"Sa ngalan ng ama, ng anak at ng espiritu santo. Amen." Yumuko si Father Mer pagkatapos niyang bigyan ng bendisyon ang mga maninimba. "Tapos na ang misa. Humayo kayo nang mapayapa."Umawit ang choir na nakapuwesto sa gilid, malapit sa altar. Nagpalakpakan ang mga tao. Pero imbes na samahan ni Father Mer ang mga sakristan niya sa pag-martsa palabas ng simbahan at para makamayan na rin ang mga parokyano, agad na nanakbo ang pari sa may likod ng altar. Napahawak siya sa pader. Sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso na para bang ito'y sasambulat na sa kanyang dibdib. Ang mga palad at batok niya ay nagsisimula nang mag-pawis. Narito na naman muli ang pakiramdam na may sasalpok na kometa sa kanya. Sinusumpong na naman siya ng kanyang anxiety attack.Umupo siya saglit sa isang sulok, tumingala at ipinikit ang mga mata. Huminga siya nang malalim. Pakiramdam ni Father Mer anumang sandali ay bigla siyang tutumba at malalagutan ng hininga. Kumapit siya sa bangko at mas pilit pang pinakalma ang
Parang kiti-kiti na sayaw nang sayaw na sinalubong ni Ulap ang amo, pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto."Kumusta na ang baby gremlin ko," lumuhod si Father Mer para yakapin ang alaga. Ayaw naman magpahuli ni Ulap. Paikot-ikot na tumakbo ito sa paligid niya sabay dinamba niya ang pari na may kasamang mga pagdila at halik sa kanyang mukha."Ulap behave! Behave ka na!" sinasaway niya kunwari ang aso kahit na halatang natutuwa siya."Father, nakahain na po ang tanghalian niyo sa lamesa," salubong sa kanya ni Nana Conrada. Katabi nito ang walang imik na si Minggay. "'Yung buko juice po hindi ko muna inilabas sa ref. Baka kasi mawala 'yung lamig.""Nana, sa'n po ba kayo galing? Kaninang umaga po kasi wala pa kayo rito. Akala ko kung napa'no na po kayo." Hindi na lang ipinahalata ni Father Mer ang pagka-asiwa niya. Bukod kasi sa walang nagluto ng kanyang almusal, hindi rin na-plantsa ang kanyang kasuotan para sa misa. Hindi dahil sa hindi siya marunong ng mga gawaing iyon. Nagmamadali
Unti-unti nang nagbabalik sa wisyo si Isabel. Idinilat niya ang mga mata. May kalabuan ang nakikita niya pero alam niyang nasa loob siya ng isang umaandar na sasakyan base sa lakas ng hampas ng hangin na dumadampi sa kanyang mukha at sa nadaraanan nilang mga gusali. Sinubukan niyang umupo nang tuwid at agad din siyang napasandal muli. Bigla kasing umikot ang buong paligid niya."Ma'am, 'wag na po kayong malikot at baka madagdagan lang 'yang sakit niyo sa ulo," sabi ng boses sa kanya. Tinignan niya ang may-ari at agad na nanumbalik ang kanyang alaala."I-i-ikaw... driver. Sa'n mo 'ko d-dadalhin," hindi makapagsalita ng diretso si Isabel dahil hilong-hilo pa siya sa lakas ng palong natamo niya sa ulo."Relax ka lang d'yan," nakangiting sabi sa kanya ni Manong Jerry.Ipinikit ni Isabel ang mga mata at mamaya pa ay naramdaman na lang niyang tila bumabagal na ang andar ng kanilang sinasakyan. Hindi pa rin niya tuluyang maibukas nang matagal ang mga mata dahil para siyang maduduwal. "Hay,
Bukas ang gate ng Casa Del Los Benditos pagkarating ni Father Mer. Sa loob, malapit sa hardin, nakaparada ang isang tricycle sa may pintuan na noon lang niya nakita."Nana, kanino 'yung tricycle sa labas?" Walang sumasagot. Napaisip si Father Mer kung nasaan na naman ang kasambahay. Awtomatikong niligid ng tingin ni Father ang kanyang paligid. Inaalam kung may nawawala bang kagamitan o mga bagay na wala sa ayos. Nilapitan niya rin ang altar at kumpleto pa rin ang istatwa ng mga santo na nakapatong doon.Lumiko siya pakanan papunta sa kanyang kuwarto para kunin doon ang kanyang wallet. Hindi niya alam eksakto kung saan niya iyon nailagay, pero sigurado siyang naroon lang iyon. Kung wala sa bulsa ng huling maong na pantalon na isinuot niya, malamang nakatago lang iyon sa isa mga drawer. Tama nga si Ate Linda niya. Kailangan na niyang mas maging organisado at masinop sa gamit.Subalit maging si Ate Isabel pala niya ay hindi sinusunod ang sarili niyang payo. Anong ginagawa ng palda niya
Sapo ni Father Mer ang nalamog niyang tagiliran. Nakasandal siya sa mainit na pader ng silid. Ginapang niya ang apat na dipang layo mula sa puwesto niya kanina hanggang sa kasalukuyan niyang kinalalagyan kahit na halos panawan na siya ng ulirat. Pinanood lang siya ni Manong Jerry na parang insektong tinanggalan ng mga paa."Anong kasalanan namin sa inyo? Bakit nandito ate ko? Anong ginawa niyo sa kanya?" "Sssssh, huminahon ka, Father. Kailangang mangyari ang dapat mangyari?" si Nana Conrada. "Anong hinahon? Anong dapat mangyari? Hindi ko kayo maintindihan!" Nagpalipat-lipat ng tingin si Father Mer kina Nana Conrada at Manong Jerry. Naghihintay ng kapaliwanagan."May sumpa ang bahay at simbahang ito. Sumpang nandirito na simula noong itatag ang haligi ng mga gusaling ito. May bantay na kailangan naming pakainin para iligtas tayong lahat sa kapahamakan," nanlalaki at namumula ang mga mata ni Manong Jerry habang nagsasalita."Anong pinagsasabi niyo! Hindi ko kayo maintindihan! Mga hayo
"Masdan mo, Father. Ito!--ito ang itsura ng impyerno. Dito tayo iniligtas ni Serberus. Magpasalamat tayo sa proteksyong ibinibigay niya!" Parang na-uulol na si Manong Jerry. Hindi mawari ni Father Mer kung nawala na sa katinuan ang hardinero dahil sa malaking ngiti na nakapaskil sa mukha nito.Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw ng pari ang milyong-milyong katawan ng mga tao sa lagusan. Pawang mga butil ng buhangin sa sobrang dami. Kung ano-anong uri ng pagpapahirap at parusa ang ipinapataw sa kanila ng mga demonyong nakabantay sa kanila. Kahit anong pikit-dilat ang gawin niya, hindi mawala-wala ang mga imaheng iyon sa harap niya. Totoo ang impyerno!Salamat sa ilaw na galing sa mga nagbabagang apoy ng lagusan, nakita ni Father Mer ang tulog pa ring si Isabel. Nilapitan niya ang kapatid at ipinatong ang ulo nito sa kanyang kandungan. "Nakikiusap ako, palabasin niyo na kami dito."Pinuntahan ni Nana Conrada si Father. "Pasensya na Father pero kailangan naming ibigay ang kapatid mo sa k
Napabalikwas nang bangon si Father Mer. Sa tabi niya, ang kanyang Ate Isabel na nakahiga at nakatitig lang sa sapot ng gagamba malapit sa fluorescent lamp. Nasa living area na sila ng bahay na bihira lang tambayan. Sapin nila sa likod ang carpet na puno ng alikabok."Kanina pa siya hindi nagsasalita," si Minggay. "Father, may pitsel po ng malamig na tubig. Baka gusto niyo pong uminom.""Lumayo ka sa amin! Mga kampon kayo ng kadiliman!"Nasaktan si Minggay sa paratang na iyon ni Father Mer, pero hindi niya iyon pinahalata. Sa halip, kinuha niya ang basong nakapatong sa side table at nagbuhos doon ng malamig na tubig. "Father, inom po muna kayo."Tinabig ni Father Mer ang baso at nabasag ito pagtama sa dingding. "Hindi ko kailangan ng tubig. Ang tanong ko ang sagutin mo. Ano 'yung mga nakita ko sa second floor? Sagot!"Umupo si Minggay sa may sofa at nagsimula siyang mag-kuwento. Sinabi niya ang lahat-lahat sa pari. Mula noong utusan siya ng kanyang ina na nakawin ang korona ng mahal na
Ibinaba ng tricycle si Father Mer at ang kanyang ate sa harap mismo ng Villapureza Inn kung saan kasalukuyang tumutuloy si Isabel. Nagpunta ang pari sa reception desk area at kinausap ang receptionist doon kung puwedeng lumipat sila mula sa single room papunta sa double room. Maigi na lamang may bakante na ulit at pinayagan sila. Kaaalis lang kasi ng mag-inang umuukupa sa kuwartong gustong lipatan ni Father Mer kaninang umaga. Napansin ng magandang receptionist si Isabel at binati niya ito gaya nang madalas niyang ginagawa kahit na ni minsan hindi siya nginitian nito. Ganoon kasi ang turo sa kanila sa training. "Good evening, Ma'am. We hope you're enjoying your stay here."Tinignan lang ni Isabel ang receptionist. Nakatikom lang bibig nito at diretsong nakatitig sa kanya. Si Father Mer na ang sumalo. "I'm sorry, Miss. Medyo masama kasi pakiramdam niya. I hope you don't mind. Puwede ko na bang makuha ang susi ng room? Also, puwede ko bang makuha 'yung susi ng room ng kapatid ko para m
2023. DALAWAMPU'T LIMANG TAON ANG LUMIPAS. SA BAYAN NG DINGASIN.Nakasimangot na agad si Ernie habang nakasunod sa ina. Pa'no ba naman kasi antok pa siya kaka-cellphone nang patago hanggang alas-dos ng madaling araw. Hindi siya tumitigil hangga't hindi niya naaabot ang pangarap niyang maging pangalawa sa ranggo sa kinababaliwan niyang gaming app ngayon. Patungo sila sa simbahan ng Holy Servant of God kung saan si Ernie ang isa sa mga sakristan."Ayusin mo nga 'yang mukha mo. Ang aga-aga! Lalo kung gugusutin 'yan. Sinabi ko naman sa'yo na tigil-tigilan mo na 'yang cellphone na 'yan. Mahuli pa kitang nag-gaganyan sa gabi, ipapakain ko sa'yo 'yan. Sinasabi ko sa'yo, Ernie. Huwag mo akong subukan," dakdak ni Aling Milagros sa anak habang nilalakad nila ang daan patungo sa sakayan ng jeep. Tinatahulan sila ng mga asong pagala-gala sa kalsada. Maging sila nabulabog yata sa ingay ng ale. "'Yung sutana mo na-plantsa mo ba? Ayusin mo nang bitbit at baka sumayad sa lupa. Diyos kong bata ka."
Isinama si Minggay sa loob ng ambulansya. Agad na sinuotan ng oxygen mask si Mer dahil mabagal at hirap na itong huminga. Ang mga paramedic, walang tigil sa pagpapa-ampat ng sugat na patuloy pa rin sa pagbulwak ng dugo.Tinatanggal ni Mer ang oxygen mask na tumatakip sa kanyang bibig. May gusto siyang sabihin sa dalaga, pero pinipigilan siya ng isa sa mga paramedic. Pero mapilit si Mer kaya pinagbigyan na rin siya kalaunan."Si U-Ulap. I...i...ikaw na mag...ala...ga," putol-putol at hinihingal na sabi ng dating pari. Ibinalik agad ng paramedic ang tinanggal na oygen mask."Opo, Father Mer. Ako na po ang bahala. Huwag na po kayong mag-alala. Wala niyo na po munang isipin 'yun," umiiyak na sagot ni Minggay.Pumikit lang si Mer at tahimik na ngumiti.Balak pa sanang sumama ni Minggay sa emergency room pagkarating nila roon subalit hinarang na siya ng guwardya."Kasama niya po ako. Papasukin niyo po ako," pakiusap ni Minggay."Ay hindi puwede, ineng. Mga doktor lang ang puwede sa loob."W
Pagkahatid ni Father Mer kay Isabel sa hotel ay agad din naman siyang pumara muli ng tricycle papunta kina Minggay. Gusto niyang dalawin ito bago siya lumipad pa-Italya. Alam na niya ang papunta roon dahil noong isang linggo ay isinama siya ng dalaga sa kanilang bahay para ipakilala sa kanyang pamilya. Naging maaliwalas naman ang pagtanggap sa kanya ng mga kapatid maliban na lang sa ina-inahan nila na si Mama Linda. Sinimangutan siya nito noong ipakilala niya ang sarili. Paliwanag ni Minggay ay intindihin na lang ang ina dahil malamang dinaramdam pa rin nito ang pagkamatay ng kalahati ng kanyang katawan bunga ng aksidente. Pero ang totoo, sa pakiwari ni Father Mer, hindi sa kapansanan niya may galit si Mama Linda kundi kay Minggay mismo. Sinisisi marahil nito ang anak kung bakit siya nagkagano'n.Umikot pa-short cut ang tricycle sakay si Father Mer kaya nadaanan nila ang simbahan ng Villapureza habang binabaybay ang daan. Naalala pa niya noong unang makita niya ito. Bagaman may mga am
Walang makita si Father Mer pagmulat niya ng mga mata. Napaliligiran siya ng kadiliman. Sinubukan niyang umupo at may kidlat ng kirot ang biglang gumuhit sa kanyang dibdib. Napakagat-labi siya sa sakit. Saka lang niya naalala na, oo nga, ginawa pala siyang alay kanina. Kinapa niya ang t-shirt at naramdaman ang mamamasa-masa pa ring dugo roon. Nakita niya pa nga itong umagos na parang ilog kanina bago siya humiga at mawalan ng malay. Ngayon ay wala na siyang mahawakang bakas ng sugat sa kanyang balat. Walang hiwa o butas subalit naroon pa rin ang hapdi. Buhay siya.Hindi makapaniwala si Father Mer na siya ay humihinga pa. Himala ba ito ng Birheng Maria? Pero ang sabi ng mahal na ina ay kailangan niyang mawala para maputol ang sumpa. Si Serberus!Kinuha niya ang lighter sa bulsa, sinindihan at lumiwanag nang bahagya ang silid. Itinapat nito ang liwanag sa kung saan nakatayo ang pedestal ng istatwa at ngayon nga ay wala na ito dito. Gumapang pa siya ng ilang metro at inilawan naman ang
Napatakip ng tenga si Father Mer at Minggay sa lakas ng dumadagundong na iyak ni Serberus hanggang sa napadapa na silang dalawa. Nagsimulang magkaroon ng mga bitak ang istatwa at ang mga piraso ng mga bitak ay nangagsihulog sa sahig. Unti-unti nang sumisilip ang tunay na anyo ng demonyo sa ilalim ng inukit na kahoy. Lumilitaw na ang makapal at maitim na balahibo at ang tatlong pares ng mga nanlilisik at mapupulang mga mata nito.Galit na galit ito dahil mukhang maisasakatuparan na ang propesiya ng Birheng Maria sa kanya. Alam na ng halimaw ang kanyang sasapitin. Malapit na siyang magapi at inihahanda nito ang sarili para sa huling pagtutuos. Hindi ito basta-basta magpapatalo.Samantala, hindi halos makagalaw sina Father Mer at Minggay. Sa tuwing sinusubukan ng pari na tumayo para kunin ang nakalutang na balaraw, pakiramdam ni Father Mer ay sasabog na ang kanyang ulo sa napakalakas na atungal ni Serberus. Pumapasok sa kanyang tenga ang ingay na iyon at tila pinaparalisa nito ang kanyan
"Minggay, naintindihan mo ba ang sinabi ko sa'yo?" ulit na tanong ni Father Mer."Ah... opo, Father," parang sandaling nawala si Minggay sa dami ng kailangan niyang intindihin at iproseso. "Ang sabi ko si Ate Isabel nasa hotel ngayon, nasa Villapureza Inn. Puntahan mo doon kung sakaling..." hindi pa rin talaga masabi ni Father Mer ang totoo na malaki ang posibilidad na baka hindi na siya makakabalik. "...kung sakaling may mangyari sa akin. Kamo tulungan ka ng mga staff doon na tawagan ang pinsan namin sa Bulacan para sunduin si ate. 'Yung telephone number ng pinsan namin iniwan ko sa ibabaw ng lamesa doon. Tapos si Ulap... ano... kung gusto mo ipapaubaya ko na siya sa iyo. Sinabihan ko na 'yung guard ng hotel kanina na kukunin mo siya kung sakali - 'yan ay kung gusto mo lang naman. Pinaiwan ko kasi sa nanay niya si Ulap. Pero kung ayaw mo naman siguro maigi na rin na doon na lang sa kanila 'yung alaga ko. At least alam ko na maaalagaan siya."Nasa loob sila ng bakuran ng Casa Del Los
Hindi na binati ni Father Mer ang kanyang parokyano pagkatapos niyang mag-misa. Lumabas siya sa gilid na pinto ng simbahan at hinanap niya si Minggay sa tulugan nila ni Nana Conrada sa likod ng Casa Del Los Benditos.Naabutan niya ang dalaga na nagsasampay ng mga nilabhang kurtina malapit sa poso kahit makulimlim ang langit. Tinawag niya sandali si Minggay para samahan siya."Sigurado ka bang wala ka ng ibang paraang alam para matalo si... 'yung... 'yung nasa itaas natin," halos pabulong na ang pagsasalita ni Father Mer. "'Di ba sabi mo kahapon na puwede kang humiling ng kahit ano sa kanya basta't mag-aalay ka lang ng dugo? 'Di ba naikuwento mo sa 'kin na nag-wish ka noon kay Serberus na sana huwag nang ituloy ng mama mo ang utos sa'yo na nakawin ang korona ng mahal na birhen. Tapos sabi mo kinabukasan bigla siyang nabundol ng tricyvle at ngayon ay paralisado na siya. E, 'di ibig sabihin tinupad nga ni Serberus ang wish mo. Hindi 'yung basta nagkataon lang. Ang gusto ko lang naman sab
Ensaymada at kape ang inalmusal ni Father Mer at ni Isabel pagkagising nila kinabukasan. Binili ni Mer ang mga iyon sa isang bakery na nakapuwesto sa ibaba ng hotel. Bago umakyat pabalik sa kanilang kuwarto, dinaanan ni Father Mer ang receptionist sa desk nito. Subalit bago na pala ang bantay na inabutan nila doon kahapon. Ang isang ito ay babae rin pero may katandaan na. Pinakiusapan ni Father Mer ang bagong receptionist kung maaaring paki-tingnan ang ate niya kung sakaling bumaba ito at umalis sa hotel. May misa kasi siya na kailangan gampanan sa simbahan at mamayang gabi pa ang tapos ng lahat ng tatlong seremonya na kailangan niyang tuparin para sa araw na iyon. Ipinangako naman ng pari na babalik-balikan naman niya ang ate sa hotel para silipin ito. Nagtanong ang receptionist kung may problema ba si Isabel na kakilala rin niya dahil madalas din niya itong batiin kahit na hindi naman siya pinapansin nito. Sinabihan daw kasi siya ng ka-relyebo niya na nakita niya raw itong nakatapis
Nanindig ang mga balahibo ni Father Mer habang isa-isa niyang binubuklat ang mga pahina ng napulot na diary. Ang detalyadong pagkakaguhit ng mga demonyo, ng mga kaluluwang sinusunog at pinahihirapan, ng impyerno, katulad na katulad ng mga nakita niya sa ikalawang palapag ng Casa Del Los Benditos. Malamang nasaksihan din ng may-ari ng diary ang nasa likod ng pintuan doon. Tama nga ang sinasabi ni Minggay na matagal na panahon nang naroon si Serberus at ang lagusan. At hinala ni Father Mer ay isa si Father Mauricio sa mga naging unang bantay nito.Inilipat pa niya ang mga pahina at lalo pa siyang nanggilalas. Ang mga nakaguhit na lumang itsura ng Casa Del Los Benditos sa iba't ibang anggulo, ang mga kagamitan at muwebles sa loob nito, ang dating disenyo at istilo, lahat maingat na iginuhit ng Padre Espejo sa makakapal na pahina ng kanyang notebook. Mayroon pa ngang fountain dati sa may hardin na ngayon ay wala na. At ang hagdanan paakyat sa ikalawang palapag, walang pinagbago. Kung ano