Last update for today! Thank you for reading my novel!
“ANO pumayag ba?” tanong ni Harris ng maibaba ni Ace ang telepono. “Yes.” Napangiti ang dalawang kaibigan dahil doon at tinapik ang likuran ng kaibigan. “Sabi ko sa’yo may pag-asa ka pa e! Kahit kung wala ‘man wag kang mawawalan dahil wala nang ibang Stella sa mundo!” napangiti ‘din si Ace at tumango sa sinabi ni Lucas. “Ano pang inaantay natin?! Kailangan na nating mamili para sa dinner niyo!” tumango naman si Ace at lumabas na sila sa kwarto. Samantalang sa kabilang banda naman ay kabababa lang ni Stella mula sa taxi na sinakyan niya. Nagpababa siya malayo sa address na ibinigay ni Theo dahil hindi pwede na may makahalata o kung ano pa ‘man. Habang naglalakad papunta doon ay tinatalasan niya ang kaniyang pakiramdam kung mayroon bang nakasunod sa kaniya. Nang masigurong wala ay pumasok siya sa isang lumang bahay. Ang bahay na iyon ay matagal nang nakatayo doon ngunit dahil sa mga bali-balita na mayroo daw multo ay marami na ang natakot na dumaan sa dulong parte na iyon lalo na at
“SINO po ang kailangan nila?” magalang na tanong niya dito. “Delivery po para kay Stella Alcantara,” napatingin si Lucas sa kahon dahil doon. “Nako kuya wala ho siya dito. Siguro ay ibalik niyo nalang sa susunod.” Medyo nataranta ang delivery man dahil sa sinabi nito na ikinakunot ng noo ni Lucas. “Nako sir wala pong return sa company namin. Basta meron naman pong mag-claim na kakilala ayos lang.” alanganin na napatango si Lucas dahil doon at pinirmahan ang binigay nitong papel pagkatapos ay ibinigas sa kaniya ang kahon. “Thank you, sir. Have a safe night.” Hindi na napansin ni Lucas ang pag ngisi ng lalaki at umalis na ito kaya maging siya ay pumasok na sa loob. “Sino daw ‘yun?” tanong ni Harris at napatingin kay Lucas. “Ano ‘yan?” maging si Ace ay napatingin kay Lucas dahil doon. “Para daw kay Stella, ang weird nga nung delivery ‘man e.” napailing nalamang si Ace dahil doon at muling bumalik sa pagluluto. “Ilagaw mo nalang ‘yan jan sa tabi ng lamesa para maipakita ko sa kaniya ma
“DITO ka lang muna,” Sabi ni Theo kay Abby isang oras ang makalipas ng umalis sila Ellias at Stella. Kanina pa siya nakabantay at nakaupo lamang sa harapan ni Abby na kanina pa nakapit at mukang natutulog. Naglakad ito papaalis sa kwartong iyon ngunit agad ding napalingon sa likod ng maramdaman niya na mayroong pasugod sa kaniya. Ang hindi nila alam ay kanina pa mayroong hawak si Abby na isang maliit na patalim na itinago niya sa bulsa bago pa siya tuluyang makuha ni Theo. Alam kasi ng babae na itatali siya ng mga ito kaya nag-isip na siya agad ng paraan kung saakali ‘man na mahuhuli siya. Gulat na napatingin si Theo kay Abby na masama ang tingin sa kaniya. “Paano ka nakawala?!” nginisian lang siya ni Abby habang hawak ang kamay nito na balak i****k sa kaniya ang maliit na patalim. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang paghugot ng babae sa kaniyang baril na nasa tagiliran. Itinutok ng babae ang baril kay Theo, “Sige subukan mong gumawa ng masama at di ako magdadalawang isip na i
“MAMA, ayos lang ba kunng dito muna kayo sa sala nila Lucas at Harris? Kakain lang po sana kami ni Stella.” Magalang na sabi ni Ace sa kaniyang ina habang papasok sila sa loob ng bahay. “Oo naman, kapag natapos na ang date niyo ay pagpahingahin mo na siya okay? Pero bago iyon ipahatid mo muna ako sa kaniya sa kwarto.” Napangiti si Ace dahil sa sinabi ng kaniyang ina at nakangiting tumango dito. Sakto naman na kalalabas lang ng kaniyang dalawang kaibigan sa loob ng kusina. “Okay na Ace, good luck.” Tinapik ni Lucas ang balikat ng kaibigan at binuksan naman ni Harris ang TV. Napatingin sila ng pumasok si Stella na masama ang muka. “Kailangan ko talag ang good luck.” Bulong ni Ace sa sarili at sinalubong ang asawa. “Wife, halika kumain muna tayo bago ka magpahinga sa taas.” Napatigil sa paglalakad si Stella dahil kay Ace at napatingin dito ng seryoso. Nawala sa sarili niya ang date na sinabi ni Ace lalo na at nadagdagan ang problem niya dahil pinatay lang naman ni Theo ang babaeng s
“DON Enrique, may package para sa’yo.” Napatingin si Don Enrique sa kaniyang tauhan na mayroong dalang maliit na kahon at inilagay ito sa lames ana maliit sa harapan ng table nito. Mayroong dalawang babae sa kaniyang likuran na pawang nakasoot ng maiksing damit at batang-bata pa habang minamasahe ang kaniyang likuran. Habang ang kamay ng matanda ay kung saan-saan nakakarating sa hita ng dalawang babae. “Buksan mo, sino ‘daw ba nagpadala?” tanong nito habang busy sa kaniyang ginagawang pang momolestya sa batang dalawang babae. “Walang sinabi Don Enrique, pero may sulat.” Natigilan ang Don dahil sa kaniyang narinig. “Bakit mo tinanggap?! Paano kung bomba ‘yan?!” natigilan ‘din ang lalaki dahil sa sinabi ng kaniyang amo. “Stupido! Akina ang sulat!” dali-daling tumalima ang lalaki dahil sa takot nito sa matanda. Pagka-abot ng sulat ay agad iyong binuksan ng matanda. ‘Enjoy my gift, Don Enrique.’ Napakunot ang noo niya dahil sa nakasulat. Walang pangalan kung kanino nanggaling kaya ma
STELLA “KAMUSTA ang meeting with Mr.Chan?” nakangiting tanong saakin ni Eman nang dalhin nanaman ako nito sa shop na pinuntahan namin kahapon. “Ayos naman, I tried to ask him about doon sa naitanong ko sa’yo kahapon.” Kibit balikat kong sabi sa kaniya habang kumakain. Sa kaniya ko talaga unang sinadya na sabihin ang bagay na iyon at masasabi ko na magaling siyang umarte dahil hindi ko manlang nakita ang kakaibang emosyon sa kaniya. “Really? What did he say then?” napatingin ako sa kaniya at titig na titig ito saakin. Huli ka, edi naging enteresado ka ‘rin sa punto ko. “Sabi niya personal matters na daw. Akala ko may makukuha kaming sagot kasi kahit mga ka schoolmate ko nag-iintay ng sagot. Lalo na sa anak nito sigurado kami na gwapo ‘din yun! Sabi nga noong isang babae kung makikita niya daw ang batang anak ni Mr.Chan ay handa siyang bumukaka dito.” Tinignan ko ng taimtim si Eman at nakita kong napangiti siya dahil doon hanggang sa tumawa na. Tuwang-tuwa ka dahil akala mo totoo n
ANG hindi alam ni Stella nang dumaan siya sa harapan ni Eman habang nagpapanggap na Lilia ay naamoy ng lalaki ang kaniyang tunay na amoy. ‘Sharlene?’ nakakunit noong tanong nito habang napatingin sa daan na dinaanan ng babae. Napailing siya dahil doon, sa araw-araw niyang nakikita si Lilia ay halos kilala na niya ang amoy nito. Samantalang si Sharlene o Stella ay kahit pa ilang araw palang niyang target ay hindi na niya makalimutan ang amoy nito. Biglang napaseryoso ang lalaki at isinara ang pinto. *** “Ace!” Napatingin at agad na napatayo si Ace ng marinig ang sigaw ni Stella na agad niyang niyakap ng mag pang-abot sila. Nagsimula na muli siyang umiyak na tila bumalik sa kaniya lahat ng kaniyang nakita habang nasa bahay. “A-Anong nangyari Ace?” umiling si Ace sa tanong ni Stella. “H-Hindi ko alam w-wife, basta nakarinig nalang ako ng pagkabasag ng bintana kaya pinuntahan ko agad si mama na nanonood ng TV. P-Pag kakita ko sa kaniya duguan na siya at may tama.” Hinagod ni Stel
SINUSUNDAN ni Theo ang kotse ni Eman habang siya ay malayo sa mga ito. Hindi niya pwedeng ilapit ang sasakyan dahil makakahalata ito. Gamit niya ang isang tracker upang malaman kung saan ito nagpupunta. Maya-maya ay huminto ito sa isang malaking bahay na malayo sa mga kabahayan, tila isa itong mansion na hindi ganoong ka-luma ngunit sapat na upang mahalatang abandunado dahil sa daming dahon na nakakalat sa paligid. “Kaninong bahay ito?” tanong niya sa sarili at bumaba. Nakita niya ang kotse ni Eman sa isang tabi. Alam niya na walang ibang tao doon dahil na ‘rin sa wala siyang nararamdaman. Sumilip siya sa loob at nang masigurong walang ibang tao ay pumasok siya sa loob. Hinahanap niya kung saan dinala si Stella habang pilit na dinadama kung nasaan ang presesnya nito. Hindi siya pwedeng pumasok sa pinakang loob dahil kailangan pa niyang tawagin si Philip. Kahit na wala itong ibang kasama ay maaaring paparating na ang mga ito dahil hindi basta-basta magdadala ng hostage ang isang tao
“D-DITO Faith, umakyat ka bilis!” hinihingal na sabi ni Stella kay Faith nang dalhin niya ito sa likod nang Falls kung saan silang dalawa lang ni Ace ang nakaka-alam. Umuubo pa si Faith ng makaakyat sa kweba habang si Stella ay hindi na magawang maka-akyat pa dahil sa tama ng bala.“S-Stella! Halika tutulungan kita!” nang matauhan si Faith ay tinulungan niya ito at nakita nila ang gown niyang nababalutan pa ‘rin ng dugo dahil hindi ito tumitigil sa pag-agos. “K-Kailangan ko ng panali, punitin mo pa ang laylayan ng gown ko.” utos ni Stella sa kaibigan na ikinatango naman ni Faith.Si Faith na ‘rin ang nagtali niyon sa kaniya habang nakapikit ito at tila nanghihina na. “S-Stella, ‘wag mo akong iiwan ah! ‘Wag kang mawawala!” natatakot na sabi ni Faith na ikinatango ni Stella. “A-Ano ka ba, isang tama lang ‘to ng bala.” Natatawang sabi ni Stella.“Pero napuruhan ka kanina! Pagod na ang katawan mo!” tama si Faith, nararamdaman niya ano ‘mang oras ay babagsak na siya. Hindi kinaya ng katawan
“TANDAAN mo wife, wag kang kikilos hanggat hindi pa kami nakakapasok maliwanag?” seryosong sabi ni Ace sa earpiece kung saan lang sila maaaring mag-usap. Nag-aayos si Stella sa loob ng kaniyang sasakyan bago bumaba sa harapan ng mansion ng mga Del Rosario. Mayroong mga bantay sa gate ngunit pinapasok siya nito ibig sabihin siya ang target ni Eduardo at inaantay siya nito. Samantalang sila Ace naman ay nasa loob ng van kung saan nakakonnect sa kanilang dalang laptop ang mga CCTV sa loob na na-hack ni Diego. “’Wag kang mag-alala Alas, ayos lang ako. Bababa na ako,” mas naging seryoso ang nasa loob ng van, andoon si Ace, Lucas, Harris, Theo at Ellias. Sila ang may kakayanang lumaban kung kaya minabuti nilang sila nalamang ang papasok sa loob. Marami silang dalang mga baril at ilang armas para sa magaganap na labanan dahil nga sa plano nila ay naihanda nila ang lahat ng ito. Nasabihan na nila si Philip at siguradong papunta na nag mga ito ngayon upang tulungan sila kay Eduardo. Kit
BIGLANG inihampas ni Eduardo ang baril na hawak kay Don Enrique na ikinabagsak nito sa sahig. Napalingon si Talia dahil sa narinig at lalong mapaiyak ng makita ang amang nakabulagta sa sahig. “A-Anong ginagawa mo?!” sigaw nito ngunit naging maagap ‘din si Eduardo at hinampas din niya dito ang baril. Inis na inis na napatingin si Eduardo sa mga nakabuglatng katawan sa sahig. Dalawang tao nalang ang hawak niya, naisip niya si Diego. Aalis na sana siya doon upang sabihana ng tauhan niya na kunin ang katawan ni Don Enrique at Talia pero napahinto siya ng makita si Elise sa pinto ng dirty kitchen na tulalang nakatingin sa mga nakabulagtang katawan. “A-Anong nangyari?” tanong nito at napatingin sa kaniya kung saan napaatras dahil nakita niya ang hawak na baril ni Eduardo. Agad na tumalikod si Elise upang tumakbo at humingi ng tulong ngunit hindi nagdalawang isip si Eduardo na paputukan ito at maya-maya pa’y bumagsak na ‘rin ito sa sahig. “Sisigaw ka pang maingay ka,” inis nasabi ni Edu
TAHIMIK na lumabas si oliver at nanang Lili upang pumunta sa may sulok na parte ng Hacienda Del Rosario kung saan mayroong daan papunta sa pinakang main road. Habang palingon lingon ang dalawa ay hindi nila napansin si Eduardo na galing sa may kwardra kung saan nakita sila nitong parang nagmamasid. Napakunot ang noo ni Eduardo dahil doon at sinundan ang dalawa ng palihim. Nang makalabas ang mga ito ay agad siyang nagtago sa may mayayabong na halaman at mula doon ay nakita niyang pumasok ang dalawa sa isang tinted na sasakyan kung saan hindi iyon familiar sa kaniya maging ang plate number. Nagtataka ‘man ay agad siyang pumunta sa sasakyan at sinundan ang mga ito. May kutob siya na mayroong gagawin na kakaiba ang dalawa, alam niya na matagal nang katulong si nanant Lili doon na mas bata kay Don Enrique ngunit nakakapagtaka na pumuslit ang dalawa sa isang tagong daan. Inabot ng halos kalahating oras ang byahe nila at maya-maya pa’y pumasok ito sa isang bahay na malaki at purong puti
“SIGURADO ka ba sa gagawin mo Stella?” Alalang tanong ni Theo habang nasa loob sila ng kotse, si Vanessa ay muling iwan sa bahay dahil busy pa ito. Pinatawag siya ni Don Enrique para sa saluhan sila sa lunch ngunit iba ang plano niya na ikinababahala ni Theo. “Magtiwala ka saakin Theo, makakalabas ako mamaya at sa oras na makalabas ako ay doon magsisimula ang gera.” Napabuntong hininga na si Theo dahil doon. Alam niyang malamang sa mga oras na ito ay alam na ng mga kaibigan nila na siya sa Stella. Sa oras na malaman nila na siya si Stella ay hindi na nila kakayanin pang magpanggap kung kaya siya na magsisimula ng gulo. Huminto sila sa tapat ng masion at lumingon si Theo, “Mag-iingat ka, mapapatay talaga ako ni Ace kapag hindi!” ngumiti si Stella at tumango. Hinanda ni Stella ang sarili bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng mga tauhan at hinatid siya papunta sa lugar kung saan sila kakain ng tanghalian. “Ms.Scarlet!” nakangiting bati ni Don Enrique at nagsitayuan
“ACE!” Napatingin siya sa hagdan at nakita niyang pababa doon sila Lucas, Harris at Ellias. “May problema tayo! Pero teka bakit basa ka?” tanong ni Lucas na ikinailing nalamang niya. “Nothing, naulanan lang ako. Anong problema natin?” tanong niya na muling ikinaalala nila sa nangyayari. “Wala na tayong access sa CCTV! Mukang nahalata ni Eduardo na nahacked natin sila!” nangunot ang noon ni Ace dahil doon ngunit masyado nang masakit ang ulo niya para isipan pa ito. “Mag-uuspa tayo bukas, sa ngayon hayaan niyo muna akong mag-isip.” Nagkatinginan ang mga ito ng dali-daling umakyat sa taas si Ace habang si Faith na nakasalubong nito ay nagtataka ng hindi siya pinansin ng kuya. “Anong nangyari kay Kuya? Inaway niyo ba?” tanong nito sa tatlo na agad nilang ikinailing. Hinayaan nalang nila ito at nagluto ng makakain lalo na at malamig dahil umulan. *** Tulalang nakatingin si Stella sa labas ng bintana sa sala, nakaligo na siya at nakapag-ayos ng sarili kaya naisipan niyang pumunta s
“MAAARI ko ho ba kayong makausap nanang Lili?” Napatingin ang mga katulong sa pagpasok ni Stella sa dirty kitchen kung saan andoon ang kanilang pwesto ng dining noong tumira siya sa mg Del Rosario. “Stella!” napatingin siya sa tumawag sa kaniya, kung hindi siya nagkakamali ay si Rea iyon na nakatanggap ng batok mula kay Sese. “Hindi si Stella ‘yan! Si Ms.Scarlet yan! Parang hindi ka na inform nitong nakaraang araw ah?” Hindi niya maiwasan na mapangiti, hindi pa ‘rin nagbabago ang mga ito. Kulang ‘man sila doon dahil wala ang mga lalaki ay kita niya pa ‘rin na hindi sila nagbago. “Pwede niyo ba muna kaming iwan?” ngiti niyang sabi na ikinatango naman ng dalawa at maglilinis pa daw sila sa living room. Lumapit siya kay nanang Lili at niyakap ito pagkatapos ay sinabihan na pumunta sa bahay dahil hindi niya pwedeng sabihin doon lalo na at baka nakabantay sa kaniya si Diego at Talia. Ang hindi niya alam ay may nanonood sa kaniya mula sa CCTV, si Ace. Nakakunot ang noo nito ng makitang
HINDI makapaniwala si Stella na nasa loob pala ng silid na iyon si Lee, nalaman niya na opisina pala ito ng lalaki at sinadya ng matanda na doon pumunta upang marinig ng anak ang usapan nila. Ang kaso ay hindi naman inaasahan ni Leo ang mga ibubunyag nito. Ngayon nga ay malungkot na ang itsura nito habang nag kukwento kay Stella. “Ilang taon na ‘rin ang nakakaraan simula nang itago ko ang katotohanan na ito Stella, alam ko ang tungkol sa pagkamatay ng magulang mo.” Seryoso lamang na nakatingin si Stella kay Leo habang nakakuyom ang kamao. “Nalaman ko ang balak nila dahil ang mga Del Rosario ay matalik na kaibigan ng pamilya ko. Sabi saakin ng magulang ko na dumikit ako sa kanila, pero aksidenteng narinig ko ang plano nila. Natakot ako, hindi ako nagsumbong hanggang sa nabalitaan kong wala na ang magulang mo.” Bigla itong lumuhod mula sa kinauupuan nito at humingi ng tawad sa kaniya. “P-Patawarin mo ako hija, matagal na akong kinakain ng konsensya ko pero nawala ka nalang dito sa bay
“BAKIT ibinigay mo kay Ms.Scarlet ang lupa?” Tanong ni Eduardo kay Don Enrique nang makapasok ito sa loob ng opisina. Naupo muna ang matanda bago tuluyang sinagot ang tanong ng tauhan. “Dahil malaking halaga ang ipinatong niya sa buong lupa,” nangunot ang noo ni Eduardo dahil sa sinagot nito. “Paano si Mr.Salvador? Hindi ba’t matagal niyo nang pinaplano ang project na ito?” Tinignan siya nito. “Malaki ang parte niya sa lupa, hati kami doon. Napaka impossible na hindi siya masilaw sa Fifty Million,” gulat na napatingin si Eduardo kay Don Enrique dahil sa sinabi nitong presyo. “50M?!” nakangiti ang matanda dahil sa naging reaction niya at tumango. “See? Palay na talaga ang lumalapit saakin ngayon.” Hindi makapaniwala sa Eduardo na maglalabas ng ganong kalaking pera si Scarlet para lamang bilhin ang lupang iyon. Ngayon ay napapaisip siya kung ipinagbili ba nila ang lupa ng mga Montecarlos ay ganoong presyo din kaya ang ibibigay nito. Hindi niya maiwasang manghinala, paanong nangya