JADE
"Ma'am may naghahanap po sa inyo sa baba,"
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, at tumango sa katulong para umalis na ito. Sino naman kaya itong naghahanap sakin? Hays, imbis na nagpapahinga ako ngayon e. Nilagay ko ang laptop sa side table bago bumaba. Tinitignan ko kasi ang mga post doon sa group ng school namin, at tatlong headline lang naman ang nakikita kong topic doon. At yun ay ang pagsugod ko kay Roxanne, ang panloloko sakin ni Jordan at ang kalandian ni Roxanne.
"Manang nasan po ang naghahanap sakin?" tanong ko doon sa tumawag sakin kanina sa kwarto. Hindi ko alam ang pangalan nito pero nakikita ko na ito dati pa dito sa bahay dahil gaya nga ng sabi ko hindi ako matandain sa pangalan not unless importante ka sakin."Nandoon po sila sa kusina." sila? Ilan naman tong sila? Hindi na ako sumagot at tinungo na ang kusina para malaman kung sino ang mga ito.At ang mga walang hiya, mukhang sarap na sarap sa pagkain. Anong ginagawa ng dalawang to dito? Sinabi ko na sa kanila na hindi ako sasama. Napahilot na lang ako sa sintido bago maglakad papalapit sa kanila. Pero bago pa man ako makalapit, nagsalita na itong si Dana."May chef ba sila Jade? Ang sasarap ng pagkain, e."
"Oo nga parang ang sarap tuloy tumira dito," ay ayun sige lamon silang dalawa, parang hindi nararamdaman ang presence ko.
Psh. Ilang araw ba silang hindi nakakain?
"Oh Jade anjan ka pala?" napairap na lang ako kay Roan nang mapansin ako nito. Tumabi naman ako sa kanila.
"Anong ginagawa niyo rito?" walang gana kong tanong.
Mabilis na nilunok ni Dana ang pagkain nito bago nagsalita. Oo nagmadali talaga siyang lumunok para makasagot.
"Duh, niloko ka lang naging bulag kana? Ay oo nga pala bulag kana dati kasi di mo manlang napansin na niloloko kana ni Jordan."
Damn? Ang pasmado talaga ng bibig ng isang to. Kumuha ako ng isang fried chicken at hinagis ito sa kanya, mabilis naman itong nakailag.
"Joke lang, e." sabay kuha ng fried chicken at kumagat dito.Siya siguro ang nagpaluto nito, paborito kasi niya ang fried chicken tapos maanghang. Hindi na ako nagsalita at pinagmasdan na lang silang kumain. Maganda parin naman sila kahit na mukha silang patay gutom kumain. Aakalain mong hindi mayaman ang mga to.
"Oo nga pala," napalingon ako kay Roan nang magsalita ito. "Anong ginagawa dito ni Efraim? Nakita ko siya kanina,"Ano raw? Si Efraim? Yung nerd? Nandito siya? Bakit hindi ko alam? Damn.
"Nililigawan ka ba niya?" magsasalita na sana ako ng bigla namang magsalita itong si Dana. "Kaya pala ayaw mo sumama samin, ah!" ani nito na nakataas pa ang kamay habang hawak hawak ang chicken na kinagatan nito kanina.
What the hell?! Hindi totoo yan! At wala dito si Efraim baka niloloko lang ako ng mga to gusto lang talaga nila akong isama. Tumayo ako bago magsalita."Stop joking around, wala si nerd dito." sabi ko pero hindi sila nakatingin sakin, sa likod ko sila nakatingin.Sino naman ang tinitignan nila sa likuran ko?
"H'wag kana nga magsinungaling Jade, andyan na nga siya sa likod mo, e." pagtapos 'yon sabihin ni Dana, mabilis akong pumihit patalikod para malaman kung nagsasabi ito ng totoo.
And damn, totoo nga.
"Kailan mo ba ako tatawagin sa pangalan ko?"
"A-anong ginagawa mo rito?" damn.Bakit ba ako nauutal e pamamahay ko naman ito?
"Pinapunta ako dito ng Dad mo."Anong oras pa siya nandito? E'di totoo na nakita siya ni Roan kanina? Bakit ba hindi ko alam? Damn it.
"Oooh I smell something fishy, do you smell it too?" rinig kong boses ni Dana. Mapang asar talaga ang isang to!
"Yes, imbis na manlasa parang ang sweet ng naaamoy ko." sagot naman ni Roan kaya nilingon ko na silang dalawa."Tumigil nga kayo!" sigaw ko sabay baling ulit sa nerd na to.
Bakit ba kasi kailangan niya pang sumulpot dito? Bwiset. Hinatak ko siya palayo sa kusina, at hindi ko alam kung bakit nandito kami sa underground. Bakit dito ko siya dinala? Darn, takot nga ako dito e.
"Bakit dito mo ko dinala? Sabi ng Dad mo takot ka dito." mabilis ko siya hinarap. Bakit ganito ang boses niya? Sa sobrang ganda parang musika na ito sa pandinig ko. Tangina ang corny pero totoo. At sa sobrang ganda ng boses nito ayoko na ito pakinggan pa, baka mawili lang ako at pagsalitain ko siya buong magdamag.
"Hindi ko rin alam." sagot ko rito.
"Baka gusto mo lang ulit magpayakap sa'kin." sabi nito sabay ngiti.Shocks! Ang assuming naman pala ng nerd na to. At ako? Gusto magpayakap sa kanya? Ang isang dyosang katulad ko gusto magpayakap sa nerd na katulad niya? In his dream! Hindi na mauulit ang pagyakap niya sakin no, hindi naman na ako broken. Duh, nagkataon lang naman yun che.
"Kapal!" nasagot ko na lang bago siya talikuran.Aakyat na ako at babalik sa kusina. Sasama na lang ako kila Dana kesa naman nandito ako sa bahay tapos nandito pa ang isang to psh.
Apat na baitang na lang ay makakaakyat na ako. Humakbong ako sa pangatlong baitang, nilagpasan ko ang isa para mabilis akong makaakyat. Damn, nag crack!"Aaaaahh!"Hindi malamig na sahig ang binagsakan ko pero matigas ito. Shit. Ang sakit ng ankle ko. Buti naman ay hindi ako nabagok, ilang baitang rin yun. Dose? May guardian angel atang sumalo sakin e."Hindi ka pa ba aalis? Ang bigat mo." mabilis akong tumayo sa pagkakahiga nang marinig ang boses na iyon malapit sa tainga ko.Shocks, kung ganon, siya pala ang nabagsakan ko. Sinalo niya kaya ako? Tumayo ako at tinignan siya, umupo ito at nakatingala sakin."Aw." bulong ko sa sarili nang kumirot ang ankle ko.Ayoko na makasama to dito, aalis na ako. Pumihit ako patalikod sa kanya at sisimulan ko na sanang maglakad nang bigla ito ulit sumakit dahilan para ma out of balance ako.
Ang lapit ng mukha niya sakin, ang kaliwang braso niya ay nasa likod ko, ang kanan naman ay nakapulupot sa bewang ko. Sa kanya nanaman ako tumumba, sa kanya nanaman. Damn. Hindi ako makagalaw. Ang mga mata niya... Ang mga mata niya nakatingin lang sa mga mata ko. Bakit wala nanaman siyang suot na salamin? Bakit tuwing malapit ang mukha namin, wala siyang salamin? Bakit kailangan pang ipakita sakin ang magagandang pares ng kulay abong mata ng lalaking ito. Damn. Hindi ko matanggal ang tingin dito. Ano bang meron sa mga mata mo?Fuck. Ito nanaman. Ito nanaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Kagagaling ko lang ng hospital, wala naman daw akong sakit sa puso. Shit. Ano ba tong nararamdaman ako? Mamamatay na ba ako? Bakit nararamdaman ko lang ito tuwing malapit ako sa lalaking to? Hindi ko naman siya gusto pero bakit? Bakit, bakit parang nagsisinungaling lang ako? Fuck.
Mas lalo pang gumanda ng mga nito sa paningin ko habang tumatagal. I smiled. Tangina baliw na ba ako? Bakit naaakit ako sa mga mata niya...
"Ang mata mo..." naibulong ko na lang, pero alam kong narinig niya yun. Bumaba ang tingin nito sa labi ko, kaya naman napatingin rin ako sa labi niya.Hindi ito maitim, hindi rin ito sobrang pula. Kagaya lang ito noong naglagay ako ng lipbalm sa labi ko. Bakit feeling ko ang perpekto ng mukha niya? May magagandang mata, may matangos na ilong at may magandang kurba ng labi. Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung bakit ko hinawakan ang labi nito gamit ang hintuturo ko.Damn. Bakit ko ba to ginagawa? Nakaka hypnotized ba talaga ang mga mata niya? Kung ibang lalaki siguro ang malapit sa mukha ko ngayon, baka naitulak ko na. Ibang lalaki naman siya sakin, pero bakit hindi ko siya magawang itulak? Hinawakan niya ang pisngi ko. Unti onting lumalapit ang mukha nito sa mukha ko. No. Ayoko sa kanya... Ayoko.. Ayoko.Pumikit ako para damahin ang halik nito. Ang halik nitong lalo pang nagpakabog sa dibdib ko. Fuck.
BOOOONG"Sabi ko na nga ba, e!" mabilis ko itong naitulak at nakaupo akong lumayo sa kanya. Tumingin ako sa itaas kung saan nanggaling ang boses na iyon.Tangina nakita ba nila kami? Sana hindi, hindi naman kasi bukas ang ilaw. Sira iyon at hindi pa naaayos.
"Wala sila rito." rinig kong sabi ni Roan bago isinarado ang pinto."Shocks nakakatakot doon," rinig kong dugtong nito. Pero mukhang malayo na siya nun dahil mahina ang boses nito nang marinig ko.
Hindi ako gumagalaw. Hindi ko siya nililingon. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob, tangina nahihiya ako. Lagi ko siya nilalait at pinandidirihan sa isip ko pero paano ko nagawang payagan siyang halikan ako? Arg! Ano bang klaseng babae ka Jade gumagaya kana ba kay Roxanne? Napukpok ko na lang ang ulo ko sa sobrang inis. Isa pa tong dibdib ko tangina hindi na tumigil kaka-kalabog sa loob."Okay ka lang?" hindi ko siya sinagot, nanatili akong nakatalikod sa kanya. Ayoko siya makita.
"Look, I'm sorry. You can slap me if you want." damn. Kanina pa kita gustong sampalin pero hindi ko magawa putcha ano bang meron sayo? Nerd ka lang naman!
"Jade," arg bakit ba ganyan ang boses niya. Kung makakalakad lang sana ako, iiwan ko na siya dito. Kung minamalas ka nga naman oh."Slap me." naramdaman ko ang kamay nito na humawak sa kamay ko at inangat iyon.
Nasa harapan ko na pala siya. Hindi ko napansin agad dahil nakatungo ako kanina. Nilagay niya ang palad ko sa pisngi nito, parang sinasabi niya na sampalin ko siya at tatanggapin niya iyon.
"Slap me." ulit pa nito at siya na mismo ang humampas ng palad ko sa pisngi niya.Anong gagawin ko? Para akong nanghihina. Shit. Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya at nag iwas ako ng tingin. Hindi parin ako nag sasalita. Feeling ko yung pagkababae ko ang nakuha sakin, damn. Hindi nga ako humahalik sa labi ni Jordan na boyfriend ko noon, pero sa kaniya na hindi ko naman boyfriend ay nagpahalik ako. Damn it."Halika na, kanina pa ata tayo hinahanap. Bubuhatin na kita."
"Ayoko," mabilis kong sagot na hindi parin siya tinitignan."Paano ka makakaalis kung hindi ka magpapabuhat?"
Wala kang paki alam! Arg bakit ba kasi dito kami napadpad kanina. Antanga tanga mo talaga Jade.
"Gagapang ako." sagot ko, narinig ko naman itong natawa sa naging sagot ko.
Damn. Bakit pati pagtawa niya ang hot? Fuck! Oo inaamin ko ang hot niya tangina. Kung hindi lang siya nagsusuot ng malalaking salamin, sikat na ito ngayon sa eskwelahan.
"Galit ka parin ba?"
"Don't speak," utos ko rito.
Oo don't speak. Ayoko marinig ang boses mo. Arg. Feeling ko mababaliw na ako ngayon mismo. Dito mismo.
Matapos ko sabihin iyon ay hindi na ito nagsalita. Ilang minuto pa ang lumipas wala parin itong kibo. Ang tahimik, ang dilim. Tangina natatakot na ako. Sana bumalik dito si Dana tapos sisigaw na ako para malaman nilang nandito kaming dalawa, wala na akong paki kahit ano pa ang isipin nila pagtapos nun ang mahalaga makaalis na ako dito shems ang lamig naaa."Where are you?" walang sumagot. "Nerd," wala parin. "Hey!" lumingon na ako ngayon sa likod ko pero tangina dilim lang ang nakikita ko. Shutaness lalo pa akong natatakot, bakit feeling ko lalo pang dumilim. "Nerd!" maiiyak na ako I swear. Ipunta niyo na ako sa lahat, wag lang sa dilim at lalong wag dito! Huwaaaa! "N-nerd?" damn. Nauutal na ako pero wala paring sumasagot. "Hindi ka ba sasagot? Natatakot na ako!" wala paring nagsasalita.Katahimikan lang ang maririnig mo. Wala naman akong dalang cellphone kaya wala akong pang ilaw.
"Sumagot ka naman, hindi kita makita." wala paring nagsasalita kaya naman napa iyak na lang ako.Baka lumabas na yun nang hindi ko napapansin at iniwan ako dito o di kaya galit siya sakin kaya hindi siya sumasagot. Damn. Bakit ko ba kasi siya pinatahimik.Napatigil ako sa paghikbi ng maramdaman akong yumakap mula sa likuran ko. Tangina! Hindi ako makagalaw. Natatakot ako, sino to? Sino tong yumakap sakin."I'm here, don't be scared. Sorry, nakatulog ako."
Lalo akong napaiyak nang marinig iyon. Bwiset siya tinakot niya ako! Nakatulog lang naman pala siya.
"Lumabas na tayo dito, ilang oras na tayo nandito, e." bumitaw ito sa pagkakayakap sakin, kaya mabilis akong bumaling sa likuran at kinapa ang paa nito.
Mahigpit kong hinawakan ang pantalon niya, nakatayo na ata siya ngayon.
"I-I'm scared." pinatayo niya ako, pero inaalalayan parin ako nito dahil sa ankle ko."Alam ko." bulong nito sakin. Kinapa ko ang mukha niya, at hinawakan ang magkabilaang pisngi nito. Ang init ng mukha niya.Ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagyakap nito sakin. Damn. Eto nanaman ang dibdib ko, sobrang lakas. What the hell, feeling ko mamamatay na ako sa pagkabog ng dibdib ko tangina naman magsitigil kayo!
"Hindi ko alam pero may nagsabi saking yakapin ka," ang ulo nito ay nakasubsob sa balikat ko. Napalunok ako sa sinabi nito."Sino? M-multo?" narinig ko ang mahinang pagtawa nito. Shit. Parang kinikiliti ang buong kalamnan ko."Nope. Ang isip ko 'yong nagsabi." lalong kumalabog ang dibdib ko.
Ano ba?! May sakit na ba talaga ako? Baka may sakit talaga ako sa puso at ayaw lang sakin ipaalam ni mommy. The fudgee."Can I kiss you again?" he asked."H-ha?" Nabigla naman ako sa sinabi nito.Naramdaman ko itong umiling bago humiwalay sa pagkakayakap.
Kailang bang magpaalam kapag hahalikan ang babae? Kaya ba siya nagsorry kanina dahil di siya nakapag paalam sakin na hahalikan niya ako? Kung ako ba ang hahalik sa kanya kailangan ko rin magpaalam? Arg ano ba tong iniisip ko."Let'sgo," akmang bubuhatin na ako nito nang pigilan ko siya."Wait.""Bakit?"Hindi ko siya sinagot, kinapa ko ang mukha nito. Nahawakan ko na! Napunta ang daliri ko sa mata niya, sa ilong hanggang sa bumaba sa labi niya. Napalunok ako. Isa lang naman e, isa lang promise. Fuck. Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko.Tumingkayad ako at dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa labing hawak ko. Hawak ko parin ito para alam ko kung saan ko itututok ang labi ko. At nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko, tinanggal ko na ang daliri kong nahawak doon. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak nito sa bewang ko. Saglit ko lang pinagdampi ang labi namin.
Damn. Ginawa ko ba talaga 'yon?!Hinapit ako nito palapit sa kanya. Hawak ko na ngayon ang dibdib niya, tangina jusko. Hanggang sa maramdaman ko na ang hininga nito malapit sa akin.
Lalo niya pa akong diniin palapit sa kanya, at ang alam ko na lang sa ngayon ay magkadikit na ulit ang labi naming dalawa. Matagal. Matagal iyon hanggang sa gumalaw ang labi nito na tinugunan ko rin kalaunan. Damn. Tama ba ito? Ang halikan ang lalaking ito? Fiance ko naman siya diba? Hindi naman siguro masama. Bakit ang galing niya humalik? Totoo nga talaga ang sinabi ni Roan, 'Nerds are good kisser'.
Hello, everyone! Ako ay humihingi ng paumanhin sa aking matagal na pagkawala at pagtigil sa pagsulat, sa kadahilanang nasira ang aking device na ginamit noon para mag update ng chapters sa librong ito. Ngayon, nais kong bumalik muli sa pagsulat at hingin ang inyong suporta sa aking pagpapatuloy. Inaasahan ko ang inyong pag-intindi sa aking naging sitwasyon. Nawa'y sana pagpatuloy ninyo akong suportahan sa pagsulat at manatili kayo sa pagbasa ng aking gagawing kwento at ng mga susunod pa na aking isusulat. Maraming salamat sa inyong pag-unawa. Nawa'y manatili kayong ligtas araw-araw at maging malusog. Ang susunod na pahina ay pagpapatuloy nang kwento nina Jade and Efraim.
JADE"Saan kayo nanggaling na dalawa? Kanina pa namin kayo hinahanap." bungad samin ni Roan nang makita kami ni nerd na papalapit sa kanila.Nandito sila sa living room, sina Mom and Dad din ay nandito na, kanina pa ata sila nakauwi."Bakit buhat buhat mo si Jade? May nangyari ba?" tanong ni Dad.Oh my ghad! Ngayon ko lang napansin na hanggang ngayon ay buhat buhat parin ako nito. Oh gosh kita ko na ang mapang asar na titig nina Roan. I'm in trouble! Si Mom naman ay parang natutuwa sa n
JADE"Look at Roxanne," nilingon ko ang parte kung saan tumuro si Dana.Mukhang umiiyak si Roxanne, well wala akong paki. Naka moved on na rin naman ako kay Jordan, hindi ko nga alam pero parang ang bilis. Hays, hayaan mo na nga, mas maganda na 'yon kaysa naman magluksa pa ako para lang sa lalaking 'yon. Duh, he's not worth for my tears."Iyak iyak pa, e siya naman ang nanloko." ani Roan saka sinukbit sa braso ko ang braso niya. Hindi naman na ako nagsalita pa at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad.Palabas na kami ngayon ng gate, uwian na kasi. At kanina lang tumawag sakin si Mommy dahil may importante daw siyang sasabihin, tungkol saan naman kaya ang isang yun?I'm tired being Jade, wanna swap?Hindi naman umabot ng ilang minuto naka labas na rin kami ng gate, at kitang kita ko na ang sasakyan ni mommy. Binalingan ko sina Roan at Dana and we exchanged goodbyes before I went t
JADE Humahangos akong nakarating sa harap ng eskwelahan. Gosh, simula nang mag isang bahay kami ng nerd na yon, wala na akong tiga hatid at sundo! Hindi ko na talaga maintindihan ang takbo ng buhay ko, feeling ko ako na ang pinaka malas na babae sa buong mundo. Paano ako nakarating? Syempre nag grab ako, di naman ako sanay mag Bus or Jeep no! At isa pa maraming tao doon kaya mas mabuti nang mag grab taxi kaysa naman may makasabay akong iba. Mamaya makatabi ko mga nakakakilala sakin edi anong iisipin nila, na naghihirap na ako? Arg! Why Mom and Dad doing this to me? "Oh bakit ganyan ang itsura mo Jade?" salubong sakin ni Roan nang makasapasok ako sa gate. Hinintay ba ako ng dalawang to? "Yeah right, para kang pinagbagsakan ng langit at lupa." natatawa pang sabi ni Dana. Sinamaan ko lang ito ng ti
JADE "May pinuntahan ka pa ba?"Napaigtad ako sa gulat nang sumalubong sa pinto si Nerd.Damn, gusto pa ata ako nitong atakihin sa puso e. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy akong pumasok sa loob ng bahay hanggang sa makaakyat ako papunta sa kwarto, hindi ako sumagot sa tanong nito.Tumingin ako sa salamin, baka kasi namamaga na ang mata ko e.Holy shit.Napansin niya kaya itong namamaga kong mata? Bwiset kasing Jordan to kung kailan feeling ko okay na ako, saka naman sumusulpot letse."Oh my dear poor ey-- ah!" napahawak na lang ako sa dibdib ko nang biglang bumukas ang pinto at sino pa nga ba ang nagbukas? Syempre si Nerd, binigyan na nga niya ako ng sakit sa puso tapos gusto pa ako patayin sa gulat gusto na ba talaga ako nito mamatay? Tss."Ah sorry" akmang isasarado na niya ang pinto nang hawakan ko ito."Hindi ba uso sayo kumatok?" hindi ako nito pinansin at padabog na
JADE "May something talaga sa inyo ni Efraim 'no?" pangungulit ni Dana sa akin.Nakabalik na kami ngayon sa classroom at eto, nangungulit sila sakin dahil lang sa hinila ko si Nerd palayo sa crowd kanina.Dapat bang hindi ko na lang ginawa yun? G r r. Bakit ko ba kasi ginawa yun? Arg."Tigilan niyo ko, pwede?"bakit ba kasi ang tagal dumating ng prof namin? Tss."Hindi pwede, hangga't di ka umaamin" sagot ni Roan.Hindi na lang ako sumagot at kunwari ay nagbabasa na lamang ako ng libro. Wala naman talagang something samin diba? Wala naman kaming feelings sa isa't isa, pinagkasundo lang naman kami."What the hell Dana?" ani ko dahil hinila nito ang libro na kunwari ay binasa ko kanina.The hell, hindi ba nila ako titigilan?"Sagutin mo muna kasi tanong namin" ani Dana saka niyakap ang lib
EFRAIM"Good morning" bati ko kay Jade nang makita itong pumasok dito sa kusina habang kinukusot-kusot ang kaliwang mata niya."What's good in the morning kung ikaw naman ang bubungad sakin" bakit ba kailangan ako tarayan nito araw-araw? Kung hindi lang talaga mahaba ang pasensya ko baka ano na nagawa ko dito, psh."I cooked for you" ani ko sabay lapag ng pagkain sa lamesa.Napansin kong natigilan ito sa paglalakad kaya naman nilingon ko ito. Nakatingin lang siya sakin pero walang emosyon. Hindi ko tuloy mabasa kung ano bang iniisip niya."What? Ayaw mo ba nito? Magluluto na lang ako ng panibago" sabi ko at akmang aalisin ko na sa lamesa ang ulam nang magsalita naman
Roan's Point of ViewAlam niyo bang lunes ngayon? Isang araw na ang lumipas matapos ang nangyari sa coffee shop at iniisip ko parin talaga hanggang ngayon kung may something ba kina Jade and Efraim. I'm not jealous ha! Wala akong gusto kay Efraim, magkaibigan lang talaga kami. And I don't know kung bakit pinagpipilitan ni Jade na may something samin."Roan!" I stopped from walking as I heard someone called my name."Ano nanaman bang kailangan mo?" tanong ko sa lalaking kurimaw na nasa harapan ko na ngayon.Tignan niyo, ngiting-ngiti ang gago. Gandang ganda nanaman siguro sakin to, hays. Bakit ba kasi ako biniyayaan ng ganda? Hindi man ako kasing ganda ni Jade, pero pumapangalawa ako. Eherm.
Kinsley Marie Andrade, studying Bachelor of Secondary Education, Major in Science. She could get anything what she wish for by her own doing. But... what if the 'thing' she wants to get, would be - William Evans Vega? William Evans Vega, studying Bachelor of Science in Human Physiology. A varsity player of Raviers University. Who don't give a damn for her. 'Not every thing you wanted were can get easily, sometimes you need to work hard to get it.' they said. But, what if she already did everything but still could not get what she wanted? And if she does get it, what will happen next? Would the outcome be good or the opposite of what she expected? &n
Efraim's Point of View When I first transferred to Ravier University, mommy told me that she and daddy agreed to arrange for me to get married. At first, I had no idea who the girl was, but when I saw a woman who was exactly as mommy said 'almost-perfect-girl' I seemed to know who it was. She's my classmate and I can't take my eyes off her. Masuwerte pa ako dahil sa likod niya ako pinaupo ng prof namin. Her friends and other classmates approached me and the only one who ignored my presence was her. So, the thought of 'she hates nerdy guys' reached my mind. She hates me for being a 'nerd' . What more if she finds out that I will be his fiancé and husband in the future? From the looks of her, she's hard to approach so I didn't try to talk to her. I don't want to be scolded or anything. And
Jade's Point of View "Jade..." pinunasan niya ang luha niya at humarap sa akin. "Si Efraim..." "Anong n-nangyare?" nanginginig kong hinawakan ang balikat ni Roan. "Jade, si Efraim... Gising na si Efraim!" Umawang ang labi ko at dahan-dahang bumaba ang kamay ko mula sa braso ni Roan. Bumagsak ang luha ko dahil hindi makapaniwala sa sinasabi ni Roan. Paanong... Wala akong paalam na tumakbo palabas ng condo. Was it true? Gising na ba talaga si Efraim? Pagtunog ng elevator ay agad akong bumaba. Tumakbo ako papuntang parking pero naalala kong kay Jordan pala ang gamit na sasaky
Jade's Point of ViewMatapos ng araw na yun ay hindi na ako bumalik pa sa ospital. Hindi rin ako pumupunta ng Mansion at sa ngayon, narito ako sa condo ni Roan tumutuloy. Wala na akong balita kung ano na nga ba ang nangyari kay Efraim. I don't have any idea if Tita Arlene and Tito Robert continues what they want to do for Efraim.Dito muna rin tumutuloy sa condo ni Roan ang iba pa naming kaibigan. Hindi ko nga alam kung paano napilit ni Eurei ang makasama sa amin gayong strict masyado ang parents niya. But I'm happy that they're here for me - to accompany me. And I'm happy that we're together. Noong huling tuloy ko kasi dito 'di ba ay mag-isa lang ako? Kaya masaya ako na kasama ko sila dito."Want drinks?"Inabot ni Eurei sa akin ang
Jade's Point of ViewTulad nga ng napag-usapan, pumunta kami sa ospital para tignan ang kalagayan ni Efraim. At dahil bilang lamang ang pwedeng pumasok sa ICU, ako muna ang pinapasok nila. Hindi pa nga ako nakakalapit nang tumulo na agad ang luha ko.Nang hihina ako. Hindi ko na imagine na maa-aksidente at mangyayari ito kay Efraim nang dahil sa akin. Kung pwede lang palitan ko na siya sa higaan at kalagayan niya ay gagawin ko. Kaso, alam ko namang hindi pwede iyon mangyari.Naalala ko bago ako mawalan ng malay sa loob ng sasakyan nang gabing iyon. Niyakap niya ako para siguraduhin na magiging maayos ako pagtapos nun. Kahit na inaway ko siya ng gabing iyon, mas inisip niya parin ako. Hindi ko mapigilan ang guilt na namumutawi sa katawan ko. Pati ang galit sa sarili at
Jade's Point of View I can't imagine living without him now. I thought he's already fine? But, why does this happened... I rather die, too instead of being alive without him. It's passed 3PM since Efraim took to the ICU again. While me, stayed in his room for a while because it's my parents' wants. My friends were still here, glancing at me. I stood up. I can't wait any longer. I want to see Efraim now. I want to know his state. I'm scared. I am fucking scared, I might lose him. "Where do you plan to go, Jade?" Zaylee asked immediately as she saw me standing up. "I-I want to see Efraim now." I
Jade's Point of ViewDahan-dahan kong ibinuklat ang dalawa kong mata at ang unang bagay na bumungad sa akin ay ang puting kisame. Naramdaman ko na may nakahawak sa kanang kamay ko kaya tinignan ko iyon. Si Mama, she's sleeping beside me while holding my hands. I shifted my gaze to look around and that's when I realized that we're in the hospital.Anong ginagawa ko rito?Muli kong ipinikit ang mata ko at pilit inaalala ang nangyari;Pumunta ako sa company, may dalang pizza, pumasok sa isang kwarto, nakita ko si Efraim na may kahalikan, hinila niya ako, nagtalo kami, pinaandar niya ang sasakyan hanggang sa nagpumilit ako bumama. May nakakasilaw na bagay, isang truck, pag-alog ng malakas ng sasakyan, pagyakap sa akin ni
Jade's Point of ViewKinaumagahan ay mabigat ang talukap ng aking mata nang ako'y gumising. Kahit sobrang sakit ng mata ay pinilit kong dumilat. Inabot ko ang phone ko at nakitang 6AM na, kailangan ko na maghanda para sa pagpasok.Dumiretso ako sa banyo at nagtagal doon ng trenta minutos. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba at dumiretso sa dining, naabutan ko doon si Sarah na naghahanda ng pagkain sa lamesa."Si Efraim?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot. Because half of me was hoping that he's still here."Ay, nauna na pong umalis ma'am,"Tumango na lamang ako at umupo para kumain. Nang magsimula ako ay umalis na rin si Sarah. Hindi na ako nagtagal
Jade's Point of ViewWeeks past after I talked to Mom, Dad and Mama. From now on, I'll call Maddy my Mama. Hindi ako sanay pero alam kong masasanay rin ako.And as for Efraim, he didn't leave me for one week straight. He take good care of me and look after me. My friends were so happy that time and I am, too. But today was different. It's Valentines Day and Efraim wasn't with me. He's busy for their shoot kababalik niya lang din kasi doon kaya full time siguro siya doon ngayon. It's okay, though. I'll wait for him later. I'll text him to come home for tonight and I'll set our date at home. Uutusan ko na lang sina Manang."Hay, kung kailan naman valentines wala si Efraim." nagkalumbaba si Kinsley at nakatingin sa malayo.