Naubusan na ng pasensya si Mateo, mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Natalie at pilit tinitingnan ang mukha ng babae. "Mag-usap nga tayo."Halatang namumula ang pisngi ni Natalie habang ang kilay nito ay magkasalubong. "Pwede pag-usapan na lamang natin ito sa labas? Hindi ka ba nahihiya?"Mabilis na siniko ni Natalie si Mateo at tumakbo palabas ng silid ng doktor. Agad namang sinundan nito si Natalie nang mapansing nahihiya ito. Mabilis ang mga hakbang ng babae gano’n din siya at nang matangay ni Mateo ito at ay agad na nagpupumiglas ang babae sa kan’ya. "Huwag ka ngang magpupumiglas!"Tumawa ng mahina si Mateo at nagsalita, “Isa ka namang doktor at normal lang naman sa’yo ang tanong ko ‘di ba? Ano'ng nakakahiya roon?""Alam ko, pero bakit tinatanong mo pa 'yon?" Agad na sinamaan ng tingin ni Natalie si Mateo. "Sige na, hindi na ako magsasalita pa,” sukong saad nito, ngumiti ito at hinalikan siya sa tuktok ng ulo. "Ang dali mo namang mahiya,” dagdag pa n
May ginagawa si Mateo nang mag-ring ang kanyang telepono. Tumingin siya sa screen at agad itong sinagot, nakaramdam ng saya ang lalaki nang makita kung sino ang tumawag. Si Natalie ang tumawag sa kanya—isang napaka bihirang pagkakataon. Napangiti siya. "Nat," sagot niya. "Mateo,” tugon naman ni Natalie, hindi pa rin nasasanay ang babae sa malambing na boses ng lalaki sa kan’ya. "May plano ang mga kaibigan ko mamaya at sasama kami ni Nilly. Uuwi na lamang akong mag-isa. Pwede ba nating ituloy ang paglilipat ng mga gamit ko sa susunod, okay lang ba?""Plano?" kunot-noong tanong ni Matei. "Sino-sino naman ang nandoon? Lalaki ba o babae?""Hmm. Pareho," sagot ni Natalie, "Kilala mo naman sila, sina Nilly at Chandon."Napabuntong-hininga si Mateo. Ang mga kaibigan lang pala nito. "Sige, saan kayo kakain? Kung aabutin man kayo ng dilim, susunduin na lamang kita." "I-se-send ko na lamang sa’yo ang address. Kung maaga kaming matapos, uuwi na lamang akong mag-isa.""Sige."Pag
“Natalie.” Lumambot ang ekspresyon ni Drake at mahinahong nagsalita, "Bibigyan kita ng pagkakataong magsalita, pero maaari mo ba akong pakinggan muna? Sandali lamang ako." Hindi naman maintindihan ni Natalie ang sinasabi ng lalaki, "Mayroon pa bang hindi natin na-aayos?""Meron," Tumango si Drake at seryoso tumingin sa babae. "Tatlong taon na ang nakalipas nang masaktan kita. Pero ngayon, nagbago na ang lahat…""Nag-iba?? Paano?""Kasi..." Napahinga ng malalim ang lalaki at may pagsisising tumingin kay Natalie. "Noong nakaraan, maraming mga masasamang salitan kang narinig mula sa nanay ko. Pero huwag kang mag-alala, hindi na siya makakapagpalayo sa atin."Kumunot ang noo ni Natalie, ano kaya ang ibig sabihin ng lalaki? Sandaling nanigas si Natalie at nalilitong tumingin kay Drake. "Umalis na ako sa bahay ng pamilya ko," patuloy pa nito. "Hindi lang iyon, nagtatag din ako ng sarili kong kumpanya. Malayang-malaya na ako sa kanila. Hindi ko na kailangan pang umasa sa pamilya
Bakas na bakas ang pagkahiya ni Chandon sa mukha niya at napapakamot pa siya ng ulo. Sobrang nahihiya siya dahil sa nangyari kanina."Kasalanan ko ito, patawarin niyo ako. Pangako, hindi ko na uulitin iyon.""Dapat mong panindigan ang sinabi mo, Chandon! Dapat lang na humingi ka ng kapatawaran!" matalim na sagot ni Nilly. "Pakisabi riyan kay Drake na sobrang busy si Natalie sa pag-aaral. Kung talagang mahal niya ang babae, hindi nito dapat paulit-ulit na binabalikan ang mga isyu sa pamilya nito at paulit-ulit na saktan ang dalaga, at huwag niya na kamong istorbohin siya!""Ah oo," sagot ni Chandon ngunit agad siyang natigil na may maalala. "Sandali lang, ang postgraduate exam? Hindi ba’t nakuha ni Natalie ang recommendation para sa graduate studies niya?" tanong ni Chandon sa dalaga. Napatigil si Nilly saglit, naisip niyang nakapagkwento na naman siya ng sobra sa binata,"Uh, yung— yung recommendation, plinanong sirain ng matandang bruhang Irene at ni Janet iyon! Ayaw ni Natalie na
Napabuntong-hininga si Natalie dahil para bang naramdaman niyang talong-talo na siya sa argumento nila’t sinubukan na lamang makipag-ayos sa binata."Inaamin ko na hindi tama ang nangyari sa amin ngayon ni Drake pero hindi ako kagaya ng iniisip mo! Ngunit ang una mong reaksyon ay isa akong basta-bastang babae…” Gusto sanang magsalita ni Mateo at magpaliwanag kay Natalie ngunit hindi man lang ito hinayaan ng babae na magsalita. "Hindi pa ako tapos," kalmadong sagot ni Natalie. "Naiintindihan ko naman na hindi mo ako lubos na pinagkakatiwalaan dahil sa aking nakaraan, naiintindihan ko iyon pero hindi ko sinabing tanggap ko na iyon." Mapait na ngumiti si Natalie. "Isipin mo na lang kung magpapakasal tayo at mangyayari ulit ito, kaya mo bang ipangako sa akin na hindi ka na mag-re-react katulad ng ginawa mo kanina?"Tahimik naman si Mateo at hindi makasagot. "Hindi mo kayang ipangako iyon, di ba?" Napapikit ng mariin si Natalie at ang boses ng dalaga ay naging mahinahon. "Ang pina
Napatigil si Natalie saglit bago sumagot, "Wala. May mga bagay lang akong iniisip patungkol sa ospital.""Ganun ba?" Pinagmasdan siya ni Mateo ng ilang sandali. "Maliligo lang ako at pagkatapos ay matulog na tayo," dagdag pa ng lalaki, sandaling ibinaba ang ulo upang hinalikan si Natalie sa labi. "Maliligo na ako.""Sige."Habang sinusuri ni Natalie ang lalaki palayo, unti-unting nawala ang ngiti ng dalaga. Paano kaya nito nagagawa iyon? Kani-kanina lang ay nag-away sila pero nang pumasok ito sa silid ay para bang walang nangyari sa kanila. Gusto ba nitong magpakasal pa rin sa kanya? Para ba kay Granpa o talagang may malasakit ito sa kan’ya?Paglabas ni Mateo mula sa banyo ay nakahiga na si Natalie. Hindi nag-atubiling humiga ang lalaki sa tabi niya, niyakap siya nito, at hinalikan siya ng banayad sa ulo. "Nat, Nat…" bulong na tawag nito sa kan’ya. Nararamdaman ni Natalie ang init na dumadampi sa kan’yang leeg kaya nagsimulang nag-panic siya at itinulak ang lalaki pal
Hindi naging malinaw ang mga detalye ng pag-uusap nila sa telepono kaya nagmamadali ng pumunta si Natalie sa estasyon ng pulisya. Pagbaba niya ng kotse, nakita niyang naghihintay si Nilly sa labas, halata sa mukha nito ang pag-aalala.“Nat, salamat naman at nandito ka na!” sabi ni Nilly at napahinga ng maluwag. “Mm.” Tumango si Natalie sa dalaga. “Mag-usap tayo habang naglalakad.”“Sige…” Nagpatuloy si Nilly sa pagsasalita, “Nandiyan na ang kapatid ni Chandon, kinakausap siya sa loob.” Sa loob ng estasyon, tinitigan nito ang kanyang nakababatang kapatid.“At bakit ako nagagalit? Akala mo ba maliit lamang na insidente iyon? Makinig ka muna sa akin, ginalit mo si Mateo, kilala mo ba ang taong iyon!?”"Bakit anong nagawa ko?" naguguluhang tanong ni Chandon. "Nasaktan si Irene, eh ano ngayon? Anong kinalaman ni Mateo dito?” “Hmph.” Binigyan niya ng malakas na hampas ang noo ng kapatid. “Hindi mo pa ba naiintindihan? Si Irene ay may relasyon kay Mateo! Akala mo ba walang koneksy
"Kailangan mong pag-isipan ito ng mabuti. Wala bang mas mahalaga kaysa sa kaligtasan mo ngayon?""Uhmm… Okay lang naman ako..." Kinamot ni Chandon ang mukha at halatang kinakabahan.Tumawa nang malakas si Natalie. "Okay ka sa lagay na iyan? Pero paano naman ang pamilya mo? Paano kami ni Nilly? Kung may mangyari sa'yo, paano kami magiging okay? Hindi namin makakayang makita kang nasa loob ng selda.""Kahit na! Hindi ka pwedeng magmakaawa sa matandang bruha na iyon...""Ikaw..." Napatigil si Natalie, nanginginig ang katawan niya, nakatayo lamang at hindi makagalaw.Sa sandaling iyon, pumasok si Drake na may kasamang isang abogado.Nagningning ang mga mata ni Chandon. "Mabuti naman at dumating ka na! Alam ko hindi mo pababayaan ang matalik mong kaibigan.""Tsk," saad ni Drake habang tinitigan ang lalaki at lumingon kay Natalie. "Tama si Chandon, huwag mong gawing komplikado ang lahat at pahirapan pa ang sarili mo. Hayaan mo na si Chandon at ang kapatid niya ang mag-asikaso rito. Ka
Hindi talaga makapaniwala ang tindera ng maliit na tindahan na iyon. Nakaalis na ang lalaki ngunit laglag pa rin ang panga niya sa nangyari. Hindi lang isang beses kundi dalawang beses na naroon sa tindahan nila si Mateo Garcia. Hindi lang basta kilala ang lalaki—napakayaman at maimpluwensya ito kaya kaya nitong bilhin ang tindahan nila ng walang kahirap-hirap. Hindi na bago ang balitang bumibili ito ng tindahan kapag nagustuhan nito ang binebenta doon.Kaya wala nang nagawa ang tindera kundi tumalima kaagad. Tila nasiyahan naman ito nang sinabi niyang gagawan na niya ng paraan ang order nito.Napakamot na lang ng ulo ang tindera. “Sinong tanga ang bibili ng tindahan para lang may supply siya ng puto-bumbong?”**Pagdating ni Natalie sa kanto, ramdam niya ang pagkaubos ng enerhiya niya mula sa mabilis na paglisan niya sa mall at ang pagkadismaya dahil wala siyang puto-bumbong. Gusto niya pa rin ito at sa tantya niya ay walang ibang meryenda ang makakapantay sa sarap nito.Nakakita si
Ang babaeng nasa likod niya ay walang iba kundi si Irene. Kalmado ito ngunit puno naman ng awtoridad ang tono nito. “Magandang araw po, Miss,” bati ng tindera na pilit na pinapanatili ang mahinahong disposisyon sa kabila ng namumuong tensyon. “Ano po ang kailangan nila?”Mula sa kanyang handbag, may kinuhang listahan si Irene at inabot iyon sa tindera ng may matamis na ngiti. “Ayan, lahat ng nasa listahan, kukunin ko.”Binasa ng tindera ang listahan at ngumiti. “Ma’am, ang lahat po ng nasa listahan niyo ay mayroon kami, pero,” napatiingin ito kay Natalie ng may pag-aalinlangan. “Pero ubos na po ang puto-bumbong.”“Ubos na?” Tumaas ang kilay ni Irene sa pagkadismaya. Inikot nito ang mata sa mga nakadisplay sa estante at napako ang tingin sa natitirang limang piraso ng puto-bumbong na nasa gilid na. “Eh, ano ang mga ‘yon?” Tanong niya ng may inis.Muling nag-atubili ang tindera. Kilala nito si Irene dahil napapanood nila ito sa TV. “Pasensya na po, Miss Irene, pero bayad na po ‘yan.”T
“Umamin ka nga sa akin, Natalie. Bakit ayaw mong tumira sa binigay kong bahay? Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang alimony documents?” Matalim ang tono ni Mateo, tumatagas ito sa tahimik na hangin ng university. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Natalie na walang masagot sa kanya, tila hindi ito apektado sa tindi ng emosyon niya. Sa wakas ay tumingala ito, bakas sa mukha ang kalmadong pagsuko. “Mukhang nalaman mo na.”Dahil binitawan na siya ni Mateo, nagkaroon ng bakas sa kanyang pulso dahil sa higpit ng pagkakahawak nito doon. Marahang hinilot ni Natalie iyon.“Hindi mo ba natatandaan? Sa ospital pa lang sinabi ko na sayo, ayaw ko ng lahat ng iyon. Pero hindi mo naman ako pinapakinggan.” Kalmado itong nagpaliwanag. “Kaya wala akong ibang maisip na paraan kundi ipakita ang panindigan ko sa ibang paraan. Wala akong interes doon. Ayaw ko ng alimony, Mateo.” Diretso at matatag ang bawat salitang binitawan ni Natalie. Wala itong halong pag-aalinlangan.“Pero, Nat—”“Makinig ka muna sa a
“Ano naman ‘to?” Nanliit ang mga mata ni Mateo habang tinitignan ng manipis na card na inabot sa kanya ni Natalie. Naka-emboss doon ang pangalan niya. “Credit card mo,”sagot ni Natalie ng may ngiti. Sinaksak niya ang card na iyon sa kamay ni Mateo. Sandaling nagtama ang mga balat nila. “Matagal ko na dapat naibalik sayo ‘yan, kaso, madalas, cellphone lang ang dala ko kapag lumalabas. Kaya lagi kong nakakalimutan. Kung tutuusin, muntik ko na naman sanang makalimutan kanina—mabuti na lang hindi ka pa nakakaalis.” Paliwanag pa nito.Kaswal ang tono ng pananalita ni Natalie na para bang nagbabalik lang ito ng isang hiniram na ballpen. Biglang tumigas ang pagkakahawak ni Mateo sa card, ang panga niya ay nag-tiim at ang emosyon niya ay parang bagyong nagbabadya ng malakas na daluyong.“Tumakbo ka ng ganito kalayo—para lang isauli ito?” Tanong niya ng hindi makapaniwala.“Oo naman, bakit?” Hindi na naghahabol ng paghinga si Natalie. Namumula pa rin ang pisngi nito na tila nahihiya. Pagkatap
Hindi ito itinanggi ni Mateo. Huli na rin kung itatanggi pa niya ito. Mahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Lalo lamang nainis at nalito si Natalie dahil sa ginawa ni Mateo. “Bakit mo ginawa ‘yon?”Mula sa lohikal na pananaw, para kay Natalie ay mas makabubuti kapag inamin na niya ang totoo sa lolo niya. Kapag nalaman nilang hindi naman talaga siya ang ama ng dinadala, mas madali sana ang lahat. Maaring magalit ito pero hindi na nila kailangang maghiwalay ng masalimuot. Kung inamin na sana ni Mateo ang totoo, tapos na sana ang lahat. Ngunit hindi iyon ang pinili niyang gawin.“Ano sa tingin mo?”Bumaba ang tingin ni Mateo kay Natalie, ang mga mata ay may halong inis at pagkawala ng tiwala. Nagtataka siya kung bakit tila wala itong ideya sa mga nangyayari.“Hindi na natin dapat pa dagdagan ang sama ng loob ni lolo. Nangyari ang lahat ng ito ng malaman niyang naghiwalay tayo. Sa palagay mo ba, kapag sinabi kong hindi ko anak ang batang nasa sinapupunan mo, hindi siya mulin
Pinagplanuhang mabuti ni Natalie ang oras ng pagdalaw niya kay Antonio. Sinadya niyang pumunta sa ospital sa oras na alam niyang nasa trabaho si Mateo. Hangga’t maaari, iniiwasan niya ang anumang uri ng alanganing komprontasyon sa pagitan nilang dalawa sa ospital. Kilala niya ang lalaki, magkakasagutan talaga sila kahit sa harapan pa ng matanda at iyon ang iniiwasan niyang mangyari. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy ng antiseptic sa ospital, nagdulot ito ng parehong ginhawa at kaba sa kanya. Nagtanong na rin siya sa nurse kung nasaan ang kwarto ni Antonio para hindi siya mahirapang hanapin ito. Bago pumasok, pinuno muna niya ng hangin ang baga. Tahimik ang silid nito, banayad na pumapasok ang liwanag ng umaga sa bahagyang nakabukas na kurtina. Pumasok na siya ng dahan-dahan.Nakataas ng bahagya ang kama ni Antonio, may IV drip ito at kasalukuyang tulog. Ayaw sana niyang istorbohin ang pahinga nito kaya dahan-dahan siyang lumapit sa kama para masuri ang mga monitor nito. Maayos nama
“Oo, ‘yan din sana ang gusto kong sabihin. Pasensya na kung padalos-dalos ako kanina. Minsan talaga walang preno ang bibig ko.” Paghingi ng paumanhin ni Drake. Malutong ang tawa ni Jean. “Naku, walang problema. Honestly, awkward naman talaga ng set-up na ito kaya kalimutan na lang natin. Total, nandito na rin tayo at sayang ang ibinayad natin, tapusin na natin ang palabas. This time, magkaibigan talaga tayo at hindi napwersang mag-date. Ano sa palagay mo?”Napangiti na din si Drake tsaka tumango. “Sige, gusto ko ‘yan. Tsaka wala namang masama kung tatapusin natin.”Dahil may napagkasunduan na silang dalawa, bumalik sila sa mga upuan nila at naging mas komportable sa isa’t-isa.**Habang ang lahat ito ay nangyayari, walang kaide-ideya si Natalie sa Broadway theater. Ang isip niya ay nakatuon sa nakaschedule na appointment sa korte sa lunes.Pagsapit ng lunes ng umaga, sinadya niyang maagang magising para maghanda. Magkahalo ang emosyon na nararamdaman niya. Mabigat ang araw na iyon pe
Alam niyang si Mateo ang tumatawag sa kanya at ang biglaang tawag na iyon ay kaagad na nag-iwan ng bigat sa kanyang dibdib. Dahil sa ito ang unang beses na tumawag ito sa kanya, nagkunwari siyang pormal. Ginawa niya ang karaniwan niyang ginagawa kapag may kliyenteng tumatawag sa kanya. Ngunit ang totoo ay bumangon ang kaba ng palabasin siya nito ora mismo.Hindi niya mapigilang kabahan. Nasa tanghalan din si Mateo. Ang lalong ipinagtataka niya ay kung bakit parang galit nag alit ito sa kanya gayong maayos naman ang naging huli nilang pag-uusap. Ibinilin pa nga nito si Natalie sa kanya.Nagpaalam siya kay Jean. “Sandali lang ako. Babalik din ako kaagad.”Tumango lang si Jean pero nanatili ang pagtataka nito hanggang sa makalabas siya sa VIP seat.**Wala ng tao sa lounge dahil naghudyat na ang pagsisimula ng pagtatanghal. Paglabas ni Drake, bago pa man niya magawang hanapin ang lalaki, dumapo na ang kamao ni Mateo sa kanyang mukha. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi siya nakai
Walang naging agad na sagot si Drake, ang mukha niya ay walang bakas ng anumang emosyon. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mga magulang, ramdam nila ang pagdapo ng tensyon sa paligid. Hindi na bago sa kanilang tatlo ang ganitong eksena. Ilang beses na itong nangyari sa kanila at mas maraming beses na hindi pabor sa kanila ang resulta ng ganitong pag-uusap. Binasag na ni Felix ang nakakabinging katahimikan na sumukob sa kanilang tatlo. “Anak, isang beses lang. Wala ng kasunod pa. Alam mo namang matagal ng magkaibigan ang mga pamilya natin, kabastusan kung tatanggihan natin sila at mapapahiya ang mommy mo sa bestfriend niya. Hindi naman natin gustong mangyari ang ganoon, hindi ba?” Nanigas ang panga ni Drake, may pangamba siya sa kanyang mukha. Kinonsensya pa siya ng ama. “Isang pagkikita lang?” Inulit niya ang sinabi ni Felix na puno ng pagdududa. “Oo naman,” sagot ni Felix, sabay tawa ng pilit na parang sinusubukan pagaangin an