"Asan na ba tayo?" Mahinang tanong ko.Tinignan ko ang paligid at puro puno parin ang nakikita ko. Dapat mahanap namin kung san yong kalsada, baka may sasakyan man lang na dumaan don o tao pero pano nalang kung yong sasakyan na dadaan ay 'yon yun kumidnap sakin non? O di kaya masamang tao kagaya nong dalawang matanda? Tang*na pala ang mga tao dito eh, mga demonyo."H-Hindi ko rin alam..." Nakahawak parin ako sa braso nito at dahan-dahan kaming naglalakad pero napahinto ako ng huminto siya sabay na umupo at sumandal sa puno."A-Ang g-ginaw." Sabi nito sabay na niyakap ang sarili. Napatingin ako sa suot niya at sakin din, pareho lang kami at giniginaw rin ako kagaya niya pero siguro nga magkaiba kami kase ako kaya ko pa namang matiis 'to yong kanya hindi.Yumuko ako at hinawakan ko ang kamay niya at mahinang hinila siya patayo. "Hindi tayo pwedeng huminto sa paglalakad. Pano nalang kapag nahuli tayo ulit?""Alam mo bang mas mahirap yon? Saka babalik na naman tayo sa pagtakas, mabuti ng
"Talaga? Ilang taon ka na ba... po?" "26 years old." Sagot ko at bakas naman sa mukha nito ang gulat. Nakanganga pa nga ito ng kunti at titig na titig sa mukha ko."Nakaka shock ba ang edad ko?" Takang tanong ko sakanya. Ano? Mas matanda ba akong tignan kesa sa edad ko?? Naks, naman akala ko baby face ako, iba pala sa paningin ng iba."Hindi... po yong mukha mo kase ano--" hindi ko na siya pinatapos magsalita."Ano? Matanda tignan?" Sabay tinaasan ko siya ng kilay."Hindi po, hindi halata sa mukha mo. I mean, kase ang bata mo pa ho t-tingnan."Napairap naman ako. "Masyado kang bolera, baka gusto mong iwan kita dito mag-isa." Pabirong sabi ko sabay hinampas siya sa braso, napadaing naman ito kaya nagulat ako. Nakalimutan ko na may sugat nga pala siya don. "Pasensya na." Sabay nag peace sign ako sakanya. Nagsitawanan naman kami kahit medyo nahihirapan dahil sa mga sugat namin sa katawan na sumasakit lalo kapag gumalaw lang kami."Halika na, mag lakad na po tayo ulit... Ate Anika." Wi
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon ng makita ko si James.Naiinis ako, nagagalit, naiiyak o ewan! Basta tang*na siya ba't ngayon lang sya dumating!!"A-Ate Anika k-kilala mo ba s-siya?" Nanghihinang tanong nito sakin at tumango lang ako bilang sagot."Ms. Vee!" Tawag ni James sakin. Lumabas naman ako ng sasakyan at pag tingin ko kay Gea ay nawalan na pala ito ng malay. Hindi ko namalayang nawalan na pala siya ng malay, tinignan ko pa nga siya diba at nag tanong pa nga siya sakin pero yong boses niya nga naman nanghihina na at ang sugat nito sa katawan, hindi na nakapag tataka kung mawalan siya ng malay ano mang oras.Hinawakan ni James ang kamay ko at hinila, nagkatinginan kaming dalawa at mabilis niya akong niyakap. "Nag alala ako sayo, sobra." Saad nito. Niyakap ako ng mahigpit. Tumulo ang luha ko sabay niyakap ko rin siya pabalik. Gumaan ang pakiramdam ko bigla. I feel safe na andito si James sa tabi ko.Napadaing naman ako dahil sa sugat ko sa katawan at ramdam ko nama
Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at dahan-dahang hiniga sya ni James don sa upuan. Napatitig ito saglit sa babae at aayusin niya sana ang paa ni Gea pero hinampas ko ang kamay niya. "Ako na!" Matalim ko siyang tinignan saka inirapan.Talagang napatitig pa siya kay Gea huh?! Ano gandang-ganda ba siya sa katawan! Tsk, mas maganda naman itong katawan ko ah, mas nag curve pa nga lalo kase wala akong kain tang*na.Pumasok nalang ako sa loob ng sasakyan at dahan-dahan nalang pinaupo si Gea saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Sinimulan ng paandarin ni James ang sasakyan habang ako ay sinusulyapan siya don sa salamin.Pansin ko namang napapatingin din siya sa salamin at hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin o kay Gea. Pesteng bakla to ah, nakakainis gusto niya yatang tusukin ko mata niya no!?"Oh? Ba't panay tingin mo sa kasama ko?!!" Kunot noo kong tanong sakanya."I'm not looking at her." Sabi niya.Tumingin ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. "Di sino?""You. I'm loo
"Pwede bang umalis ka, gusto kong mapag-isa." Walang emosyon kong saad.Pero yong luha ko tutulo na at pinipigilan ko lang, masaya ako na galit kase nakita ko pa si daddy ngayon. Ang akala ko ay hindi na ako makakatakas don pero di naman magiging posible yon kung wala si Gea, nagtulungan kaming dalawa at nagtagumpay kaming makatakas sakanila.Mas worst pa ang nangyari sakin don sa kamay ng dalawang matanda kesa sa kumidnap sakin.Tumingin ako kay daddy. "V-Vee--" nahinto siya ng magsalita ako."Gusto ko sabing mapag-isa!" Seryoso kong binalingan ng tingin yong doctor saka si daddy pati na rin si James.Tumayo ng maayos si dad at huminga ng malalim bago tumalikod, naunang lumabas ang doctor. Bago pa man lumabas si dad ay binalingan niya ng tingin si James na nandito pa rin sa gilid ko nakatayo."James dyan ka lang, wag mong iiwan mag isa ang anak ko." Tanging sabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko."Ikaw wala kang balak umalis?" Taas kilay kong tanong sakanya pero umupo lang siy
Kwenento ko sakanya lahat ng nangyari sakin don. Ayoko naman talagang mag kwento pero pinilit ako nitong baklang ito eh. "Kumain ka muna." Tanging saad niya ng matapos akong mag kwento. Sa haba-haba ng kwenento ko yan lang nasabi niya? At talagang hindi related sa topic dapat namin ah, ginagago yata ako ng lokong ito! Malapit na maubos itong laway ko sa kakadaldal tapos wala pala siyang sasabihin! Kainis, iba siguro nasa isip niya ngayon.Inis ko siyang tinignan. "Mamaya na. Gusto kong pumunta sa hospital, pupuntahan ko si Gea." Saad ko at babangon na sana pero hinawakan niya ako sa siko at pinahiga ulit."Ano??" Kunot noo kong tanong habang nakatitig sakanya ngayon."Tingnan mo nga yang sarili mo Ms. Vee. Yang paa mo tignan mo kung maayos ba tingnan?!" Sinilip ko ang paa ko at nakitang may bandage na nakapalibot don."Hindi naman siguro tatakbo yon don sa hospital. Nagpapagaling din yon kagaya mo at hindi yun makakabalabas sa hospital hanggat hindi pa siya magaling at ganon ka rin,
"Hindi. Sinasabihan lang kita na ubusin mo yang pagkain mo. Bumawi ka kase nga sabi mo kaninang umaga ka pa walang kain hindi ba?" Mukhang concern yata siya sakin ah? Oh, baka ewan lang tsk."Pano ko to uubusin eh, itong ulam palang ayoko na kainin. Saka ikaw nga try mo kumain ng walang ulam tingnan kulang kung gaganahan ka kumain at ubusin ang kanin." Taray kong saad sakanya saka tinignan siya at inirapan pagkatapos.Umiling-iling ito habang nakatingin sakin at sa pagkain na hawak ko. "Halata naman eh, kitang-kita ko puro kanin lang sinusubo mo." "Ayaw mo ng shrimp?? Hate mo ba yan?" Takang tanong nito."Oo, super hate ko yan." Pagsabi ko sakanya ng totoo. I mean, hindi ko naman talaga hate ang shrimp, gustong-gusto ko nga ubusin o tumikim kapag nakakakita ako nang ganyan pero kase hindi pwede eh! Masasarapan nga ako pero sa huli ako naman mag suffer gosh."Why? Paborito ko yan, ang sarap kaya niyan." Sabi nito."Tsk, tinatanong ba kita." Pamimilosopo ko. "Tikman mo muna--""May a
"Ba't ka pa lumabas?! Ang tigas talaga niyang ulo ko ano?" Seryoso siyang nakatingin sakin ngayon at nakapamewang pa. Mukha siyang bakla sa pustura nito pero yong boses niya lalakeng-lalake.Ginaya ko siya. Nilagay ko ang kamay ko sa bewang at seryso rin tumingin sakanya. "Oo, alam ko. Saka siraulo ka ba? Walang ulo na malambot James gosh!" "Ang daldal mo, pumasok ka nalang nga ulit sa kwarto mo. Baka mapano pa yang paa--" tinaas ko ang hintuturo ko para patahimikin siya."Kaya ko namang tiisin yong sakit eh, don nga tumakbo pa kami ni Gea." May pagmamayabang kong sabi.Syempre joke lang naman no. Nakaya at namanhid na talaga ako don dahil sa takot na hindi na kami makalabas at makatakas sakanila kung mas mangingibaw itong kahinaan namin.I really don't trust anyone na 100% talaga. At ngayon mas tumatak pa sa utak ko na wag nga talaga basta-basta mag tiwala sa isang tao kahit na anong kabutihan pa ang pinakita sayo."Wag mo ikompara yong sitwasyon don at dito Ms. Vee. Kase don nangan