"SINABI na ng asawa ko ang gusto niyang masabi. Nasagot na din ang mga tanong niyo kaya puwede na kayong makaalis." Pinal na wika ng asawa ni Aling Rosing na bigla na lamang sumulpot. "Sinabi na niya na wala siyang ideya kung nasaan ang anak niyo, tapos ang usapan. Huwag niyo na nang antayin pang magpatawag ako ng mga kapitbahay para lang palayasin kayo!" Pagpapatuloy nito na nilapitan ang asawa at niyakap. Sa pamamagitan ng paghaplos sa likod nito ay sinubukan nitong pagaanin ang bigat na nararamdaman nito na para bang alam na alam niya ang kung ano ang nasa loob nito.Wala nang nagawa sina Arianne at Jake. Hindi nila parehong hawak ang sitwasyon para igiit pa kung ano talaga ang dahilan kung bakit sila nandito sa Isla. Isang sulyap ang ibinigay niya sa mga ito at palipat-lipat sa dalawa. "Ano pang hinihintay niyo? Sige na at baka ano pang magawa ko sa inyo kung magtagal kayo rito." Muling pagtataboy nito sa kanila at ngayon ay may halong pagbabanta na. Matapos ang isang bunton
MALAMIG at walang emosyon ang ekspresiyon ng mukha ni Rose Mary nang sulyapan ang kaniyang Daddy Jonathan na nadatnan niya sa sala sa condo unit niya. Matapos kasi ang mga nangyari pagkatapos ng pagkawala ni Jino ay nagpasya na ding umuwi silang mag-ama sa kaniyang condo. Akala nga niya ay makakapag bagong buhay na silang mag-ama pero iyon ang malaki niyang pagkakamali.Wala siyang ideya na nagbabalak pala ang kaniyang Dad ng planong pagpapakasal niya kay Drax. Ito naman ay para daw sa kanilang kinabukasan dahil malaki daw ang pagkakautang nito sa mga Del Valle. Ang kapalit? Ang kaniyang sarili at isang kasal kay Drax gaya ng kung ano sana ang nakatakdang nangyari sa simula pa. Ang kaso nga lang, wala ng pag-ibig na nararamdaman pa si Rose Mary para kay Drax. Mula kasi ng mawala si Jino ay puro pagkamuhi na lang sa lalaki ang kaniyang nararamdaman. Iyon lang at wala ng iba.Ang buong akala niya ay tapos na ang pagkontrol ng kaniyang Dad sa buhay niya, hindi pa pala. Pagkatapos na i
KATULAD ng dati, hindi nga nagkamali si Jino sa pagsabing hinahanap naman siya ng asawa niyang si Naikkah. Totoo ngang kanina pa siya tuliro kung saan hahanapin ang asawa. Para kay Naikkah, hindi pangkaraniwan ang nawawala si Jino sa paningin niya. Hindi siya mapakali, hindi matatahimik hangga't hindi natatagpuan o nakikita ang asawa. Kunsabagay, sino nga ba naman ang hindi matatakot 'diba? Lalo pa ngayon na alam na ng pamilya ni Jino na buhay siya? Anumang oras, anumang sandali. Puwedeng mawala at bawiin si Jino mula sa kaniya. At sa bagay na iyon ay hindi siya makakapayag pa! Si Jino ay binigay ng kaniyang yumaong nobyo na maging kapalit nito pagkatpos na ito ay ganap na nilisan ang mundo. Simula ng nakasama na niya ang bagong Jino ay hindi na muling nagparamdam pa sa kaniya ang kaluluwa ni Jino. Hindi lang niya tiyak kung hindi na nga ito nagparamdam o dahil hallucinations lang naman niya ang lahat? Na ang nakikita niya ay likha lamang ng kaniyang isipan na hindi pa din h
MALINAW na para kay Zenaida ang tungkol sa pamilya ni Rose Mary Villadencio. Nangimbestiga siya tungkol sa tunay na pagkatao ng babae at kung ano ang papel na ginagampanan ng babae sa buhay ng kaniyang apong si Jino. Hindi siya makapaniwala na si Rose Mary ay anak ng ampon ng kaniyang mga magulang, walang iba kundi si Luz Ville. Hindi niya inakalang malaki pala ang koneksiyon niya sa babaeng pinakasalan ng apo.Ang pagkakatanda niya ay si Luz Ville ay nagpakalayo-layo at hindi na nagpakita sa kanila noon pagkatapos na malaman nitong ampon lamang ito ng kaniyang Dad at Mom. Mula nga noon ay wala na siyang balita sa kaniyang Ate. Ang huling pagkakatanda niya tungkol dito ay nag-asawa na ito at nagkaroon ng anak. Huli na nang mabalitaan niyang nagkasakit ito ng malubha at hindi na nakarecover. Ayon sa kaniyang pag-iimbestiga, may anak ito sa asawang si Jonathan Villadencio.Iyon na nga si Rose Mary Villadencio, ang pinakasalan ng kaniyang apo na si Jino!Ang buong akala niya ay na
MALAYO pa ay agad nang natanawan ni Aling Leah ang anak na si Arianne kasama ang asawa nitong si Jake na paparating. Kilalang-kilala niya ang kotseng pagmamay-ari ng mag-asawa kaya hindi siya maaring magkamali. Sabado noon kaya wala siyang schedule sa kaniyang wellness and Fitness program sa shop na siya mismo ang nagmamay-ari. Sa edad niyang halos magseseventy years old na, isa siyang instructor at the same time ay owner ng isang Fitness Program para sa mga calendar-off age na gusto pa rin maging health conscious at physically fit kahit sa kanilang older age. Nagmamadali siyang lumabas ng bungalow at tila mansion built na bahay nila at lumabas. Gusto niyang salubungin ang anak at kamustahin ito sa lakad nito. Nasa isipan niya din ang pag-asang kasama na ng mag-asawa ang kaniyang apong si Jino. Sa kasalukuyan ay may apat na siyang apo. Si Jino at si Kayla Reece sa panganay na anak na si Arianne at si Glory Belle at Zayrah Mae naman sa pangalawang anak na si Joshua. Ang kaniyang b
TATLONG araw pa lamang mula nang makaalis si Naikkah sa kanila kasama ang asawang si Jino pero parang isang linggo na siyang nalayo sa mga magulang at mga kapatid. Malayo pa ay natanawan na siya ng kaniyang mga kapatid na agad na nagmadaling sinalubong siya ng yakap. "We miss you, Ate Naik!" Wika ni Tobby kahit mahigpit siyang yakap. Sumabad na din sa usapan nila si Zeneliah. "I miss you, Ate." Wika din ng kaniyang kaaptid na babae na nakasubsob ang ulo sa kaniyang tiyan."I miss you too." Masayang tugon niya na hinalikan pa ang dalawa sa mga buhok. Sobrang namiss niya ang kakulitan at pagiging magulo ng dalawa. "Sobra kayong namiss ng ate, lalo ka na Zeneliah."lalong naging mahigpit ang kanilang yakapan dahil sa sinabi niya. Normal na talaga siguro ito sa magkapatid. kahit man mag-away o may hindi pagkakaintindihan, nananatili pa din ang matibay na bonding na mas lalong naging malakas kapag nagkakalayo at muling nabuo.Noon niya naalala ang kaniyang mga magulang."Si Inay at Itay
MATAMLAY na naupo sa isang malambot at pang-apatang sofa si Arianne nang makapasok na muli sa kanilang bahay. Kapansin-pansin ang kaniyang panlulumo at pagiging walang kibo. Maging ang asawa niyang si Jake ay laylay ang balikat at matamlay ding tumabi sa kaniya."Ano'ng nangyari sa lakad niyo? Bakit hindi niyo kasama si Jino?"Walang naging sagot mula sa kanilang mag-asawa. Paano nga ba nila sasabihin ang nangyari sa lakad nila sa Isla Maambeng? Paano ba nila sasabihin na pinagmukha lamang silang tanga ng babaeng tumawag kay Jake patungkol sa nalalaman nito kay Jino.Hanggang ngayon ay hindi pa din maabsorb ng isipan ni Arianne ang naging kabiguan. Hindi niya akalaing isang false hope lamang ang kaniyang mararatnan sa pagpunta nila doon. Ang buong akala niya niya ay dininig na ng Diyos ang kaniyang panalangin na magkita silang muli ng anak niya. Iyon ay isa lang palang masamang biro.Para namang nakuha ng kaniyang Inay Leah ang sitwasyon kaya hindi na ito nangulit pang magtanong. Mar
KINAUMAGAHAN, malayo pa sa tindahan ay kitang-kita na ni Naikkah ang mga nag-uumpukang Ginang na alam niyang nasa hobby na naman ng mga ito, ang magchismisan. Araw-araw ay naroon ang mga ito, laging presents at malabong magka-absent lalo na kung may bagong source ng isyo o bagong pagpepyestahang kuwento ng kapwa nila taga Isla Maambeng.Speakingof Isla Maambeng , hindi naman siya may apela sa pangalan ng Isla. Tunay nga naman na masaya ang Isla at wala siyang kontra sa katotohanang iyon. Pero itong nakikita niya ngayon, ito ang patunay na hndi lang masaya ang Isla kundi ito ay sobrang saya. Imagine, lahat ba naman ng buhay ng mga tagarito ay alam ng mga chismosang iyon?Medyo nakatalikod sa gawi niya ang mga ito anupa at parang hindi napansin ng mga ito na siya ay parating. Wari bang sinadya ng pagkakataon na aksidenteng marinig niya ang usapan ng mga ito na nagkataong siya pala ang pinag-uusapan."Alam niyo ba, nandito na kahapon ang totoong pamilya ni Jino, iyang pekeng asa-asawa
BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga pape
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng bala. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah. Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. "Sabi kong bitawan m
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan."Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki.Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you still beautiful in my eyes."Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil---'My gosh! Why do i blushed?'Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Bagay pa sa kaniya ang bagay na iyon? Hindi na siya tinedyer para makaramdam noon k
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is