Lumapit si Tanya sa tainga ni Naya at maingat na tinanong, "Naya, base sa mga kasalukuyang nangyayari, sa palagay mo ba ay malapit nang magsara ang dessert shop? Si Ari ay si Mrs. Tremont pa rin. Kailangan niya pa rin bumalik sa marangyang buhay niya kahit papaano…"Napahinto si Naya at napa-isip, pagkatapos ay sinabi niya ang kanyang saloobin, "Nabanggit ni Ari na hindi niya kailanman naisip na umalis. Magandang balita naman kung babalik siya sa capital. Ayaw mo ba na ayusin niya ang kanyang kasal? Hindi natin ito kailangang pag-isipan pa ng sobra hangga't ang shop ay nakatayo pa rin. Kahit na magsara ang shop, ang tanging inaalala ko lamang ay ito ay masasayang kung ito ay tatalikuran. Pwede pa rin naman tayong maghanap ng bagong trabaho. Huwag mong isipin ito."Umiling si Tanya, "Siyempre, gusto kong ayusin ni Ari ang kasal niya. Hindi ko masyadong iniisip ito. Nagtatanong lang ako. Wala na ang lolo ko ngayon ... Mag-isa na lang ako sa buhay ko ngayon. Haharapin ko na lang ang baw
Inabot ni Tiffany ang isang bote kay Aye, “Ito, patas na tayo, okay? Maliit ang mga boobs mo. Dapat kang uminom ng mas marami pa nito, baka lumaki sila kapag may ganito ka."Hinampas siya ni Aye sa sobrang hita, “Tumigil ka nga! Siya nga pala, mukhang okay ka nitong mga nakaraang panahon ah. Pareho naman tayo ng sahod, pero mukhang magaganda ang binibili mo para sa sarili mo. Palagi kang nakasuot ng iba`t ibang damit at nagdadala ng iba't ibang bag araw-araw. Ang relo na suot mo ay nagkakahalaga rin ng libo-libo. Hindi ka naman isang mayaman na babae, pero hindi malabo na maituring ka bilang isang yuppie."Hindi sumagot si Tiffany. Sa kanyang nakaraang kumpanya, kumalat ang mga tsismis tungkol sa kanya dahil lamang sa bitbit niya ang isang handbag na nagkakahalaga ng ilang sampung libong dolyar. Na-trauma siya kaya ngayon ay pinigilan niya ang kanyang sarili na gawin ang parehong pagkakamali sa kumpanya ni Jackson. Nagbihis siya ng average at ginamit ang pinakamurang relo na meron si
Makikita na parang nasaktan si Aye, "Akala ko malapit na tayo sa isa't isa. Natatakot ka bang malaman ko kung saan ka nakatira? Plano kong imbitahan ka sa isang shopping trip ngayong weekend. Nalulungkot naman ako. Tinatrato kita bilang isang kaibigan, pero parang nakikita mo lang ako bilang isang kasamahan!"Kabado na tumingin si Tiffany sa paligid, takot na baka biglang sumulpot si Jackson. Malalaman ng buong opisina ang tungkol sa kanila kung nalaman ito ng isang madaldal na tulad ni Aye. Malalaman ng lahat na siya ang kanilang magiging lady boss. Sinungitan niya na lang ito, "Bakit naman ako matatakot?"Isinulat niya ang kanyang address.Bigla namang umilaw ang mga mata ni Aye, "Parehas tayo ng dadaanan! Ang bahay ko ay nasa maliit na neighborhood na katapat mismo ng bahay mo. Ang iyong bahay ay nasa mas mamahaling lugar kumpara sa akin. Alam kong mula ka sa isang pamilyang yuppie!"Hindi ito inasahan ni Tiffany na mangyayari. Paano nangyari ito? Nangangarap si Tiffany na dumati
"Huwag kang mag-alala," kaawa-awang sinabi ni Jackson, "Hindi naman ako hayop. Hindi lang iyon ang nasa isip ko. Gusto ko lang matulog kapag pagod ako. Gusto ko lang yakapin mo ako at matulog nang kasama ka.”Hindi naniniwala si Tiffany sa kanya. Sinungaling ang lahat ng mga tao. Nagiging halimaw si Jackson kapag silang dalawa lang ang magkasama. Gagawin niya ang lahat ng gusto niya kay Tiffany bago siya makatulog.Nang makarating sila sa White Water Bay Villa, naligo si Tiffany bago siya dumiretso sa kama. Gayunpaman, takot na takot siyang matulog dahil sigurado siyang gusto ni Jackson na lamunin siya ng buo. Kailangan niyang hintayin na matapos niya ang kanyang ginagawa bago siya matulog.Nagulat siya dahil walang ginawa sa kanya ang lalaking ito. Niyakap lang siya nito at humiga. Naisip ni Tiffany na mapapasaya niya si Jackson pagdating sa pakikipagtalik. Mas malaki pa ang naibigay sa kanya ni Jackson kumpara sa ibinigay niya sa lalaking ito, kaya hindi niya ito karaniwang tinata
Nagsimula ang kanilang araw sa pagpasok sa opisina para magtrabaho.Sinampal ng mahina ni Tiffany ang mukha niya nang makaupo siya. "Gising na!"Tinapik ni Aye ang kanyang dibdib dahil sa kanyang pagkabigla. "Gusto ko lang sanang mag ‘hi’ nang makita nang makita ko kayo ni Mr. West at nakalimutan ko na siya ang boss natin. Na-late tayo sa harap ng boss natin at sobra akong natakot dahil doon...”Walang masabi si Tiffany sa pangyayaring ito. Sa katunayan, hindi niya kasalanan na nahuli siya sa oras ng trabaho. “Tigilan mo na ang pagtapik sa dibdib mo at flat naman ito tulad ng dibdib ko. Wala nang maiiwan sayo kung patuloy mong gagawin iyon. By the way, hindi ka pa nag-agahan di ba?"Hinaplos ni Aye ang kanyang tiyan at kaawa-awang sumagot, "Wala pa akong nakakain. Mag-oorder ba tayo ng takeout? Sa entrance na lang tayo kumain mamaya. Mapagalitan tayo kung kakain tayo dito."Nagreklamo na lang si Tiffany sa kanyang sarili. Nangako si Jackson na mag-aagahan si Tiffany sa opisina kay
Nanghihina si Jackson kapag kaharap niya ang malandi at spoiled na tono ng pananalita ni Tiffany. “Okay, sige. Uuwi na tayo. Sasabihin ko na sayo ngayon na ikaw ang pipigil sa akin kapag nawalan ako ng kontrol. Mas maganda kung gagamit ka ng brute force para lang pigilan ako. Ayoko ng kahit anong drama."Naging relaxed si Tiffany nang makita niyang sumuko na sa kagustuhan niya si Jackson. “Sige, mas maganda na tuparin mo ang pangako mo. Tatawagan ko si Ari. Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap."Masaya niyang sinabi ang kanyang desisyon kay Arianne sa sandaling kumonekta ang kanilang linya, “Ari, handa na akong magkaroon ng anak. Nasusuka na ako dahil parati nila akong pinagsasabihan tungkol dito. Mababaliw na ako kung hindi ako mabubuntis kaagad. Pumunta kami ni Jackson sa ospital para magpacheck-up at okay naman kaming dalawa. Sa ngayon, susubukan namin ang makakaya namin para mabuntis ako. Siguro mabubuntis agad ako sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang maging godmother ng
Kinagat niya ang labi at nananatiling tahimik. Ininda niya ang kanyang emosyon hanggang sa hindi na niya ito kinata at isiniwalat niya ang masakit na katotohanan, "Buntis… buntis ako... G*go ka! Alam mong hindi ako pwedeng magka-anak. Bakit mo ito ginawa sa akin? Alam mo ba kung gaano kasakit ito para sa akin? Nahihirapan mabuntis si Tiffie ngayon... Dapat siya ang nabuntis at hindi ako. Galit na galit ako sayo!"Binaba niya kaagad ang tawag pagkatapos niyang umitak at sumigaw kay Mark. Pagkatapos nito, tinanggihan niya ang lahat ng mga tawag ni Mark at hindi siya sa lahat ng kanyang mga text message. Tuluyan na siyang nahirapan sa sandaling ito at kailangan niya ng tahimik na oras nang mag-isa.…Sa Tremont Tower, ang opisina ng CEO.Galit na sinira ni Mark ang kanyang cellphone. Ang kanyang sekretarya na nakaupo sa labas ay nanginginig sa takot. Kumatok ito sa pintuan at sinabi, "Mr. Tremont? Okay ka lang?"Ang matindi at matapang na aura sa paligid ni Mark ay nakakakilabot sa s
"Bahala ka kung gusto mong lakasan ang apoy o hindi. Hindi masyadong malaki at masyadong maliit ang apoy kapag niluluto ito. Hindi mo malalaman kung ano ang gagawin kung ang apoy ay masyadong mataas,"Nagpatuloy si Jackson, "Ito lang ang magagawa ko para matulungan ka. Ang pinakamahalaga ay ang dami ng pampalasa. Hindi ako sigurado kung paano ito ipaliwanag sayo pero huwag maglagay ng sobra! Huwag mong lokohin ang sarili mo na hindi ito sapat.Magiging malaking pagkakamali kung hindi mo sosobrahan mo ito, lalo na kapag naglalagay ka ng asin! Kung tiwala ka sa kasanayan mo sa pagluluto, pwede kang magdagdag ng isang itlog o ilang gulay sa mga noodles. Mas magiging buhay ang kulay nito kung ganoon. Sabagay, masyadong plain kung normal na ramen lang 'yan."Naalala ni Mark ang bawat solong hakbang na binanggit ni Jackson at nagsimula siyant magtrabaho.Nagkatinginan sina Tiffany at Jackson nang marinig ang tunog ng mga clanging pot at pans sa kabilang linya. Biglang may napagtanto si Ja