“P-Princess?” napalingon sila si Daniel at Philip sa tinitignan at tinawag ni Athena na Princess “Lola!” agad na tumakbo papunta si Princess sa kinalalagyan ni Athena at niyakap ito ng sobrang higpit. Napalayo nalamang si Daniel dahil tingin niya ay kailangan na mag-usap ng dalawa. Lumapit siya sa gawi ni Philip habang sila Lucas at Harris ay nagtataka kung sino ito. Habang si Ava naman ay nagulat ng makita doon si Agent E, dalawang beses niya palang itong nakikita at hindi niya akalain na kasa-kasama pala ito ni Stella lalo na ang lolang tinatawag ni Princess ay si agent Goddess. Napatingin sa kaniya si Philip at nginitian nito. “Tito Philip, sino po siya?” hindi na napigilan ni Harris ang magtanong kay Philip. “Siya ba? Siya si Daniel, ang ama ni Ace.” Nanlaki ang mata ng dalawang lalaki at nagpakilala naman sa kanila si Daniel. “I’m Daniel Alcantara, nice to meet you both.” Seryosong sabi nito na ikinalunok nila. Alam na nila kung kanino nagmana si Ace. “K-Kaibigan po kami ni Ac
MABILIS na lumapit si Philip kay Ace dahil nagsisimula nang tumingin sa kanila ang mga taong nakikipaglamay. Ayaw niya na mag panic ang mag tao na nasa loob kung kaya hangga’t maaari ay itatago nila ang nangyayari. “’Wag mong isigaw Ace, maaaring malagay sa alanganin ang buhay ng lahat ng taong naririto kapag nag-panic sila.” Natigilan si Ace at napatingin sa mga tao na naroroon. Humarap si Philip sa harapan at doon kinausap niya ng mahina si Theo. “Theo gusto ko na kunin niyo ang plate number ng kahit isa sa sasakyan na dala nila. Kung maaari ay malagyan sana ng tracker ang isang kotse.” Tumango si Theo sa kabilang linya at binaba na ang telepono. “Theo tignan mo,” napatingin si Theo sa tinuro ng kaibigan at doon ay nanlaki ang mata ng makita si Eman kasama si Stella. “Patay na,” mahinang sabi nito at nakita na nagsilapitan ang mga tauhan ni Eman sa kanila upang i-assist papunta sa sasakyan nito. “Ellias, lumabas ka bilis. Ilagay mo itong tracker jan sa kotse na malapit lang.” tum
“SANDALI.” Napatigil si Eman sa paglapit kay Stella ng bigla siyang pigilan nito. “Ano nanaman?” medyo naiirita na tanong nito sa babae. “Hindi ba gusto mo itong katawan ko?” seryoso nitong sabi habang nag cross legs na para naming ikinatulo ng laway ni Eman at sunod-sunod na tumango. “Kung ganon paano ako? Hahayaan mo bang may tali ako?” Tinignan siya ni Eman at tila nalinawagan ito. “Tama ka nga naman,” lumapit ito sa kaniya at pumunta sa likod upang kalagan ang tali. Nakatingin lamang sa kanila si Mr.Chan na nag-aalala kay Stella. Si Stella naman ay nakaabang lang sa mga susunod na mangyayari, kapag kinalagan na siya ni Eman ay gagaiwn niya itong pagkakataon upang makalaya. Pero ang kaniyang plano ay agad na nawala ng agaran nitong itali ang dalawang kamay sa harapan niy. “Anong ginagawa mo?” tanong niya sa lalaki na ikinatingin nito sa kaniya habang nakangisi. “Hindi mo ako mauutakan, Stella.” Pinanliitan nalang niya ng mata si Eman at hindi na umarte pa ng itulak siya nito p
“NAKUHA ko na ang bala!” Napalingon si Theo at Ellias na nasa labas nang kotse upang mag matyag sa paligid kung may darating ‘man na kalaban nang marinig ang sinabing iyon ni Mr.Chan. Ilang minuto na nag nakakalipas simula nang dinala nila sa kotse si Stella upang tanggalin ang bala. “Bakit ganiyan?” takang tanong ni Ellias ng makita na tila putol ang bala. “Anong klaseng bala ito? Naputol sa loob ng katawan niya?” takang tanong ni Mr.Chan at napatingin kay Stella na nakapikit at tila sobrang bigat ng iniinda. “Bakit parang namumutla siya lalo? Stella ayos ka lang ba?!” tanong ni Theo dito ngunit umiling lang si Stella. Nararamdaman ni Stella ang nasa paligid niya. Ang pagkuha ng bala sa kaniyang tagilira at inaasahan niya na kapag naalis na iyon ay matatapos na nag sakit na nararaman ngunit parang mas lalong lumalala ito. Nagulat sila ng biglang hinablot ni Philip ang bala at dali-daling pinunasan iyon sa basahan at tinitigan. “Oh God,” mahinang sabi nito at agad na bumaba kotse
“KAMUSTA na ang asawa ko?” Tanong ni Ace habang hinihimas ang buhok nito habang si Princess naman ay niyakap ito kahit na hindi ito gising. “Ang sabi nang doctor ay ayos na siya, nasaksak kasi siya ng kutsilyo na may lason.” Sagot ni Philip na ikinatingin nI Ace dito na may gulat na expression. “Lason?!” maging si Ava ay napatingin kay Philip dahil doon. Nakatayo ito sa may gilid habang nakasandal sa pader, si Theo at Ellias naman ay nakaupo sa sofa habang pinapanood lamang ang mga ito. “Yes, lason. Mabuti nalang at naagapan kaya naalis na sa katawan niya.” Hindi makapaniwalang napatingin si Ace kay Stella na nakapikit ngayon at kusang bumaba ang labi sa noo nito upang mahalikan. “Ayos na naman po si Mommy hindi po ba, daddy?” napatingin si Ace kay Princess pagkatapos ay nakangiting tumango sa bata. “Syempre naman my princess, kailangan lang natin hintayin na magising siya.” Lahat sila ay hinihintay na magising si Stella. Lahat nag-aalala kahit pa na maayos na ang kalagayan nito.
“PAANO? Paanong nangyari na si agent Tiger, Philip?” kunong noo kong tanong sa kaniya na ikinabuntong hininga nito at mayroong kinuhang mula sa bulsa niya, isang bala. “Nakikita mo ito? Hindi ba kalahati lang siya? Ang kalahati niyan ay lason na matutunaw dahil sa dugo na nasa katawan mo at doon nagsimulang kumalat ang lason.” Gulat na napatingin ako sab ala na iyon at kinuha mula sa kamay nito. “Seryoso?! Patingin!” tumakbo ang tatlo papunta sa gawi ko at tinignan nila iyon. “May ganiyan pala?! Grabe astig—” siniko ni Theo si Ellias ng tignan ko ito ng masama. “Astig ka jan, sa’yo ko kaya ito ipatama! Alam mo bang pakiramdam ko wala akong silbi at katapusan ko na?” napatawa ng awkward si Ellias dahil sa sinabi ko. “Teka, Paano mo nalaman ang tungkol dito Philip?” biglang tanong ni Ava na ikinatingin din namin sa kaniya. Inintay naming ang sagot nito ngunit parang nag-aalangan pa ito. “Philip ano ba? Sasabihin mo ba o papahirapan ka pa naming?” napataas naman ng kamay si Philip dah
“SAAN ka nanggaling wife?” Iyana gad ang sumalubong saakin pagpasok ko sa loob ng bahay. Nakita ko si Ace at Princess na naka upo sa sala at parehong nakatingin saakin habang naka cross arms ang kamay. “Galing ako sa isang mabait na kaibigan.” Simpleng sabi ko at naglakad papunta sa kusina upang uminom ng tubig. “Wahh! Mommy bakit hindi ka nagpaalam saamin?!” narinig ko ang malakas na boses ng anak ko lalo na at nararamdaman kong sumund sila saakin. “Tulog kayong dalawa kaya hindi ko na kayo ginising.” Muli kong sabi at kumuha ng malamig na tubig sa ref at kumuha ng baso upang uminom. Nakatingin lamang saakin ang dalawa habang umiinom ako kaya nang matapos ay kinunutan ko sila ng noo. “What?” tanong ko at doon ko lang napansin ang soot nilang panlakad. “I know may lakad tayo ngayon, kaya nga umuwi na ako eh.” Dahilan ko ngunit sumimangot lang si Princess. “Kahit pa mommy! You should tell us first! Naghanap pa kami ni daddy kung kani-kanino!” Napabuntong hininga ako dahil doon.
“SIGURADO ka na ba sa gusto mo Ace?” Nag-aalalang tanong ni Lucas habang nakaingin sa hawak niyang envelope kung saan ipinakita ito sa kaniya ni Ace ng bumalik ito mula sa labas. Nagpaalam ito sa kaniya na may pupuntahan sandali, ang akala niya ay uuwi na ito sa kanila ngunit hindi pala. Dalawang araw na ang lumipas simula ng pumunta ito sa bahay niya at sinabing makikituloy muna. “Hundred percent sure,” hindi na alam ni Lucas ang sasabihin sa kaibigan. Hindi ugali ni Ace ang pumunta sa bahay nilang dalawa ni Harris kaya kapag ito ay napunta ng personal mismo ay siguradong importante o di kaya naman may problema ito. Pinapunta niya agad si Harris dahil alak agad ang hinanap sa kaniya ng lalaki. Ngunit dahil nga busy na si Harris ngayon ay wala ito sa pilipinas para sa isang meeting sa ibang bansa. At ngayon ay kailangan niyang kausapin ng mag-isa si Ace lalo na at sobrang laking gulo ang nais nito. “Ace, hindi mo ito pwedeng gawin kay Stella. Baka kasuklaman ka na niya sa ginagaw