Kinagat niya ang labi at nananatiling tahimik. Ininda niya ang kanyang emosyon hanggang sa hindi na niya ito kinata at isiniwalat niya ang masakit na katotohanan, "Buntis… buntis ako... G*go ka! Alam mong hindi ako pwedeng magka-anak. Bakit mo ito ginawa sa akin? Alam mo ba kung gaano kasakit ito para sa akin? Nahihirapan mabuntis si Tiffie ngayon... Dapat siya ang nabuntis at hindi ako. Galit na galit ako sayo!"Binaba niya kaagad ang tawag pagkatapos niyang umitak at sumigaw kay Mark. Pagkatapos nito, tinanggihan niya ang lahat ng mga tawag ni Mark at hindi siya sa lahat ng kanyang mga text message. Tuluyan na siyang nahirapan sa sandaling ito at kailangan niya ng tahimik na oras nang mag-isa.…Sa Tremont Tower, ang opisina ng CEO.Galit na sinira ni Mark ang kanyang cellphone. Ang kanyang sekretarya na nakaupo sa labas ay nanginginig sa takot. Kumatok ito sa pintuan at sinabi, "Mr. Tremont? Okay ka lang?"Ang matindi at matapang na aura sa paligid ni Mark ay nakakakilabot sa s
"Bahala ka kung gusto mong lakasan ang apoy o hindi. Hindi masyadong malaki at masyadong maliit ang apoy kapag niluluto ito. Hindi mo malalaman kung ano ang gagawin kung ang apoy ay masyadong mataas,"Nagpatuloy si Jackson, "Ito lang ang magagawa ko para matulungan ka. Ang pinakamahalaga ay ang dami ng pampalasa. Hindi ako sigurado kung paano ito ipaliwanag sayo pero huwag maglagay ng sobra! Huwag mong lokohin ang sarili mo na hindi ito sapat.Magiging malaking pagkakamali kung hindi mo sosobrahan mo ito, lalo na kapag naglalagay ka ng asin! Kung tiwala ka sa kasanayan mo sa pagluluto, pwede kang magdagdag ng isang itlog o ilang gulay sa mga noodles. Mas magiging buhay ang kulay nito kung ganoon. Sabagay, masyadong plain kung normal na ramen lang 'yan."Naalala ni Mark ang bawat solong hakbang na binanggit ni Jackson at nagsimula siyant magtrabaho.Nagkatinginan sina Tiffany at Jackson nang marinig ang tunog ng mga clanging pot at pans sa kabilang linya. Biglang may napagtanto si Ja
Hindi kaya ni Arianne na magalit pa kay Mark dahil inamin niya ang kanyang pagkakamali sa isang prangka na pamamaraan at maayos ang ugali niya. Sa halip, mahinahon niyang sinabi, "Hindi pwede ang 'kung'. Malinaw itong ipinaliwanag ng mga doktor. Walang paraan na mabubuhay ang bata. Palagi mo akong sinasaktan, Mark Tremont. Nagagalit ako sayo."Kahit na mahinahon ang kanyang pananalita, naramdaman ni Mark na ang mga salita niya tulad ng mga karayom na tumusok sa kanyang puso. Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi niyang galit siya kay Mark.Gayunpaman, sa oras na ito, mas masakit ito kumpara sa nakaraan. "Alam kong kasalanan ko ito, pero malaki ang tsansa na baka magbago pa ang resulta. Sa ngayon, pag-usapan natin ang dapat gawin pagkatapos ng check-up."Nawalan ng interes si Arianne na ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa sandaling naisip niya ang tungkol sa pagpunta sa ospital at ang lahat ng bagay na dapat niyang harapin. Gayunpaman, hindi siya makakaiwas dito.Tiningnan niya
Hindi masyadong naintindihan ang mga implikasyon sa likod ng mga salita ni Jackson. Nang mapagtanto na niya ito, natuwa siya at nagulat sa pangyayari na ito. Ipinagtatanggol niya ang kanyang ama. Malinaw na nag-aalala siya na baka hindi maintindihan ni Tiffany ang kanyang ama. Ito ay isang magandang sign."Alam ko, alam ko. Ang tatay mo ay may poker-face at siya ay tahimik kaya mukha siyang nakakatakot. Sa totoo lang, naging sensitibo lang ako dahil hindi mataas ang kalidad ng buhay ko ngayon. Alam ko kung gaano kahirap kumita ng pera kaya sa palagay ko hindi kinakailangan na kumuha ng isang housekeeper. Naging self-conscious lang ako noong binanggit ng tatay mo na hindi kulang sa pera ang pamilya niyo. Yun lang talaga iyon," paliwanag niya. "Alam ko na ang katayuan ko sa buhay ay mas mababa kaysa sayo at iyon ang dahilan kung bakit nagsusumikap ako para maging karapat-dapat sayo. Huwag kang mag-alala. Alam ko na ang tatay mo ay walang masamang intensyon sa nga salita niya. Naging sen
Saglit na inisip ito ng maigi ng doktor. "Ang magagawa ko sa ngayon ay ilista ang lahat ng posibleng mga komplikasyon na maaaring mangyari. Kung gusto mong dalhin ang bata hanggang sa huling term, posible naman ito. Pero mandatory ang physical examination ni Mrs. Tremont kapag apat na buwan na ang bata sa tiyan niya. Pinapayuhan ko ngayon pa lang para kay Mrs. Tremont na magpahinga hangga't maaari at iwasan na pagurin ang kanyang sarili. Kung desisyon mong magpatuloy sa pagbubuntis, kailangan naming subaybayan ang kanyang development para mabawasan ang mga komplikasyon. Sa malamang, ang bata ay premature kapag lumabas siya, pero mataas ang tsansa na mabubuhay siya." Huminto siya sandali bago siya magpatuloy, "Ang resulta ng examination ay nagpapakita na ang uterus ni Mrs. Tremont ay unti-unting gumaling. Samakatuwid, maganda ang resulta sa kanyang matris, pero ang kalalabasan nito ay nakabatay sa inyong dalawa."Sa sandaling marinig ni Arianne na may posibilidad na mabuhay ang bata, l
Tumango si Arianne. Umalis siya sa kusina saka pumasok sa sala. Kasabay nito, bumalik si Lola Wynn na may dalang mga bag na puno ng mga damit pambata at mga maternity products.“Arianne! Halika at tingnan mo ito. Tingnan mo kung may nakaligtaan akong bilhin na maaaring kailangan mo. Tumulong din ako noon sa paghahanda ng lahat ng mga bagay na ito para sa tita mo noong buntis siya, kaya mapagkakatiwalaan mo ako dito," sabi nv matanda. "Kita mo ba ito? Maghintay ka lang, magagamit mo ito sa susunod. Tingnan ang mga damit ng baby na pinili ko, lahat ng mga ito ay gawa sa mga premium na materyales."Bago ang lahat ng ito, kilala lamang ni Arianne ang kanyang lola bilang isang makulit na bully na nabigong ibigay ang anumang pagmamahal o kabutihan sa kanyang kamag-anak. Gayunpaman, sa pagkakataong ito, halos maluho siya sa kabutihan ng kanyang lola."Lola... Na... Naniniwala ka talaga na may pagkakataon akong maging isang nanay?" Mahinang tinanong ni Arianne sa kanyang lola.Nag-alangan
Isinara ni Mark ang pintuan at sa loob ng ilang sandali, ang hangin ay tahimik pa rin.Nagsimula siyang magsalita, "Tinanong ko na ito sa doktor; hindi siya sigurado na makakaligtas ka rito. Posible na may mangyaring masama at hindi iyon ang gusto kong mangyari para sayo. Sa akin, mas mahalaga ka kaysa sa iba pang bagay sa ilalim ng araw, naiintindihan mo ba? Tama ka, umaamin ako na marami akong ginawang masamang bagay sa buhay ko, pero makinig ka sa akin - kahit na totoo na hindi ka pwedeng maging isang ina, pero walang kahit sinong babae sa mundo kayang pumalit sayo, kaya hindi importante sa akin kung hindi kaya ng katawan mo na dalhin ang isang sanggol. Kaya please lang, ipahinga mo ang puso mo. Ikaw lang talaga ang inaalala ko mula pa noon. Dahil doon, kaya kong isuko ang buhay ng anak ko para lang maligtas ang buhay mo."Nanindigan si Arianne sa kanyang desisyon at walang kayang tumibag sa mga pader na itinayo niya. "Sinabi ng doktor na 100% ang tsansa na magkaroon ka ng kompli
Mabilis na sumagot si Tanya, "Para sa trabaho na ito; Ako ang tao para dito! Ako ang naglilinis sa bahay at sa café ni Arianne na walang bahid araw-araw, kaya maaasahan mo ako!"Makalipas ang ilang sandali, tinawagan ni Arianne ang masayang babae nang malaman niyang kararating lang nito sa capital. Masaya rin na sinabi ni Tanya ang lahat mula sa kanyang bagong trabaho sa kanyang bagong tirahan nang walang pagkabigo bago siya matapos sa kanyang kwento, "Kaya, Ari, hindi ka dapat mag-alala. Nakakuha ako ng trabaho bilang isang janitor sa kumpanya ni Eric at mananatili ako sa bahay niya hanggang sa makahanap ako ng isang kwarto o bahay para sa sarili ko. Dapat ituon mo ang atensyon mo sa pag-aalaga ng sanggol at huwag kang mag-alala tungkol sa akin, okay?… Oh! Kung may libreng oras ka.pa, sana ay magkita tayo!"Hindi alam ni Arianne kung pwede siyang lumabas; lalo na't alam niya kung gaano kahigpit ang stay-at-home order ni Mark - ipinagbawal rin siya nito na maglakad-lakad sa labas ng