Dahan-dahang hinalo ni Arianne ang isang mangkok ng mainit na lugaw gamit ang kutsara; hindi siya sumagot sa sinabi ni Mary. Hinanap ba siya ni Mark kagabi dahil pakiramdam niya ay responsable siya sa nangyari kay Arianne? Hindi alam ni Arianne na naiimpluwensyahan niya pala ang ugali ni Mark Tremont. Kung hindi handa si Mark na umuwi, sa gayon ay makakaramdam lamang siya ng pagkasuklam kahit na lumuhod si Arianne at nakiusap sa kanya. Ang balita ay nagpatuloy na kumalat sa Internet, ngunit hindi kailanman direktang nagsalita tungkol dito si Mark. Nag-donate pa siya sa isang elementarya noong Bisperas ng Bagong Taon. Hindi sinasadyang natuklasan ni Arianne ang pinakabagong artikulo habang binabasa niya ang balita. Ito ay isang larawan na lihim na kinunan noong nasa ospital siya. Nakahiga siya sa kama, mukhang maputla at walang buhay. Ang nilalaman ng artikulo ay nagtatanong kung siya ay na-ospital dahil sa karahasan sa tahanan at kung ang banayad na ugali ba ni Mark Tremont ay pa
"Hindi ka sasama kung nag-aalala ka talaga," malamig ang boses ni Mark. Nag pout sa kanya si Aery. "Aww, halika na." Tumingin si Butler Henry kay Arianne ngunit nilunok niya ang sasabihin niya. Umakyat siya at binati si Mark, "Sir." Binati siya ni Mark saka tinanong, "Inasikaso mo ba ang lahat ng gawain sa bahay?" "Opo, nasweldohan sila nang naaayon sa trabaho nila," sagot ni Butler Henry. Kumuha si Mark ng isang kard at iniabot kay Butler Henry. "Para sayo, salamat sa lahat ng pagsusumikap mo sa taong ito." Ginawa ito ni Mark bawat taon; siya ay napaka mapagbigay sa kanyang mga tagapaglingkod. Hindi ito tinanggihan ni Butler Henry. "Ito ang trabaho ko." Mabilis na inihain sa mesa ang pagkain. Naupo sa hapag si Mark kasama si Aery. Hindi sinasadyang ibinaba ni Arianne ang kanyang ulo at sinubukang hindi tumingin sa kanila. Umupo sila sa tapat lamang niya. Ito ay parang... siya ay isang outsider...“Ang mga magulang ko ay nagbakasyon sa ibang bansa. Halos mabaliw ako sa s
Bumagsak ang puso ni Aery. Bihira niyang makita si Mark na mukhang seryoso at nakakatakot ito. Hindi maintindihan ni Aery kung bakit hindi iiwan ni Arienne si Mark kahit hindi niya ito mahal. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ayaw ibigay sa kanila ni Mark ang kanyang mga bendisyon kahit na parang wala siyang pakialam sa kanya. Ito ba ay dahil sa kanyang pride bilang isang lalaki? Kung magpapatuloy ito, siya ay magpakailanman maging lihim na kabit ni Mark. Ang hinahangad niya ay maging si Mrs Tremont. Nakuha ito ni Arianne nang walang kahirap-hirap, ngunit hindi niya ito pinahahalagahan. Hindi mapigilan ni Aery na magalit sa pag-iisip nito. Habang si Mark ay nagtatrabaho sa study room, si Aery ay lumusot sa kanyang kwarto upang maligo. Pagkatapos ay kinuha niya ang isa sa silk na pajama ni Arianne at isinuot ito. Mukha siyang mistress ng bahay, lumakad siya papuntang sala at buong pagmamalaki na inutos kay Butler Henry, "Ihanda mo ang guest room." Nanatiling nakatayo si Butle
Bumangon si Arianne at umakyat sa taas, ngunit huminto muli nang nasa harap siya ng kwarto ni Mark. Habang nag-aalangan si Arianne, itinulak ni Butler Henry ang pintuan, na walang iniiwan oras para sa kanya na ihanda ang kanyang sarili. Muli niyang iniwas ang kanyang tingin mula sa kwarto. Ano ang magiging reaksyon niya kung may nakita siyang hindi dapat makira? "Sir, hindi maayos ang pakiramdam ni madam, kailangan niyang magpahinga ngayon. Sana ilagay na ang hindi gaanong mahalaga bisita sa kabilang kwarto." Ang tono ni Butler Henry ay mapagpakumbaba, gayunpaman may dala itong mabigat ng awtoridad. Si Mark ay naninigarilyo sa isang silya aa harap ng French window. Tahimik lamang siyang tumingin kay Arianne. "Sino ang tinawag mong hindi gaanong mahalaga?" Mabilis na gumanti si Aery. “Naninigarilyo pa rin si Mark dear. Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, bakit hindi ka matulog sa guest room, big sis?" Walang sinabi si Arienne. Si Mark lang ang tinignan niya. Dahan-dahan si
Napagkamalan ni Mark ang pagkalito ni Arianne sa pag-asang magkita pa sila ni Will. Lalong lumakas ang galit sa kanyang mga mata. Mahigpit niyang sinara ang kanyang kamao bago niya ito unti-unting binuka, umalis siya at hinampas ang pintuan sa kanyang likuran. Habang ang kanyang sasakyan ay nag-drive palayo sa Tremont Estate, umupo si Arianne sa malamig na sahig at nakatalikod siya sa tabi ng kama. Niyakap niya ang kanyang mga binti at ibinaon ang mukha sa kanyang tuhod. Siguro, mawawala ang kalungkutan na nararamdaman niya sa pagiging mag-isa na naman... Bumalik si Mary makalipas ang tatlong araw. “Ari, bakit pinili ni sir na mag-business trip nitong New Years Eve? Hindi mo ba sinubukan sabihan na isantabi muna ang trabaho nang kaunti? Nalulungkot ka siguro ngayon dahil iniwan kang mag-isa lang." Naupo si Arianne sa sofa at hindi siya sumagot. Bigla nalang nag ring ang phone niya. Ito ay isang mensahe na pagbati mula kay Eric, at isang holiday bonus na kasama nito. Hindi tinan
Bago pa siya makabalik sa kanyang normal na sarili, sumugod si Mark sa kanya at nilapit ang kanyang labi. "Hindi ako papayag. Hindi ka pwedeng umalis! Bawal kang umalis sa paningin ko!" paos na bulong ni Mark Tremont. Ang kanyang labi ay humihimas sa labi ni Arianne.Gustong ipaliwanag ni Arianne na pupunta lamang siya sa lugar na ito makapagpahinga at masiyahan sa art exhibit, ngunit hindi binigyan ng pagkakataon ni Mark si Arianne na makapagsalita. Napansin niya na si Mark ay may sakit, at ito ay medyo malubha na din. Medyo nagkagulo ang isipan ni Mark. Sa paghawak ni Mark sa kanya, nawalan siya ng paraan para lumaban pa. Pagkatapos, nang malapit na siyang mawalan ng hininga, tuluyang iginalaw ni Mark ang labi niya sa leeg ni Arianne... Huminga ng malalim si Arianne at hinabol niya ang kanyang hininga. "Mark ... May sakit ka, pumunta tayo sa ospital ... Itigil mo ito..." Hindi siya pinansin ni Mark na para bang hindi niya ito narinig. Lumabo ang isipan ni Arianne. Sa huli,
Bumaba si Arianne sa kama, tiniis ang sakit na naramdaman niya. Kinuha niya ang damit niya at tumungo sa banyo para magpalit. Sa oras na makalabas siya, tapos na si Mark sa pag-iimpake at naghihintay na ito pintuan. Tumitig ng masama si Mark sa kanya nang mapansin niya ang medyo hindi pangkaraniwang paglalakad nito. Ang kanyang ekspresyon ay naging malamig din, at ang kanyang mga saloobin ay hindi mawari. Patuloy na nakakatulog si Arianne sa eroplano ngunit natatakot siyang hawakan si Mark kung makatulog siya. Masasabi niya na bad mood si Mark. Hindi niya ito kinausap tungkol sa walang paalam na pagpunta ni Arianne sa Ayashe. Sa kanyang pagbalik sa Tremont Estate, agad na bumalik si Mark sa kanyang banyo upang maligo. "Kailan siya umuwi?" Mahinang tanong ni Arianne kay Mary. Blangko ang titig sa kanya ni Mary. “Hindi pa talaga bumalik si Sir. Kararating lang niya lang ngayon." Nararamdaman ni Arianne na medyo nainis siya. Hindi niya dapat sinabi kay Eric ang tungkol sa kanyan
Hinubad niya ang jacket at naghugas ng kamay bago bumalik sa kwarto. Inamoy pa niya ang sarili niya para suriin kung may natitirang baho sa kanya, natatakot na baka magalit si Mark kung mabaho siya. Ang kanyang pag-iingat ay naitatag mula noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Sumalubong sa kanya ang mahinang amoy ng tabako nang buksan niya ang pinto. "Ano 'yon?" nakakunot siya nang magtanong. Nakatayo si Mark sa harap ng French Window, habang nakatingin siya sa snow. Ang kanyang light grey tailored suit ay bagay sa kanyang matangkad at tuwid na pangangatawan. Kahit ang kanyang likuran ay kaakit-akit. “Ang kumpanya ay magkakaroon ng isang fashion show six o'clock ngayong gabi. Ang mga disenyo mo ay nandoon. Pwede kang pumunta kung gusto mo.” Ang kanyang mga disenyo? Ang nag-iisang disenteng design na nagawa niya ay ang mga wedding gown designs na kinamuhian ni Mark, hindi ba? Ang mga finished products ay napakabilis na nilabas. "Pupunta ako," masayang sagot ni Arianne.