Allison POV
"Hello?" sagot ko sa unknown number na tumatawag.
"Hello, Miss Reinhart! I'm looking for accountant that can help me submit my tax return," panimula niya. Kumunot ang noo ko. "It's my first time I'm doing it so.. I don't have idea kung saan ako magsisimula. Don't worry, I'll pay your service if you're able to assist," dagdag niya pa.
Muntik na akong mahilo dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "Hello? Who are you? I'm a Reinhart but I'm not an accountan—oh!" Naalala ko ang kapatid ko. "Are you looking for Alleya Brielle Reinhart? Mali ang natawagan niyo." Nakairap na sabi ko. "I will send you her number," dagdag ko at pinatay ang tawag.
Pumasok na ako sa loob ng bahay pagkasend ko ng number ni Brielle. Dumiretso ako sa kusina dahil alam kong naroon si Brielle, malamang na puro pagb-bake lang ang ginagawa niya ngayon since nandito lang siya sa bahay. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko siyang nakayuko sa oven at m
Allison POV"How can I help you?"Natulala lako sa mukha ni Jazzer. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at maging pagbuka ng bibig ko ay hindi ko magawa. Pinakatitigan ko si Jazzer at agad kong napansin ang malaking pagbabago niya.Halos nakatingala na ako sa kaniya dahil mas tumangkad na siya ngayon, hanggang dibdib niya lamang ang tangkad ko. Nakasuot siya ng white coat gaya ng ibang doctor. He's wearing a short-sleeved shirt inside it at jeans ang pang-ibaba. Nakaka-intimidate ang aura niya.Ilang ulit akong napalunok. I'm not suppose to feel like this. More than six year ko na siyang hindi nakikita kaya dapat ay naka-move on na ako. No feeling attached."Miss Barcenas?"Umiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at pilit inalis ang kabang gumagapang sa katawan ko. Saglit ako yumuko, saka ko muling sinalubong ang kaniyang mga mata."I'm a Reinhart," mariing sagot ko. "Hindi Barcenas."Nawala ang ngisi sa labi n
Allison POV1 week akong nagstay dito sa cebu bago ako bumalik ng Manila para puntahan si Brielle. May condo na naman ako dito malapit sa restaurant kaya kahit dito pa ako tumira. Assisstant manager ko si Russel kung kaya't nakakadikit siya sa akin, nakatira rin siya malapit sa condo ko. Hinayaan ko na lang. Mukhang mababaliw yata ang gagong iyon kapag hindi natupad ang pinag-usapan namin."Ateeee!" Tumili agad si Brielle pagkababa ko ng sasakyan. Nakasuot na siya ng formal gown at nakakulot ang buhok. Sabik siyang tumakbo palapit sa akin. "Bakit hindi ka pa nakaayos? Diba, sabi ko ngayon tayo aalis? Kahit kailan ang bagal mo kumilos.""Bakit ba kasi ang bilis? Ako pa talaga ang mabagal, ha?""Shut up, Ate. Magbihis ka na!" Hinila niya ng mabilis ang kamay ko at ipinagtulakan ako papasok sa loob. Pilit kong inalis ang pagkakawak niya sa akin. Bumitaw naman siya no'ng samaan ko na siya ng tingin. Nakanguso siyang lumayo."Ate Brielle?"
Allison POV"I-i'm sorry," bulong ko habang nakatakip pa rin ang dalawang palad sa mukha.Pakiramdam ko ay sobrang tanga ko na sa puntong hindi ko sila kayang harapin. Hindi ko mapigilang mapaiyak. Ang tagal kong nagtanim ng sama sa kaibigan ko at ngayon ay malalaman kong nagkakamali pala ako. Wala nang mas tatanga pa sa katangahan ko dahil sobra-sobra pa ang sa akin.Hindi ako nagtiwala sa kanila. They don't deserve me.Naramdaman ko ang pagtayo ni Cassandra at sandali lang ay nasa tabi ko na siya. Sumunod din si Angel at Kaye Ann na nasa magkabilang gilid ko naman. Nanatili lang silang tahimik."Maybe, let's just move on?" alanganing tanong ni Kaye Ann.Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Nagulat pa ako nang makitang nasa akin ang paningin nilang lahat. Napalunok ako. Tumingin ako kay Cassandra at nakitang tahimik lang din siya."Mamaya na tayo mag-move on," sarkastikong sabi niya. "Pagsalitain niyo muna si Allison. Bak
Allison POV"Honey, tara na," naiinip na turan ni Trisha. Natawa tuloy si Jazzer at pinisil ang pisngi nito."Fine."Saglit akong tiningnan ni Jazzer para magpaalam bago sila tumalikod. Naglakad na sila papunta sa kabilang table. Tumatawa si Jazzer habang nakasimangot si Trisha na parang inaasar ito. Nanikip ang dibdib ko at umiwas ng tingin.Hindi ko maintindihan ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay naisahan ako. Naalala ko ang sinabi ni Angel tungkol sa kanilang dalawa. Mapakla akong napatawa. Bakit ba nakalimutan ko 'yon?Tinanaw ko si Jazzer. Pinaglalaruan niya ba ako? Bakit niya ako hahalikan kung gano'ng may girlfriend na pala siya?Mabilis akong tumayo. Lumapit ako kay tita Caitlyn at tinanong kung saan ang banyo. Dali-dali akong pumasok doon pagkaturo niya. Nag-lock ako isang cubicle. Tinakpan ko ang bowl para makaupo ako roon. Doon sunod-sunod na tumulo ang luha ko ko. Paulit-ulit ko iyong pinunasan pero hindi &
Allison POV"Mateo, saan ka ba nanggaling?" Tumakbo kaagad ako palapit sa kapatid ko at mahipit siyang niyakap. Nabitiwan ko ang hawak kong sling bag.Suminghal siya. Hinawakan niya ang balikat ko at inis akong itinulak palayo. Puno ng pag-alalang nilapitan ko pa rin siya. Hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng aalis na lang siya bigla nang hindi inaalala ang mga taong nakapaligid at nag-aalala sa kaniya."Tss. Bakit ba?" iritadong tanong niya. "It’s Shane’s birthday! What do you expect from me?"Natigilan siya matapos isigaw iyon, animo’y hindi inaasahan. Matagal akong napatitig kay Mateo bago nagsink-in sa akin ang sinabi niya. Napaawang ang labi ko at ilang ulit napalunok. Mabilis siyang tumalikod sa akin pero bago iyon ay nakita ko pa kung paano siya pamulahan ng mukha.What the hell, Mateo?!"Nakikipag-usap ka pa rin sa kaniya? Still now?" gulat na tanong ko. Tumakbo siya pataas para umiwas pero dali-dali ko s
Allison POVWala akong nagawa. Umakyat ako sa taas at diretsong tumungo sa pinto ng kwarto ni Jazzer. Ilang ulit akong bumuntong-hininga. Nang makampante ay lakas loob ko iyong binuksan. Bumungad sa akin ang maaliwalas na kwarto ni Jazzer.Walang aircon sa loob kaya sariwang hangin ang sumalubong sa balat ko. Nakabukas kasi ang malaking bintana na nasa gilid ng kama niya, doon nagmumula ang liwanag. Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto para hanapin si Jazzer pero hindi ko siya nakita. Mabuti na lang hindi ako kumatok dahil tiyak na wala rin palang tutugon.Napatingin ako sa pinto ng bathroom dahil nakarinig ako ng lumalagaslas na tubig mula sa loob. Napangiwi ako, nagkaroon na ng ideya. Mukhang naliligo pa siya."Buti na lang," bulong ko at naglakad palapit sa kama. Ipinatong ko roon ang paperbag na dala ko.Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto ni Jazzer. Laking gulat ko nang makita ang mga litratong nakadikit sa dingding. Bumil
Allison POVMatapos ang isang oras ay nagpaalam na rin naman sina Cassamdra kaya naiwan ako ritong mag-isa. Hinintay ko munang dumating ang alas kuwatro bago umuwi sa condo ko. Dumaan pa ako saglit sa isang bar at bumili ng maraming alcoholic drinks. Nakasabay ko si Russel sa elevator, mukhang pauwi na rin. Dinaanan ko lang siya ng tingin na ikinangiti niya."Ano 'yang dala mo? Ang agap mong umuwi, ah?" tanong niya niya, inakbayan ako."Shhh," tanging nasabi ko. Mag-iingay na naman ang isang ito."Mag-iinom ka?" Kumunot ang noo ni Russel nang mapatingin sa bitbit ko. Agad kong itinago ang mga alak sa likuran ko, umiwas ng tingin. "May problema ka ba? Bakit ka mag-iinom—aish! Pasama naman!" reklamo niya.Napailing lang ako.Pagdating sa floor ko ay lumabas na ako ng elevator. Tuloy-tuloy akong naglakad bagaman ramdam ko ang pagsunod sa akin ni Russel. May sinasabi siya sa akin pero hindi ko iyon pinakinggan. Hinarap ko lan
Allison POVNanatili akong nakasandal sa gilid ng hagdan, nakapikit ang mga mata. Pilit kong nilalabanan ang antok at minsan pang napatuon sa sahig dahil pakiramdam ko ay matutumba ako. Umiikot ang aking paningin. Shit! Hindi ako pwedeng matulog. Kailangan kong hintayin si Jazzer.Paano kung wala siyang susi? Kawawa naman siya dahil hindi siya makakapasok!Ngumuso ako. Kahit bagsak na ang katawan ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Naglakad ako palapit sa pinto at bahagyang binuksan iyon. Para kapag dumating si Jazzer ay hindi niya na kailangang kumatok.Napahagikhik ako. I’m going to see him again! Ah! I want him so bad. Miss na miss ko na siya.Bumaling ako sa mini table. Muli akong napanguso nang makita ang boteng nagkalat doon. Muntik pa akong masuka dahil nagkalat doon ang mababahong suka, humalo sa pagkaing nasa platito at alak na natapon.