One week later.
"Felix, baka lumampas tayo sa paborito kong binibilhan, ha," paala ni Hudge sa driver niya habang nagbubuklat ito ng men's magazine at nakaupo sa backseat.
"Huwag kang mag-alala, Hudge, nakikita ko naman kung nasaan na tayo," sagot naman ng babaeng nasa harapan na katabi ng driver na si Felix.
Nakangiting ibinaba ni Hudge ang magazine na hawak. "Iyan ang gusto ko sa 'yo, Daisy, lahat ng gusto ko alam mo," ngiti niya rito.
"Nandito na tayo, Sir Hudge, Daisy," wika ni Felix makaraan ang ilang segundo.
"Felix, samahan mo na si Daisy, may iba pa kasi akong pinapabili sa kaniya para matulungan mo sa pagbitbit," wika ni Hudge.
Nang makababa na sina Felix at Daisy muli ng binuklat ni Hudge ang magazine na hawak.
Nasa gilid lang ng kalsada nakapark ang sasakyan na kinalululanan ni Hudge dahil nandoon sila sa palengke kung saan ay paborito ni Hudge ang magic gulaman na doon lamang itinitinda.
Si Hudge ay isa sa mga sexy actor na hinahawakan ng Shining Stars na pag-aari naman ni Vin. Bukod kay Hudge, sina Divino at Sergio ay isa rin sa mga sexy actors ng Shining Stars. Si Gerdon naman ay isa sa mga talent managers. Silang lima ay magkakaibagan. Si Divino ay pinsang buo ni Vin.
Nagsisimulang mag-init ang pakiramdam ni Hudge dahil sa hawak na men's magazine nang biglang may kumatok sa bintana ng kotseng kinalululanan niya. Napakunot noo siya dahil isang babaeng pulubi ang pilit na sumisilip sa tinted na salamin. Dali-dali niyang kinuha ang shades at sombrero niya dahil tiyak na makikilala siya ng pulubi. Alam niyang kahit mga pulubi ay tiyak na nakakapanood din ang mga ito ng TV. Nakailang guestings na rin siya kaya kalat din ang mukha niya sa telebisyon.
Kinatok ni Hudge ng dalawang beses ang bintana bilang pagtataboy sa babaeng pulubi ngunit mas lalo namang idinikit ng pulubi ang mukha sa salamin. Naging wrong move siya dahil doon. Nanlimos na kasi ang pulubi sa kaniya nang makitang may tao sa loob ng sasakyan.
Napabuntonghinininga si Hudge. Medyo matagal pa ang balik nina Felix at Daisy kaya naman nagpasya siyang abutan na lamang ng pera ang pulubi. Ibinaba niya nang bahagya ang salamin at saka nag-abot ng limang daang piso rito. Wala kasi siyang smaller bill at barya kaya naman iyon ang inabot niya at wala namang kaso iyon sa kaniya. Subalit natigilan siya nang matitigan ang pulubi. Maganda ito at saka niya napansin ang napakagandang brown eyes ng babae. Madungis ang pulubi ngunit tiyak niyang maganda ito. Saka niya pinasadahan ang kabuoan ng pulubi at aaminin niyang may maganda rin itong katawan.
"Thank you, po..." Nangniningning ang mga matang wika ng pulubi kay Hudge at kaagad na itong umalis.
"Teka!" Hindi namalayan ni Hudge na pinipigilan niya pala ang pulubing umalis.
Ngunit hindi yata narinig ng pulubi ang boses ni Hudge kaya naman walang pagdadalawang isip na bumaba ito upang habulin ang pulubi. Hindi siya masyadong nag-alala na may makakilala sa kaniya sapagkat naka-shades siya at puting sombrero.
"Miss, teka lang," habol ni Hudge sa pulubi.
Doon sandaling huminto ang pulubi at tiningnan siya. Akala ng pulubi ay babawiin ni Hudge ang limang daan dahil malaki iyon kaya naman tumakbo ito nang mabilis.
"Sandali!" Muling sigaw ni Hudge at hinabol niya ang pulubi.
Natagpuan ni Hudge ang sarili sa isang masikip at mabahong lugar. Isang tambakan ng basura. Doon tumakbo ang pulubi at nagkataong dead end na iyon.
"I-Ibinigay m-mo na ito, eh... B-Bakit mo pa b-babawiin?" Malamlam ang mga matang tanong ng pulubi.
Napangiti naman si Hudge sa nakitang reaksiyon ng pulubi.
"No, hindi ko iyan babawiin. I... I just..." Napalunok si Hudge. Hindi niya alam kung tama ba ang iniisip niya.
"Kung ganoon ay bakit mo ako hinabol!" Medyo tumaas ang boses na tanong ng pulubi.
Nagpakawala muli ng isang buntonghininga si Hudge. "C-Can I talk to you for a while?"
"H-Hindi ako nakakaintindi masyado ng ingles..." Alanganing saad ng pulubi.
"Ah... Sorry," napakamot sa ulong wika ni Hudge.
"Ano ba talagang dahilan at hinabol mo ako?" Tanong ng pulubi at mas humigpit pa ang hawak nito sa limang daang nasa palad nito.
"Uhmm... T-Taong kalye ka, di ba? I mean... Ah, ibig kong sabihin, wala kang tirahan, tama?" Napangiwi si Hudge. Hindi niya alam kung tama ba ang paraan ng pakikipag-usap niya sa pulubi.
"Nakikita mo namang namamalimos ako kaya bakit ka pa nagtatanong? Halata naman sa itsura at ayos ko..." Mahinang sagot ng pulubi.
"Yeah, that's right..." Bulong ni Hudge sa sarili.
"Ha?" May pagtatakang reaksiyon ng pulubi dahil hindi nito narinig ang sinabi ni Hudge.
"May i-o-offer ako sa 'yo... Huwag ka munang tumanggi, hayaan mong magkausap muna tayo nang mabuti. Malaking pera ito at makakatulong sa buhay mo..." Deretsahan ng alok ni Hudge.
"H-Hindi ko tatanggihan kung totoong malaking pera ang sinasabi mo..." Walang kiyemeng tugon ng pulubi na unti-unti ng lumuwag ang pagkakahawak sa limang daang papel.
"All right, then... Saan kita puwedeng puntahan mamayang gabi? Hindi puwede ngayong maliwanag, baka sabihin ng mga tao iniiscam o niloloko kita dahil nga isa kang... Alam mo na," paliwanag ni Hudge.
"P-Puwede rito mamaya... Hindi masyadong matao rito lalo na sa gabi... Puwedeng dito mo na lang ako puntahan..." Sagot ng pulubi.
"Sure!" May excitement na tugon ni Hudge.
* * * *
"Hudge, bakit ba kanina ka pa hindi sumasagot at panay lang ang ngiti mo? At saka bakit ka pa nagpahatid ulit dito sa Shining Stars, eh, hindi naman dapat tayo rito pupunta at wala ka rin namang shooting o appointment kay Sir Vin."Nilingon at nginitian ni Hudge si Daisy. Nasa loob na sila ng elevator noon papunta sa opisina ni Vin na siyang may-ari ng Shining Stars na may hawak sa kaniya.
"Hudge!" Inis na tinampal ni Daisy sa balikat si Hudge.
"Basta. Mamaya na kita kukuwentuhan, kailangan ko lang munang makausap kaagad si Vin," sagot ni Hudge na natatawa sa reaksiyon ni Daisy.
Napairal na lamang si Daisy hanggang bumukas na ang elevator.
"Hintayin mo na lamang ako sa labas ng opisina ni Vin. Matinding pakiusap itong sasabihin ko sa kaniya kaya kailangan kong makumbinsi siya. Mas mabuting kaming dalawa lang para mas makulit ko siya," sabi ni Hudge kay Daisy.
Napa roll eyes na lamang si Daisy at padabog na nagpatiunang maglakad. Natawa na lamang muli si Hudge at nagmadali na itong pumasok sa opisina ni Vin.
"Hey, Vin!" Masayang bati kaagad ni Hudge sa amo niyang siya niya ring kaibigan.
Bumakas naman ang pagtataka sa mukha ni Vin, "Hudge?"
"Why? Para ka namang nakakita ng multo!" Pagbibiro ni Hudge.
"What are you doing here?" Tanong ni Vin na binitiwan muna ang mga dokumentong hawak na may kinalaman sa Shining Stars.
"What are those?" Sa halip na sumagot ay tanong ni Hudge bago ito naupo sa swivel chair na kaharap ng lamesa ni Vin.
Napangiti at napailing si Vin, "You already know what are these. Stop messing with me and tell me what favor it is?"
Natawa si Hudge. "Sinasabi ko na nga ba at alam mo ang mga galawan ko."
"Hindi ka papasok mag-isa rito sa opisina ko at this hour and without your P.A Daisy kung wala kang nais hilinging pabor sa akin," pagngiti ni Vin at kampante itong sumandal sa kaniyang swivel chair.
"I love you, bro!" Palatak ni Hudge.
"Huwag mong patayuin ang mga balahibo ko at baka hindi kita kausapin," natatawang ani Vin.
"Okay, fine... So, here it is," ipinatong ni Hudge ang dalawang kamay sa mesa ni Vin, "magdadalawang linggo ka ng naghahanap ng new face for Shining Stars, di ba? And base on your facial expression kaninang pagpasok ko rito, walang pumasa sa 'yong panlasa sa kapal ng mga dokumentong hawak mo. Lahat iyang ay rejected sa 'yo, tama ba?"
"Cut the chase, Hudge," iling ni Vin.
"I have someone... And I know papasa ito sa 'yo kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataong mapakilala siya sa 'yo," wika na ni Hudge.
"So, bakit di siya mag-audition nang malaman kung papasa nga siya sa akin? Bakit kailangan mo pang hingian ako ng pabor?" Pagtaas kilay ni Vin.
"Dahil isa siyang malaking sorpresa na wala muna dapat ibang makakita. Siguradong malaki ang kikitain ng company dito! Walang arte ito dahil kailangan niya talaga ng pera. Not like Emerald, sigurado akong big time ang kayang gawin nitong sinasabi ko!" May ningning at excitement sa mga matang pahayag ni Hudge.
Sandaling tinitigang mabuti ni Vin si Hudge at sa bandang huli ay um-oo na rin ito sa kaibigang aktor ng kaniyang kumpanya.
Nakamasid lang si Hudge habang pinagmamasdan ang pulubing dinala niya sa kaniyang bahay. Makikita ang paghanga sa mga mata ng babaeng pulubi habang inililibot ang paningin sa loob ng kaniyang malaking bahay."Sige na, maligo at magbihis ka na muna. Saka ko sasabihin sa 'yo iyong offer kapag okay ka na. Just remember, puwede kang tumanggi at wala akong hihingiing kapalit para riyan sa mga pinamili ko sa 'yong mga damit, bag, at sapatos," untag ni Hudge sa babae.Mahinang tumango ang babae habang hawak ang ilang paper bags na iniabot sa kaniya ni Hudge."Wait, kanina pa tayo nag-uusap pero hindi ko pa pala naitatanong ang pangalan mo," nakangiting ani Hudge.Nahihiya namang sumagot ang babae, "P-Pamela...""Hmm... Not a bad name, Pamela..." Komento ni Hudge. "Sige na, doon ang banyo," pagkuwa'y turo nito sa direksiyon kung nasaan ang banyo.Naglakad na nga si Pamela papunta sa direksiyong itinuro ni Hudge.Nang makapasok na sa banyo si Pamela ay kaagad na inilabas ni Hudge ang kaniyang
Nakasimangot na naglakad palayo si Pamela sa puting kotseng nilapitan niya ngunit sinigawan lang siya ng driver nito."Wala na talaga akong nakitang puting kotseng mabait ang may-ari!" Paghihimutok niya."Magkano kinita mo?"Pabagsak na naupo si Pamela sa sementong may sapin na karton."May nangyari na naman ba? Nabastos ka na naman ba?" Matigas na tanong ng lalaking kumakausap kay Pamela na kapareho rin nitong nanlilimos sa lansangan."Wala..." Mahina at inis na sagot ni Pamela."Eh, ano ngang nangyari bakit ka nakasimangot?" Tanong muli ng lalaki."Nakakainis kasi! Ang sasama ng ugali ng mga nakakotseng hinihingian ko!" Pasigaw ng sagot ni Pamela habang kumakamot sa ulo nito."Hoy, Pamela! Eto may nalimos akong limang piso ibili mo na nga lang ng shampoo para naman mawala na ‘yang tigas ng buhok mo!"Sabay na napalingon sina Pamela at ang lalaki sa nagsalita."Ma, huwag mo ng pagalitan si Pamela at badtrip pa nga 'yan," natatawa namang sagot ng lalaki."Kuya Bobot, bahala ka na muna
Napaatras si Pamela palayo sa lalaking nasa harapan niya."Paano ka nakapasok dito? Sa itsura mo pa lang, alam ko ng isa kang..." hindi na itinuloy ng lalaki ang nais sabihin."H-hindi ko sinasadyang mapunta rito..." paglunok ni Pamela. Malikot na rin ang isipan nito kung paano makakatakas sa lalaki nang hindi nababawi ang mga nakuha niya roon."That's my friend's bag..." kunot-noong saad ng lalaki habang nakatingin sa bag na yakap-yakap ni Pamela.Mas lalong naalarma si Pamela. Hindi puwedeng mawala sa kaniya ang napagplanuhan niya na. Gagamitin niya iyon upang tuluyan na silang mawala sa lansangan."Give it back, miss," may awtorisasyon sa boses na wika ng lalaki.Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ni Pamela. Iyon na nga ang ikinatatakot niya. Ang mabawi sa kaniya ang mga iyon.Bumuntonghininga ang lalaki. "Ibalik mo na sa akin ang mga iyan, miss, at palalabasin kita rito nang hindi isinusumbong doon sa ninakawan mong kaibigan ko," mahinahon nitong sabi."Ayoko!" tigas namang sagot

One week later."Felix, baka lumampas tayo sa paborito kong binibilhan, ha," paala ni Hudge sa driver niya habang nagbubuklat ito ng men's magazine at nakaupo sa backseat."Huwag kang mag-alala, Hudge, nakikita ko naman kung nasaan na tayo," sagot naman ng babaeng nasa harapan na katabi ng driver na si Felix.Nakangiting ibinaba ni Hudge ang magazine na hawak. "Iyan ang gusto ko sa 'yo, Daisy, lahat ng gusto ko alam mo," ngiti niya rito."Nandito na tayo, Sir Hudge, Daisy," wika ni Felix makaraan ang ilang segundo."Felix, samahan mo na si Daisy, may iba pa kasi akong pinapabili sa kaniya para matulungan mo sa pagbitbit," wika ni Hudge.Nang makababa na sina Felix at Daisy muli ng binuklat ni Hudge ang magazine na hawak.Nasa gilid lang ng kalsada nakapark ang sasakyan na kinalululanan ni Hudge dahil nandoon sila sa palengke kung saan ay paborito ni Hudge ang magic gulaman na doon lamang itinitinda.Si Hudge ay isa sa mga sexy actor na hinahawakan ng Shining Stars na pag-aari naman ni