MALINAW na para kay Zenaida ang tungkol sa pamilya ni Rose Mary Villadencio. Nangimbestiga siya tungkol sa tunay na pagkatao ng babae at kung ano ang papel na ginagampanan ng babae sa buhay ng kaniyang apong si Jino. Hindi siya makapaniwala na si Rose Mary ay anak ng ampon ng kaniyang mga magulang, walang iba kundi si Luz Ville. Hindi niya inakalang malaki pala ang koneksiyon niya sa babaeng pinakasalan ng apo.Ang pagkakatanda niya ay si Luz Ville ay nagpakalayo-layo at hindi na nagpakita sa kanila noon pagkatapos na malaman nitong ampon lamang ito ng kaniyang Dad at Mom. Mula nga noon ay wala na siyang balita sa kaniyang Ate. Ang huling pagkakatanda niya tungkol dito ay nag-asawa na ito at nagkaroon ng anak. Huli na nang mabalitaan niyang nagkasakit ito ng malubha at hindi na nakarecover. Ayon sa kaniyang pag-iimbestiga, may anak ito sa asawang si Jonathan Villadencio.Iyon na nga si Rose Mary Villadencio, ang pinakasalan ng kaniyang apo na si Jino!Ang buong akala niya ay na
MALAYO pa ay agad nang natanawan ni Aling Leah ang anak na si Arianne kasama ang asawa nitong si Jake na paparating. Kilalang-kilala niya ang kotseng pagmamay-ari ng mag-asawa kaya hindi siya maaring magkamali. Sabado noon kaya wala siyang schedule sa kaniyang wellness and Fitness program sa shop na siya mismo ang nagmamay-ari. Sa edad niyang halos magseseventy years old na, isa siyang instructor at the same time ay owner ng isang Fitness Program para sa mga calendar-off age na gusto pa rin maging health conscious at physically fit kahit sa kanilang older age. Nagmamadali siyang lumabas ng bungalow at tila mansion built na bahay nila at lumabas. Gusto niyang salubungin ang anak at kamustahin ito sa lakad nito. Nasa isipan niya din ang pag-asang kasama na ng mag-asawa ang kaniyang apong si Jino. Sa kasalukuyan ay may apat na siyang apo. Si Jino at si Kayla Reece sa panganay na anak na si Arianne at si Glory Belle at Zayrah Mae naman sa pangalawang anak na si Joshua. Ang kaniyang b
TATLONG araw pa lamang mula nang makaalis si Naikkah sa kanila kasama ang asawang si Jino pero parang isang linggo na siyang nalayo sa mga magulang at mga kapatid. Malayo pa ay natanawan na siya ng kaniyang mga kapatid na agad na nagmadaling sinalubong siya ng yakap. "We miss you, Ate Naik!" Wika ni Tobby kahit mahigpit siyang yakap. Sumabad na din sa usapan nila si Zeneliah. "I miss you, Ate." Wika din ng kaniyang kaaptid na babae na nakasubsob ang ulo sa kaniyang tiyan."I miss you too." Masayang tugon niya na hinalikan pa ang dalawa sa mga buhok. Sobrang namiss niya ang kakulitan at pagiging magulo ng dalawa. "Sobra kayong namiss ng ate, lalo ka na Zeneliah."lalong naging mahigpit ang kanilang yakapan dahil sa sinabi niya. Normal na talaga siguro ito sa magkapatid. kahit man mag-away o may hindi pagkakaintindihan, nananatili pa din ang matibay na bonding na mas lalong naging malakas kapag nagkakalayo at muling nabuo.Noon niya naalala ang kaniyang mga magulang."Si Inay at Itay
MATAMLAY na naupo sa isang malambot at pang-apatang sofa si Arianne nang makapasok na muli sa kanilang bahay. Kapansin-pansin ang kaniyang panlulumo at pagiging walang kibo. Maging ang asawa niyang si Jake ay laylay ang balikat at matamlay ding tumabi sa kaniya."Ano'ng nangyari sa lakad niyo? Bakit hindi niyo kasama si Jino?"Walang naging sagot mula sa kanilang mag-asawa. Paano nga ba nila sasabihin ang nangyari sa lakad nila sa Isla Maambeng? Paano ba nila sasabihin na pinagmukha lamang silang tanga ng babaeng tumawag kay Jake patungkol sa nalalaman nito kay Jino.Hanggang ngayon ay hindi pa din maabsorb ng isipan ni Arianne ang naging kabiguan. Hindi niya akalaing isang false hope lamang ang kaniyang mararatnan sa pagpunta nila doon. Ang buong akala niya niya ay dininig na ng Diyos ang kaniyang panalangin na magkita silang muli ng anak niya. Iyon ay isa lang palang masamang biro.Para namang nakuha ng kaniyang Inay Leah ang sitwasyon kaya hindi na ito nangulit pang magtanong. Mar
KINAUMAGAHAN, malayo pa sa tindahan ay kitang-kita na ni Naikkah ang mga nag-uumpukang Ginang na alam niyang nasa hobby na naman ng mga ito, ang magchismisan. Araw-araw ay naroon ang mga ito, laging presents at malabong magka-absent lalo na kung may bagong source ng isyo o bagong pagpepyestahang kuwento ng kapwa nila taga Isla Maambeng.Speakingof Isla Maambeng , hindi naman siya may apela sa pangalan ng Isla. Tunay nga naman na masaya ang Isla at wala siyang kontra sa katotohanang iyon. Pero itong nakikita niya ngayon, ito ang patunay na hndi lang masaya ang Isla kundi ito ay sobrang saya. Imagine, lahat ba naman ng buhay ng mga tagarito ay alam ng mga chismosang iyon?Medyo nakatalikod sa gawi niya ang mga ito anupa at parang hindi napansin ng mga ito na siya ay parating. Wari bang sinadya ng pagkakataon na aksidenteng marinig niya ang usapan ng mga ito na nagkataong siya pala ang pinag-uusapan."Alam niyo ba, nandito na kahapon ang totoong pamilya ni Jino, iyang pekeng asa-asawa
NAGKATAONG sina Jino at Uncle Carding niya ang naiwan sa loob ng bahay ng umagang iyon kaya nabigyan ng pagkakataon si Jino ng panahon para makapagtanong sa uncle. Hindi na talaga niya kaya pa ang mga katanungang gumgulo sa isipan niya. Ang mga dayuhang panaginip niya sa gabi na hindi niya alam kung kaylan nangyari pero nararamdaman niyang konektado sa kaniya ay sobrang nagpapasakit ng ulo niyo. Kahit pa ang minsan ay pagkawala niya sa sirkulasyon sa tuwing may sasagi sa ala-ala niya o biglang parang kidlat na guguhit sa kaniyang isipan ay isa sa mga dumadagdag ng nakakalitong mga problema na hindi niya alm kung ano ang dahilan.Kanina pa niya pinagmamasdan ang kaniyang Uncle Carding sa kabilang mesa habang nagtitimpla ito ng sarili nitong kape ng umagang iyon. Ang asawa nitong si Celestie ay kasama ng dalawang anak ng mag-asawa na parehong nag-aaral sa elementarya. Sila na lamang ang naiwan ng mga sandaling iyon na isang magandang pagkakataon para kay Jino na makapangusisa rito tun
ISANG LINGGO ANG NAKALILIPAS...Isang masayang handaan ang naganap sa bahay ng Uncle Carding ng araw ng Linggo. Ito ay pagdiriwang ng ikaanimnapung taong kaarawan nito at isa sina Jino at Naikkah sa importanteng tao na naroon. Kaunting salu-salo lang naman kaya hindi na pinasundo pa ni Naikkah ang kaniyang mga magulang. Nagkatay lamang ang pamilya ng dalawang tandang na manok at nagluto ng isang kilong pansit at spaghetti. Hindi man marami ang handa, asahan na kapag kasama at buo ang pamilya, ang handaan ay hindi na tungkol sa marami at masaganang handa kundi tungkol na ito sa malapit na pagsasama ng magkakapamilya. Nagkasya na lamang sina Jino at Naikkah na nakaupo sa isang tabi habang pinapanood ang mga maliliit na bulilit na pawang mga kamag-anak ni Jino sa side ng Favila."Tingnan mo naman sila, ang saya-saya nila ano?" Si Jino na siyang bumasag sa katahimikan na namamayani sa kanilang dalawa. "Parang wala silang problema."Napalingon si Naikkah nang marinig ang sinabi niya. Ng
ISANG ligaw na hayop ang nakasalubong ni Jino sa masukal at madilim na kagubatang iyon. Ito ay walang iba kundi ang isang malaking baboy-ramo at isang lupon ng mga unggoy na bigla na lamang siyang pinalibutan. Sa tanang buhay niya ay hindi siya halos nakapunta sa mga ganito ka-isolated na forest.Bihira ang mga taong kagaya niya ang mapadpad sa ganitong uri ng lugar kaya laking gulat niya ng makita ang mga ganitong endangered species ng hayop.Kakaiba para sa kaniya ang mga pigura at laki ng mga hayop na kasalukuyang nasa harapan niya na nagdulot ng takot at pangamba sa kaniya. Takot na baka daluhungin siya ng mga ito bigla at pangamba sa kaniyang kaligtasan sa mga mabangis na hayop na ito.Nakatakas nga siya sa kamay ng mga humahabol sa kaniya pero dito naman pala siya mamalasin. Ang tingin niya sa mga hayop ngayon ay nagdiriwang sa isang napasarap na prey ng mga ito. Imagine, isang first class na uri ng karne ang matitikman ng mga carnivores na ito. Isang karne na made in city pa, w
BONUS CHAPTER: GANOON na lamang ang palahaw na iyak ni Yna, asawa ni Joshua Arevallo ng araw na iyon. Iyon ay ganap nang alas -singko ng hapon pero hindi pa din nakakauwi si Glory Belle, ang panganay na anak ng mag-asawa. Magaanim na taon pa lamang ito at kasalukuyang nasa ikatlong baitang at nagaaral sa Central Cebu Elementary School. Hindi kalayuan sa bahay nila kaya may tiwala siyang hindi mapapano ang bata. Idagdag pa na kasa-kasama nito ang yaya Cherry nito at hatid-sundo sa school na pinapasukan nito. Ano kaya ang nangyari at wala pa din ang kaniyang anak at ang kaniyang Yaya?May ilang minuto na ang paroo't parito ang ginawa ng babae habang ang mga mata ay hindi inaalis sa may pintuan. Alalang-alala na si Yna dahil supposed to be ay hindi pa din nakakauwi ang kanilang anak. Dapat alas-singko pa lamang ay nakauwi na ang bata. Dahil sa labis na pag-alala ay nagawa niyang tawagan ang asawang si Joshua. Batid niyang nasa office pa nito ito at tiyak na busy pa sa lahat ng mga pape
LUMIPAS ANG ILANG BUWAN... "LADIES and gentleman, I would like and proudly to announce you, our new CEO of Hotel Uno, Mr. Kent Jino Zeke Domingo!" Malakas na anunsiyo ni Zieth kate sa lahat ng mga staffs, employees, co-partners, guests at iba pang importanteng tao na dumalo sa pagtitipong iyon. Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan na mula sa mga karamihan ay pamilya Del Fuego at Domingo. "Mr. new CEO, please come forward." hiling ng kaniyang Tita Zeith Kate. Nakangiti namang pumagitna si Jino sa nakahilerang mga tao at masayang kumaway sa lahat. Isang palakpakan muli ang iginawad sa kaniya ng lahat. "Thank you. Thank you po sa inyong lahat." Pahayag niya na hindi mapunit-punit ang mga ngiti at iginala ang mga mata sa lahat. Naroon ang kaniyang Mommy Arianne at Daddy Jake, ang kaniyang tito Nikko at pamilya nito, ang kaniyang Tito Joshua kasama din ang pamilya nito, ang kaniyang Lolo Ron at Lola Zen, ang kaniyang Lola Adelaida at asawa ni Zieth Kate na si Kurt Justin Steve D
KAAGAD na sinalakay ng kaba ang dibdib ni Jino nang makita ang muling pagtutok ni Donya Fatima ng baril sa likuran ng ulo ni Naikkah. Iyon ang pagkakataon na hinihintay niya upang sumalakay rito. Hindi niya sinayang ang bawat segundong nalingat si Donya Fatima. Huli na nang makita nito siyang pasugod. "Walang--" Wika nitong naputol dahil matapos niyang tabigin ang baril na hawak nito ay tumama ito sa isang bahagi ng poste. "Ano bang ginagawa mo! Bitawan mo ang baril ko!" Wika ni donya Fatima sa kaniya na patuloy na ayaw patalo sa pakikipag-agawan ng bala. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Naikkah na magmulat at nakita nito siya na patuloy na nakikipag-agawan ng baril sa matanda. "Jino??" Sambit ni Naikkah nang makita siya. Ramdam niya ang kakaibang tuwa sa puso nito nang makitang bumalik siya para rito. "Tumakas ka na, sige na Naikkah. Iligtas mo ang sarili mo at ang anak natin!" Malakas na sigaw niya sa babae na nanatiling pa ding nanonood sa kanila. "Sabi kong bitawan m
GULAT na gulat si Naikkah nang ganap na makilala kung sino ang bumaril sa kaniya. Agad siyang natumba dahil sa impact ng tumamang bala sa balikat niya. Sapo-sapo ang tinamaang kanang balikat na ngayon ay nagdurugo na, nahihilong tumingala siya upang tiyakin kung sino nga talaga ang nasa likod ng pagkabaril niya. Hinintay niyang makalapit ang nasabing bulto ng taong papalapit ang mga yabag at kahit sa kabila ng panlalabo ng kaniyang mga mata ay nakilala niya pa rin ang may-ari ng bultong iyon.Isang babae, may hawak na baril na bahagya pang umuusok ang nasa kaniyang harapan ngayon at tinitingnan siyang walang kaemo-emosyon. "I-ikaw??" Gulat na bulalas niya. "P-paano niyo po ito nagawa sa akin? A-ano bang k-kasalanan ko sa inyo?" Hirap na hirap niyang wika sapagkat napapaimpit siya ng daing sa walang tigil na pagdurugo at pangingirot ng kaniyang sugat. Hindi siya makapaniwalang si Donya Fatima nga ito nasa harapan siya. "Oo Naikkah! Ako nga ito!" Mayabang na wika ni Donya Fatima. Kit
HINDI nakaligtas sa mata ni Naikkah ang lihim na ngiti na gumuhit sa mga labi ni Jino. Hindi niya alam kung ano ang ikinakatawa nito pero para siyang nainsulto na ewan."Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan? May nakakatawa ba?" Mataray na naman niyang wika na gusto pang sapakin si Jino kung hindi lang siya natakot na baka makabig ang manibela sa gagawin niyang iyon sa lalaki.Nilingon naman siya ng lalaki at sinagot. "Wala naman. Nakakatuwa ka lang tingnan kapag naasar." Tugon nito na pinapungay na naman ang mga mata. Inirapan lamang niya ang lalaki at muling inawas ang tingin. "You look disgusting but i swear, you still beautiful in my eyes."Hirit pa nito na hindi na niya pinansin. Iniwas niya ang mukha hindi dahil ayaw na niyang makita pa si Jino kundi dahil---'My gosh! Why do i blushed?'Sa huli ay dinaig pa din ng kaniyang mataray na mukha ang namumula sanang pisngi niya dahil sa kilig na naramdaman. Bagay pa sa kaniya ang bagay na iyon? Hindi na siya tinedyer para makaramdam noon k
MATAGAL nang nakaalis sina Jino At Naikkah nang bigla namang dumating sa mansiyon De Domingo si Nikko. Nagulat na lamang sina Arianne at Jake nang madatnan nito silang mag-asawa sa sala ng mansiyon kasama ang kanilang mga magulang."Nikko? Come over here, my son. Join us for this merienda!" Masayang tawag ni Zenaida, ang mommy nila. Katabi nito ang asawang si Ronaldo na ngayon ay nasa edad otsentay tres na."O Nikko? Napabalik ka? May nakalimutan ka ba?" Agad na tanong ni Jake sa kapatid. Nagtataka kasi ito kung bakit bumalik ang kapatid gayong nagpaalam na ito kanina na uuwi na kasama ang pamilya nito.Kita sa mukha nito ang pag-alala."I am sorry, Kuya...but I have something more important to tell you right away!" Tugon nito na hindi mapakali. Napansin ni Arianne na may hinahanap ito."Who are you looking for?" Nakakunot-noong tanong naman nito kay Nikko."Where's Jino? May kailangan siyang malaman tungkol sa ina ni Juno at kailangan niyang mag-ingat sa mga ito.""Kanina pa siya na
TAHIMIK na nakasakay lamang si Naikkah sa driver seat katabi si Jino. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa din maabsorb ng utak niya ang mga nalaman. Ayon sa mga datos na nakalahay sa folder na ipinakita ni Jino, may mental disorders si Juno. Ito ay matagal nang tinatago ng lalaki sa kaniya. Lingid sa kaalaman niya na may dahilan pala ang bilang pagbabago ng ugali nito paminsan-minsan. Binalewala na lamang niya iyon dahil para sa kaniya, lahat naman ng tao ay may tinatagong moody swing. Imbes na bigyan niya iyon ng maling kahulugan ay inisip na lamang niyang natural na iyon sa mga lalaki.Hindi nakapagtataka kung bakit naging mabigat para sa kaniya na tanggapin na lang bigla ang mga nalaman. Ang isa pa niyang ipinaglalaban ay naniniwala siyang mahal siya ni Jino at hindi siya nito sasaktan ng ganoon-ganoon na lang.Mas nanaig pa din ang pagmamahal niya sa lalaki. Kaya ang nangyari, gusto pa din niyang makauwi sa mansiyon ng mga Dolmenazav upang kahit paano ay mapaghandaan ang ba
NAGULAT si Jino sa naging reaksiyon ni Naikkah matapos nitong mabasa ang nilalaman ng folder na ibinigay niya rito. Tama ang kaniyang hinala, hindi nga nito papaniwalaan ang lahat. Kung hindi nagawang kumbinsihin ng lagda at testify ng police ang babae, then how could he? "Pawang kasinungalingan lang ang lahat ng iyan!" Tanggi ni Naikkah sa mga rebelasyon at mahigpit na pinunit ang folder. Sinamantala ng babae ang pagkagulat niya kaya nagawa nitong mapunit ang mga papel nang walang kahirap-hirap. "Naikkah!" Tanging nasambit na lamang niya at walang nagawa kundi pagmasdan ang mga nagliliparang pira-piraso ng nasabing police report. Muli siyang nabigla nang bigla itong magpalahaw ng iyak at hesterical na sinasapak ang sariling ulo. "This is not true! It can't be true!Sinisiraan niyo lamang si Juno! pare-pareho lang kayo!" Mabilis niyang dinaluhan ang babae at hinawakan ito sa magkabilang braso upang awatin sa pananakit nito sa sarili. "Naikkah, stop it! You're hurting yourself!"
NARAMDAMAN ni Naikkah ang isang mainit na dampi ng halik sa bandang buhok niya. Maging ang isang tilamsik ng tubig na kung hindi siya magkakamali ay luha ni Jino. Hindi pa siya tulog, nagkukunwari lamang. Malinaw pa nga niyang naririnig ang mga sinasabi ng lalaki. Tinakpan lamang niya ang kaniyang mga tainga at mukha dahil ayaw niyang makita nito ang kaniyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa mga nangyari. Ang una ay hindi niya akalaing ampon lamang si Juno ng pamilya Dolmenazav. Ang hindi pa niya maisip ay kung bakit doon pa talaga sa party nabulgar ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Juno. Sa totoo lang kasi ay puwede namang magyari iyon sa ibang panahon? Sumagi sa isipan niya na baka nadulas lamang si Don Edmund sa pagsabi noon dahil sa hindi na ito maawat. Ito namang tungkol sa pagkakatuklas ni Jino sa kalagayan niya ay hindi niya din alam kung paano nito nalaman. Pinaimbestigahan ba siya ng lalaki? Lihim na sinusubaybayan? Ang gulo-gulo ng is