New cover na ang story ni Stella at Ace! Ang ganda talaga! Sobrang thank you sa mga nagbabasa! Bukas ulot, sana mag comment po kaso para mas ganahan pa ako mag-update baka mapadami ulit update ko dahil na-momotivate ako sa mga pagbabasa ng comments niyo tungkol sa story! Love lots!
~22 YEARS, AGO~ “SA ayaw at sa gusto mo pakakasalan mo ang nag-iisa kong anak na si Talia!” Nanghihinang bumalik si Daniel sa kanilang tinitirhan ni Athena at nang anak nilang si Alas na limang taong gulang palamang. Hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinabing iyon ni Don Enrique matapos na ipatawag siya nito sa Hacienda Del Rosario. Isang araw palang ang lumipas ng makapag-usap sila ni Talia dahil naging magkaibigan silang dalawa ng siya ay mag trabaho sa mga Del Rosario. Nalaman niya na nagdadalang tao si Talia sa hindi niya kilalang lalaki at ngayon na nalaman ni Don Enrique ang katotohanan na tinakbuhan ito ng nakabuntis sa anak ay siya na kalapit ng anak nito ang pinagdiskitahan ng matanda. Ibinigay sa kaniya ang tungkulin na hindi naman niya dapat gawin lalo na at may sarili na siyang pamilya. “Mahal! Tila napa-aga ata ang uwi mo ngayon ah?” Napatingin siya kay Athena na sumalubong sa kaniya kapag pasok palang sa kanilang munting tahanan. Gawa iyon sa kahoy ngunit mati
NAGISING si Daniel sa kaniyang pagbabalik tanaw sa nakaraan ng bigla nalamang tumunog kaniyang cellphone na maging ito ay naihagis niya sa kung saan. Dali-dali niyang hinanap kung saan ito nagmumula at ng makita na si Don Enrique ang tumatawag ay agad siyang napaayos ng tayo at seryoso. Mabilis niyang inayos ang sarili at maging ang boses pagkatapos ay sinagot ang tawag. “Hello, papa.” Pagbati niya sa matanda. “Narinig ko na nag set ng meeting at nakausap mo kanina ang may ari ng MonReal, Daniel. Bakit hindi mo sinabi saakin?” salubong na sabi nito sa kaniya. Ganito madalas ang kanilang usapan ng matanda, kung hindi siya pinapagalitan at inuutusan ay purong negosyo lamang. Alam niya na hindi siya gusto ni Don Enrique at ganoon din siya. Nang dahil dito ay nasira ang kaniyang buhay. “Sasabihin ko palang sa’yo papa.” Kalmado niyang sabi. “Anong sabi? Tinanggap mo ba ang alok niya?” sunod-sunod na tanong nito. “Hindi papa—” hindi natapos ang kaniyang sasabihin ng biglang sumigaw ang
HINDI makapaniwalang nakatingin si Abby kay Stella na karating lang. Hindi nagdalawang isip na pumunta sa gawi ng mga ito at pabalang na kinuha niya ang kamay na nakahawak sa buhok ni Athena. “Ang kapal ng muka mo na saktan si mama!” simpal niya ang pisnge ni Abby na siyang ikinabagsak nito sa damuhan. “Akala mo ba matatakot ako sa mga bantam o Abby?! Baka nakakalimutan mo na napakalaki ng kasalanan mo saakin kaya hindi ako magdadalawang isip na sipain ka palabas ng bahay namin!” Nanlalaki ang mata ni Athena habang nagsasalita ito. Habang si Abby naman ay napahawak sa kaniyang pisnge na mukang namanhid dahil sa sobrang lakas ng pagkakasampal ng dalaga. Tinignan niya ng masama si Stella na ngayon ay inaalalayan na si Athena na tumayo habang nakatalikod kaya ginawa iyong pagkakataon ni Abby upang hablutin ang buhok ni Stella. At dahil nga busy si Stella sa pag aasikaso kay Athena ay hindi niya napansin ang gagawin sa kaniya ni Abby at nagulat nalamang ng maramdaman niya ang buhok na
LUMIPAS ang ilang oras at naiwan sa living room sila Stella, Athena at Abby dahil mayroon lamang daw aasikasuhin si Ace sa itaas kung kaya napatingin si Stella kay Athena at tumango ito sa kaniya. “Stella, makikikuha mo nga ako ng tubig nauuhaw na ako e,” tumayo agad si Stella dahil doon habang si Abby ay hindi pinansin ang mga ito dahil busy sa panonood. Pagkakuha ni Stella ng tubig ay agad siyang dumeretsyo sa living room. Ngunit ng malapit na siya kay Abby ay sinadya na magpakapatid kunwari dahilan upang tumapon ang dala niyang tubig sa dalaga. “What the fvck?!” gulat na sigaw ni Abby at napatayo dahil doon. Sakto naman na kabababa lang ni Ace galing sa taas at nakita niya ang pagkakapatid ni Stella. “Wife!” napatingin si Abby sa hagdan at nakita niyang dali-daling tumakbo si Ace papunta sa asawa at inalalayan ito na tumayo. “Hindi ko akalain na madadapa ako, sorry Abby.” Ngisi na sabi nito kay Abby. Nangigigil si Abby dahil alam niya na sinadya ito ni Stella. “Aksidente ang nan
STELLA “HELLO Theo,” napatingin ako sa bintana sa palihim na paraan upang tignan kung anong ginagawa nila Theo at Ellias na matyagang nagbabantay sa labas ng aming bahay. Hindi naman sila maghapon na naroon hinula ko, sadyang tuwing umaga at gabi ko sila nararamdaman kaya tingin ko ganong oras sila nagbabantay. Tinatawagan ko sila dahil ngayon ko na isasagawa ang aking plano, hindi dapat ako magaksaya ng oras sa pagiimbestiga sa mga Chan. “Hello Stella, may problema ba?” bumalik ako sa loob ng aking kwarto ng makita kong dadako ang tingin ng kausap ko na si Theo sa aking bintana. “Tumawag ako dahil mayroon akong mahalagang sasabihin,” Saglit na natahimik sa kabilang linya. “Ano ‘yon Stella?” maya maya’y tanong nito. “Naalala niyo yung babae na pinalayas namin? Siya si Abby, kilala ko siya noong nasa Isabella ako at hindi maganda ang ugnayan naming dalawa. Nakakapagtaka na bigla nalang siyang lumitaw at nagsimula ‘din ang pagtatangka sa aking buhay simula ng dumating siya.” “Sin
“WHAT’S up everybody?!” Agad na nabatukan ni Lucas si Harris dahil sa malakas na sigaw nito ng pumasok sila sa loob ng bahay nila Ace. “Ang ingay mo, alam mo naman na andito si tita.” Talim na tingin ang ibinigay ni Lucas sa kaibigan na ikinakamot naman nito sa kaniyang batok habang si Ace na nakatingin sa dalawang kaibigan ay napailing nalamang. “Lucas, Harris! Masaya akong makita kayo ulit!” gulat na napatingin sa nagsalita ang dalawa at doon ay nakita nila sa living room ang mag-ina na nakaupo at mukang nanonood ng TV. “Tita naaalala niyo na kami?” excited na sabi ni Harris na ikinatango naman nito habang nakangiti kaya agad na lumapit ang dalawa sa mga ito. “Seryoso tita?! Paano? Naalala ko halos itaboy mo na kami palayo.” Tanong ni Lucas dito. “Mahirap ipaliwanag, basta pabalik-balik lang ang ala-ala ko. Minsan wala, minsan anjan.” Napatingin ang dalawa kay Ace na tinanguan lang sila. “Grabe hindi ako makapaniwala, teka nasaan nga pala ang asawa mo Ace?” “Umalis siya, baka
“ELLIAS papunta siya jan sa gawi mo.” Seryosong sabi ni Theo habang nakatingin mula sa rooftop ng isang building gamit ang kaniyang telescope habang si Ellias naman ay nasa harapan ng hotel na kinalalagyan ng babae at nagpapanggap na isang pulubi. “She’s wearing a black pants and a wite top.” Dagdag pa na sabi ni Theo. “Dumaan na siya sa harap ko.” agad na tumayo si Theo ng dumaan sa harapan niya ang babae at dali-daling inalis ang kaniyang soot na sunglasses at sira-sirang nakapatong na damit. “Hindi ko iaalis ang mata ko sa kaniya.” Muli niyang sabi at huminto sa isang poste ng makitang lumingon ang babae sa kinalalagyan niya. “Pababa na ako.” Dali-dali namang bumaba si Lucas mula sa building na iyon. Sa kabilang banda ay akala ni Abby na mayroong nakasunod sa kaniya ngunit nang lumingon siya ay wala naman kaya ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad pero napahinto ‘din ng tumunog ang cellphone. “Hello?—Oo papunta na ako jan.” ibinaba nito ang tawag at nagmamadaling naglak
“ANO pumayag ba?” tanong ni Harris ng maibaba ni Ace ang telepono. “Yes.” Napangiti ang dalawang kaibigan dahil doon at tinapik ang likuran ng kaibigan. “Sabi ko sa’yo may pag-asa ka pa e! Kahit kung wala ‘man wag kang mawawalan dahil wala nang ibang Stella sa mundo!” napangiti ‘din si Ace at tumango sa sinabi ni Lucas. “Ano pang inaantay natin?! Kailangan na nating mamili para sa dinner niyo!” tumango naman si Ace at lumabas na sila sa kwarto. Samantalang sa kabilang banda naman ay kabababa lang ni Stella mula sa taxi na sinakyan niya. Nagpababa siya malayo sa address na ibinigay ni Theo dahil hindi pwede na may makahalata o kung ano pa ‘man. Habang naglalakad papunta doon ay tinatalasan niya ang kaniyang pakiramdam kung mayroon bang nakasunod sa kaniya. Nang masigurong wala ay pumasok siya sa isang lumang bahay. Ang bahay na iyon ay matagal nang nakatayo doon ngunit dahil sa mga bali-balita na mayroo daw multo ay marami na ang natakot na dumaan sa dulong parte na iyon lalo na at