Anong gusto mong pag-usapan natin?” Tanong ni Samanthan kay Nancy nang makaupo sila sa loob nang coffee shop. Ilang sandaling natigilan si Nancy at nakatingin lang sa dalaga bago nito maisipang magsalita. “Hindi na ako pagpapaligoy-ligoy pa.” panimula ni Nancy. Natuon naman ang atensyon ni Samantha sa dalaga. “Gusto kong hiwalayan mo si Drake.” wika pa nito kay Samantha. Hindi naman gulat si Samantha sa sinabi nang dalaga. Hindi na siya nagtataka kung gusto mo man nitong maghiwalay sila. O layuan niya si Drake.“Hindi ko alam kung anong dahilan mo kung bakit mo piniling si Drake an pakasalan ang daming pwede diyan. Sa impluwensya nang pamilya mo. Pwede mong pakasalan kahit sino. Bakit si Drake pa! Alam mong magkasintahan kami.”“Excuse me? Magkasintahan?” Sakristong tanong nang dalaga. “The last time I check. Naghiwalay kayo matagalan na and you are even engage to someone else.” Wika nang dalaga. Hindi naman nagsalita si Nancy. Totoo naman ang sinabi ni Samantha. Naging engage siya
Natigilan si Samantha nang makita si Drake na pumasok sa coffee shop. Hindi siya agad na kita nang binata dahil nakatuon sa mesa nil ani Nancy ang mga mata nito. Lalapit sana siya sa binata pero bigla siyang natigilan nang makitang maglakad ang binata papalapit kay Nancy.Napakagat lang nang labi ang dalaga habang may kirot sa dibdib niya dahil sa Nakita. Lalo pang nadagdagan ang kirot sa dibdib nang dalaga nang makitang agad na niyakap ni Nancy ang binata nang makalapit ito. Nang yumakap si Nancy sa binata tumingin ito sa direksyon niya saka sakristong ngumiti. Para bang sinasabi na sa kanya parin kakampi si Drake kahit na anong gawin ni Samantha.Samantha averted her eyes saka nagdesisyong umalis. Wala naman siyang magagawa kung si Nancy pa rin ang kakampihan ni Drake. Kahit dalawang beses na siyang iniiwan ni Nancy sa ere. She is quite sure na si Nancy pa rin ang laman nang puso’t isip nito.That’s stupid. Napamurang wika n
Biglang natigilan si Drake nang marinig ang sinabi nang salesclerk na pumasok. Pakiramdam niya bigla siyang binuhusan nang malamig na tubig sa kinatatayuan niya dahil sa narinig. Ayaw niyang mag-isip nang masama kaya lang biglang pumasok sa isip niya si Samantha. Bigla ding pumasok sa isip niya ang mga sandaling tila takot tumawid nang kalsada ang dalaga.“Drake.” biglang wika ni Nancy saka hinawakan ang kamay nang binata nang bigla itong umaktong aalis.“I’m sorry.” Yun lang ang sinabi ni Drake saka tinanggal ang kamay ni Nancy na nakahawak sa kamay niya saka walang pasabing lumabas nang coffee shop. Naiwan namang tigalgal ang dalaga habang nakatingin sa Binatang nagmamadaling lumabas sa coffee shop. Hindi ito nagdalawang isip na sundan si Samantha kahit na panay ang pakiusap niya. Kahit hindi naman sila sigurado kung ito na ang naaksidente hindi nagdalawang isip ang binata para puntahan ito. Napakuyom nang kamao si Nancy nang mak
"Akala ko naaksidente kana.” Wika ni Drake na nag-aalala sa dalaga saka hinawakan ang pisngi nito. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. Tama ba ang nakikita niya? Nag-aalala ito sa kanya? Hindi ba si Nancy ang pinuntahan niya sa coffee shop?“Oh bakit ganyan ka makatingin?” tanong ni Binata sa dalaga habang nakatingin dito. “Nagtataka lang ako. Bakit ka nandito? Hindi ba pinuntahan mo si Nancy? Nakita mo siguro ang nangyari. Alam ko namang siya ang kakampihan mo.” Wika nang dalaga saka lumayo nang bahagya kay Drake. “Bakit mo naisip na si Nancy ang pinuntahan ko?” tanong nang binata.“Hindi ba? Alam ko naman na siya pa rin ang gusto mo. Nakita mo ang gina-----” natigilang wika nang dalaga na mapagtantong basa siya. Nakalimutan niyang naligo nga pala siya nang malamig na kape.“Nakita ko.” Wika nang binata saka hibubad ang suot na polo at inilagay sa dalaga. “Alam kung may pagkaconceited ka at spoiled brat. And hindi ko maintindihan kung bakit tinanggap mo lang ang malamig na
"Okay ka lang ba?” tanong ni Lee na lumapit sa dalaga habang nasa kusina ito at tumutulong sa mga kasambahay nila maghanda nang dinner para sa birthday celebration nang lolo niya. Naisip nilang mag celebrate nang maaga dahil papaalis ang mga kapatid nang lolo niya at baka wala sial sa kaarawan nito. Nakatakda ding magpunta sa ibang bansa ang lolo niya at Lee para sa isang business trip. Naabutan ni Lee ang dalaga na nakatungo ang ulo sa mesa. Kanina lang masigla pa itong umalis.Ngunit nang bumalik ang dalaga para na itong nawalan nang buhay. Bagay na ipinagtaka nila ni Simone. Bukod doon bumalik din itong basa at amoy kape.“Lee ikaw pala.” Mahinang wika ni Samantha saka nag-angat nang tingin. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Mukhang hindi lang ito matamlay napansin din niya ang tila maputla nitong mukha.“Sandali nga. May sakit ka ba?” tanong ni Lee saka lumapit sa dalaga saka kinapa ang noo nito. Nang ilapat niya an
"Okay ka lang ba apo?” tanong ni Leandro nang mapansin na tila matamlay si Samantha. Masaya siya sa inihanda nang apo niya. Ngunit napansin niyang tila matamlay dalaga. Alam din niyang inagahan nito ang selebrasyon para sa kaarawan niya dahil sa aalis sila ni Lee nang bansa. “Okay lang ako lolo. Nagustuhan mo ba ang handa?” tanong nang dalaga at sinubukang ngumiti. “Oo naman. Maraming salamat.” Wika nito saka hinalikan sa ulo ang apo. Napatingin ang matanda kat Drake na nasa di kalayuan at nag-iisa. Alam niyang hindi pa ito sanay na makipaghalo-bilo sa mga kapatid niya lalo na at walang ibang ginawa ang dalawa kundi parating punahin ang mga binata at pamilya nito.“Mainit ka yata. May sakit ka ba?” tanong ni Leandro nang maramdamang tila may lagnat ang apo. “Uminom na ako nang Kanina. Baka maya-maya okay na din ako.” Wika nang dalaga. “Maaga ka ring magpahinga ngayon.” Wika pa nang matanda. Saka muling napatingin sa binata. “Mukhang hindi siya masasanay sa pamilya natin.” Wika ni
"At naisipan mo pang umuwi dito. Nakikita mo ba ang sitwasyon namin? Habang ikaw nagpapakasarap sa syudad kami naman dito halos mag dildil na lamang nang asin! Nagpunta kaba dito para tingnan kung buhay pa kami?!” Asik nang isang ginang nang pumasok si Nancy sa kanilang bahay sa isang squatters' area. Ito ang isang katotohanang hindi niya masabi kay Drake. At isang bagay na naging dahilan kung bakit niya noon iniwan ang binata. Nang mga panahong iyon nalaman niyang, hindi naman pala siya tunay na anak nang kinikilala niyang pamilya. Anak siya nang papa niya sa isang kasambahay nila. Hindi magawang mabuntis nang asawa nito kaya naman binaling nang papa niya ang pagtingin sa noon at kasambahay nila, ang tunay niyang mama. Nang mabuntis ang mama niya. Nalaman iyon nang asawa nang papa ni Nancy. Dahil hindi siya magkakaroon nang anak tinakot nito ang tunay na nanay na ipapakulong kapag hindi nito ginawa ang sasabihin niya.Dahil kailangan din ng pera nang tunay na mama ni Nancy nang mga p
"Anong lugar ito?” tanong ni Nancy sa kanyang kapatid nang dalhin siya nito sa isang mataong lugar nang pumasok sila maraming mga lalaking lasing siyang nakita na kalong-kalong ang mga babae habang umiinom ang iba ay nagpapahalik pa sa iba’t-ibang bahagi nang katawan nila.“Ano ang lugar na ito? Bakit dito mo ako dinala?” Tanong ni Nancy sa kapatid niya ngunit sa halip na sagutin siya nito dumiretso ito sa paglalakad patungo sa isang lalaking nasa early 40’s na ata nito.“Oh Lucas! Ang tagal nating hindi nagkita nagustuhan mo ba ang ibinigay ko saiyo sariwa hindi ba?” tanong nito kay Lucio.Lucas? Sariwa? Takang wika nang isip ni Nancy saka napatingin sa kapatid niya saka biglang naisip ang dalagang hubad na nakahiga sa kama niya. Napakagat siya labi at napakuyom nang kamao. Paanong naging ganito baba ang buhay nang kuya niya. Matatanggap niyang batugan ito ngunit ang umaktong ganito ang sirain ang buhay nang isang estudyante ay hindi niya matatanggap. Ano bang iniisip niya at pumayag
Naningkit lang ang mata ni Drake sa narinig mula sa lalaki. Mukhang iniisip pa nitong siya ang tama nang mga sandaling iyon at ang ginawa niya ang dapat gawin sa ganoong sitwasyon. He can only imagine kung gaano ka takot si Samantha nang mga sandaling iyon.“Wala akong pakiaalam sa sinasabi mo. Lubayan mo ako. Ako mismo ang tatapos sa tangang driver na yan.” Wika nang lalaki saka inagaw ang kamay sa binata. Pilit pa ring binubuksan nang lalaki ang pinto nang sasakyan ni Samantha. Mariing napakuyom nang kamao si Drake dahil sa labis na inis.“We should settle this sa presinto. Hindi mo kailangang maghuramintado. Hindi natin alam baka nasaktan din ang nasa loob nang kotse.” Wika ni Drake at hinawakan ang kamay nang lalaki upang pigilan ito ngunit marahas lang na itinaboy nang lalaki ang kamay nang binata. Naningkit naman ang mata ni Drak dahil sa inasal nang lalaki. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit.“Huwag ka sabing makialam, baka ikaw ang
Ang naging pag-uusap nina Simone at Samantha ang nasa isip ng dalaga dahilan kung bakit siya tila wala sa isip at siyang naging dahilan nang mangyari ang aksidente. Ilang sandaling nakatingin ang dalaga sa nabangga niya. “Oh No! What have I done? Did I kill him?” Kinakabahan na wika ni Samantha nang makabawi mula sa pagkakabigla saka napatingin sa side mirror niya upang tingnan ang lalaking tumilapon. Nang makita niyang bumangon ang lalaki agad niyang iginilid ang sasakyan upang puntahan ang lalaki at tingnan kung okay lang ito. Nakita niya mula sa side mirror nang sasakyan na nakatayo na ang lalaki. Bababa na sana siya para kausapin ito nang bigla makita ang lalaki galit at naglabas nang baril mula sa likod. Dahil sa takot agad niyang ini-lock ang pinto nang sasakyan. Hindi naman niya inaasahang may dala pala itong baril.“Lumabas ka diyan!” galit na wika nang lalaki saka sinipa ang pinto nang sasakyan niya. “Walang hiya ka! Gusto mo ba akong patayin! Marunog ka bang magmaniho. Lum
AH!” biglang wika ni Samantha saka inapakan nang bigla ang preno nang sasakyan. Nakita niya ang isang motorsiklo na sumalpok sa harap nang sasakyan niya. Nakita din niyang tumilapon ang motor at ang driver nito. Tumama pa ang likod nang driver sa isang poste habang ang motor naman nito ay muntik nang makatama nang isang naglalakad na babae mabuti na lamang at nakaiwas ito. Natigilan si Samantha sa nakita niya. Wala ba siya sa sarili niya habang nagmamaneho? Hindi ba niya nakita ang motor? Hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam niyang malayo ang tinatakbo nang isip niya habang nagmamaneho pero alam din naman niyang hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang motor. Kagagaling lang niya noon sa hospital dahil pinapunta siya ni Simone. Dahilan siguro iyon kung bakit malayo ang tinatakabo nang isip niya. “You know what this means Sam right?” ani Simone na ipinakita sa kanya ang MRI Scan. May regular checkup siya to make sure na wala nang komplikasyon mula sa dati niyang sakit ka
"Mukhang masaya ka ngayon.” Wika ni Miguel nang dalawin siya ni Drake sa kulungan. Ang tawag na natanggap niya noong nasa Ibang bansa sila ay mula kay Juno. Sinabi nitong gusto siyang makausap nang tito Miguel niya at kahit na nasa kulungan na ito hindi parin ito tumitigil sa panggugulo sa kanila. Pinadala pa nito ang anak niya sa opisina nila at sinabing magsasampa sila nang kontra demanda sa binata dahil sa ginawa nito kay Miguel. Pamilya sila pero pangalawang beses na nitong pinakukulong si Miguel. Bukod doon, mukhang ang mga kapatid ni Leandro ay hindi parin nagtitiwala kay Drake. They are digging up kung paano nagawang mapalago ni Drake ang business niya ina short span of time. May hinala si Juno na may kinalaman si Miguel sa mga ito. Ilan din sa mga investor’s nila ay nagpupull out na dahil sa koneksyon nang mga kapatid ni Leandro.“Kumusta ang bakasyon niyo nang anak mo?” sakristong tanong ni Miguel sa binata.“Hindi ako nagpunta dito para e-kwento saiyo ang tungkol sa pamilya
Bago bumalik nang bansa Sina Samantha at Drake, sinulit muna nila ang oras na magkasama sila sa kanilang bakasyon. Lalo na at enjoy na enjoy si Sky sa mga pinupuntahan nilang lugar at kasama ang kanyang Dada. Napansin ni Samantha na lalong naging mas malapit sina Drake at Sky sa naging bakasyon nilang iyon. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ni Samantha bumabawi si Drake sa tatlong taong pagkakahiwalay nila. Ganoon din naman ang gusto niya. Maraming panahon na Nawala sa kanila. Hindi na mahalaga kung wala siyang naalala sa nakaraang ang mahalaga naman ay ang ngayon at bukas. “Good Morning.” Nakangiting wika ni Drake nang pumasok sa silid nila ni Samantha. Napatingin si Samantha sa asawa niya saka napangiti nang makita itong may dalang tray na may pagkain at white roses. Nagising siyang wala sa tabi nila si Sky ang binata. Hindi naman agad siya nakaalis sa kama dahil alam niyang maghahanap si Sky sa kanila kung magigising ito at wala itong katabi. “So, this is the rea
"Are you happy little guy?” Tanong ni Simone kay Sky nang ihatid nila ni Lee sina Samantha sa Airport. Ngayon ang alis nang tatlo papunta Rome. Hindi na sila tumutol ni Lee dahil nakikita naman nilang wala na ring silbi kung pipigilan nila si Samantha at Drake. Kahit na walang maalala si Samantha sa binata hindi maitatanggi na gusto pa rin ni Samantha ang binata at mukhang nakuha na ulit ni Drake ang tiwala ni Samantha. Nakikita nilang masaya na ulit si Samantha. Lalo na si Sky na kasama ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.“Take care of them.” Wika ni Lee kay Drake.“Don’t worry ako nang bahala sa mag-ina ko.” Wika pa ni Drake.“Bye Bye.” Malambing na wika ni Sky sa dalawang binata habang karga-karga ni Drake papasok sa departures area.“My love.” Isang boses ang narinig ni Samantha dahilan kung bakit siya napabalikwas nang bangon. Napatingin siya sa paligid. Nakita niya si Drake sa tabi niya habang kalong ang natutulog na si Sky na nakahiga sa dibdib nito. Talagang komportable
"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon.“Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha.“It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nang anak. “It would have been nice if you could open your heart to me again.” Wika ni Drake saka tumingin kay Samantha. Lihim namang napakagat nang labi nang dalaga saka napahawak nang mahigpit sa hawak n
"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito.“Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi ni Master Drake. dito niyo nalang siya hintayin. Pwede kayong pumasok sa study niya may mga hinanda siyang laruan para kay Sky.” Wika nito.“Toys.” Wika nang bata na biglang bumitaw sa kamay ni Samantha
“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars.“I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuwa dahil sa pagtanggap nang binata sa regalo niya. Napakagat lang nang labi si Samantha dahil sa alam niyang hindi maiintindihan ni Sky kung sasabihin niyang hindi naman si Drake ang ama nito. Pero ayaw d