Tumango si Arianne. Umalis siya sa kusina saka pumasok sa sala. Kasabay nito, bumalik si Lola Wynn na may dalang mga bag na puno ng mga damit pambata at mga maternity products.“Arianne! Halika at tingnan mo ito. Tingnan mo kung may nakaligtaan akong bilhin na maaaring kailangan mo. Tumulong din ako noon sa paghahanda ng lahat ng mga bagay na ito para sa tita mo noong buntis siya, kaya mapagkakatiwalaan mo ako dito," sabi nv matanda. "Kita mo ba ito? Maghintay ka lang, magagamit mo ito sa susunod. Tingnan ang mga damit ng baby na pinili ko, lahat ng mga ito ay gawa sa mga premium na materyales."Bago ang lahat ng ito, kilala lamang ni Arianne ang kanyang lola bilang isang makulit na bully na nabigong ibigay ang anumang pagmamahal o kabutihan sa kanyang kamag-anak. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, halos maluho siya sa kabutihan ng kanyang lola."Lola... Na... Naniniwala ka talaga na may pagkakataon akong maging isang nanay?" Mahinang tinanong ni Arianne sa kanyang lola.Nag-alangan
Isinara ni Mark ang pintuan at sa loob ng ilang sandali, ang hangin ay tahimik pa rin.Nagsimula siyang magsalita, "Tinanong ko na ito sa doktor; hindi siya sigurado na makakaligtas ka rito. Posible na may mangyaring masama at hindi iyon ang gusto kong mangyari para sayo. Sa akin, mas mahalaga ka kaysa sa iba pang bagay sa ilalim ng araw, naiintindihan mo ba? Tama ka, umaamin ako na marami akong ginawang masamang bagay sa buhay ko, pero makinig ka sa akin - kahit na totoo na hindi ka pwedeng maging isang ina, pero walang kahit sinong babae sa mundo kayang pumalit sayo, kaya hindi importante sa akin kung hindi kaya ng katawan mo na dalhin ang isang sanggol. Kaya please lang, ipahinga mo ang puso mo. Ikaw lang talaga ang inaalala ko mula pa noon. Dahil doon, kaya kong isuko ang buhay ng anak ko para lang maligtas ang buhay mo."Nanindigan si Arianne sa kanyang desisyon at walang kayang tumibag sa mga pader na itinayo niya. "Sinabi ng doktor na 100% ang tsansa na magkaroon ka ng kompli
Mabilis na sumagot si Tanya, "Para sa trabaho na ito; Ako ang tao para dito! Ako ang naglilinis sa bahay at sa café ni Arianne na walang bahid araw-araw, kaya maaasahan mo ako!"Makalipas ang ilang sandali, tinawagan ni Arianne ang masayang babae nang malaman niyang kararating lang nito sa capital. Masaya rin na sinabi ni Tanya ang lahat mula sa kanyang bagong trabaho sa kanyang bagong tirahan nang walang pagkabigo bago siya matapos sa kanyang kwento, "Kaya, Ari, hindi ka dapat mag-alala. Nakakuha ako ng trabaho bilang isang janitor sa kumpanya ni Eric at mananatili ako sa bahay niya hanggang sa makahanap ako ng isang kwarto o bahay para sa sarili ko. Dapat ituon mo ang atensyon mo sa pag-aalaga ng sanggol at huwag kang mag-alala tungkol sa akin, okay?… Oh! Kung may libreng oras ka.pa, sana ay magkita tayo!"Hindi alam ni Arianne kung pwede siyang lumabas; lalo na't alam niya kung gaano kahigpit ang stay-at-home order ni Mark - ipinagbawal rin siya nito na maglakad-lakad sa labas ng
Lalong natawa si Arianne nang marinig niya ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Zoey. Gusto lamang niyang dalhin pauwi ang matandang babae para makakuha siya ng pero paminsan-minsan. Hindi siya tanga. Bukod pa doon, siya lang ang taong pwedeng awayin si Helen. Ang babaeng kaharap niya ay hindi karapat-dapat na gawin ang mga bagay na ito. Inilayo niya ang kanyang kamay at makikita na wala siyang emosyon sa kanyang mukha, "Kinakausap ako ng nanay ko. Alam ko kung nasaan siya. Meron akong sariling pamilya, kaya't hindi mo talaga dapat alalahanin ang sarili mo doon. Hindi ako papayag na dalhin mo pauwi si Lola. Pwede mo siyang tanungin kung hindi ka naniniwala sa akin."Napagtanto ni Zoey na mahirap harapin si Arianne, kaya wala siyang pagpipilian kundi subukang akitin ang matandang babae na sumama sa kanya, "Ma, alam ko na hindi mo hahayaan ang isang bata na magalit sa akin ng ganito. Kahit na marami akong nagawang masama, anak mo pa rin ako. Umuwi ka sa akin.”Lalong nainis ang mat
Yumuko si Henry at ibinulong niya ang kanyang sagot. Diretsong umakyat sa hagdan si Mark at naging maingat siya sa kanyang mga hakbang, takot na gisingin niya si Arianne.Naglakad siya papasok sa kwarto at pumunta sa kama upang suriin si Arianne. Nakumpirma niya na natutulog ng mahimbing si Arianne, kaya nagpalit siya ng damit at pumunta sa study room.…Kinagabihan, hinintay ni Tanya na makalabas ng trabaho si Eric bago siya sumunod sa kanya sa bahay.Mag-isa lang si Eric sa kanyang buhay, kaya mabilis niyang sinabihan si Tanya, "Ang bahay ko ay medyo magulo, at kadalasan ay nasa opisina ako. Hindi ako umuuwi minsan, kaya nililinis lang ito ng temporary housekeeper ng isang beses sa isang linggo."Tinapik ni Tanya ang dibdib niya, “Huwag kang mag-alala. Ako nang bahala sa bahay simula ngayon. Sisiguraduhin kong maayos at malinis ito! Hindi mo na kailangang sayangin ang pera mo sa isang temporary worker!"Pilit na ngumiti si Eric, "Hindi iyan ang ibig kong sabihin… Sinasabi ko la
Tatawagan pa lang sana niya si Tanya nabg biglang may kumatok sa pinto. Binuksan niya ito at laking gulat niya. Dala-dala ni Tanya ang mga ingredients, mula ulo hanggang paa. Gayunpaman, nanatili siyang nakangiti pa rin, "Pasensya na. Naligaw ako kaya late na ako nakauwi. Umuulan nga pala sa labas…"Kinuha ni Eric sa kanya ang mga grocery bag, “Umakyat ka at magpalit. Huhugasan ko ang mga gulay."Bumahing si Tanya, "O-okay, bibilisan ko ang kilos ko."Makalipas ang ilang sandali, dumating na si Tanya na handa at malinis ang itsura. Inilabas niya ang mga gulay mula sa mga grocery bag, "Ako na ang magluluto nito. Umupo ka lang diyan. Maluluto na ang hapunan sa lalong madaling panahon."Tila nakakahawa ang kanyang optimism. Ngayon lang nakakita si Eric ng isang malakas na babae, "Bakit hindi mo ako tinawagan noong naligaw ka? Umuulan pa sa labas. Pwede naman akong mag-maneho para sunduin ka. At saka, ang grocery shop ay medyo malayo, hindi ba? Hindi mo ba alam kung paano pumara ng tax
Lumalalim na ang gabi. Ayaw nang makipag-lokohan ni Tiffany sa kanya. Bumalik siya sa kwarto at nakatulog kaagad siya nang pumatong ang ulo niya sa unan. Isang malalim na kaligayahan ang binibigay kapag nabubusog ang isang tao sa pagkain at kapag nakakatulog ng maayos pagkatapos ng isang mahabang araw sa trabaho.Gayunman, determinado si Jackson na hindi niya bibigyan ng anumang kapayapaan si Tiffany. "May kailangan pa tayong gawin."Malapit nang magwala si Tiffany. "Ang mga tao ay kailangang maging relaxed kapag sinusubukan nilang mabuntis, tama ba? Pagod na pagod ako araw-araw. Kahit na mabuntis man ako, hindi naman magiging malusog ang bata. Gusto ko lang matulog. Magpakabait ka!"Paano mapapa-kalma ni Jackson ang kanyang sarili? Hindi siya tumigil at patuloy niyang sinubukan na akitin si Tiffany. "Huwag ka namang ganito... Tinigil ko na ang paninigarilyo at ang kakainom ng alak, pero ngayon sinasabi mo sa akin na pakalmahin ang sarili ko? Hindi ko kayang gawin ito. Kung napapago
Nanatili si Arianne sa bahay sa mga nakaraang araw. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya sa sobrang pagkainip. Sa pagkakataon na ito ay mas masaya na siya dahil nandito na sina Tiffany at Tanya.Si Tiffany ay nagdala ng dalawang uri ng pagkain - mga pagkain na maasim at maanghang. “Ari, mas mahilig ka ba sa maasim o maanghang na pagkain? Ayon sa mga kwento noon, kung ang babae na gustong mabuntis ay mahilig sa maasim na pagkain, ang sanggol ay magiging isang lalaki. Kung ang babae naman ay gusto ng mga maanghang na pagkain, ang sanggol ay magiging isang babae."Umiling si Arianne. "Wala akong ganang kumain. Nahihilo ako nitong mga nagdaang araw at wala talaga akong ganang kumain. Madalang akong kumain. Kailangan kong umalis para sa mga check up ko sa bawat kalahating buwan, at iyon lang ang tanging araw na makalabas ako ng bahay. Mamamatay ako sa sobrang pagkainip, pero natatakot akong lumabas. Parang nawawalan ako ng kaluluwa sa tuwing naiisip ko na ikukulong ako sa bahay na ito han