“S-sir Ivan? Ano kasi…” nanginginig ang boses ni Marie habang nagsasalita. “Pakisabi kay Mr. Garcia na sobrang sama ng pakiramdam ni Natalie. Kailangan siyang dalhin sa ospital, pero hindi ko siya kayang buhatin!” [Papunta na kami,] agad na sagot ni Ivan, halatang nag-aalala din ito. [Salamat sa pag-abiso.] “Pakibilisan po!” Pagkatapos ibaba ang tawag, nagbukas si Marie ng isang kendi at maingat na nilagay ito sa bibig ni Natalie. “Heto, lagay mo lang ito sa bibig mo. Makakatulong ‘yan kahit papaano. Darating agad sina Mr. Garcia, Nat!” Hindi makakilos si Natalie, kaya tumango lang siya ng mahina. Nanatili si Marie sa tabi niya, habang pinupunasan ang pawis sa kanyang noo gamit ang isang tuwalya, bakas ang matinding pag-aalala sa mukha nito. ** Samantala… Kaagad na iniulat ni Ivan ang tawag kay Mateo na kasalukuyang tumatanggap ulit ng IV dahil sa naantalang gamutan bunsod ng kanyang punong iskedyul. Nasa ospital sila ulit. “Sir,” maingat na simula ni Ivan “ako na ang p
Dahil sa takot na baka umalis muli si Natalie, dinala siya ni Mateo sa sariling hospital suite at tinawagan ang doktor ng internal medicine upang doon na ito suriin. “Wala namang seryosong problema,” sabi ng doktor matapos ang pagsusuri, habang sinusulat ang reseta para sa intravenous fluids. “Ang episode na ito ay dulot ng naputol na gamutan niya. Ilang araw na tuloy-tuloy na IV fluid intake ang kailangan niya para maging okay ang pakiramdam niya.” Bahagyang yumuko si Mateo na tila nag-iisip, bago muling nagtanong, “Kailangan ba niyang sumailalim sa regular na gamutan sa hinaharap? May posibilidad bang lumala ito?” “Sa ngayon, mahirap sabihin,” matapat na sagot ng doktor. “Pero kung maingat na babantayan at aalagaan si Natalie, hindi naman dapat magkaroon ng malaking komplikasyon sa kalusugan niya at ng sanggol.” “Salamat,” malamig na tugon ni Mateo at nagpapahiwatig na tapos na ang usapan. Pagkaalis ng doktor, naupo siya sa tabi ng kama ni Natalie. Tahimik niyang pinagmamas
“Nat, gusto kong humingi ng tawad.” Ang mga salitang iyon ay payak at alam ni Mateo na kailan man ay hindi iyon sasapat para sa lahat ng nagawa niya. Gayunpaman, hindi niya maaring hayaan na hindi iyon masabi. Napatingin lang si Natalie sa kanya. Nakaawang ang bibig ngunit walang boses na lumalabas. Marahil ay nagulat sa biglaang sinseridad ni Mateo. Hindi sigurado si Natalie kung ang hinihingi ng tawad nito ay tungkol sa huling insidente nila. Hindi niya masabing ayos lang siya dahil hindi. Ang alaala ng ginawa ni Mateo sa kanya ay nananatili pa rin at nagdudulot ng galit kahit ngayon. Nakasimangot siya, ang boses ay puno ng hinanakit at sakit. Kailangan din ni Natalie na magtanong. “Bakit mo ako kailangang tratuhin ng ganoon?” Isa itong tanong at reklamo na may halong pagkadismaya. “Dahil isa akong masamang tao,” amin ni Mateo, ang mga mata ay malalim na nakatingin sa kausap, habang ang dibdib niya ay tila pinipiga sa sakit. Walang nakakaalam kung gaano kahirap para sa ka
Nanatiling matigas si Natalie sa yakap ni Mateo, ang kanyang mga kamay nakalaylay lamang sa kanyang tagiliran. Hindi niya tinutugunan ang yakap, ngunit mahina siyang tumawa. Mahinahon niyang sinabi na, “sige. Tinatanggap ko na ang paghingi mo ng tawad.” Kahit labag sa kanyang kalooban, pinilit ni Mateo na bitawan siya. Iyon na ang huling yakap nila. Pagkatapos ay hindi na muling mangyayari iyon. “Nat,” muling simula niya, ang boses niya ay kalmado ngunit ang kanyang puso’y hindi mapakali. “Tungkol sa alimony… Ang bahay sa Antipolo ay ililipat sa pangalan mo. May kasamang pera at iba pang mga ari-arian—” “Haha!” Natawa ulit si Natalie. Si Mateo naman ngayon ang nagtaka. “Ano’ng nakakatawa?” “Pasensya na,” sabi niya. Pinipigilan nitong huwag tumawa. “Hindi ko lang inaasahan na magkakaroon ng alimony. Hindi mo kailangan ibigay sa akin ang kahit ano. Tutal, tayo…” Bigla siyang tumigil, balak sanang sabihin na ang kasal nila ay hindi kailanman nag-ugat sa pagmamahal, kundi sa
Umiling si Natalie. “Hindi, hindi pwede.” Natigilan si Mateo, para bang tinusok ang kanyang puso ng karayom. Hindi niya matanggap ang sagot nito sa kanya. “Galit ka ba talaga sa akin?” tanong niya, ang boses niya ay puno ng sakit. “Hindi naman,” mahinang sagot nito at bahagyang tumawa ng mapait. Ang tono niya ay magaan, tila nagpapaliwanag. “Alam mo naman—hindi kami magkasundo ni Irene. Para na rin sa kapakanan mo, mas mabuti kung hindi tayo magkaibigan. Sa totoo lang, mas okay kung hindi na tayo magkikita pa.” Saglit tumigil si Natalie, tsaka nagdagdag, “Kung magkita man tayo, magpanggap na lang tayong hindi magkakilala.” Mahinang kumaway siya. “Paalam, Mateo.” “...s-sige,” sagot ni Mateo, bagama’t tila nakabara sa kanyang lalamunan ang salitang iyon. Nanatili siyang nakatayo, nakatanaw habang umaalis si Natalie ng walang alinlangan. Inasahan niyang ganito ang kalalabasan, ngunit hindi niya inakala na aalis siya ng ganoon kabilis, ganoon katatag. May bahagi sa kanya na gusto
Mabilis na lumapit si Natalie sa kanyang ama, ngunit huminto siya para may sadyang agwat sa pagitan nila. “Ano ang kailangan mo?” malamig niyang tanong. “Wala, wala…” natatawang sagot ni Rigor, halatang kinakabahan. Inabot niya ang dalang bag sa anak. “Bumili ako ng mga paborito mong meryenda. Tanggapin mo sana.” Ayaw sanang kunin ni Natalie, ngunit mapilit si Rigor. Ipinilit nito ang bag sa kanyang mga kamay. Maraming taong abala sa paligid, kaya’t ayaw ni Natalie ng eksena. Sa huli, napilitan siyang tanggapin ito. “Mga meryenda lang naman, bulong niya sa sarili. “Wala naman sigurong masama.” Kitang-kita ang ginhawa sa mukha ni Rigor ng tanggapin niya ang bag. Ngumiti ito nang malapad habang mabusising tinitigan si Natalie. “Ang payat mo na. Kailangan mong kumain ng maayos. Nag-aaral ka pa para sa mga pagsusulit, tama? Huwag kang magpapagod—” “Tama na.” Hindi na kinaya ni Natalie. Pinutol niya ang sinasabi nito sa mabagsik na tono, ang ngiti sa kanyang mukha’y puno ng pang
Nagkibit-balikat si Natalie. Namangha siya sa reaksyon ng kaibigan. “Wala namang nakakagulat. Tulad ng inaasahan ko, pinili niya si Irene." Ikinuwento niya ng maikli kay Nilly ang naging pag-uusap nila ni Mateo at kung paano ito kakalmado at walang emosyon ang tono. “Iyon nga ang nangyari…tapos na ang lahat.” “Anong karapatan niya?!” biglang sigaw ni Nilly, namumula ang mukha sa galit. “Akala ba niya pwede ka niyang kunin kapag gusto niya at itapon kapag ayaw na? Paano nagagawa ng isang tao na maging ganito kasama?” “Okay lang, Nilly. Tanggap ko naman.” Habang iniisip niya ito, lalo siyang nagagalit. “Hindi ito katanggap-tanggap! Sobra na ito!” “Teka. Saan ka pupunta?” Hinawakan ni Natalie ang braso ni Nilly nang makita niyang papalabas ito. “Para komprontahin siya, syempre!” sagot ni Nilly na para bang ito ang pinaka-normal na bagay na pwede niyang gawin sa mundo. “Akala ba niya, dahil mayaman siya, may karapatan siyang paglaruan ang mga tao ng ganito?” “Hayaan mo na…”
Matapos niyang maiiyak ang lahat, kahit papaano ay nakaramdam ng kaunting ginhawa si Natalie. Napagpasyahan niyang maupo sa sopa at tingnan ang mga bagong mga balita para sa araw na iyon. Napalunok siya dahil sa nakitang larawan—ang larawang iyon ay kuha kina Mateo at Irene.Mistulang binagyo ang isipan ni Natalie. “Anong klaseng balita ito? Paano naging balita ang ganitong bagay?” tanong niya sa sarili. Sa pagkakakilala niya kay Mateo, hindi ito ang klase ng tao na gustong nakabalandra ang mukha sa media. Mas gusto nito ang low-profile image nito. Kung tutuusin ay hindi na nito kailangang maipalabas sa mga balita para lamang makilala dahil maituturing na institusyon na ang mga Garcia sa buong bansa. Ang mga mayayamang tao gaya nila ay hindi kailanman nanaising lumabas sa mga balita lalo na sa mga ganitong klase ng romantikong eskandalo. Imposible, pero nakalantad nga ang larawang iyon sa buong internet at sa buong mundo.Naiinis si Natalie, iisa lang ang paliwanag kung bakit iyo
May kakaibang katangian si Antonio Garcia. Magaling itong magbasa ng mga tao---minsan pati pagbasa ng mga puso ay kaya rin nito. Mula ng tumapak si Natalie sa pintuan, nakita na niya ang lahat.Subukan man na itago ni Natalie at nagawa niyang panatilihin ang kalmadong panlabas na anyo, ang mabigat na bumabagabag sa puso ay mahirap na maitago. Maaring matagumpay niyang malinlang alng ibang tao pero hindi si Antonio.Hindi kailanman.“Apo, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.”Mabini at puno ng kabaitan ang tinig ng matanda. May dalang karunungan para sa isang taong napakarami ng nakita sa buhay. “Ano man ang mangyari sa inyo ni Mateo, ito ang pakakatandaan mo---ako pa rin ang Lolo Antonio mo. Okay?”Ang pagmamalasakit na iyon ay sapat na para bumigay si Natalie.Nagsimulang manikip ang kanyang lalamunan at lumabo ang kanyang paningin dahil sa mga luhang pilit niyang pinipigilan. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi pero lumabas pa rin ang kanyang tinig na punong-puno ng hilaw na
“Makinig ka sa akin, Natalie, dahil ako ang masusunod dahil---”“Irene!” Pigil ni Rigor sa anak dahil tila alam na niya kung ano ang sasabihin nito. Matigas ang kanyang tinig ngunit may bahid ng pag-aatubili at hindi niya maitago iyon. “Tama na.”Ngunit hindi nagpatinag si Irene. Humarap ito kay Rigor ng may huwad na pag-aalala at kawalan ng pag-asa sa mukha. “Dad, hindi mo ako pwedeng sisihin. Sa puntong ito, wala ng ibang paraan. Kitang-kita mo naman---kahit anong kabutihan pa ang ipakita mo sa kanila, wala pa rin silang konsensya at wala silang puso.”Mabagal na umiling si Irene, habang bumubuntong-hininga na tila ipinapakitang lubos siyang nadismaya sa kawalan ng utang ng loob ni Natalie sa ama nila. Ngunit ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata ay nagsasabi ng totoong nararamdaman niya---nag-eenjoy si Irene sa ginagawa niya.Saglit na nag-atubili si Rigor, kitang-kita ang pag-aalangan niya. Ngunit sa huli, mas nanaig ang kagustuhan niyang mabuhay.Dahan-dahang ipinikit ni Rigor
“Ang kapal ng mukha mo para sabihin ‘yan sa akin, Natalie!” Halos sumabog sa galit si Irene. Ang mukha nito ay namumula at namumutla ng sabay, halatang pinipigilan ang matinding poot. “Naturingan kang doktor pero ganyan ang mga lumalabas sa bibig mo! Karumaldumal ‘yang mga sinasabi mo!”Humalukipkip si Natalie at isang tusong ngiti ang sumilay sa mga labi niya habang pinagmamasdan ng maigi si Irene. “Karumaldumal? Baka hindi mo alam ang ibig sabihin ng salitang ‘yan, mahal kong kapatid.”Tumikhim si Natalie, puno ng panunuya ang kanyang tinig. “Oh, anong problema? Bobo ka pa talaga kahit noon pa? Hindi mo pa rin ba maintindihan ang konsepto ng ‘cause and effect’? Kawawa ka naman---isang walang pag-asang mangmang. Kaya ka siguro nag-artista kasi wala kang tsansa sa akademya. Matanong ko lang, mabuti at nababasa mo ang script mo, ano?”“Sumosobra ka na!” Nanginginig sa matinding galit si Irene, halos kapusin ito sa hininga at ang mga kamao ay mahigpit na nakakuyom.“Ay, naiinis ka na ni
Agad na umayos ng pagkakaupo si Janet. Ang tono ng pananalita ay naging matalim at may hindi matitibag na paninindigan. “Ano pa ang hinihintay natin? Kausapin na natin si Natalie. Hayaan natin siyang siya ang magdonate ng atay. Nang makabawi naman siya sayo bilang ama niya!”Ngunit hindi sang-ayon si Rigor sa ideyang iyon. Nag-aalinlangan sita at napakapit ng mahigpit sa kumot ng ospital. Ang mga pagod niyang mata ang nagpakita ng pagdadalawang-isip niya.“Pero hindi ko pa nasabi kay Natalie ang tungkol dito…”“Dad,” kalkulado ang tinig ni Irene. Nag-isip muna siya bago siya muling magsalita. “Kung nahihirapan kang sabihin kay Natalie ang tungkol sa bagay na ito, hayaan mong ako na ang kumausap sa kanya.”Muling nangibabaw ang pag-aalinlangan ni Rigor. “Alam niyo, siguro mas mas mabuti kung maghintay muna tayo.”Umiling si Irene, hindi niya nagustuhan ang mungkahi ng ama. “Dad, ang sabi ng doktor mo, wala na tayong panahon para maghintay. Sinabi din niya na kung mas maagang magagawa a
Ikinagulat ni Janet ang tanong na iyon. Bumuka ang kanyang labi, ngunit sa loob ng ilang sandali, wala ni isang salita ang lumabas. Pagkatapos, pilit itong ngunit ngunit halatang hindi ito komportable.“Bakit mo naman natanong ‘yan?” Napalunok ito. “Alam mo…ang pagdodonate ng atay ay hindi basta-basta. Kailangan ng masusing pag-aaral dyan kung hindi ako nagkakamali…” May takot sa boses ni Janet at hind iyon nakaligtas sa pandinig ni Rigor.Ang totoo, inaasahan na niya ang ganitong reaksyon mula sa asawa.Nang banggitin pa lang sa kanya ang posibilidad ng pagdodonate, nagsimula na itong mautal at pagpawisan. Hindi maitago ni Janet ang kanyang kaba.Humigpit ang pagkakakapit ni Rigor sa kumot. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi niya sinabi sa dalawa ang kanyang sakit mula ng malaman niya.Naramdaman ni Irene ang tensyon sa pagitan ng mga magulang kaya mabilis siyang sumingit sa usapan. “Dad, anak mo ako. Malamang, tugma ang atak ko sa atay mo, hindi ba?”Nabuhayan ng pag-asa si Rigo
Pagkalapag niya ng kanyang maleta, ang unang ginawa ni Natalie ay ang maligo. Hinayaan niyang bumalot sa kanya ang mainit na tubig at nilinis nito ang pagod ng isang mahabang biyahe. Ngunit kahit gaano pa kainit ang tubig, hindi naman nito nagawang payapain ang gulo sa kanyang isipan.Pagkatapos niyang maligo at magpatuyo ng buhok, hinayaan niyang igiya siya ng katawan sa kamay. Doon, ilang oras din siyang nakatingin lang sa kisame habang binabagabag ng iisang tanong.“Bakit ka nagbago, Rigor? Hindi pwedeng wala kang dahilan. Alam kong mayroon.” Iyon ang huling naisip niya bago siya nilamon ng antok at tuluyang nakatulog ng mahimbing.**Sa tahanan ng mga Natividad.Nang dumating si Rigor sa bahay, pagod na pagod ito mula sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang bigat ng stress sa kanyang katawan nitong mga nagdaang araw.Halos hindi pa siya nakakatapak sa loob ng pintuan ay sinalubong na siya ni Janet. Nakapamewang at ang mga mata ay naglalagablab sa tindi at dami ng hinala.“Aba, mabuti n
Hindi naman hinimatay si Natalie dahil sa tindi ng halikan nil ani Mateo gaya ng inaakala ni Tomas. Matapos siyang madala sa ospital at sinuri ng doktor, doon pa lang nila nalaman ang diagnosis niya.“Nakaranas siya ng matinding emotional stress. Dahil sa kanyang pagbubuntis, ang labis na pag-iyak ay naging sanhi ng dehydration at matinding pagod. Sa ngayon, bukod sa IV, ang kailangan niya ay mahabang pahinga, tamang hydration at emosyonal na katatagan sa mga susunod na araw.”Tumango si Mateo, hindi mabasa ang emosyon na mayroon siya. “Thank you, doc.”Sa loob ng tahimik na silid ng ospital, nakahiga si Natalie at gaya ng sabi ng doktor, may IV line siya para sa karagdagang nutrisyonal na suporta. Namumutla pa rin ito at nanunuyo ang labi, ngunit kalmado na ang paghinga.Naupo si Mateo sa tabi ng kama at hindi inalis ang tingin kay Natalie. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito at maingat na nilapat ang kanilang mga daliri.“Nag-aalala ka para sa akin, Natalie. Dahil kung hindi, wala
Pagkalito at gulat. Yan ang mga bagay na naramdaman ni Mateo habang nakaluhod si Natalie a sa semento at tuloy-tuloy ang pagbagsak ng masaganang luha mula sa mga mata at tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan niyaHindi makapaniwala si Mateo.Isa lang ang sigurado niya sa mga sandaling iyon---ang taong natatabunan ng putting kumot sa stretcher ay hindi siya.Dahil buhay na buhay siya.At kasalukuyang nagatataka.“Bakit niya iniiyakan ang bangkay na ito, pero pangalan ko ang tinatawag niya? Maliban na lang kung…” Ilang segundo ang lumipas bago naunawaan ni Mateo kung ano ang nangyayari. “Ang akala niya ay patay na ako…na ako ang taong iniiyakan niya…”Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Mateo hindi pantay at hindi mapigil. Habang pinagtatagpi-tagpi ang mga maaaring nangyari.Maaring nakita ni Natalie ang balita sa TV at nagmadali itong pumunta doon at hinanap siya. At ng makita niya ang stretcher kasabay ng pangalang maaring tugma ng kanya---inakala nitong wala na siya.Kaya ganoon
Halos hindi makahinga si Natalie. Parang pinipiga ang puso niya at hindi niya maintindihan. Ilang oras lang ang nakaraan ng huli silang magkita ni Mateo---maayos pa ito.Paano ito nangyari?Muling nanumbalik sa alaala ni Natalie ang huling beses na nakita niya ito---nang alukin siya nito na ihatid siya sa hotel na tinutuluyan niya pero tinanggihan niya ito.Kung alam lang niya na iyon na ang huling pagkakataon na magkakasama sila, sana ay pumayag na siya. Sana ay hinayaan niya itong ihatid siya, sana hindi siya dumistansya dito, sana hinayaan niyang magkausap silang dalawa ng mas matagal. Sana hinayaan niyang manatili ito sa tabi niya kahit sandali pa.Pero kabaligtaran ang lahat ng ginawa niya at ngayon ay huli na ang lahat.“Hindi…hindi…” nanginginig ang boses niya habang mahigpit pa ring nakakapit sa bakal ng stretcher.Malalaking patak ng mainit na luha ang nagsipagbagsakan sa mainit na semento at humalo sa alikabok at abo. Hindi makontrol ni Natalie ang panginginig niya. “Hindi i