Share

CHAPTER 65

CHAPTER 65

Bigla akong hinila ni Dindo patago. Tinakpan niya ang bibig ko.

“Mamaya ka na bumalik sa pinsan mo. Alam kong hinahanap ka niya pero marami pa tayong pag-uusapan.”

Nakita kong dumaan si Rave. Patuloy pa rin niyang isinisigaw ang pangalan ko. Huminto rin siya ng bahagya. Nakikiramdam kung may tao sa madilim na bahaging tinaguan namin pansamantala. Magkayakap kami ni Dindo sa maliit na espasyo na iyon. Naaamoy ko ang kanyang mabangong hininga. Ramdam ko ang maskulado niyang katawan na nakadikit sa aking katawan.

Hanggang sa tuluyang nakalayo sa amin si Rave na patuloy pa rin ang pagtawag niya ng malakas sa aking pangalan.

“Baka gusto mong lumayo na sa akin?”

“Sorry,” huminga siya ng malalim. “Anong sinabi mo kanina? Walang saysay na ipinaglalaban? Sinabi mong walang kuwenta ang ilang taon na naming isinisigaw?”

“Hindi ba? Ilang taon na ba kayo diyan sa apniniwala ninyo? May nangyari ba? May napapala ba kayo? Wala!”

“Ang sakit mong magsalita pero wala kang alam sa imperyalismo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status