisinungaling kayo sa pamilya niya!” kompronta ni Maisie kay Elizabeth nang mapagsolo sila sa hardin matapos niya itong yayaing maglakad-lakad doon pagkatapos ng hapunan. Tulad ng selebrasyon para sa death at birthday anniversary ng yumaong asawa ni Lolo Nemo na si Lola Salome, one-week long affair din ang pagdiriwang ng kaarawan ni Lolo Nemo. Sinimulan lang nito ang tradisyong iyon nang tumuntong na nang seventy-eight ang edad nito. Sa