"Anong lugar ito?” tanong ni Nancy sa kanyang kapatid nang dalhin siya nito sa isang mataong lugar nang pumasok sila maraming mga lalaking lasing siyang nakita na kalong-kalong ang mga babae habang umiinom ang iba ay nagpapahalik pa sa iba’t-ibang bahagi nang katawan nila.“Ano ang lugar na ito? Bakit dito mo ako dinala?” Tanong ni Nancy sa kapatid niya ngunit sa halip na sagutin siya nito dumiretso ito sa paglalakad patungo sa isang lalaking nasa early 40’s na ata nito.“Oh Lucas! Ang tagal nating hindi nagkita nagustuhan mo ba ang ibinigay ko saiyo sariwa hindi ba?” tanong nito kay Lucio.Lucas? Sariwa? Takang wika nang isip ni Nancy saka napatingin sa kapatid niya saka biglang naisip ang dalagang hubad na nakahiga sa kama niya. Napakagat siya labi at napakuyom nang kamao. Paanong naging ganito baba ang buhay nang kuya niya. Matatanggap niyang batugan ito ngunit ang umaktong ganito ang sirain ang buhay nang isang estudyante ay hindi niya matatanggap. Ano bang iniisip niya at pumayag
"Nancy!” Nag-aalalang wika ni Drake na dumating sa isang telephone booth. Ito ang lugar kung saan naghihintay sa kanya si Nancy. Habang nasa dinner siya nang pamilya ni Samantha nakatanggap siya nang tawag mula kay Nancy, bakas sa boses nito na takot na takot ang dalaga at humihingi nang tulong sa kanya. Nang marinig niya ang nanginginig na boses ni Nancy wala nang ibang tumatakbo sa utak niya kundi ang punatahan kaagad ang dalaga. .Nang makita niya ang dalaga sa yakap-yakap ang sarili sa loob nang telephone booth. Agad siyang nagmadali at puntahan ang dalaga. Nang marinig ni Nancy ang boses nang binata Nag-angat siya nang tingin. Nang makita niya ang Binatang nakatayo sa pinto nang telephone booth agad na tumayo si Nancy at niyakap ang binata saka walang tigil na umiyak. Natigilan si Drake nang bigla siyang yakapin ni Nancy. Hindi niya alam kung anong nangyari at kung bakit ganoon ang ayos nang dalaga pero isa lang ang alam niya nang mga sandaling iyon. Kailangan siya
"Sam, apo. Gising kana." nag-aalalang wika nang matanda saka nilapitan ang apo at agad na niyakap. Nang mawalan ito nang malay agad nilang dinala sa hospital ang dalaga. Sobrang taas nang lagnat nito at halos buong magdamag na nagbantay ang sina Simone sa dalaga dahil hindi agad na bumaba ang temperature nang dalaga. Magdamag din nilang hindi na kontak si Drake at hindi rin ito umuwi sa bahay nila kaya naman hindi nito alam kung anong nangyari sa asawa niya.“Apo, okay ka na ba? Mabuti na ba ang pakramdam mo?” tanong nang matanda sa dalaga. Nabigla si Leandro nang makita ang ekspresyon ng mukha nang apo niya. Bigla siyang napaatras at napatingin dito. Nakatingin sa kanya si Samantha ngunit tila blanko ang ekspresyon nang mukha nito. Para itong nakatingin sa kanya na para bang hindi alam kung sino ang nasa harap niya.“Sam.” Anas nang matanda habang nakatingin sa mukha nang dalaga. Nangyari na rin ito dati. Na tila ba parang walang nakikila
“Kapag sinabi ko saiyong may sakit ako. At hindi na magtatagal ang buhay ko. Maawa ka bas a ‘kin?” seryosong tanong nang binata habang nakatingin sa Binatang nakalahad pa din ang kamay sa kanya. Naningkit ang mat ani Drake dahil sa sinabi ni Samantha. Nang tila wala namang balak ang dalaga na tanggapin ang kamay niya iniiwas nang binata ang kamay niya.“Ano bang sinasabi mo. Akala ko lagnat lang ang sakit mo.” Wika nang binata.“I’m Dying.” Seryosong wika nang dalaga. Lalo namang naguluhan si Drake. Dapat ba niyang paniwalaan ang sinasabi nang dalaga? “Alam mong doctor si Simone diba? He is my doctor. Ang sakit ko wala nang lunas to. Isang araw bigla nalang hihinto ang oras para sa akin. Kaya naman gusto ko nang gawin ang mga bagay na kaya ko pang gawin.” Wika nang dalaga.“Seryoso ka ba sa sinasabi mo?”“Kung seryoso ako. Hindi ka na ba magtatanong kung bakit ik
Mula sa porch nang silid napansin niya si Drake na nakatayo sa may dalampasigan. Nakaharap ang binata sa dagat na tila may iniisip. Napangiti si Samantha, akala niya iniwan na siya nang binata. Agad siyang nagalakad siya patungo so sa banyo saka naligo. Nang matapos na siyang maligo naiisip niyang bumaba upang makasama ang binata sa pamamasyal bago sila bumalik sa mansion. Tiyak niyang makakarinig siya nang humpat na sermon mula kay Simone at Lee. Hihingi na lang siya nang sorry sa dalaga.Ngunit nasa lobby pa lamang siya nang hotel nang makasalubong na niya ang binata.“Sam.” Wika ni Drake nang makita ang dalaga. “Oh, gising ka napala.”“Maaga ka yatang nagising. Hindi mo manlang ako ginising.” Wika ng dalaga.“Hindi na kita inistorbo mukhang malalim ang tulog mo.” Wika nang binata.“Heto.” Anang dalaga ay iniabot ang cell phone sa binata.“Bakit mo binabali
"Anong ginagawa nating dito?” tanong ni Samantha kay Nancy habang nasa loob nang isang taxi. Huminto ang taxing sinasakyan nila sa isang squatter’s area. Pauwi na sana siya mula sa University nila nang bigla niyang makita sa labas nang University gate nila si Nancy. Nabigla siya nang makita ang dalaga sa University nila lalo na dahil sa nangyari sa kanila noong nakaraan.“Hindi ako nandito para makipag-away s aiyo. But, pwede ka bang sumama sa akin?” tanong ni Nancy sa kanya.“Sumama saiyo? Bakit? Saan tayo pupunta?” tanong nang dalaga.“May importante akong ipapakita saiyo.” Wika ni Nancy kay Samantha. Habang nakatingin siya sa dalaga. Napansin ni Samantha na hindi ito ang dating Nancy na hindi humaharap sa tao kung hindi naka postura ang mukha. Bukod doon napansin din niya ang maliit na pasa sa gilid nang bibig nito at sa braso. Gusto sana niyang magtanong pero naisip niyang wala siya sa lugar para mag tanong tungkol sa nangyari dito. Pero iniisip niyang baka may nangyari kay Nancy
“Sino naman kayo?” takang tanong ni Lucio sa mga Binatang dumating saka inagaw ang kamay na hawak ni Lee. Nang bawiin nang lalaki ang kamay niya agad namang napatingin si Lee sa dalaga. Napaatras naman si Samantha nang makita ang nanlilisik na mat ani Lee habang nakatingin sa kanya.“Calm down. Huwag mo siyang tingnan na parang gusto mo siyang tirisin.” Natatawang wika ni Simone nang makita ang reaksyon ni Samantha dahil sa tingin Lee. Lumapit kay Samantha ang binata. Si Nancy naman ay taka lang na nakatingin sa tatlo. Hindi makapaniwala sa Nakita.“Nancy pumasok kana sa bahay.” Wika ni Lucio sa kapatid niya.“Huwag mong pilitin ang ayaw sumama sayo.” Wika pa ni Lee saka bumaling sa kapatid ni Nancy.“Ano bang pakiaalam mo? Kapatid ko si Nancy at gagawin niya ang lahat nang gusto ko.” Wika pa nang lalaki.“Hindi ako sasama saiyo.” Biglang wika ni Nancy. Napatingin naman ang kuy
Kasalukuyang nasa roofdeek ng El Fuego Building si Samantha. Nakatingala siya sa azul sa kalangitan habang nakapikit ang mga mata habang hinahayaang dumampi sa mukha niya ang hangin. Tuwing nasa building siya nang El Feugo ito ang paborito niyang lugar. Pakiramdam nang dalaga dinadala nang hangin sa rooftop lahat nang mga problema niya. And the clear blue sky is her comfort.“You’re really here.” Isang baritonong boses ang narinig ni Samantha. Bigla siyang nagmulat nang mata saka napalingon sa may-ari nang boses. Natigilan ang dalaga nang makita si Drake. Sa pagkakaalam niya, nasa factory ito kasama si Lee. Marami silang dapat na ayusin sa kompanya nang binata lalo na at mga project na ginagawa ang Tito ni Drake nang hindi sinasabi sa binata. Ilan din sa mga trabahador nila ang pinaalis nito. Kaya naman hindi nakakapagtala na na gulat ang dalaga nang makita ang binata.“Why are you here?” Tanong ni Samantha nang makita ang binata.“Hindi kana nagpupunta nang Factory. Kaya naisip kong
“Ready kana?” Tanong ni Drake sa anak niyang si Sky nasa harap ito nang malaking salamin sa loob nang walk in closet at inaayos ang bowtie niya. Nilapitan niya ang anak matapos makapagbihis. “Dada, how do I look?” tanong ni Sky saka humarap sa ama niya. “Handsome just like your Dad.” Wika ni Drake at ngumiti sa anak niya. Sabay na napatingin sa pinto ang mag-ama nang marinig nila ang iyang nang isang sanggol. “Dada, Shia’s crying.” Wika ni Sky. “Let’s go. Baka hinihanap na niya tayo.” Wika ni Drake saka lumabas. Sumunod naman sa kanya si Sky.“Shia. Kuya is here. Don’t cry.” Wika nang batang lalaki saka umakyat sa kama saka tumabi sa sanggol na kapatid saka marahang tinapik ang braso nito para patahanin ito. Napangiti lang si Drake habang nakikita ang mga anak. Pero may konting kirot sa dibdib niya. “Dada, Shia wont stop.” Wika nang batang lalaki saka humarap kay Drake. Naglakad naman si Drake papalapit sa dalawa saka kinarga ang sanggol. Napaawang ang labi ni Sky nang makitang b
"Mama, Sky is here!” masiglang wika ni Sky na pumasok sa hospital room ni Samantha. Nang pumasok sila ni Drake naabutan nila si Simone at Samantha na nag-uusap nang dumating silang dalawa saka naman nahinto ang pag-uusap nang dalawa. Nang makita ni Simone na dumating sina Drake tinapik ni Simone ang balikat ni Samantha saka nagpaalaam. “May pinag-usapan kayo?” Tanong ni Drake sa asawa nang lumabas si Simone. Pero sa isip niya alam na niya ang pinag-usapan nang dalawa. Alam niyang Sinabi na ni Simone kay Samantha ang tungkol sa progress nang sakit nito at sa pwedeng mangyari. Pumayag na dina ng dalaga na manatili sa hospital at doon na magpaconfine hanggang sa makapanganak siya. “Mama, Sky wans to sleep with you and baby sis.” Wika ni Sky na lumapit kay Samantha. “Of course.” Wika ni Samantha saka tumingin kay Drake, “Pwede mo ba siyang buhatin papunta dito. Nahihirapan kasi akong kumilos.” Wika ni Samantha sa asawa. Ilang sandaling nakatingin si Drake sa asawa niya bago bumaling k
“Sam bakit?” Tanong ni Drake saka lumapit sa asawa at hinawakan inalalayan ito at hinawakan sa braso. Napatingin siya sa kamay nang asawa na nakahawak sa tiyan nito. Ang alam niya hindi pa kabuwanan ni Samantha. Napatingin siya sa mukha nang asawa Nakita niyang namumulta ito at tila namimilipit sa sakit. Dahil sa pag-aalala agad na pinangko ni Drake ang asawa niya saka dinala sa kotse. At isinakay sa passenger’s seat. “Beat with it for a while okay. Dadalhin kita sa Hospital.” Wika nang binata saka ikinabit ang seatbelt kay Samantha. Napansin ni Drake ang butil-butil na pawis nang asawa niya. Nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan habang ang isang kamay ay sa ulo nito.“Konting tiis lang.” wika ni Drake saka isinara ang pinto at mabalis na sumakay sa kotse. Saka pinaandar ang sasakyan. Habang nasa sasakyan. Tinawagan niya si Simone at sinabing papunta sila sila ni Samantha sa hospital. Sinabi din niya kay Simone na hindi Maganda ang lagay ni Samantha. Nang dumating sila sa hospit
"Samantha!” Masiglang wika nang isang Binatang nakasuot nang blue na polo shirt habang tumatakbo papalapit kay Samantha at Drake. Papasok siya noon sa opisina kasama si Drake na inihatid siya patungo sa pinto. Kapawa sila natigilan nang marinig ang boses na tumatawag sa kanya. Nang mapadako ang tingin nila sa tumatawag. Napansin ni Drake ang malawak na ngiti nang binata habang kumakaway kay Samantha. habang papalapit dito. “Samantha? Hindi ko alam first name basis pala kayo dito sa kompanya niyo? Alam na ni Lee ang tungkol dito? Bakit hindi niya ako sinabihan.” Wika ni Drake sa asawa. “Look at him smiling like crazy.” Inis na wika ni Drake. Lihim namang napangiti si Samanatha sa sinabi nang asawa saka napatingin dito. Ramdam niya sa boses nito ang inis. Sinabi sa kanya ni Drake na huwag na siyang pumasok sa opisina. Nag-aalala ito dahil sa kalagayan niya at sa pagbubuntis niya. Kaya lang ayaw naman niya nang walang ginagawa. Kaya, kapag walang masyadong ginagawa si Drake inihahatid n
Habang naglalakad si Drake patungo sa silid nila ni Samantha. Narinig niya ang boses nang asawa habang binabasahan nang libro si Sky Naririnig din niya ang bungis-ngis nang batang lalaki. Napahinto siya sa tapat nang pinto sa halip na pumasok. Tahimik siyang nakinig sa dalawa. Napapangiti siya habang pinakikinggan ang usapan nang mga ito. Tuwing umuuwi siya, parati niyang naririnig ang dalawa nagkukuwentuhan. Kahit na bulol at Malabo ang mga salita minsan ni Sky parang nag-eenjoy pa ang dalawa. Ito ang bagay na gustong-gusto niya kapag umuuwi siya.Ilang sandali niyang pinakinggan ang dalawa, habang nakikinig sa pag-uusap nang dalawa bigla siyang napakuyom nang kamao nang maalala ang sakit ni Samantha.“Mama? Why is dada not home yet?” narinig niyang tanong ni Sky sa mama niya. “He will be here soon.” Wika naman ni Samantha sa anak. Mahigpit na napakuyom nang kamao si Drake. Napahinga siya nang malalim bago buksan ang pinto nang silid nila. “Dada!” masiglang wika ni Sky nang makitan
Sinugod sa hospital si Samantha dahil sa biglaang pagkawala nang malay nito habang nasa cafeteria sila nang kompanya ni Drake. Gaya nang dati nilang ginagawa ni Sky nagpupunta sila sa kompanya ni Drake para samahan ang binata na mananhalian. Habang naglalakad si Samantha patungo sa mesa kung saan naghihintay ang mag-ama niya saka naman nawalan nang balanse ang dalaga. “Sam.” Wika ni Simone na pumasok sa Loob nang silid ni Samantha. Magkasama noon sina Drake at Samantha kasama si Sky na nakaupo sa hinihigaan ni Samantha.“Simone. Kumusta si Sam? Dahil sa sakit niya kaya-----” naputol ang sasabihin ni Drake nang makita ang tingin ni Simone sa dalaga saka inabot kay Drake ang results nang test. Ganoon na lamang ang gulat ni Drake nang makita ang result.“Is this true?” tanong ni Drake saka napatingin kay Samantha. Napakunot naman ang noo ni Samantha saka napatingin sa asawa. “Bakit? Anong resulta?” tanong Samantha saka hiningi kay Drake ang papel. Hindi naman nag-atubili si Drake na ib
Simula nang hindi na bumalik sa pagpapagamot si Samantha, nakita ni Drake na mas naging masigla ito lalo na sa harap ni Sky. Alam niyang pinipilit ni Samantha na ipakita kay Sky na malakas siya. Mas madalas niya itong nakikitang nakikipaglaro kay Sky. Gumagawa din nang paraan si Samantha na pumunta sa kompanya niya at gaya nang dati dinadalhan siya nito nang tanghalian. Ang mga empleyado naman nila hindi maitago ang paghanga kay Samantha at kay Sky. Tuwing nagpupunta ang dalawa sa opisina. Nakikita nilang gustong-gusto nang mga empleyado nila si Sky lalo na dahil sa mahilig ngumiti ang bata at bibong-bibo na kikipaglaro sa mga empleyado nila. Sa nakikita ni Drake. Ginawa ni Samantha ang lahat para may mga maiwang magagandang alaala si Sky sa kanya. Hindi pa nila napag-uusapan ni Samantha ang tungkol sa sakit nito dahil sa pakiramdam nang binata iniiwasan nang asawa ang usaping iyon. Para bang gusto nitong isipin nila na wala siyang sakit at mabuhay lang na masayang mag kasama. Sinusu
"Sam.” Wika ni Drake at lumapit sa asawa. Nakaupo sa harap nang kabuong nang lolo niya. Kakalabas lang nang hospital ni Samantha nang mga sandaling iyon. Hindi na nagkita ang maglolo dahil sa hindi na umabot sa hospital ang matanda. Dahil sa biglaan itong inatake sa puso.“Magpahinga kana. Hindi makakabuti para saiyo kung -----” putol na wika ni Drake nang bigla siyang yakapin ni Samantha saka humagulgol nang iyak. “Hey.” Biglang wika ni Drake sabay hawak sa balikat nang asawa niya. Alam niya ang nararamdaman nito. Hindi man lang ito nakapagpaalam sa lolo niya. Habang nakikipaglaban din ito sa sakit niya bigla namang mawawala ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay nito. “Sam, tama na.” masuyong wika ni Drake habang hinihimas ang likod nang asawa. Panay pa rin ang pag-iyak nito at tila walang balak na tumigil. Hanggang sa dahil sa stress at sakit nang kalooban ay nawalan nang malay ang dalaga. “Kumusta si Samantha?” Tanong ni Lee na nasa sala nang bahay nina Drake. Kakabalik lan
Matapos ang kasal nina Drake at Samantha, pumayag si Samantha sa Radiation Theraphy combined with Chemotherapy. Sinasamahan ni Drake si Samantha sa hospital tuwing may treatment ito habang si Sky naman ay iniiwan nila sa pangangalaga ni Lee. Walang alam si Sky at Don Leandro sa nangyayari. Kaya lang hindi naman nila maitago sa bata ang mga side effects. Nakikita nito si Samantha na minsan namimilipit dahil sa sakit nang ulo o kung minsan sumusuka sa banyo. “Dada---” mangiyak-ngiyak na wika ni Sky habang nakatingin sa mama niyang nasa banyo at sumusuka. Iyon ang naabutan ni Drake nang pumasok ito sa silid nila. Nang makita ni Drake ang kalagayan ni Samantha. Agad siyang lumapit sa Pinto nang banyo at isinara iyon sabay karga kay Sky saka naglakad palabas nang silid. “Stay here.” Wika nang binata saka inilapag si Sky nag dumating sila sa study room niya. “Dito ka muna maglaro. babalikan ko lang ang mama mo.” Wika ni Drake at akmang babalik sa silid nila ni Sam nang biglang hawakan ni