"Okay ka lang ba?” tanong ni Lee na lumapit sa dalaga habang nasa kusina ito at tumutulong sa mga kasambahay nila maghanda nang dinner para sa birthday celebration nang lolo niya. Naisip nilang mag celebrate nang maaga dahil papaalis ang mga kapatid nang lolo niya at baka wala sial sa kaarawan nito. Nakatakda ding magpunta sa ibang bansa ang lolo niya at Lee para sa isang business trip. Naabutan ni Lee ang dalaga na nakatungo ang ulo sa mesa. Kanina lang masigla pa itong umalis.
Ngunit nang bumalik ang dalaga para na itong nawalan nang buhay. Bagay na ipinagtaka nila ni Simone. Bukod doon bumalik din itong basa at amoy kape.
“Lee ikaw pala.” Mahinang wika ni Samantha saka nag-angat nang tingin. Napatingin naman ang binata sa dalaga. Mukhang hindi lang ito matamlay napansin din niya ang tila maputla nitong mukha. “Sandali nga. May sakit ka ba?” tanong ni Lee saka lumapit sa dalaga saka kinapa ang noo nito. Nang ilapat niya an"Okay ka lang ba apo?” tanong ni Leandro nang mapansin na tila matamlay si Samantha. Masaya siya sa inihanda nang apo niya. Ngunit napansin niyang tila matamlay dalaga. Alam din niyang inagahan nito ang selebrasyon para sa kaarawan niya dahil sa aalis sila ni Lee nang bansa. “Okay lang ako lolo. Nagustuhan mo ba ang handa?” tanong nang dalaga at sinubukang ngumiti. “Oo naman. Maraming salamat.” Wika nito saka hinalikan sa ulo ang apo. Napatingin ang matanda kat Drake na nasa di kalayuan at nag-iisa. Alam niyang hindi pa ito sanay na makipaghalo-bilo sa mga kapatid niya lalo na at walang ibang ginawa ang dalawa kundi parating punahin ang mga binata at pamilya nito.“Mainit ka yata. May sakit ka ba?” tanong ni Leandro nang maramdamang tila may lagnat ang apo. “Uminom na ako nang Kanina. Baka maya-maya okay na din ako.” Wika nang dalaga. “Maaga ka ring magpahinga ngayon.” Wika pa nang matanda. Saka muling napatingin sa binata. “Mukhang hindi siya masasanay sa pamilya natin.” Wika ni
"At naisipan mo pang umuwi dito. Nakikita mo ba ang sitwasyon namin? Habang ikaw nagpapakasarap sa syudad kami naman dito halos mag dildil na lamang nang asin! Nagpunta kaba dito para tingnan kung buhay pa kami?!” Asik nang isang ginang nang pumasok si Nancy sa kanilang bahay sa isang squatters' area. Ito ang isang katotohanang hindi niya masabi kay Drake. At isang bagay na naging dahilan kung bakit niya noon iniwan ang binata. Nang mga panahong iyon nalaman niyang, hindi naman pala siya tunay na anak nang kinikilala niyang pamilya. Anak siya nang papa niya sa isang kasambahay nila. Hindi magawang mabuntis nang asawa nito kaya naman binaling nang papa niya ang pagtingin sa noon at kasambahay nila, ang tunay niyang mama. Nang mabuntis ang mama niya. Nalaman iyon nang asawa nang papa ni Nancy. Dahil hindi siya magkakaroon nang anak tinakot nito ang tunay na nanay na ipapakulong kapag hindi nito ginawa ang sasabihin niya.Dahil kailangan din ng pera nang tunay na mama ni Nancy nang mga p
"Anong lugar ito?” tanong ni Nancy sa kanyang kapatid nang dalhin siya nito sa isang mataong lugar nang pumasok sila maraming mga lalaking lasing siyang nakita na kalong-kalong ang mga babae habang umiinom ang iba ay nagpapahalik pa sa iba’t-ibang bahagi nang katawan nila.“Ano ang lugar na ito? Bakit dito mo ako dinala?” Tanong ni Nancy sa kapatid niya ngunit sa halip na sagutin siya nito dumiretso ito sa paglalakad patungo sa isang lalaking nasa early 40’s na ata nito.“Oh Lucas! Ang tagal nating hindi nagkita nagustuhan mo ba ang ibinigay ko saiyo sariwa hindi ba?” tanong nito kay Lucio.Lucas? Sariwa? Takang wika nang isip ni Nancy saka napatingin sa kapatid niya saka biglang naisip ang dalagang hubad na nakahiga sa kama niya. Napakagat siya labi at napakuyom nang kamao. Paanong naging ganito baba ang buhay nang kuya niya. Matatanggap niyang batugan ito ngunit ang umaktong ganito ang sirain ang buhay nang isang estudyante ay hindi niya matatanggap. Ano bang iniisip niya at pumayag
"Nancy!” Nag-aalalang wika ni Drake na dumating sa isang telephone booth. Ito ang lugar kung saan naghihintay sa kanya si Nancy. Habang nasa dinner siya nang pamilya ni Samantha nakatanggap siya nang tawag mula kay Nancy, bakas sa boses nito na takot na takot ang dalaga at humihingi nang tulong sa kanya. Nang marinig niya ang nanginginig na boses ni Nancy wala nang ibang tumatakbo sa utak niya kundi ang punatahan kaagad ang dalaga. .Nang makita niya ang dalaga sa yakap-yakap ang sarili sa loob nang telephone booth. Agad siyang nagmadali at puntahan ang dalaga. Nang marinig ni Nancy ang boses nang binata Nag-angat siya nang tingin. Nang makita niya ang Binatang nakatayo sa pinto nang telephone booth agad na tumayo si Nancy at niyakap ang binata saka walang tigil na umiyak. Natigilan si Drake nang bigla siyang yakapin ni Nancy. Hindi niya alam kung anong nangyari at kung bakit ganoon ang ayos nang dalaga pero isa lang ang alam niya nang mga sandaling iyon. Kailangan siya
"Sam, apo. Gising kana." nag-aalalang wika nang matanda saka nilapitan ang apo at agad na niyakap. Nang mawalan ito nang malay agad nilang dinala sa hospital ang dalaga. Sobrang taas nang lagnat nito at halos buong magdamag na nagbantay ang sina Simone sa dalaga dahil hindi agad na bumaba ang temperature nang dalaga. Magdamag din nilang hindi na kontak si Drake at hindi rin ito umuwi sa bahay nila kaya naman hindi nito alam kung anong nangyari sa asawa niya.“Apo, okay ka na ba? Mabuti na ba ang pakramdam mo?” tanong nang matanda sa dalaga. Nabigla si Leandro nang makita ang ekspresyon ng mukha nang apo niya. Bigla siyang napaatras at napatingin dito. Nakatingin sa kanya si Samantha ngunit tila blanko ang ekspresyon nang mukha nito. Para itong nakatingin sa kanya na para bang hindi alam kung sino ang nasa harap niya.“Sam.” Anas nang matanda habang nakatingin sa mukha nang dalaga. Nangyari na rin ito dati. Na tila ba parang walang nakikila
“Kapag sinabi ko saiyong may sakit ako. At hindi na magtatagal ang buhay ko. Maawa ka bas a ‘kin?” seryosong tanong nang binata habang nakatingin sa Binatang nakalahad pa din ang kamay sa kanya. Naningkit ang mat ani Drake dahil sa sinabi ni Samantha. Nang tila wala namang balak ang dalaga na tanggapin ang kamay niya iniiwas nang binata ang kamay niya.“Ano bang sinasabi mo. Akala ko lagnat lang ang sakit mo.” Wika nang binata.“I’m Dying.” Seryosong wika nang dalaga. Lalo namang naguluhan si Drake. Dapat ba niyang paniwalaan ang sinasabi nang dalaga? “Alam mong doctor si Simone diba? He is my doctor. Ang sakit ko wala nang lunas to. Isang araw bigla nalang hihinto ang oras para sa akin. Kaya naman gusto ko nang gawin ang mga bagay na kaya ko pang gawin.” Wika nang dalaga.“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”“Kung seryoso ako. Hindi ka na ba magtatanong kung bakit ik
Mula sa porch nang silid napansin niya si Drake na nakatayo sa may dalampasigan. Nakaharap ang binata sa dagat na tila may iniisip. Napangiti si Samantha, akala niya iniwan na siya nang binata. Agad siyang nagalakad siya patungo so sa banyo saka naligo. Nang matapos na siyang maligo naiisip niyang bumaba upang makasama ang binata sa pamamasyal bago sila bumalik sa mansion. Tiyak niyang makakarinig siya nang humpat na sermon mula kay Simone at Lee. Hihingi na lang siya nang sorry sa dalaga.Ngunit nasa lobby pa lamang siya nang hotel nang makasalubong na niya ang binata.“Sam.” Wika ni Drake nang makita ang dalaga. “Oh, gising ka napala.”“Maaga ka yatang nagising. Hindi mo manlang ako ginising.” Wika ng dalaga.“Hindi na kita inistorbo mukhang malalim ang tulog mo.” Wika nang binata.“Heto.” Anang dalaga ay iniabot ang cell phone sa binata.“Bakit mo binabali
"Anong ginagawa nating dito?” tanong ni Samantha kay Nancy habang nasa loob nang isang taxi. Huminto ang taxing sinasakyan nila sa isang squatter’s area. Pauwi na sana siya mula sa University nila nang bigla niyang makita sa labas nang University gate nila si Nancy. Nabigla siya nang makita ang dalaga sa University nila lalo na dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraan.“Hindi ako nandito para makipag-away s aiyo. But, pwede ka bang sumama sa akin?” tanong ni Nancy sa kanya.“Sumama saiyo? Bakit? Saan tayo pupunta?” tanong nang dalaga.“May importante akong ipapakita saiyo.” Wika ni Nancy kay Samantha. Habang nakatingin siya sa dalaga. Napansin ni Samantha na hindi ito ang dating Nancy na hindi humaharap sa tao kung hindi naka postura ang mukha. Bukod doon napansin din niya ang maliit na pasa sa gilid nang bibig nito at sa braso. Gusto sana niyang magtanong pero naisip niyang wala siya sa lugar para mag tanong tungkol sa nangyari dito. Pero iniisip niyang baka may nangyari kay Nancy
Naningkit lang ang mata ni Drake sa narinig mula sa lalaki. Mukhang iniisip pa nitong siya ang tama nang mga sandaling iyon at ang ginawa niya ang dapat gawin sa ganoong sitwasyon. He can only imagine kung gaano ka takot si Samantha nang mga sandaling iyon.“Wala akong pakiaalam sa sinasabi mo. Lubayan mo ako. Ako mismo ang tatapos sa tangang driver na yan.” Wika nang lalaki saka inagaw ang kamay sa binata. Pilit pa ring binubuksan nang lalaki ang pinto nang sasakyan ni Samantha. Mariing napakuyom nang kamao si Drake dahil sa labis na inis.“We should settle this sa presinto. Hindi mo kailangang maghuramintado. Hindi natin alam baka nasaktan din ang nasa loob nang kotse.” Wika ni Drake at hinawakan ang kamay nang lalaki upang pigilan ito ngunit marahas lang na itinaboy nang lalaki ang kamay nang binata. Naningkit naman ang mata ni Drak dahil sa inasal nang lalaki. Pinipilit niyang maging kalmado kahit na nagpupuyos na ang dibdib niya sa galit.“Huwag ka sabing makialam, baka ikaw ang
Ang naging pag-uusap nina Simone at Samantha ang nasa isip ng dalaga dahilan kung bakit siya tila wala sa isip at siyang naging dahilan nang mangyari ang aksidente. Ilang sandaling nakatingin ang dalaga sa nabangga niya. “Oh No! What have I done? Did I kill him?” Kinakabahan na wika ni Samantha nang makabawi mula sa pagkakabigla saka napatingin sa side mirror niya upang tingnan ang lalaking tumilapon. Nang makita niyang bumangon ang lalaki agad niyang iginilid ang sasakyan upang puntahan ang lalaki at tingnan kung okay lang ito. Nakita niya mula sa side mirror nang sasakyan na nakatayo na ang lalaki. Bababa na sana siya para kausapin ito nang bigla makita ang lalaki galit at naglabas nang baril mula sa likod. Dahil sa takot agad niyang ini-lock ang pinto nang sasakyan. Hindi naman niya inaasahang may dala pala itong baril.“Lumabas ka diyan!” galit na wika nang lalaki saka sinipa ang pinto nang sasakyan niya. “Walang hiya ka! Gusto mo ba akong patayin! Marunog ka bang magmaniho. Lum
AH!” biglang wika ni Samantha saka inapakan nang bigla ang preno nang sasakyan. Nakita niya ang isang motorsiklo na sumalpok sa harap nang sasakyan niya. Nakita din niyang tumilapon ang motor at ang driver nito. Tumama pa ang likod nang driver sa isang poste habang ang motor naman nito ay muntik nang makatama nang isang naglalakad na babae mabuti na lamang at nakaiwas ito. Natigilan si Samantha sa nakita niya. Wala ba siya sa sarili niya habang nagmamaneho? Hindi ba niya nakita ang motor? Hindi niya maintindihan ang nangyari. Alam niyang malayo ang tinatakbo nang isip niya habang nagmamaneho pero alam din naman niyang hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang motor. Kagagaling lang niya noon sa hospital dahil pinapunta siya ni Simone. Dahilan siguro iyon kung bakit malayo ang tinatakabo nang isip niya. “You know what this means Sam right?” ani Simone na ipinakita sa kanya ang MRI Scan. May regular checkup siya to make sure na wala nang komplikasyon mula sa dati niyang sakit ka
"Mukhang masaya ka ngayon.” Wika ni Miguel nang dalawin siya ni Drake sa kulungan. Ang tawag na natanggap niya noong nasa Ibang bansa sila ay mula kay Juno. Sinabi nitong gusto siyang makausap nang tito Miguel niya at kahit na nasa kulungan na ito hindi parin ito tumitigil sa panggugulo sa kanila. Pinadala pa nito ang anak niya sa opisina nila at sinabing magsasampa sila nang kontra demanda sa binata dahil sa ginawa nito kay Miguel. Pamilya sila pero pangalawang beses na nitong pinakukulong si Miguel. Bukod doon, mukhang ang mga kapatid ni Leandro ay hindi parin nagtitiwala kay Drake. They are digging up kung paano nagawang mapalago ni Drake ang business niya ina short span of time. May hinala si Juno na may kinalaman si Miguel sa mga ito. Ilan din sa mga investor’s nila ay nagpupull out na dahil sa koneksyon nang mga kapatid ni Leandro.“Kumusta ang bakasyon niyo nang anak mo?” sakristong tanong ni Miguel sa binata.“Hindi ako nagpunta dito para e-kwento saiyo ang tungkol sa pamilya
Bago bumalik nang bansa Sina Samantha at Drake, sinulit muna nila ang oras na magkasama sila sa kanilang bakasyon. Lalo na at enjoy na enjoy si Sky sa mga pinupuntahan nilang lugar at kasama ang kanyang Dada. Napansin ni Samantha na lalong naging mas malapit sina Drake at Sky sa naging bakasyon nilang iyon. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Pakiramdam ni Samantha bumabawi si Drake sa tatlong taong pagkakahiwalay nila. Ganoon din naman ang gusto niya. Maraming panahon na Nawala sa kanila. Hindi na mahalaga kung wala siyang naalala sa nakaraang ang mahalaga naman ay ang ngayon at bukas. “Good Morning.” Nakangiting wika ni Drake nang pumasok sa silid nila ni Samantha. Napatingin si Samantha sa asawa niya saka napangiti nang makita itong may dalang tray na may pagkain at white roses. Nagising siyang wala sa tabi nila si Sky ang binata. Hindi naman agad siya nakaalis sa kama dahil alam niyang maghahanap si Sky sa kanila kung magigising ito at wala itong katabi. “So, this is the rea
"Are you happy little guy?” Tanong ni Simone kay Sky nang ihatid nila ni Lee sina Samantha sa Airport. Ngayon ang alis nang tatlo papunta Rome. Hindi na sila tumutol ni Lee dahil nakikita naman nilang wala na ring silbi kung pipigilan nila si Samantha at Drake. Kahit na walang maalala si Samantha sa binata hindi maitatanggi na gusto pa rin ni Samantha ang binata at mukhang nakuha na ulit ni Drake ang tiwala ni Samantha. Nakikita nilang masaya na ulit si Samantha. Lalo na si Sky na kasama ang dalawang taong mahalaga sa buhay niya.“Take care of them.” Wika ni Lee kay Drake.“Don’t worry ako nang bahala sa mag-ina ko.” Wika pa ni Drake.“Bye Bye.” Malambing na wika ni Sky sa dalawang binata habang karga-karga ni Drake papasok sa departures area.“My love.” Isang boses ang narinig ni Samantha dahilan kung bakit siya napabalikwas nang bangon. Napatingin siya sa paligid. Nakita niya si Drake sa tabi niya habang kalong ang natutulog na si Sky na nakahiga sa dibdib nito. Talagang komportable
"Ano yang tinitingnan mo?” Tanong ni Drake kay Samantha nang pumasok sa silid nina Samantha at Sky. Gusto sana niyang sa silid niya matulog ang mag-ina niya ngunit hindi pumayag si Samantha. Mukhang hindi parin ito komportable sa mga nalaman. O baka nagdadalawang isip dahil sa mga nangyari. Nang pumasok siya sa silid, Nakita niya si Sky na natutulog habang nasa tabi nito si Samantha at may hawak na maliit na box habang matiim na nakatingin sa laman noon.“Wala naman. Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Samantha saka napatingin kay Sky na nasa tabi niya at natutulog. “Natutulog na si Sky.” Wika pa ni Samantha.“It’s okay.” Wika ni Drake saka naglakad papalapit sa kama saka naupo sa gilid. “It’s nice to see you both here.” Wika ni Drake saka hinimas ang ulo nang anak. “It would have been nice if you could open your heart to me again.” Wika ni Drake saka tumingin kay Samantha. Lihim namang napakagat nang labi nang dalaga saka napahawak nang mahigpit sa hawak n
"Si Drake?” Tanong ni Samantha sa kasambahay ni Drake nang dumating siya sa bahay nito. Dahil napapayag ni Drake si Leandro na manatili si Samantha at Sky sa bahay ni Drake habang nagpapagaling ang binata. Walang nagawa si Samantha kundi ang pumayag na din. “Nasa opisina siya. Sinabi na niya sa ‘kin na darating kayo. Babalik din siya pagkatapos niyang kausapin si Sir Juno.” Wika nito.“Nasa opisina siya? Kakalabas lang niya nang hospital.” Wika nang dalaga dahil sa sinabi nang kasambahay ni Drake. Nag-usap sila ni Drake na magkikita sa bahay nito dahil may kailangan pa siyang tapusin. Ngunit nang dumating sila ni Sky sa bahay ni Drake hindi naman nila Nakita ang binata dahil nasa opisina ito. Gusto niyang mainis kay Drake dahil inunana pa nito ang magtrabao kesa sa magpahinga. “Sabi ni Master Drake. dito niyo nalang siya hintayin. Pwede kayong pumasok sa study niya may mga hinanda siyang laruan para kay Sky.” Wika nito.“Toys.” Wika nang bata na biglang bumitaw sa kamay ni Samantha
“You’re giving this to me?” Takang wika ni Drake sa bata habang nakatingin sa inaabot nito. “Sky---” ani Samantha na hinawakan ang kamay nang anak niya. Ayaw niyang umasa si Sky na si Drake ang ama nito. Alam niyang malapit na ang Loob ni Sky kay Drake at ayaw niyang masaktan ang bata kapag nalamang hindi si Drake ang ama nito. “Sky made this for Dada.” Wika ni Sky habang inaabot kay Drake ang jar niya na puno nang mga folded stars.“I’m Sorry---” putol na wika ni Samantha nang tumingin sa kanya si Drake at muling hinawakan ang kamay niya. “Bakit ka humihingi nang sorry?” Tanong nang binata bago bumaling kay Sky. “Well, then, thank you Sky. I like it and I will treasure this for sure.” Wika ni Drake saka tinanggap ang binibigay nang bata. Bakas naman sa mukha ni Sky ang labis na tuwa dahil sa pagtanggap nang binata sa regalo niya. Napakagat lang nang labi si Samantha dahil sa alam niyang hindi maiintindihan ni Sky kung sasabihin niyang hindi naman si Drake ang ama nito. Pero ayaw d