Share

CHAPTER 5

Author: MissThick
last update Last Updated: 2024-01-15 18:53:47

Nahiya na rin akong humingi pa ng tulong kay Dindo. Naisip kong maaring kapit-bahay lang nila sina lola kaya kung sakaling sundan ko siya at makakalabas kami sa gubat ay mas mabilis ko nang matutunton ang bahay nina lola. Bago siya nilamon ng masukal na gubat ay binilisan ko siyang sinundan. Mabilis ang kaniyang mga hakbang kaya ako naman ay parang tumatakbo na rin. Tumigil siya na parang nakikiramdam at bago siya lumingon ay nakatago na rin ako. Nang pinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad ay sinundan ko pa rin siya. Malayo-layo na rin ang aming nilakad nang bigla ko na lang siyang hindi makita. Binilisan ko ang lakad ko at baka lang lumiko siya at nakakubli siya sa malalaking puno ngunit wala na talaga siya. Paano na ‘to. Parang lalo pa akong naligaw ne’to e.

Gusto kong sumigaw at tawagin siya pero baka sabihin na naman niyang lampa ako o tatanungin ako kug bakit ba ako sunud ng sunod sa kanya. Ngunit paano ako ngayon makakalabas sa gubat? Tagaktak na ako ng pawis. Ninenerbiyos. Kinakabahan. Natatakot.

Nasa'n na ba kasi 'yun. Bakit ambilis niyang nawala?

                Tumigil ako. Tumingin ako sa paligid. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo gamit ang aking palad. Maluha-luha na ako dahil sa takot. Paano kung hindi ako makabalik sa bahay nina lolo bago magtakip-silim? Paano kung may kapre? Paano kung totoo yung mga tiyanak sa mga napanood kong Shake, Rattle and Roll noong bata pa ako? White lady o kaya’y mga engkanto. Nai-imagine ko na at lalo akong natakot. Palinga-linga na ako. Naiiyak sa sobrang pagkabahala.

                Napasigaw ko ng malakas nang biglang may pumiring sa aking mga mata. Kahit nagulat ako ay alam kong si Dindo pa rin iyon. Dahil sa ang ulo ko ay nasa balikat na niya, ang kaliwang kamay niya ang ginamit niyang pinantakip sa aking mga mata at ang kanang kamay niya ay nakapulupot sa aking leeg. Nadadampi ang katawan niya sa akin at hindi ko alam kung bakit nagkakaroon na naman sa aking ng kakaibang epekto iyon na hindi ko maintindihan. Para akong kinukuryente. Para sinisilaban ang aking buong pagkatao.

                "Bakit mo ako sinusundan! Naiinis na ako sa'yo!”

“Luh? Naiinis agad?”

“Tantanan mo nga ako!"

                "Naliligaw kasi ako." Sagot ko. Hindi parin niya tinatanggal ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa aking leeg.

                "Kung ihahatid kita sa labasan malapit sa malaking puno, tatantanan mo na ako?"

                "Depende!" napapangiti ako sa sinagot ko. Ako pa kasi ang may ganang gumawa ng deal.

                "Depende?" tinanggal na niya ang kamay niyang pumiring sa akin. "Kapal naman ng mukha mo. Ikaw pa talaga ang may ganang magsabi ng depende ah."

                "Kung tuturuan mo akong lumangoy, titigilan na kita.”

“Ano ka? Sinusuwerte?”

“Sige na please? Ilang araw lang ako dito kaya malamang di mo na rin muli ako makikita ng matagal. Kaya turuan mo naman akong lumangoy."

                "Sige na nga. Pero sa isang kundisyon." Siya rin ang humingi ng pabor.

                "Ano 'yun."

                "Akin na lang yung pellet gun mo at yung suot mong short kahapon."

                "Bakit wala kang pambili?" tanong ko.

                "Mahirap lang kami. Saan naman ako kukuha ng pambili ko ng baril-barilan kung pati nga pangkain namin ay araw-araw namin pinagtratrabahuan." Bumuntong-hininga siya.

                Nakaramdam ako ng awa. Kaya pala amoy sabong panlaba siya at iyon ang ginagamit niyang sabon kanina at butas-butas ang suot niyang sando at short. Hindi lang kasi ako mahilig mamintas kaya hindi ko binigyang pansin iyon. Ngunit dahil sa sinabi niya ay alam kong naghihikahos siya sa buhay. Pinalaki kami ni Daddy na bawal mamintas at manghusga. Kkailangan naming igalang ang ibang tao anuman ang kanilang katayuan sa buhay dahil siya daw mismo ay galing din sa hirap. Hindi dahil daw mas may kaya kami sa iba ay mas angat na an gaming pagkatao. Lahat daw ng tao, sabi ni Daddy pantay-pantay sa mata ng Diyos.

                "Deal ako diyan. Sige turuan mo akong lumangoy at ibibigay ko ang pellet gun ko sa’yo kasama ng mga maraming bala. Bibigyan din kita ng mga damit ko.”

“Damit mo? Pambabae?” tumawa siya.

“Luh? Choosy? Di ako nagdadamit pambabae ‘no?.”

“Bakit hindi? E di ba nga babae ka?”

“Oo pero, panlalaki nga halos lahat ng damit ko.”

“Tomboy ka?”

“Hindi.”

“Oh bakit panlalaki mga damit mo saka bakit baril barilan ang mga laruan mo?”

“Bakit, e sa gusto kong laruin yun. Andami mo namang sinasabi. Ano, turuan mo akong lumangoy?”

“Di ba nga sinabi ko nang oo? May deal na nga tayo e.”

“Ayos, magdadala rin ako bukas ng miryenda natin."

                “Wow talaga? Gusto ko ‘yan.” Ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Itinaas ko ang palad ko para mag-aapir kami. Nakipag-apiran siya. Nang ina-apir niya ako ay hinawakan ko ang kamay niya sabay sabing..."Cross my heart!”

Kumunot ang noo niya. Nagtataka kung anong meron.

“Ano sasagot mo?" tanong ko. Nakita kong lalong kumunot ang kanyang noo.

                "E, ano ba dapat ang isasagot ko?"

                "Dapat kapag mag-apir tayo, hawakan natin ang kamay nating ganito ta's yung mga hinlalaki natin ay magtatagpo sa gitna. Kung sasabihin kong cross my heart, ang sasagot mo naman ay hope to die!"

                "Sus! Dami namang kaartehan!"

                "Hindi arte 'yun, dapat may sarili tayong paraan kapag nag-aapir, kasi tropa na nga tayo. Magkaibigan! Ayaw mo ba akong kaibigan?"

                "Ikaw? Gusto mo ba akong kaibigan?" balik tanong niya.

Tumango ako. “Bakit ikaw, ayaw mo?

"Kasi naalangan ako sa'yo. Bukod kasi sa babae ka, mukhang mayaman ka pa."

                "Gusto kitang kaibigan. Kung nagkataong payag kang tropa tayo, ito na pinakamasayang bakasyon ko dito kasi sa tuwing umuuwi kami dito nina Daddy. Kaya naman ayaw ko rito umuwi kasi wala akong makalaro e. Ano, barkada na tayo?"

                “Hindi ko alam.”

“Labo mo naman. Bakit ba ayaw mo?”

“Kasi nga babae ka.”

                “Andami kong tropang lalaki sa Manila pero hindi sila ganyan umarte.”

                “E, sa Manila ‘yon. Iba kasi dito sa probinsiya.”

                “So, ano? Ayaw mo nga?”

Huminga siya ng malalim. "Sige na nga. Ako pa ba tatanggi?"

                "Ayos!" tinaas ko ang kamay ko at nakipag-apir. Ngayon marunong na siya. Hinawakan niya na rin niya ang apat na daliri ko at nagsalubong na aming hinlalaki.

                "Cross my heart." Sabi ko.

                "Hope to die," nahihiya niyang sagot. "Tara na, ihatid na kita bago lumubog ang araw."

                Habang naglalakad kami ay tahimik lang siyang parang may malalim na iniisip. Nilingon niya ako. Ngumiti. Ngumiti rin ako.

                "Para hindi ka mapagod at mainip, magkuwento ka sa akin ta's mapapansin mo na lang nasa punong malaki na tayo."

                "Anong ikukuwento ko, dude."

                "Dude?" tanong niya. “Anong Dude e, Dindo nga ang pangalan ko.”

                "Ano ka ba. Iyon ang uso na tawagan ng mga magtrotropa sa Manila. Dude. Kaya iyon na rin ang tawagan natin dapat… dude!"

                "O, siya magkuwento ka na kahit na ano, dude!"

                "Yun e! hahaha!" Natawa lang talaga ako. Napailing siya, parang nakokornihan.

                Tama siya, hindi nga ako nakaramdam ng pagod kahit halos kalahating oras na yata ang nilakad namin. Hindi ko akalain na nakalayo na rin pala ako kanina. Nang marating namin ang malaking puno ay palubog na ang araw.

"O pa'no dude. Bukas na lang tayo magkita ng tanghali doon sa may sapa.”

“Sige, basta usapang lalaki yan ah?”

“Lakas mong makapagsabi ng usapang lalaki e babae ka naman.”

“Paulit-ulit ka sa babae e. Sige na nga!” nairita ako. Tumalikod.

“Hindi ka na ba mawawala pagpunta mo doon o susunduin pa kita rito?"

                "Huwag na, natandaan ko na kanina nang nadaanan natin pabalik dito." Asar ko pa ring sagot. Tumaas nga ang boses ko e.

                “Ano ‘yan, galit ka ba?”

                “Paulit-ulit ka kasi sa babae e.”

                “Sige na hindi na.”

                “Sige na, umuwi ka na.”

                “Uyy eto naman nagtatampo agad.” Kinalabit ako.

                “Sige na nga, hindi na nga ako magtatampo, basta bukas dude ha?”

                Ngumiti siya. Kinindatan ako. "Dude..." napapailing at ngumingiti. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o naninibaguhan lang siya sa tawagan namin.

                Tinaas ko ang kamay ko. Sinalubong niya ang apir ko.

                "Cross my heart, dude"

                "Hope to die!"

                Pero dinagdagan ko na ang simpleng apir lang namin. Hinila ko siya at nagtagpo ang aming mga balikat.

                "May ganun din?"

                "Oo, pandagdag kapag nagpapaalam tayo sa isa't isa, dude."

                Nakangiti siyang kumaway sa akin bago siya tuluyang nilamon ng kagubatan.

                May kung ano sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. Umiibig na ba ako?

Related chapters

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 6

    Pagdating ko sa bahay ay wala si Daddy.“Oh, saan k aba nagsusuot kang bat aka. PInakaba mo kami,” salubong ni Lola sa akin. Napakamot pa ng ulo. Hindi naman galit pero hindi natutuwa.“Asan po si Daddy ‘La?”“Hayun, umalis. Hinahanap ka kasama pa ng Lolo mo.”Nang narinig ni Mommy ang pag-uusap namin ni Lola ay lumabas si Mommy. Tulad ng nakagawian, bunganga na naman ni Mommy ang sumalubong sa akin. Katulad ng ginagawa niya sa Manila kung late na ako umuwi dahil sa pagco-computer kasama ng mga tropa kong kapit-bahay namin. Sanay na ako doon kaya nilambing-lambing ko siya dahil alam kong kapag ginagawa ko iyon ay nawawala na ng kusa ang galit niya sa akin. "Saan ka ba nagpuntang bata ka! Pinag-alala mo kami ah! Anak naman, babae ka at hindi lalaki!" agad na tanong ni Daddy pag-uwi niya. Halatang galit. "Dad, ang ganda pala doon sa may batis na may maliit na falls.”“Paano ka nakarating doon? Ang layo na no’n dito? O, paano kung natuklaw

    Last Updated : 2024-02-20
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 Nagsimula kaming lumusong sa tubig. Unang ginawa niya ay pinasakay niya ako sa dalawang bisig niya. Kailangan ko daw magrelaks at matutunan kung paano ang tamang pagkampay ng kamay na sinasabayan ng pagkilos ng aking mga paa para hindi ako lulubog sa tubig. Nang nasa malalim na kami ay binitiwan niya ako ngunit hindi siya lumayo. Nagpanik ako ng alam kong unti-unti na naman akong malulunod. Bigla ko siyang hinawakan sa leeg at niyakap at dahil sa takot ay nagtama ang aming mga bibig. Hindi niya inilayo ang labi niya sa aking labi. Naramdaman ko ang paggalaw niyon na parang medyo kinagat pa niya ang pang-ibabang bahagi ng aking labi. Ako man din ay walang balak ilayo ang aking labi. Gusto ko ang nangyayari. Gustung-gusto ko yung pakiramdam. Bahala na kung isiping makiri ako o alembong, basta ang alam ko, maluwalhating tinatanggap ng loob ko ang kanyang halik sa akin. Kakaiba ang pakiramdam ng malambot niyang labi sa aking labi. Gusto ko ang pag

    Last Updated : 2024-02-20
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 8

    CHAPTER 8Nang gabing iyon, alam ko. Kung puppy love man ang nararamdaman ko kay Dindo, iisa lang ang ibig sabihin no'n. Babae nga ako. Hindi ako tomboy tulad ng sinasabi ng mga tao. Gusto ko yung nararamdaman ko pero hindi pa ako handa. Pero paano ko nga ba iyon mapaglalabanan kung ang tanging alam kong ikinasisiya ko ay ang makita siya at makasama? Nang pangatlong araw ng aming pagkikita ay tinuruan na niya ako magdive. Nang una natatakot ako. "Sige na. Sabay naman tayong tatalon e." "Kahit pa sabay tayo. Natatakot ako! Paano kung hindi na ako lulutang?" "Paanong hindi ka lulutang?”“E kung may bato diyan o kaya nakausling kahoy.”“Wala, di ba nilalangoy natin ‘yan?”“Kahit na, natatakot pa rin ako ‘no.”“Sige para hindi ka matakot. Magkahawak tayo ng kamay na tatalon." "Sige!" Ngunit bago kami tumalon ay mabilis ko siyang niyakap dahil sa takot. Nakayakap na rin siya sa akin bago namin n

    Last Updated : 2024-02-20
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 9

    CHAPTER 9Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa silong ng puno. Madilim-dilim pa ay naroon na ako. Si Lolo at lola palang nga ang gising no'n kaya para hindi nila ako makita ay dumaan ako sa likod bahay ng patago. Nakadama ako ng takot lalo pa't madilim-dilim pa nang tinatalunton ko ang madamong daan papunta sa puno pero dahil sa excitement ay tuluyang natatabunan ang aking naramdamang takot at pagkabahala.“Bakit wala pa siya? Kapag ganitong usapan, laging antagal niya!” napakamot ako ng ulo sa inis at inip sa kahihintay.Sumakit na ang puwit ko sa kauupo at ang aking leeg sa kalilingon pero hindi pa siya dumadating. Pasikat na din ang araw. Tumayo na ako. Bahala siya. Kung hindi siya marunong tumupad sa usapan e, di huwag. Naglalakad na ako pabalik ng bahay nang marinig kong may sumisipol. Sipol na parang sa ibon ko lang naririnig. Nilingon ko. Naroon na siya. Ngumiti ako."Dude! Okey ka na?" masaya kong bati sa kaniya habang mabilis akong lumapit sa kitatayuan niya. Tinaas ko ang

    Last Updated : 2024-02-20
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 Mabilis na dumaan ang araw. Masakit man pero kailangan kong iwaglit si Dindo sa utak ko. Kung wala akong ginagawa, naiisip ko siya at nalulungkot ako. Kung naglalaro kami ng computer kasama ng mga tropa ko, ni kahit isang saglit hindi siya pumapasok sa utak ko. Kaya para hindi ko siya maisip, naging regular na ang paglalaro ko ng computer kasama ng mga kaklase ko at kapitbahay. First year high school na ako noon nang tuluyan na akong nawili sa paglalaro sa computer. Iba kasi ang naibibigay sa akin na excitement ng paglalaro. Lalo na kung nananalo na ako. Pagkatapos ng klase ay diretso na agad kami sa computer shop para maglaro kasama ng mga kaibigan kong lalaki at tomboy. Sa paraang gano'n ay nawawala si Dindo sa isip ko. Dumating ang December at muli kaming dumalaw kina Lola at Lolo. Kakaiba ang nararamdaman kong saya noong binabagtas namin ang daan pauwi. Nagkakantahan pa nga kami nina Mommy at Claire samantalang si Daddy

    Last Updated : 2024-02-20
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 11

    Chapter 11Lubos ang nararamdaman kong saya noong makita ko siya. Tulad ng sinabi ni Daddy, baka muli kong makikita ang kaibigan ko kung kailan ay hindi ko inaasahan. Tama siya, dumating si Dindo sa panahong hindi ko inaasahan. Sa pagkakataong hindi ko siya hinahanap.Unang araw pa lang ng pasukan ngunit kaagad na akong hindi maka-focus sa mga sinasabi ng aming mga guro. Wala akong naiintindihan sa aming asignatura. Si Dindo ang tumatakbo at walang pagod sa kalalaro sa aking isipan. Lagi ko siyang tinitignan ngunit malas lang dahil nasa likod ako samantalang siya ay nasa harapan. Tanging likod lang niya ang nakikita ko at ang kaniyang pisngi. Alam kong batid niyang naroon ako sa likod. Bakit hindi man lang ako lingunin? Bakit ni hindi niya magawang tapunan ako ng kahit man lang isang mabilis na sulyap? Galit pa rin kaya siya sa akin?Kringgggg! Kringgggg! Kringgggggg!Sa wakas, recess na rin. Mabilis akong lumapit sa kanya ngunit mas maagap ang kanyang pagtayo at pag-alis. Hindi ko al

    Last Updated : 2024-02-21
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 12

    CHAPTER 12 Algebra. Kinabukasan nang nangyari ang eksena sa Biology class namin. May usapan na kung sino ang magiging highest o maka-perfect ng aming quiz ay mamimili siya sa mga nakakuha ng pinakamababang marka ng magbubura ng aming pisara ng isang buong Linggo pagkatapos ng aming klase o kaya ay sa tuwing mapupuno na ang pisara at kailangang magbura.Alam kong hindi man ako nag-aaral ngunit hindi naman siguro ang pinakabobo sa Math. Hindi man ako nakasusunod ngunit may nasagot naman siguro ako. nang bigayan na ng naiwastong papel, as expected, pinakamataas na naman siyempre si Dindo. Isa lang ang mali niya. Magaling talaga.Pinakamababa? Anim kaming 3 points lang ang score. Anim kami. Ako dude niya. Malayong ako ang gagawin niyang tigabura sa blackboard. Dikit kami dati e. May pinagsamahan kaya malayong ako ang aatasan niya sa pinakaayaw kong gawain.Pero nadgdagan ang pagkairita ko sa kanya. Ang pinili sa aming anim na magbura? Ako. Ako pa rin ta

    Last Updated : 2024-02-21
  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 13

    CHAPTER 13 "Imbes na igugol natin sa pagrereview o pagbabasa sa next na subject natin ang oras na wala ang teacher natin sa first period ay mas pinipili pa ninyong makinig diyan sa walang kuwentang jokes ni Ancheta. Baka matulad kayo diyan, kababaeng tao pero puro yabang lang kahit halos bagsak na ang mga exam." Biglang tumaas ang dugo ko. Parang lahat ng natitira kong pasensiya sa kaniya ay tuluyan nang naglaho. Masyado na niya akong pinapahiya sa mga kaklase ko. "Ano bang problema mo sa akin, ha!" singhal ko. Napatayo ako sa inis. "Problema ko sa'yo? Masyado kang mayabang! Masyado kang epal! E kung gamitin mo kaya ang yabang at kaepalan mo sa discussion natin, siguro mas bibilib pa ako sa'yo." "E, ano kung bobo ako! Inaano ba kita ha! Tinigilan na kita ah! Baka gusto mong pansinin ka lang dahil lahat ng atensiyon nila ay napupunta sa akin." "Ulol! Hindi ako ganun kababaw. Nagsisimula

    Last Updated : 2024-02-21

Latest chapter

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   FINAL CHAPTER

    FINAL CHAPTER“Go Mama.” Sigaw ng kinikilig na si Shantel."Of course! Yes!" sagot ko. Yumuko din ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sabay kaming tumayo. Nagyakapan at binuhat niya ako. Ipinaikot niya ako habang nakayakap sa kaniya. Ibinaba niya ako at pinunasan niya ang aking luha. Hinalikan niya ako sa labi. Sumabay iyon sa isang masigabong palakpakan."Tuloy na ang kasal. Double wedding!" wika niya at nag-apir sila ni Rave. Halatang planodo na pala nila ang lahat.Muling itinuloy ni Shantel at Miley ang kanilang pagkanta. Bumalik kami ni Dame sa likod para muling simulan ang aming paglalakad palapit sa aming mga minamahal.On this dayI promise foreverOn this dayI surrender my heartAko ang unang naglakad. Sumunod si Dame. Dama ko ang bawat linya ng kanta. Para akong dinuduyan sa langit. Tanging si Dindo ang nasa paningin ko habang naglalakad ako. Napakaguwapo ng aking magiging asawa sa suot niya. Idagdag pa ang kaniyang nakakikilig na ngiti. Hawig na hawig niya talaga si Ejay Fal

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 102

    CHAPTER 102Dumating ang doctor. Pinalabas kami ni Rave para maeksamin pa daw si Dindo ng maigi. Sila man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Kakausapin na dapat nila kami para taggalin ang life support ni Dindo ngunit heto’t nangyari ang isang himala. Naka-recover si Dindo sa hindi nila malaman na kadahilanan.Masaya kami ni Rave sa labas ng kuwarto ni Dindo. Yumakap siya sa akin. Hindi nga lang mahigpit dahil ayaw niyang magalaw ang sugat ko. Sunod naming pinuntahan si Dame sa kaniyang kuwarto. Mahina man si Dame nguni ligtas na siya. Nagawa na nitong itaas ang kamay niya para sumaludo sa akin nang makita kami ni Rave na pumasok sa kuwarto niya. Bakas sa mukha nina Rave at Dame ang kakaibang saya. At sa harap ko, nakita kong hinagkan ni Rave ang labi ni Dame. Tanda na iyon ng isang simula ng tapat at magtatagal na pagmamahalan.Ilang araw pa ay tuluyan ng lumakas si Dindo. Ako man din ay halos bumalik na sa normal ang aking katawan. Ako na ang matiyagang nagbabantay sa kaniya. Masaya

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 101

    CHAPTER 101Paggising ko. Huminga ako ng malalim. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog. Mabilis kong nilingon ang kama na kung saan nakahiga si Dindo ngunit wala na ang kama niya doon. Pinanghinaan na ako ng loob. Alam kong mahaba ang tulog ko. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa kinalalagyan ng kama ni Dindo. Umagos ang aking luha. Sumisikip ang aking dibdib. Ang tahimik na pagluha ay naging hagulgol. Hangga’t hindi ko na napigilan pa ang pagsigaw sa pangalan ni Dindo. Awang-awa ako sa kanya na kahit sahuling sandali ng kanyang buhay ay hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawaan. Buong buhay niya ay puro pasakit at hirap kasama na doon yung mga panahong dumating si Rave sa buhay ko. lalong nadagdagan yung sakit na kanyang dala-dalawa. Sa buong buhay niya, ako lang ang tanging niyang minahal. Ako rin pala ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Nahihirapan akong huminga. Para akong nalulunod sa matinding emosyon ng pagkawala sa akin ni Dindo.May humawak sa kamay ko. Pinisi

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 100

    CHAPTER 100Nang una ay wala pa akong naririnig hanggang sa lumakas ng lumakas ang kanilang mga sinasabi.“Tita! Tita gising na siya. Gising na si chief!” masayang nasambit iyon ni Rave.Nakita ko si Mommy sa kabilang bahagi ng kama. Hinawakan niya ang palad ko. Naroon din sa paanan ko si Claire. May luha sa kanilang mga mata ngunit nang makita ni Mommy na nagbukas ako ng aking mga mata ay napalitan iyon ng ngiti at tawa.“Sandali lang, tatawag ako ng doktor tita.” Mabilis na lumabas si Rave."Salamat sa Diyos. Salamat anak at buhay ka. Dalawang araw kang walang malay. Salamat anak at lumaban ka para sa amin ni bunso."Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti ako. Hinalikan niya ako sa noo."Anak laban lang ha. Tinawag na ni Rave ang anak. Gagaling ka. Hinidi mo kami iiwan. Hindi ko na kakayanin pang pati ikaw ay mawala sa amin ni bunso!"Noon ko lang din naisip ang lahat mula nang nabaril ako at tuluyan na akong ginapi ng kawalang pag-asa. Buhay ako. Buhay na buhay ako.Mabilis na pu

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 99

    CHAPTER 99Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Sandali akong nagising. Pinilit kong ibukas ang aking mga mata. Wala ako naririnig sa paligid ngunit malinaw kong nakita ang pagbukas din ng mga mata ni Dindo. Nahihirapan niyang inaabot ang kamay ko habang nakahiga kami magkatabing stretcher. Pilit ko ding inabot ang kaniyang kamay. Ginamit ko ang natitira kong lakas para pisilin iyon ngunit hindi ko kayang gawin. Sandaling nakita ko ang ngiti sa labi ni Dindo hanggang sa tuluyang unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata. Hindi ko nagawang mapanatili ang kaniyang mga palad sa akin dahil sa sobrang kahinaan. Nahulog ang kamay niya kasabay ng kaniyang pagpikit. Tinawag ko siya. Pinilit kong may lumabas na tinig sa aking labi ngunit walang kahit anong tunog akong mailikha. Gusto kong sabihin sa kanya na lumaban kami. Kailangan naming magpakatatag. Na nandito lang ako para sa kanya ngunit hanggang sa isip ko lang ang lahat. Hanggang sa itunulak na ng isang nakaputi ang kaniyang stretc

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 98

    CHAPTER 98Ang kanina'y makulimlim na kalangitan ay tuluyan nang bumigay. Pumatak ang ulan. Sabay ang madamdaming paggapang namin palapit sa isa't isa ang pagtawag ng pangalan ng bawat isa sa amin. Nakita ko sa kaniyang mga mata ang luha. Umiiyak siya. Ganoon din ako. Hirap akong huminga dahil sa mga tama ko sa katawan. Nagsalubong ang aming mga palad. Hindi ko na iyon binitiwan. Gusto kong maramdaman siya. Sa kabila ng nararamdaman kong hapdi ng tama ng bala ay mas gusto kong mayakap siya hanggang sa lumalaban pa kami para sa aming mga buhay. Pinilit pa rin niyang gumapang palapit sa akin. Sinikap niyang maigapang ang sugatang katawan.“Hindi, hindi tayo susuko dude ko. Hindi tayo mamatay di ba?” bulong niya. Nakita kong pinilit niya talagang tumayo pagkatapos niyang huminga ng malalim. Nang nakatayo na siya kahit pa duguan na siya ay nagawa niya akong buhatin. “Aya, dude ko… Aya. Huwag kang pipikit ha? Huwag kang bibigay dude ko.” Ang madamdamin niyang pagtawag sa aking pangalan ay

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 97

    CHAPTER 97Mga putok ng baril ang siyang hudyat para ituloy ang laban dahil nasa paligid na namin ang mga kaaaway.Kasunod iyon ng isa pang putok hanggang sa natumba ang isang rebelde na malapit sa amin."Kung ayaw ninyong umalis dito, utang na loob, gamitin ninyo ang hawak ninyong baril!" si Rave. Siya ang bumaril sa rebeldeng dapat kikitil na sa aming buhay.Ikinasa ni Dindo ang hawak niyang armas. Ganoon din ako. Nagkatinginan kami."Sigurado ka, kaya mo talaga?""Kaya ko. Ako na lang ang magsisilbing back up ninyo. Dito lang ako.”“Kahit anong mangyari ngayon, lagi mo lang tandaan na nandito ako para sa’yo. Wala akong hindi kayang gawin para sa’yo dahil mahal na mahal kita.”“Sige na, dude. Tulungan mo na sina Dame at Rave."Gumapang siya at umasinta. Alam kong hirap ang kalooban niyang kalabanin at barilin ang dati niyang mga kasamahan ngunit ginagawa na niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa akin. Noon ko lalong napatunayan kung gaano niya ako kamahal.Nakita kong maraming inasint

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 96

    CHAPTER 96“Katapusan mo na! Papatayin kita hayop ka!” sigaw ko kasabay ng kaagad kong pagkalabit sa gatilyo...Inulit ko pa, inulit ng inulit ng inulit...Ngunit walang putok...Walang bala ang lumabas. Nanlumo ako.Walang bala ang naagaw kong baril.Nagtawanan silang lahat. Lalo akong kinabahan."Ano ha? Akala mo mauutakan mo pa kami gaga!" singhal ng kumander nila.Hindi ko kailangan sagutin iyon. Hindi ko kagustuhang magkamali sa aking diskarte."Sige Jacko. Dalhin mo ang mainit na tubig na iyan at ibuhos mo sa kaniya para malapnos siyang buhay!"“Pero kumander paano naman yung usapan. Mas masarap ‘yang kainin na hindi luto. Pwede bang matikman na muna bago lutuin ng buhay?” paningit ng dumidila-dila pang isang rebelde.“Oo nga kumander. Tirahin na muna kaya namin ‘yan.”“Tumahimik nga kayo. Kahit naman lapnos na ang balat niyan ay titirahin niyo pa rin. Mamayang gabi na lang ‘yan tirahin kapag hindi pa dumating ang kanyang tagapagligtas para bukas ng umaga, hindi na ito sisikata

  • Ang Rebelde at Ang Sundalo   CHAPTER 95

    CHAPTER 95Madaling araw nang kumulog at kumidlat. Bumuhos ang ulan. Naging dobleng pasanin ang ibinigay niyon sa akin. Malamig at tuluyan nang parang walang pakiramdam ang aking mga paa. Namamanhid na ang aking katawan. Dahil sa pagod, hirap at hapdi ng natalian kong kamay at paa, idagdag pa ang mga suntok at sipa nila sa akin ay hindi ko na kaya pang pigilan ang aking pagluha. Gusto kong ilabas ang sakit na aking nararamdaman. Ganito ba kahirap ang kailangan kong pagdaanan? Paano kung bukas nga ay hindi na ako sisikatan ng araw? Paano kung hanggang bukas wala pa rin ang aking tagapagligtas? Ngayon palang naiisip ko na ang gagawin ng lahat sa akin. Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa babuyin ako’t pagpapasa-pasaan.Isa pang nakakapagbagabag sa akin ay ang takot na maaring nasa hospital si Dindo ngayon kung hindi man siya natuluyan kanina ng mga rebelde. Bakit laging ganoon? Bakit lagi akong walang magawa kung nasa kapahamakan ang taong mahal ko? Lagi bang kailangang ako ang

DMCA.com Protection Status