Don't forget to leave a five star ratings kung nagustuhan niyo ang story ko. Mamaya ulit, thank you!
“SAAN ka nanggaling wife?” Iyana gad ang sumalubong saakin pagpasok ko sa loob ng bahay. Nakita ko si Ace at Princess na naka upo sa sala at parehong nakatingin saakin habang naka cross arms ang kamay. “Galing ako sa isang mabait na kaibigan.” Simpleng sabi ko at naglakad papunta sa kusina upang uminom ng tubig. “Wahh! Mommy bakit hindi ka nagpaalam saamin?!” narinig ko ang malakas na boses ng anak ko lalo na at nararamdaman kong sumund sila saakin. “Tulog kayong dalawa kaya hindi ko na kayo ginising.” Muli kong sabi at kumuha ng malamig na tubig sa ref at kumuha ng baso upang uminom. Nakatingin lamang saakin ang dalawa habang umiinom ako kaya nang matapos ay kinunutan ko sila ng noo. “What?” tanong ko at doon ko lang napansin ang soot nilang panlakad. “I know may lakad tayo ngayon, kaya nga umuwi na ako eh.” Dahilan ko ngunit sumimangot lang si Princess. “Kahit pa mommy! You should tell us first! Naghanap pa kami ni daddy kung kani-kanino!” Napabuntong hininga ako dahil doon.
“SIGURADO ka na ba sa gusto mo Ace?” Nag-aalalang tanong ni Lucas habang nakaingin sa hawak niyang envelope kung saan ipinakita ito sa kaniya ni Ace ng bumalik ito mula sa labas. Nagpaalam ito sa kaniya na may pupuntahan sandali, ang akala niya ay uuwi na ito sa kanila ngunit hindi pala. Dalawang araw na ang lumipas simula ng pumunta ito sa bahay niya at sinabing makikituloy muna. “Hundred percent sure,” hindi na alam ni Lucas ang sasabihin sa kaibigan. Hindi ugali ni Ace ang pumunta sa bahay nilang dalawa ni Harris kaya kapag ito ay napunta ng personal mismo ay siguradong importante o di kaya naman may problema ito. Pinapunta niya agad si Harris dahil alak agad ang hinanap sa kaniya ng lalaki. Ngunit dahil nga busy na si Harris ngayon ay wala ito sa pilipinas para sa isang meeting sa ibang bansa. At ngayon ay kailangan niyang kausapin ng mag-isa si Ace lalo na at sobrang laking gulo ang nais nito. “Ace, hindi mo ito pwedeng gawin kay Stella. Baka kasuklaman ka na niya sa ginagaw
NILAPITAN ni Stella si Princess at binuhat niya ito papunta sa sala at pinatay ang TV bago hinarap upang kausapin. “Anak, hindi kami maghihiwalay ni daddy mo okay?” nakangiting sabi ni Stella habang pinupunasan ang luha ni Princess. “B-Bakit po narinig ko na dinedemanda ka ni Daddy at bukas na ang pagkikita niyo sa korte?” “Hindi ‘yun ganon anak. Gusto lang ni daddy mo na makasigurado na hindi kita ilalayo sa kaniya,” hindi lalo makapaniwala ang apat dahil sa pinapaliwanag ni Stella sa anak. “Ano pong ibig mong sabihin mommy?” napatingin sandali si Stella sa mga kaibigan dahil alam niyang nawiwirduhan na ito sa kaniya. “Ganito kasi ‘yan anak. Diba umalis si daddy? Kala niya ata ilalayo kita sa kaniya kaya niya gustong magkaroon ng custody sa’yo.” “Pero mag-asawa po kayo ni daddy diba? Hindi niya kailangan ng custody dahil kasal po kayo.” Natigilan sandali si Stella dahil sa sinabi ng anak “Mommy?” muli siyang napatingin dito at inamin ang katotohanan. “B-Bago umalis si daddy mo ay n
HINAYAAN ni Stella na magsalita si Ace na ikinahinga naman ng malalim nito ng malalim. Tumingin pa siya sandali sa mga kaibigan nila at nakita niya na nag thumbs up ang mga ito kaya napangiti si Ace at muling tumingin kay Stella. “Wife, alam kong nagulat ka. Alam kong hindi ito kapani-paniwala dahil maging ako ay hindi makapaniwala. The night before tayo mag-away nag-usap kami ni Princess, sinabi ko sa kaniya ang plano ko na ito. At first ayaw niya dahil paulut-ulit niyang sinasabi saakin nab aka ‘daw umiyak ka. “I’m sorry if I made you cry, pero lahat ng iyon ay parte ng plano.” *** “DADDY, no. Ayokong umiiyak si mommy!” Matigas na sabi ni Princess kay Ace, ang kaninang inaantok na bata ay biglang nabuhayan dahil sa sinabi ng ama nitong plano. Balak ni Ace na sampahan ng kaso si Stella pero sa pekeng paraan, ang sabi niya ay pepekein lang nila ang lahat. Simula sa papers, sa judge para lang mapag sama-sama sila. Nararamdaman kasi ni Ace na naging kakaiba ang kilos ni Stella at
STELLA “CONGRATULATIONS sa inyong dalawa!” Hindi na maalis ang ngiti sa labi ko simula nang matapos ang proposal saakin ni Ace. Hanggang ngayon ay hindi pa ‘rin ako makapaniwala na ikakasal ulit kami, ikakasal na walang halong kontrata o kung ano pa ‘man dahil totoo na. “Gusto mo ba nito anak?” napatingin ako kay Ace ng tanungin nito sa Princess kung gusto ba nito ng ice cream bilang dessert. Kanina pa kami kumakain pero yung ingay ay hindi nababawasan. Kahit na kami lang ang nandito ay parang maraming tao, napapansin ko ‘din si Ace na hindi na umaalis sa tabi ko at ganoon ‘din si Princess. Magkasundong magkasundo silang dalawa katulad nalang ngayon. “Yes, po daddy, chocolate po.” I never thought na magiging buo pa kaming tatlo. Naalala ko tuloy noong una kaming magkita one month ago, I was so desperate na makausap siya, ang masabi ang tungkol kay Princess pero dahil nga galit siya saakin I ended up lying to him and also nagalit ‘din ako sa kaniya. “Ikaw, wife gusto mo din?”
ISANG linggo na ang lumipas magmula nang ma-secure naming ni Ava ang agency at simula noon ay wala na muling nabiktima si agent Tiger. Masaya ako para sa balitang iyon pero hindi pa ‘rin kami sigurado kung ano ang susunod na plano ni agent Tiger. Sa ngayon ay handa kami para sa pangontra sa lason na mayroon sa mga bala niya pero paano kung isang araw ay bigla nalang siyang dumating at atakihin kami. Lalo na ngayon na nalalapit na ang birthday ni Princess. Katatapos lamang ng buwan at sa July 08 na ang birthday ng anak namin. Plano ko sana na magbakasyon kami sa beach dahil iyon ang gusto ni Princess noon na hindi ko maibigay dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Ngayon na wala pa naman akong mission ay siguro ayos lang, kailangan ko nalang kausapin si Ace. “Saan pa ba kasi tayo pupunta?” ang kaso hindi ko siya maka-usap dahil sa mga nagdaang araw ay busy ‘daw ito. Maagang aalis sa bahay o di kaya naman biglang aalis dahil may tatawag. Hindi naman ako nanghihinala sa kaniya na may ka
ILANG araw ang lumipas and finally araw na ng birthday ni Princess, saktong madaling araw ng birthday niya ay binati naming ito at ginising. “Happy birthday our Princess!” Pinaghahalikan namin siya sa magkabilang pisnge na ikinangising nito habang nakangiti. “M-Mommy, Daddy ang aga pa.” natawa kami pareho ni Alas dahil doon. “’Yun na nga ang point, anak. Aalis tayo ng maaga papunta sa lugar kung saan natin i-cecelebrate ang birthday mo.” Nakangiting sabi ni Alas na ikinadilat ni Princess ng mata. “Talaga po?!” agad itong bumangon at niyakap kaming dalawa. “Thank you po mommy, daddy! You too are the best po!” hinalikan niya kami pareho sa magkabilang pisnge na ikinatawa naming parehas. “Mukang may excited, Alas.” Natatawa kong sabi. “Dapat lang! Sinigurado ko talaga na mag-eenjoy ang baby girl natin.” Binuhat na ni Alas si Princess upang bumaba at sumakay sa sasakyan. Nakahanda na ang mga dadalhin naming kanina pa dahil sinabi na niya saakin ang lahat. Pupunta doon lahat ng mga
MATAPOS kaming ipakilala ni Alas ay nagsimula na ang event para sa flow ng birthday party ni Princess. Mayroon nang bagong emcee for the birthday party and not for formal purposes only. Nagsimula nang mag-ingay ang mga bata lalo na nang mayroon nang magician na pumunta sa stage. Marami ‘rin ang taga media ngunit pinapatay muna ang camera nang magsimula ang birthday party. Katabi ko si Alas habang kasama namin sa iisang table ang aming mga kaibigan. Sa baba kami naupo upang mas maayos na makapanood si Princess. Nang matapos ang magic show ay kumain na muna kaming lahat lalo na at sinabi ni Alas na marami pang ganap at kailangan ng lakas. Alam ko na maraming tanong mamaya ang media kaya naghahanda na ako ng mga isasagot. “Are you okay wife?” napatingin ako kay Alas at tumango. “Bakit naman ako hindi bagiging okay?” nakangiti kong tanong. “You look distracted kasi,” sabi niya na ikinailing ko nalamang. “Iniisip ko lang kung anong isasagot ko sa media mamaya.” “Isagot mo lang kung an