Share

Chapter 32:  Rampage

“Ano daw ang nangyari? Sino ba ang tumawag na iyon?” usisa ni Lorna kay Grace matapos tumawag si Jake. Hindi nito sinasadyang mapakinggan ang usapan nila pero dahil malapit lang ito sa office niya ay di na rin napigilan ang sariling magtanong.

“Si sir Jake, nagtatanong kung may ideya daw ba ko kung saan pwedeng pumunta si Arianne.” Matamlay niyang tugon.

Nakiumpok na rin si Marife at nangusisa. “Bakit? Ano’ng nangyari kay Arianne?"

Hindi naman niya ipinagkait ang sagot sa mga ito.

“Nawawala daw ang kaibigan natin. Tawag daw ng tawag si sir Jake pero hindi nito sinasagot ang cellphone."

‘What?” sabay na bulalas ng dalawa at napatakip ng bibig. “San naman pupunta si Arianne?”

Kumbit-balikat na lang siya dahil sa kawalan ng sagot. “Hindi ko rin alam. Kasi sa totoo lang, walang nabanggit si Arianne na may kamag-anak siya o kaibigan dito sa Cebu.”

Kapwa sila natahimik.

“Naireport na ba sa mga pulis ang nangyari kay Arianne?” sumingit si Celine sa usapan. Galing ito sa Stockroom pero nagulat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status