CHAPTER 70"Never mind. Huwag mo na siyang gisingin. Salamat sa pagsagot. Pakisabi na lang na pupunta ako ng maaga diyan bukas at kailangan naming mag-usap. Bye."Pinatayan ko na. Kasabay iyon ng aking pagluha. Gusto kong ilabas ang aking hinanakit. Pagkatapos ng lahat? Ito lang pala ang gagawin niya sa akin. Isinuko ko ang pagmamahal ko kay Dindo para sa kaniya pero iiwan at ipagpapalit din lang pala niya ako.Natuyo ang luha ngunit naroon ang sakit sa aking dibdib. Nakatulog ako ng alas dos ng madaling araw. Kahit puyat ay maaga pa rin akong nagising. Alas-sais nang paalis na ako sa bahay dala ang aminng sasakyan. Hindi na ako mag-commute pa. ito ang unang pagkakataon na mag-drive ako ng solo pauwi ng Vizcaya. Ang paalam ko kay Mommy ay uuwi muna ako sa probinsiya para makapagrelax bago sasabak sa trabaho ko bilang isang sundalo."Take this with you anak. Pakibagay na din lang kina lolo at lola mo."Kinuha ko ang isang maliit na backpack na ibinigay ni Mom sa akin. Humalik ako sa ka
CHAPTER 71Sa Gamu, Isabela ako nadestino bilang 2nd Lieutenant ng 5th Infantry Division ng Philippine Army na kung saan ang pinakauna sa aming misyon ay buwagin ang mga naghahari-hariang NPA sa buong lambak ng Cagayan at sa kalapit probinsiya. Nang una ay hindi ako pinagkakatiwalaang sumabak sa field. Ang gusto ng mga nakatataas ay pamunuan ko ang support team dahil nga sa babae ako. Hindi ako pumayag. Hindi ako nagsawalang-kibo. NIlapitan ko ang mga ninong ko at mga kaibigan ni Daddy na bigyan ako ng pagkakataon na sumabak sa laban dahil iyon naman talaga ang aking inaral. Napakaraming mga pag-uusap at proseso pa ang nangyari bago ako pinayagan. Isa ako kung hindi man unang babaeng pinayagan na mamuno para sa mga digmaan na madalas kung hindi man laging pinamumunuan lang dapat ng mga lalaking sundalo. Girl power. Ano ba ang ginagawa ng mga lalaki na hindi namin kayang gawing mga babae sa panahon ngayon sa trabaho? Gender equality ang ipinaglaban ko rito kahit alam kong dadaan ako sa
CHAPTER 72Nagsaludo siya sa akin. Mabilis ko ding sinaluduhan siya at kinamayan."Congratulations! Ganap ka na din palang sundalo! Kumusta?""Ayos lang Ma’am. Nalaman ko kasi na baka magiging tauhan ninyo ako sa Cagayan. Kaya hindi ko na hinintay na mag-umaga para bisitahin ko kayo dito sa tinitirhan ninyo.""Talaga? Sinabi ba sa’yo?”“Hindi ba ninyo nakita sa listahang ibinigay sa inyo Lieutenant?”“Hindi pa e. Inabot sa akin pero hindi ko pa nababasa. So, isa ka sa mga magiging tauhan ko sa Cagayan?”“Yes Lieutenant.”“Ayos! Ayos na ayos tayo diyan. Kahit papaano may makakasama ako doon. Medyo hindi lang pinalad si Rave na makasama ko dito. Kaya alam mo na nakakalungkot din talaga.""Ganoon nga talaga siguro Ma’am. Malay ninyo sa susunod na taon madestino na rin siya dito. Sino pa ba ang iba nating makakasama sa Cagayan ma’am?" tanong niya."Wala e, hindi ko pa talaga pinasadahan yung listahan. Inabot lang kaninang umaga at hindi ko pa inisa-isang tinignan kasi. Sa susunod na araw
CHAPTER 73Nang matapos ang aming pagkanta ay mahigpit naming niyakap ang isa't isa. Napapikit ako nang magtagpo ang aming mga labi. Pagmulat ko ay nakita ko si Dindo. Nanlaki ang aking mga mata. Paanong nakapasok dito si Dindo? Anong ginagawa niya rito?Tumalikod siya. nasa kabilang bahagi pa ang armas ko. Paano ko ngayon iyon makukuha.“Sandali!” sigaw ko.Tumayo na rin si Rave.Kapwa kami nangangapa kung ano ang gagawin namin dahil alam naming kalaban si Dindo at ang pagpasok niya sa mismong camp ay paniguradong may malalim na dahilan.“Para hindi tayo magkasakitan dito, humarap ka sa amin at itaas moa ng iyong mga kamay bilang pagsuko!” sigaw ko. Mahirap sa akin sabihin iyon ngunit kailangan.Nagpatuloy lang siya sa kanyang paglakad. Hindi man lang siya natinag.“May armas ka?” tanong ko kay Rave.“Wala. Ikaw?”“Nasa hinubad kong damit ko. Anong gagawin natin. Palayo na siya?”“Kunin mo ang baril mo at ako na ang bahala sa kanya.”Hindi na ako sumagot. Mabilis akong tumakbo papun
CHAPTER 74Dumating ang araw na pagbiyahe namin papunta sa aming outpost sa Cagayan. Kami ni Rave ang magkatabi sa harap ng aming Army Truck. Nasa likod si Dame kasama ng labin-isa pa naming mga kasamahan. Labin-apat kaming lahat at ito ay sapat na para mabuo ang isang squad. Kami na muna ang pinauna sa bahaging iyon ng Solana Cagayan. Tatlo hanggang apat na oras din ang biyahe mula Gamu, Isabela hanggang sa Solana, Cagayan. Lahat kami ay armado ng M-16 Rifle, may mga dala rin kaming mga iba pang armas na maaring magamit kung magkakagipitan na sa laban. Lahat kami ay naka-comouflage. Nilingon ko ang mga kasamahan ko at napansin kong nawiwili sila sa kanilang mga biruan at tawanan. Panay ang tingin sa amin ni Dame dahil nga hindi pa niya nakikilala ang mga iba ko pang tauhan. Kami palang naman ni Rave ang kaniyang kaututang dila. Nasa bukana na kami ng Tuguegarao sa bahaging Santa Maria, Isabela nang kinalabit ko si Rave na tahimik at naiinip na sa aming biyahe. Nilingon niya ako. Ngin
CHAPTER 75"Rave! Dapa!" sigaw ko.Kasabay iyon ng mabilis kong pagtulak sa kaniya ngunit pumutok na ang hawak na baril ng kalaban. Mabilis ko man inasinta din ng hawak kong baril ang rebelde ngunit huli na, isa na sa amin ang natamaan. Nakita kong natamaan ko sa ulo ang rebelde na siyang sanhi ng daglian niyang pagkatumba ngunit tumama na din ang balang unang pinakawalan nito."Tinamaan ka!"Nagkukumahog na lumapit si Rave sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkataranta.Nakita kong umagos na ang dugo ko at pumatak sa lupa. Hinawakan ko ang sugat ko. Napaupo ako. Huminga ako ng malalim. Mabuti at naunahan ko ang dapat ay totodas kay Rave. Sa pagtulak ko sa kanya, sa akin tumama ang bala na dapat tatapos sa buhay ng mahal ko. Napapikit ako. Taimtim na nagpasalamat sa Diyos na walang nangyaring masama sa kaniya.Lumuhod si Rave sa likod ko. Inalalayan niya ako ng dahan-dahan na akong napaupo."Buddy! Tulungan mo akong dalhin si Lieutenant sa hospital. Bilisan natin!" tawag ni Rave ka
CHAPTER 76 Pinag-aralan kong maigi ang kilos ng mga rebelde. Sa gawing malapit sa amin ay may isang malaking puno kung saan ay may parang tree house at may dalawang rebelde na nagkakape at nag-uusap. Ganoon din sa bahagi iyon na pinuswetuhan ng troop Charlie, may tree house din doon at tatlo ang nagsisilbing lookout nila. May mga ilang rebelde na nagkukuwentuhan sa malapit sa kanilang mga kuta. Ang ilan ay naghahanda ng almusal. May mga ilan ang nag-eexercise at may mga ilan ding naglilinis ng kanilang mga armas. May mga ilan na armado ng M-16 at ang ilan ay parang bagong gising kaya nakaupo pa at malayo ang tingin. Sa tantiya ko, nasa humigit kumulang singkwenta katao ang naroon maliban pa lang siguro sa ilang natutulog pa. Kinuha ko ang radio ko sa aking baywang.Tinanong ko ang Bravo troop kung ready na sila to engage.“Yes Lt. Ancheta, ready to engage.”“Copy!” sagot ko.Ganoon din ang ginawa ko sa Charlie at Delta Troop.Ready to engage na rin daw sila."Okey, in fifteen seconds
CHAPTER 77 Tinaas niya ang kamay niya."Bakit hindi mo na lang ako patayin? Ganoon din lang naman hindi ba? Kung susuko ako, papatayin niyo din ako!" may luhang bumagtas sa kaniyang pisngi. Nakaramdam ako ng awa."Kung susuko ka, may pag-asa pang mailigtas ko ang buhay mo, mapagaan natin ang kaso mo at makakakuha tayo ng amnesty. Kung hindi ka susuko, maaring hindi ako ang makapatay sa iyo ngunit gagawin iyon ng ibang mga kasamahan ko."Mabilis siyang kumilos para pulutin muli ang baril niya ngunit pinaputukan ko ang bahaging malapit sa kaniyang kamay."Sige, isang maling kilos mo pa, siguraduhin kong wasak ang mga kamay mo at kung magpupumilit ka wasak ang bungo mo!" sigaw ko.Tuluyan ko nang pinagbigyan ang luha sa aking mga mata. Malaya itong bumagtas sa aking pisngi at pumatak sa aking camouflage.Nakita ko din sa kaniyang mukha ang paghihirap ng kaniyang kalooban sa pinagdadaanan namin ngayon. Alam kong katulad ko, hindi niya gustong kami ang nagtutuos ngayon.Biglang may lumaba
FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal
CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya
CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi
CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu
CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc
CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay
CHAPTER 97Mga putok ng baril ang siyang hudyat para ituloy ang laban dahil nasa paligid na namin ang mga kaaaway.Kasunod iyon ng isa pang putok hanggang sa natumba ang isang rebelde na malapit sa amin."Kung ayaw ninyong umalis dito, utang na loob, gamitin ninyo ang hawak ninyong baril!" si Rave. Siya ang bumaril sa rebeldeng dapat kikitil na sa aming buhay.Ikinasa ni Dindo ang hawak niyang armas. Ganoon din ako. Nagkatinginan kami."Sigurado ka, kaya mo talaga?""Kaya ko. Ako na lang ang magsisilbing back up ninyo. Dito lang ako.”“Kahit anong mangyari ngayon, lagi mo lang tandaan na nandito ako para sa’yo. Wala akong hindi kayang gawin para sa’yo dahil mahal na mahal kita.”“Sige na, dude. Tulungan mo na sina Dame at Rave."Gumapang siya at umasinta. Alam kong hirap ang kalooban niyang kalabanin at barilin ang dati niyang mga kasamahan ngunit ginagawa na niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. Noon ko lalong napatunayan kung gaano niya ako kamahal.Nakita kong maraming inasint
CHAPTER 96“Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo...Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit...Ngunit walang putok...Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako.Walang bala ang naagaw kong baril.Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan."Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila.Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte."Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!"“Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde.“Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘yan.”“Tumahimik nga kayo. Kahit naman lapnos na ang balat niyan ay titirahin niyo pa rin. Mamayang gabi na lang ‘yan tirahin kapag hindi pa dumating ang kanyang tagapagligtas para bukas ng umaga, hindi na ito sisikata
CHAPTER 95Madaling araw nang kumulog at kumidlat. Bumuhos ang ulan. Naging dobleng pasanin ang ibinigay niyon sa akin. Malamig at tuluyan nang parang walang pakiramdam ang aking mga paa. Namamanhid na ang aking katawan. Dahil sa pagod, hirap at hapdi ng natalian kong kamay at paa, idagdag pa ang mga suntok at sipa nila sa akin ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking pagluha. Gusto kong ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Ganito ba kahirap ang kailangan kong pagdaanan? Paano kung bukas nga ay hindi na ako sisikatan ng araw? Paano kung hanggang bukas wala pa rin ang aking tagapagligtas? Ngayon palang naiisip ko na ang gagawin ng lahat sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa babuyin ako’t pagpapasa-pasaan.Isa pang nakakapagbagabag sa akin ay ang takot na maaring nasa hospital si Dindo ngayon kung hindi man siya natuluyan kanina ng mga rebelde. Bakit laging ganoon? Bakit lagi akong walang magawa kung nasa kapahamakan ang taong mahal ko? Lagi bang kailangang ako ang